OSS#1: Mission Failed
OSS#1: Mission Failed
Clauven's POV
"Be ready. Ilang minuto nalang at dadating na yung target mo. Standby ka muna," sabi ng boss ko over my little earpiece na malamang nakakabit sa tenga ko.
Andito ako ngayon sa isang event. Lahat ng mga famous na tao dadating ngayon at isa dun ang target kong iligpit ngayong gabi.
"Copy boss. I'm just roaming around the place, checking for some exits para mamaya," Nag-iikot ako ngayon sa lugar. It's actually bigger than I thought. 2-storey infrastructure lang ito. Sa first floor, dito gaganapin yung welcoming party na mag-iistart mamayang 9 p.m. Sa second floor naman ay bar.
"Hey, girl. Mind if we'd chat for a little bit?" a guy approached me just now. Pft, mukhang wala akong takas dito. Tsk, okay. Kakausapin ko na muna itong isa, mamaya na ako mag-iikot ulit.
"Sure," I replied. Actually naka-mask ako ngayon. I can't reveal my face here. Siya din naman naka-mask. Ewan ko ba kung bakit magsusuot ng mask yung theme nila ngayon sa event nila pero okay na din yun. Atleast, di ma-rereveal yung mukha ko.
Pinaupo niya ako sa table nila ng kasama niya. May tatlong guys along with the one I recently talked to at dalawang babae. Mas okay na may babae para di naman ako ma-op sa mga lalaki.
"Oy Klade! May nadala ka ka-agad na chicks?" manghang sambit ng isang lalaki. Ah, Klade pangalan niya.
"Chick lang, isa lang naman siya eh," sabi ni Klade. Sabay naman silang tumawa. Nakakatawa pala yun? Pft. Mga lalaki nga naman.
"Girl? Upo ka dito dali," aya sakin ng isang girl na may blond na buhok. Ang puti niya din. Curious ako sa mga mukha nila.
"Can I?" I asked politely. Syempre dapat maging polite ako sa kanila para naman di sila maghinala sa akin lalo na't I'm a stranger.
"Sure, of course. Dinala ka dito ni Kade kaya friends ka na din namin," sabi naman nung short-haired girl. Blue yung hair niya, and it's actually cool.
"Wag ka na mahiya, halika na. Let's talk about some girly things," sabi nung blond na girl. Umupo na ako sa seat na malapit sa kanila. Di pa naman magsisimula yung welcoming part ng event kasi 6 p.m pa lang. Mahaba pa oras ko.
"By the way, I'm Shane, Shane Manalo," pagpapakilala nung blond na girl. The way she talks, feeling ko she comes from a wealthy family. Sosyal ika nga nila kung magsalita.
"I'm Nisa, Nisa Marlene," sabi naman nung short-haired girl na blue yung buhok. Ito rin, I can really sense na they came from a wealthy family.
Nakipagshake-hands na ako sa kanila. Ang friendly nila masyado.
"I'm Sammy, Sammy Croix," syempre not my real name. Mahirap na, baka mahuli tayo dito pag nagkataon. My real name is Clauven Forch.
"Nice meeting you. So, bakit ka nga pala andito sa event na'to?" nagtatakang tanong ni Nisa sa akin. Oo nga no? I haven't come up yet with an answer to that question.
"Uhm, ano kasi. Uhh-," magsasalita na sana ako nang may tumapik sa balikat ko.
"What's your order ma'am?" takte, kinabahan ako. Kala ko kung sino na na. Na hotseat na nga ako dito, bigla namang dadating tong waiter na to.
"Later, not yet hungry," I said to the waiter. May pa-catering service pala sila dito? Pft. Eating is fun pero may gagawin akong iba dito.
"So as I was saying, uhm. Invited dito yung tito ko," I said. Of course, I just made that up. Obviously.
"Really?" they both said. Sabay pa talaga sila. Napatango-tango lang ako.
"Who's your tito then?" Shane asked. Mukhang inuusisa talaga nila ako. Wala na akong masabi dahil nga I just made that tito thingy. Shit!
"Uhm, wait. Naiihi ako, punta muna ako sa bathroom," palusot kong sabi sa kanila. I left and quickly went to the bathroom. Nakita ko silang napashrugg nalang. If I were them, I would really find myself mysterious. Bahala na nga sila.
Dali-dali akong pumunta sa isang stall sa bathroom at nilock ito. Inilabas ko yung pocket knife na nakatago sa purse ko. Ilalagay ko nalang ito sa boots ko in case. I just need to blend in. I need to do this quickly.
Lalabas na sana ako ng stall when I overheard a conversation. Dalawang babae yung nag-uusap.
"Just blend in the crowd. We must find her," the first girl said.
"Okay, ikaw na ba bahala na nagcheck kay Miss Lizzy?" sabi ng second girl. What are they taking about?
"Oo, ako na bahala. Basta if you by any chance na mahanap yung babaeng yun, just call me through our earpiece," sabi ng first girl. Shit! They're looking for me. Bakit nila alam na andito ako.
Lumabas na sila sa bathroom dahil tumahimik na. I'm sure they're spies. They are also here to stop my plan. I'm must be extra careful.
Lumabas na ako sa stall and washed my hands sa sink. A lady went in. I quickly put on my mask. Tumingin ako sa salamin. Fudge, she's here! Miss Lizzy. Why is she here? Masyado pang maaga para gawin yung mission ko. Di ko muna siya gagalawin, maybe she's having a bait.
I know na Miss Lizzy is good in martial arts. She also knows how to combat hand in hand. Ito ang magiging rason kung bakit mahihirapan ako sa misyong ito.
She saw me looking at her kaya I avoided her looks. I must've been blank kaya di ko namalayang nakatutok na ako sa kaniya.
"Hey miss, why are you looking at me," she asked me. Shit wrong move. Tanga tanga kasi!
"Uhm, nothing. It's just that uh—," I uttered shakingly. Ewan ko kung bakit ako nanginginig. Pft. Nakakailang yung prisensiya niya. I'm about to finish my sentence nang may tumawag sa kaniya.
"Miss Lizzy! Malapit na magstart Yung event! Be ready. Lumabas ka na sa cr," Sabi nung babae. Mukhang kasama niya.
Phew! Jusko. Muntik na ako dun ah. Thankfully I was saved by time. Okay, dapat mag-ingat ako. Lumabas na ako ng bathroom at pumunta na sa area kung saan gaganapin yung welcoming part ng event.
***
"Welcome and have fun!" masayang sabi ng MC at nagpalakpakan naman yyng mga audience. Syempre nakipalakpak ako. Napansin kong may nakatitig sa aking mga mata. Inikot-ikot ko yung paningin and yes. Nakatingin nga yung dalawang babae sa akin. The spies.
I immediately went to the busy crowd at nagblend in. Madami kasi ngayong tao dito kaya it's really hard for them to spot me. Napansin ko namang umakyat sa second floor si Miss Lizzy. Susundan ko na sana siya nang may humila sa akin.
"Aray! What?" inis na sabi ko. Si Kade yung humila sa akin. Kainis naman.
"Umalis ka kanina, san ka galing?" he asked.
"Sa cr at nag-ikot ikot sa place, bakit?" sabi ko. Inikot ko kanina yung place to search for cleared exit if tatakas na ako. Syempre dapat yung walang mga guards.
"Ahh ganun ba," sabi niya at sumayaw. Parang baliw. Oo, may music nga pero mga galawan parang yung pangmatanda.
"Teka, kuha muna ako ng drink. Maiwan muna kita," palusot ko. Syempre di ako iinom. I'll proceed to the mission na.
"Clauv, pumasok na yung target mo sa room #002. Go!" rinig kong sambit ng boss ko sa earpiece ko. Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ko at umakyat na sa second floor. Mabuti't walang guard dito.
May bar pagkarating mo sa second floor tapos may mga rooms din. Pagkapasok ko sa bar, ingay agad at nga nakakasilaw na mga lights ang bumungad sa akin. Daming tao naman dito. Nakita kong nandun nga si Miss Lizzy sa room #002. Kitang-kita siya dahil transparent yung pinto ng room.
Nakisiksik ako sa mga sumasayaw na mga tao dito sa bar. Ang siksik grabe. I need a plan. Inikot-ikot ko yung paningin ko sa lugar. Maybe, I need to dress like a waitress para makapasok sa room? Hmmm.
I gazed my sight sa mga waitress sa lugar. May mga namataan naman akong mga waitress. I just need to lure them. Umupo na ako sa table at kumaway para umorder.
"Yes ma'am?" tanong ng waitress.
"Isang tequila nga," pag-order ko.
"Sige ma'am. Just wait, I'll deliver nalang," sabi niya at umalis na. Kinuha ko yung powder sa purse ko. Pampatulog lang naman to kaya it's not that harmful.
Bumalik na yung waitress dala-dala yung order ko. Good thing dito is madali lang sila mag-deliver ng mga orders.
"Here's your order ma'am," sabi niya at iniabot sa akin yung order.
"Uhm, miss waitress! Can you acompany me? Wala kasi akong kasama uminom," pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Uhm, bawal po kasi ma'am," sabi niya. Takte, matigas ulo ha? Itotodo ko na'to.
"Sige na? Please?" pagmamakaawa ko. Umiyak na din ako para maawa talaga siya. I started to mumble random things.
"Pft, miss wag ka na umiyak. Sige, samahan nalang kita pero saglit lang ha? May trabaho pa kasi ako," Sabi niya sabay umupo sa tapat ko.
"Yes! Thank you," ayun. Huli ka ngayon. We started to drink. Nag-usap kami ng kahit ano. Di niya napansin yung paglagay ko ng powder sa drink niya kasi nga ang daldal. Nagulat nga din ako sa kadaldalan nito.
Binigay ko na yung mga powder na drink at ininom niya. She started to feel drowsy. Pumipikit-pikit pa yung mga nata. And the next thing that happened is tuluyan na siyang nakatulog. I asked the bartender if pwede bang ako nalang ang pumalit sa nakatulog na waitress. And surprisingly, pumayag siya. Dinala ko yung babae sa room nila, mga room ng waitress.
"Oh, babae. What's your name?" tanong nung lalaki sa akin. I guess siya yung may-ari ng bar.
"Sammy po," sagot ko. He handed me a tray full of drinks.
"Oh ayan Sammy, ideliver mo sa room #002. Dali-an mo dahil VIP yung andun. I'll pay you nalang after ng service mo mamaya. But don't expect too much ha? Part-time ka lang naman," Sabi niya. Pft.
"Opo. Sige po," I said politely. Nagbihis na ako ng uniform ng waitress at dinala ko muna yung bote ng mga alak sa kitchen ng bar. Lalagyan ko lang ng powder. Pampatulog ulit.
I'm about to drop the powder into the bottle nang may nagsalita.
"What are you doing miss?" a girl asked. Shit! Siya na naman. At bakit siya andito?
"Ha? Nothing. I'm just checking the bottles," Palusot ko. Dali-dali kong sinarado yung bote at tinago ang powder.
"Okay," She said. Muntik na yun. Bakit siya nakapasok dito? Siya yung babae kanina sa bathroom, yung may kausap. Yung isa sa mga spies. Careful Clauv!
Palabas na ako ng kitchen and I caught her staring at me.
"Why are you looking at me?" I asked.
"Nothing, it's just that your wierd," She said. Tae na. I need to finish this na. Tinignan ko yung relo ko. 11:30 p.m. wait what? 11 na? It's getting late. Dumiretso na ako sa room #002. I just ignored that freaking spy. Di na niya rin ako pinansin at lumabas na.
Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang target kong kumakain. Wala siya kasama dito. Perfect.
"Here's your vodkas ma'am," I said at iniabot sa kaniya yung mga inumin.
"Thank you," sabi niya at nginitian niya ako. Di na siya naka-mask ngayon, pero ako nakasuot parin. Syempre dapat di ako magpalabas ng mukha ko.
Aalis na sana ako ng room nang tinawag niya ako.
"Hey waitress! Mind if you join me? Wala akong kasamang uminom. Umalis yung dalawang kaibigan ko kaya ikaw nalang sana muna magiging kasama ko. Okay lang ba?" sabi niya habang nakatitig lang sa mga mata ko.
"Uhm, sige ma'am," perfect. Oras na para iligpit ka MISS LIZZY.
Nag-inuman kaming dalawa hanggang sa malapit na siya malasing. Di ako nalalasing kasi finefake ko yung pag-inom ko. She's about to passed out. Perfect talaga.
"Mukhang lasing ka na ma'am," i said at iniayos siya ng higa sa kaniyang kinauupuan. Mahaba yung upuan kaya pwede siyang humiga dito.
"Ma'am?" tanong ko habang inuuyog ko yung buong katawan niya. Paulit-ulit ko siyang tinawag pero mukhang lasing na lasing na talaga siya.
Buti may kurtina yung pintuan kaya sinarado ko muna para walang makakita. Transparent pa naman yung door. Kinuha ko na yung pocket knife na nasa boots ko. Mukhang magiging madali lang itong misyon ko.
Sasaksakin ko na sana siya nang may pumasok sa room. Shit!
"What are you doing miss!" she shouted. Shit. Yung spy nakapasok. Di ko naalalang di pala nakalock yung door.
Nilabas niya yung baril niya galing sa pocket niya. Takte may baril siya. Wala akong laban.
"Put that knife down!" I slowly put the knife down and raised both of my hands up in the air.
"Sabi na nga ba kahina-hinala ka kanina pa," she said while smirking. Shit! Isip Clauv, isip!
"Well, dito na magtatapos yang buhay mo," She said at kinasa yung baril. Bago pa man niya iputok ang baril ay namanage kong sipain ito. Lumipad yung baril sa ere at tumilapon.
"What the? I see, you're trained," sabi niya na para bang nang-hahamon. Iniiinis niya ba ako?
"Quit the talking! Ang daldal mo," sabi ko at sumugod sa kaniya. I know how to combat on hand.
Pinaulanan ko siya ng mga punches ko at mga kicks. Madali lang naman niya itong naiiwasan.
"Hmm, trained also huh?" I said. I grabbed her hand na dapat ay tatama na sa mukha ko. I twisted it na naging dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
Agad niya ako tinadyakan at natumba ako. Aray, sakit naman makasipa nito. She's not bulky pero ang lakas niya sumipa.
I'm about to give her a punch nang sinipa niya yung paa ko. I caught off guard kaya di ko napansin iyon. Natumba na naman ako. Tanga ko talaga.
"Hmm, hina mo naman," pang-aasar niya. Agad naman ako tumayo. Sumasakit na yung paa ko dahil sa ginawa niya.
I saw my pocket knife na nasa gilid ko kaya agad ko itong dinampot.
"Hey! It's unfair, may armas ka ako wala," sabi niya while prepairing para saluhin yung mga atake ko.
Napangisi ako at inatake siya. Pinagsasaksak ko siya pero di ko siya matamaan.
"Who are you?" nagawa pa niyang itanong while iniilagan mga atake ko.
"You don't have to know," I said at tinapakan yung paa niya.
***
Ilang minuto pa kaming nag-aatakehan sa isa't-isa. May gasgas na din ako at sumasakit na katawan ko sa pagod. May galos naman na natamo siya galing sa mga atake ko. Nadaplisan din siya ng knife ko sa mukha.
"Clauv! Get out of there. Papunta na diyan mga guards!" rinig kong sabi ni boss sa akin. Shit! Pano ako makakatakas sa bruhang ito.
Alam ko na. I tightly gripped my knife at inatake siya nang walang ka-alam alam. I managed to hold her hand at sinaksak siya sa gilid.
"Arghhh! Aray!" daing niya sa sakit at pinatid ako. Napa-atras ako nang kakaunti. I need to get out of here. Dali-dali akong lumabas para tumakas.
"Hoy! Guards! Tumatakas siya!" sigaw niya. Di siya makatakbo dahil sa sakit.
Agad akong pumunta sa crowd dito sa bar para hindi nila ako mapansin. Nakita kong mga mga dumating na mga guards. Kinuha ko yung mask na nasa pocket ko at isinuot iyon. I also undressed the uniform kanina. Sapaw sapaw ko lang naman iyon.
Di ako makatakbo dahil sa sakit ng katawan ko kaya I need to walk nalang. I just need to head to the exit nang di nahuhuli ng mga guards. Agad na nagsplit yung mga guards para hanapin ako. Agad akong bumaba from the second floor para tumungo sa exit.
Unti nalang yung tao dito sa first floor dahil patapos na yung event. Agad kong tinungo yung exit para makatakas na. I noticed Klade at yung mga kaibigan nila. Napansin naman nila ako kaya kumaway sila sa akin. Hindi ko na sila pinansin at umalis na sa lugar na ito. Ready na akong mapagalitan ni boss mamaya dahil nga palpak yung misyon ko.
-----------------------------------------------------------
[A/N]: Hi, welcome at salamat sa pag-basa sa una kong one shot story na gawa. If you have any requests na gusto niyong gawan ko ng story, just comment sa unang page nito. Yung Read This! Thank you. Sana may magsupport naman sa'kin HAHAHAHAHA. Anyways, if may nagbabasa man nito, edi icocontinue ko.
Please vote and follow me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro