Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sigaw ng Puso

Hindi lahat ng pag-ibig ay kailangan ipagsigawan lalo na't kung 'di ka pa sigurado sa totoo mong nararamdaman.

Pagmamahal nga ba ang nararamdaman ko sa kan'ya o isa lamang paghanga?

Hindi ko siya kaklase ngunit magkatabi ang aming classroom. Madalas ko siyang nakikita na dumadaan sa hallway habang kasama ang kanyang mga kaklase.

Ngiti niya palang panalo na paano pa kaya kung naging akin siya e' di daig ko pang nanalo sa lotto.

"Pare, pinapantasyahan mo nanaman si Janine. Malakas talaga tama mo sa kanya ano?" panggugulo sa akin ni Christopher.

"Manahimik ka nga pare, Alam mo 'yong panira ng moment? Ikaw 'yon pare kaya --- get lost I don't want to see your face anymore." Pagtataboy ko rito, epal kase e.

"Grabe ka pare, Sige ganyanin mo ako. Nagseselos na ako sa Janine na 'yan ah? Lagi nalang siya laman ng isip mo. Paano nalang akong kaibigan mo simula bata. Grabe ka! Ipagpapalit mo friendship natin para lang sa kan'ya ----- I hate you pare. I HATE YOU!" para siyang ewan. Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kababata.

"Pare, h'wag mo kong dramahan dahil ang ---over reacting mo. At tsaka pare hindi "LANG" siya basta. Siya ang nakikita kong kasama sa aking hinaharap."

"O' talaga? Tama na kakaen ng mais ah. Ge! Lol." Tignan mo 'yon iwanan ba naman ako rito. Bahala siya diyan.

Basta ako mang'stostalk sa Facebook ng aking mahal. Nilike ko ang new post niya kaya naman nagcomment agad ako.

Jerome Almoroso
"Hi?"

Dala ang pag-asa na mapansin niya, ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi niya parin 'to pinapansin. Maski like o sad react wala.

Sino nga bang papansin sa hindi niya kakilala? Isang hamak lang naman ako na matangkad at may kaitiman. Ngunit mabuti naman ang aking kalooban.

'Wala talaga!'

"Pare kanina ka pa nagbubuntong hininga, anong problema?" tanong ni Cris na kanina pa pala sa tabi ko. Muntik pa akong matumba sa kinauupuan ko. Ayon ang mga walangya nagsitawanan sa pangunguna ni Cris.

Ang korni ng mga 'to, hindi pa nga ako natutumba e. Isa lang naman ang nagpatumba sa puso kong nanahimik, e kaya sana'y saluhin niya.

"Paano ka niya sasaluhin kung hindi ka humaharap sa kan'ya upang magpakilala?" -bulong ng isip ko.

Ano ba ang dapat kong gawain?
Magpakilala na ba ako sa kanya o --- Geez, nahihiya ako.

"Tangna pare kasama paba kita? Ikaw paba 'yan? Hoy, masamang espiritu ibalik niyo ang aking kaibigan. Maawa ka --- aray bakit ka namamatok?"

"Wala lang trip ko, ano bang katol hinithit mo?" Tanong ko rito ngunit hindi na siya sumagot at nanahimik nalang.

Pasulyap-sulyap ako sa labas ng room kung dadaan na siya, kaya no'ng nakita ko na siya ay agad akong napatulala. Alam niyo yung slow motion? Gano'n na gan'on ang nararanasan ko ngayon. Parang biglang bumagal ang Oras at bawat pag-galaw niya ay kaygandang pagmasdan.

Namula ako ng tumingin siya sa akin, ang ganda niya talaga. Siya na talaga!

Maya-maya ay nakaramdam ako ng kalabit mula sa aking kaklaseng babae na si Rica. May nag-ipit daw ng papel sa likod ko. Lumingon ako para tignan kung ano ang sinasabe niya at doon ko nakita ang isang pilas ng papel mula sa kwaderno.

"Hi, kamusta ka?"

Iyan ang nakapaloob sa papel, base sa sulat galing 'to sa babae. Sino s'ya, siya na ba 'to? Ito na ba ang hinihingi kong sign? Kungayon --- grab the oppurtunity.

Kumuha ako ng ballpen at sumagot sa tanong. 'Hello, I'm fine. How 'bout you?' At isiniksik ko ito sa siwang na humahati sa classroom namin. Agad itong kinuha at agad ding inulusot.

'I'm fine too, Are you single or taken?'

'Single soon to be taken, what is your name btw.'

'I'm Janine, You?"

Sabe na ito na 'yon, sinabe ko rin ang pangalan ko ata agad kong hiningi ang number niya. Una akala ko Hindi niya ibibigay ngunit laking gulat ko na ibinigay niya sa akin. Labis ang kasiyahan ko kaya halos manakit na ang braso ni Cris sa kakasuntok ko.

"Tapos kana?!" bakas sa boses niya ang pagkairita kaya biniro ko nalang siya. "H'wag na selos andyan naman kase si Rica. She's free and fresh."

"Lol, h'wag ako. Aym inosens."

Tumunog na ang bell hudyat na pauwe na, dali-dali akong bumaba upang agad na makapagload at makauwe.

"Oy pare, ingat ka." sabi ko kay Cris habang tinatahak niya ang landas sa kanyang paroroonan.

Ako sumakay na ng tricycle, at agad na nakarating sa bahay. Dahil sa sobrang excitement ko ay hindi ko na napansin si mama at papa.

Tinipa ko ang numero ni Janine at agad itong itinext. Sobrang excited na kinakabahan ako.

Jerome: Hi.
Janine: Who are you?
Jerome: Jerome
Janine: Oh, ikaw pala. Ano ginagawa mo?
Jerome: Ito nag-iisip.
Janine: Ano namang iniisip mo?
Jerome: Iniisip ko kung paano ko liligawan ang babaeng mahal ko.
Janine: Ah, teka may gagawin pa ako. Text nalang kita mamaya.
Jerome: Sige, Take your time.

Ano kayang gagawin niya, siguro kakain na 'yon. Bumangon na ako sa pagkadapa at lumabas ng kwarto.

"Anak, ayos ka lang ba? Hindi mo kami pinansin ng papa mo may problema ba?" tanong ni mama sa akin ng makasalubong ko siya.

"Ma, okay lang ako at humihingi po ako ng paumanhin sa hindi ko pagpansin sa inyo ni papa. May balita nga pala ako ma."

"Ano 'yo anak mukhang magandang balita 'yan ah?"

Ikwinento ko yung nangyari kanina sa school pati 'yong pasahan ng sulat namin ni Janine. Sa bawat banggit ko ng pangalan niya ay katumbas ng pagngiti ko.

"Mukhang masaya nga 'yan nak. Sana madala mo rin siya dito sa susunod"

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko kay ina at niyaya na nila akong kumaen. Kwentuhan lang kami hanggang matapos kumaen. Ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan at pinagpahinga na sila, kase si Papa maaga pa bukas para mamasada at si Mama naman ay may tinanggap naman na labahan kay Tita Analyn.

Dumeretsyo na ako sa kwarto ng masigurado kong wala na akong nakaligtaan na linisin. Pagkabukas ko ng cellphone nakita ko na may missed calls mula kay Janine. Bakit kaya? Namula naman agad ako sa sumagi sa isip ko na baka gusto niya akong makausap.

Kaya agad ko siyang tinext at agad siyang nagreply.

"Gusto ko lang marinig ang boses mo, pwede ba?"

Pagkabasa ko ng text ay agad akong reply muntik pa ngang malaglag sa sobrang tuwa ko. Sent.

Tumatawag na siya, sasagutin ko ba?
Malamang ito yung isa sa mga nais kong matupad. Sinagot ko na ang tawag at dahan-dahan itong inilagay sa taenga ko.

"H-Hello?"

"Hi Jerome. Ang ganda ng boses mo lalaking lalaki."

"Hehe salamat"

"Alam mo bang ayako sa mga mahihiyain na lalaki?"

Lagot.

"Sorry, pasensya na hindi kase ako sanay."

"Ah okay lang."

"Salamat, oo nga pala free kaba bukas? Labas tayo."

Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Sabe ko nga --- grab the oppurtunity.

"Ha, n-nako pasensya kana bukas kase namin gagawin 'yong project namin sa --- Business Ethics."

Sayang.

"Gano'n sige okay lang may susunod pa naman na araw."

"Sige, ibababa ko na ang tawag ha kase may gagawin pa ako. Goodnight."

"Goodnight."

Humiga na ako sa kama at nag-online nalang dahil hindi pa naman ako inaantok. Ito ang problema sa Facebook e, laganap ang mga bashers at imma na walang ibang ginawa kundi ang mag rant ng walang sense. Hindi kase muna mag-isip.

Pati mga kilalang author laman ng mga confession. Mapapabuntong hininga ka nalang.

Ito pa ang nakakainis dito 'yong mga parinig ng parinig hindi nalang i'tag o kausapin harapan ang pinaparinggan, Ginagawang diary ang Facebook e.

Bago ako mag-out ay dumaan muna ako sa wall ni Janine at nakita ko ang new post niya na.

"H'wag magpalinlang sa taong gusto kang gulangan."

Tungkol saan kaya ang post niya?

Itinabi ko na ang cellphone ko at nagpahinga na dahil dinalaw na rin ng antok.

----
Maaga akong nagising dahil na rin siguro sa kagustuhan na pumasok ng umaga upang makita si Janine.

Tinext ko muna siya ng "Goodmorning, have a good day." Bago ako lumabas ng kwarto.

"Anak, halika rito." tawag sa akin ni papa, lumingon naman ako sa sala ngunit wala si ina. Siguro maaga siyang pumunta kina tita Analyn.

"Bakit po pa, wala kang pasada?"

"Nakwento sa akin ng mama mo ang sa inyo ni Janine, Binata kana talaga. Anong plano? Mamaya pa pasada ko."

Si mama talaga ang ingay.

"Balak ko po sanang makipagkita sa kan'ya ng kaming dalawa lang ---- I mean makapag get to know each other kame papa." pagpapalinaw ko dahil baka iba ang maging intrepretasyon ni papa.

"Hahahaha, mabuti naman kung gano'n anak pero sana bago mo gawain ang isang bagay ay alam mo na dapat ang totoo o hindi kumbaga totoong nararamdaman." Nalito ako sa sinabi ni papa.

Nakaalis na ako ng bahay pero 'yon parin ang iniisip ko. Hindi ko talaga maintindihan. Si papa kase e.

"Good morning pare, How's your sleep?" tanong sa akin ni Cris. Tinignan ko lang siya at nilampasan.

"Gra---

Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang mangyayari, Magdradrama nanaman siya. Wala ako sa mood kaya bahala sila d'yan.

"Pare andyan na si Janine." agad akong napalingon ngunit wala naman siya kaya sinuntok ko si Cris sa inis ko.

"Aray, Pusangina! Ano bang problems mo ha kanina kapa ah ano suntukan nalang o."

Tumayo ako dahil gusto ko ang sinabi niya, pampawala badvibes.

"Pre seryoso ka? Umupo ka nga!" hinila niya ako at sinagi ko ang kamay niya.

"Lakas mong manghamon, 'di ka naman pala lalaban."

Hindi ko nalang siya pinansin at buong araw akong wala sa sarili. Nasa bahay na ako ng maisip ko na hindi ko napansin si Janine kanina maski si Cris ay hindi ko na kinibo. Nagtatampo siguro 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag dahil hindi ko ito nahawakan kanina.

May sampung messages akong natanggap. Binuksan ko ito at nakita ang mga text ni Janine at ang dalawa ay galing kay Cris. Inuna ko ang kay Cris.

"Pare, hindi ko alam kung ano ang bumabagabang sa 'yo pero sana h'wag kang umakto ng kakaiba dahil may taong naapektuhan."

"Sorry kung ang ingay ko. Sorry sa mga kadramahan ko. Sorry sa lahat. Kailangan siguro muna natin magbigay ng space para sa isa't-isa. Lol. Kabadingan ampts! Katext ko si Rica kung pwede niya ba akong ligawan anong isasagot ko?"

Ito naman ang kay Janine.

"Goodmorning din, Godbless."

"Hi, nakita kita kanina. Parang wala ka sa sarili."

"Bakit ang tahimik mo?"

"May nangyari ba sa'yo?"

"May sasabihin ako."

"Pwede ba akong tumawag?"

"Magkita tayo sa HGC bukas. 12pm bago pumasok may sasabihin ako."

"Goodnight"

Hindi ko alam ang gagawin ko sa nabasa ko. Paikot-ikot tuloy ako sa loob ng kwarto. Tuliro na ako kaya hindi na ako nakapagreply sa kanya.

Humanap nalang ako ng matinong uniform at pants para bukas.

Woah. Goodluck!

Compose message.
Sige, kitakits. Good night.

Alas diyes palang ng umaga ay nag-ayos na ako dahil gusto ko ako ang mauna sa HGC. Mahirap na baka mabawasan ng pogi points.

Inayos ko ang buhok at ang suot ko.
Ayos na ang lahat, nagpabango na rin ako at lumabas na ng bahay.

On the way to "HEALTHY GROUNDS CAFE."

Pagkadating ko ay agad akong pumili ng upuan na magiging komportable kami parehas. Umorder na rin ako ng HG Club, Burger at dalawang Matcha.

Sabi ko nalang na mamaya nalang iserve dahil baka lumamig at binayad ko na rin agad. First date?

Mabilis lumipas ang isang oras ay wala parin siya, ngunit may isang babaeng lumapit sa akin.

"Hi, Diba ikaw si Jerome." sabi nito, nginitian niya ako ngumiti na rin ako kahit hindi ko siya kilala.

"Ah oo, bakit?" sagot ko. Nagitla ako ng umupo siya sa harapan ko. Siguro may imemeet siya, palingon-lingon ako sa entrance at sa orasan ko. 12:05 na pero wala pa siya.

"Ahm! Sorry." Lumingon ako sa kan'ya dahil sa paghingi nito ng sorry.

"Sorry for what?"

"For everything. Pinaasa ka namin na ako si Janine pero hindi. Ako ang katext at kausap mo minsan. Jerome? Pumayag ako dahil alam kong mapapalapit ako sa'yo. Sorry!"

Nalilito pa rin ako, Teka! Ibig sabihin niya siya ang nagsulat sa papel at sa kanyang number ang tinext ko at siya ang kausap ko minsan sa telepono?

What the heck! Bigla akong naturn off, hindi ko alam kung kanino?

"Waiter? Patake out nalang ng order ko." sabi ko sa waiter.

"Una palang ginago niyo na ako, sana una palang sinabe niyo na! Bakit anong dahilan niyo para Gawain ito sa akin?" ikinakalma ko ang sarili ko dahil maraming customers. Ayakong maging sentro at pag-usapan.

"May gusto kase ako sa'yo. Pumayag Ako dahil alam kong kahit imposible na magugustuhan mo ako. Hindi ka gusto ni Janine dahil may boyfriend na siya."

"Excuse me sir, ito na po." - waiter.

"Excuse me!" pagpapaalam ko rito sa babaeng kaharap ko na sinasabe na may gusto siya sa akin.

Sa pag-aakalang hindi niya ako sinundan ay nagkamali ako. Sinundan niya ako.

Sayang ang effort ko na mag-ayos para kay Janine pero nacolumbia ako. Iba ang humarap sa akin.

"Please Jerome, Patawarin mo ako."

"Bakit? Bakit ang unfair niyo?"

Doon na lumabas ang luha ko dala na rin ng paghihinayang, galit at inis.

"Bakit ako pa, bakit ako pa ang napili niyong lokohin. Oo masasaktan ako kung hindi ako gusto ni Janine pero ito! Itong punyetang trip niyong 'to ang masakit dahil pinagkaisahan niyo ako. Pakisabe sa kaibigan mo...

"Mahal ko siya pero at h'wag siyang mangamba dahil kakalimutan ko nalang 'tong pesteng pagmamahal ko sa kanya."

"Pero..

"Sabihin mo 'yan sa kanya!"

"Mahal mo naman pala bakit hindi mo ipaglaban?" parang biglang tumigil ang oras ng marinig ko ang pamilyar na boses ng babaeng minahal ko.

Lumingon ako sa kan'ya at laking gulat ko na makita na kasama niya ang ibang barkada niya pati na rin si Cris kasama si Rica.

Anong trip nanaman 'to?

"Bakit ko ipaglalaban ang taong pagmamay-ari na ng iba?"

"Sino bang nagsabi na may nagmamay-ari na sa kan'ya?"

Nilingon ko si "I'm Vanessa." pagpapakilala niya.

So planado lahat ng 'to? Galing!

"Wala, dahil mahirap bakuran ang taong ayaw magpabakod."

"Hoy kayong dalawa, parehas lang naman kayong may pagtingin sa isa't-isa bakit hindi niyo pa sabihin! Daming learn." Sigaw ni Cris, kaya nilingon namin siya at sinamaan ng tingin. Itinaas niya naman ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay niya kahit na nahihiya ako.
Sa pagkahawak ko sa kamay niya ay may naramdaman akong kuryente.

Spark

"Mahal din kita Jerome, First day of school palang ikaw na agad ang lagi kong pinagmamasdan. Jerome! I love you."

"Ayieeeeeeeee!" sigaw ng iba.

"Mahal na mahal din kita Janine at hindi mo alam kung gaano kasaya ngayon dahil sa wakas magiging masaya na tayo, I love you too."

"Teka nga, ligawan mo muna ako!" Singhal nito kaya naman ngumiti ako at niyakap siya.

Hinarap ko siya sa akin at "Oo kahit naman na sagutin mo ako ay liligawan parin kita araw-araw dahil para na akong nababaliw dahil sa sobrang saya."

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Kung gusto mong makuha ang isang tao kailangan mo munang magpakatotoo."

Ngayon alam ko na, malinaw na sa akin ang sinabi ni Papa. Ito ang totoo kong nararamdaman.

Ilang taon ang lumipas ng sagutin ako ni Janine at ngayon ay anibersaryo namin at sa isang kilala restaurant kami kumaen kasama ang pamilya ni Janinemylvs.

Si Cris at Rica magiging magulang na hindi kase nag-iingat si Cris e. Ayon! Twins ang magiging anak nila.

Kame ni Janine, mag-iipon muna para sa kasal at sa iba pang bagay. Hindi muna namin inaalala ang Sex dahil. Marriage muna bago Gawain ang bagay na 'yon. Bilang lalaki ay nirerespeto ko siya.

Masaya kaming dalawa ni Janine habang magkayakap sa labas ng bahay habang nakatingin sa kalangitan.

Isang halik ang pinakawalaan ko sa kanyang noo bago ipatong ang baba ko sa kan'yang balikat.

"Mahal mo, ipaglaban mo.
Magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo dahil ito ang susi sa isang masayang relasyon."

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro