[3] Cafe Love
Cafe Love
written by : kawaiiRai
Cover at the Multimedia ---->
* *
Andito na naman siya sa cafe namin nasa isang sulok habang umiiyak. 2 months na simula nang bumalik ako dito sa Pilipinas. 2 months narin ng naisipan kung bisitahin ang Cafe nato na pamana ng lolo ko bago siya namatay. 2 months ko na rin siyang nakikita na araw araw na umiyak sa sulok ng cafe. Pagkatapos niyang umorder at mareceived ang inoorder niya. Yuyuko na lang siya bigla tapos magsisimula ng gumalaw ang kanyang balikat at malalaman mo nalang na umiiyak pala siya dahil minsan pinupunasan niya ng panyo ang kanyang mukha na di ko naman makita kasi nakayuko nga siya. Tinanong ko naman ang mga empleyado kung kilala ba nila ang babae ang sabi naman nila. Oo, Chantal Santos ang pangalan ang sabi naman nila may boyfriend daw to pero mag momonths na ng di nila ito nakikita. Kaya kinukonclude nila na kaya ito lagi umiiyak ay dahil dun sa boyfriend niya siguro hiwalay na sila nito. Gago naman nun. Dapat kung makikipaghiwalay siya ay malinaw para walang iyakan na nang yayari.
Di ko na talaga matiis kaya nilapitan ko na siya. Tanga! Philip dapat matagal mo na siyamg nilapitan.
Pagkalapit na pagkalapit ko sakanya ay binigyan ko siya ng Panyo.
Oo alam kung may panyo na siya, pero malay natin basang basa na pala yung panyo niya kaya wala na siyang mapahidan ng uhog niya este luha pala.
Inangat naman niya ang kanyang tingin kaya nakita ko ng malapitan ang kanyang mukha. Mapapamura ka talaga. Tanga ng lalaking ng iwan sakanya. Anghel pala tong pinakawalan niya.
Namumugto ang kanyang mata at namumula ang kanyang ilong. Para siyang cute na bata habang nakatingin sakin. Napaka inosente niya tingnan.
"M-may k-kailangan ka ba, Mister?" sabi niya sakin habang nakatingin sakin.
"Philip, kanina pa kasi kita nakikitang umiiyak. May maitutulong ba ako sayo?" tanong ko sakanya.
"WALA KANG MAITUTULONG SAKIN. KAHIT NAMAN MERON ALAM KUNG DI KA PARIN PAPAYAG KAYA HWAG NA. SINO BA NAMAN ANG NASA MATINONG PAG-IISIP ANG MAGPAPAKASAL SAKIN. LALO NAT NGAYON LANG SILA NAGKAKILALA DIBA?" nagulat naman ako sa biglang pagsigaw niya. Pero kahit sumisigaw na siya maganda parin siya.
"ANO NAPATANGA KA JAN? SABI--"
"KUNG GANUN *Lumuhod ako* Miss Chantal Santos. Will marry me ?" sabi ko sakanya. Kahit ako nagugulat sa pinagsasabi ko ngayon. Pero alam kung di ko to pagsisisihan sa huli.
Nakatulala lang siya habang nakatingin sakin.
"May sarili na akong bahay, kompanya na ako ang nagmamay-ari pati natong Cafe sakin rin. Kaya kaya kitang buhayin at bigyan ng Isang dosenang anak na kaya ko ring buhayin. Kaya wala ka dapat ipag alala. ANO MAGPAPAKASAL KA NA BA SAKIN?" tanong ko sakanya.
Hinila naman niya ang kwelyo ko kaya napatayo ako. At kinaladkad niya ako papalabas sa Cafe at dinala sa Parking Lot. Tapos pinasok niya ako sa kotse niya.
"San tayo pupunta ? Di mo pa sina--"
"Sa huwes magpapakasal na tayo. Bawal ka ng umatras." sabi niya sakin habang seryosong nakatingim sa daan.
"Ahh ganun ba. Sige tara na." sabi ko habang nakangiti.
- - The end
* * * * * *
[AN]
Yeah !! alam kung sobrang bilis ng pangyayari pero nagawa ko lang kasi to dahil kinwento lang ng kaibigan ng Mama ko sakanya kung pano sila nagkakilala ng asawa niya ngayon dahil ako'y dakilang chismosa nakikinig naman ako. May mga lugar, pangalan at pangyayari akong binago. Kay half Non-Fiction to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro