Pangako
Ang bawat PANGAKO na binibitawan sa atin ng mga taong mahahalaga sa atin ay may posibilidad na mapako at malayong matupad. Dahil sa mundo, sa mundong ito laganap na ang mga taong paasa.
---
"Ang pangakong iniwan, ay baon sa hanggang sa huli."
Gabi na pero nandito parin ako sa labas ng bahay. Nag-iisip nang kung ano-ano habang nakatingin sa kalangitan. Asan kana ba?
Mabilis man lumipas ang panahon ay ikaw pa din ang laman ng puso't isip ko. Ikaw pa rin ang hanap ng pusong nalulumbay.
"Leslie?" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin at nginitian ko siya.
"Oh, ikaw pala. Bakit ka napadaan Cris?" tanong ko dito, umupo siya sa tabi ko.
"May pinuntahan lang ako sa kabilang baranggay tapos dumaan na rin ako dito para makausap ka." Paliwanag nito, tumango lang ako bilang tugon.
"Para saan naman?"
"Pupunta na ako ng Dubai para makapaghanap ng trabaho." Panimula nito.
Hindi muna ako sumagot, Isa siya sa mga itinuring kung kaibigan.
Nalulungkot man pero kailangan ko siyang suportahan.
"Dalawang taon lang ako do'n, kaya makakabalik din ako." dugtong pa nito. Nginitian ko lang siya at hinawakan ang balikat niya.
"Cris, kung saan ka sasaya doon ako nakasuporta."
"Salamat Leslie."
Natapos agad ang usapan namin kaya nagpaalam na itong umalis, kailangan niya pa raw mag-ayos ng gamit para sa pag-alis niya bukas.
Hindi na ako sasama bukas sa paghatid sa kan'ya dahil baka hindi maudlot pa ang pag-alis niya.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may pagtingin ito sa akin. Pero iisang lalaki lang ang nagpapatibok ng puso niya.
Pumasok na ako sa loob dahil kanina pa ako nilalantakan ng mga lamok.
"Besh?" Tawag sa akin ni Demi, gising pa pala ang bruha. "Saan ka galing?"
"Nagpahangin lang sa labas." Sabi ko dito bago tumabi sa kanya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah, sino o ano 'yan?"
"Wala." Pagsisinungaling ko.
"Huwag ako, Leslie. Kilala na kita alam kong may bumabagabang sa 'yo ngayon." sabi nito kaya tumingin ako sa kaniya.
"Dems, ilang buwan na ang lumipas pero wala pa rin siya. Hinahanap hanap ko na ang presensya niya." Sabi ko bago tumango, nilagay ko sa mukha ko ang dalawang palad ko.
"Leslie, hindi man sa nanghihimasok ako sa inyo ni Bryan pero kailangan mo na ata siyang I let go d'yan sa puso't isip mo. Ilang buwan na ang lumipas at marami nang nagbago, baka nga ay may iba na ang lalaking 'yon."
Ayakong mawalan ng pag-asa sa posibilidad na isang araw ay bumalik siya at kahit na may iba siyang mahal, ayos lang para sa akin.
Handa akong magpakatanga sa kaniya, dahil hindi naman ako aasa kung hindi niya ako pinangakuan na babalikan siya at magsasama na kaming dalawa.
Iniisip ko palang na magiging masaya kami sa pagbalik niya ay labis na akong nagagalak.
Bryan, bumalik kana.
"Hindi ko kaya Dems, alam mo naman kung gaano ko kamahal si Bryan diba? Sana maintindihan mo ako!"
"Hindi lahat ng pangako ay naiisakatuparan Leslie kaya huwag kang magpakatanga sa isang tao na walang kasiguraduhan kung babalik pa." Sabi ni Dems, bago siya lumabas ng kwarto.
Naniniwala ako na babalik siya.
Pinunasan ko ang aking luha bago humiga. Bakit ako iiyak kung alam ko namang babalik siya. Tama! Be strong Leslie. Babalik siya.
\•/
Ang ganda ganda ng gising ko tila wala akong nararamdaman na kung anong sakit.
Parang lahat ay nasa ayos, sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Dahil doon ay maaga akong naligo para makapamasyal sa park na kung saan kami unang nagkakilala ni Bryan.
Si Bryan na mahal ko, ay mali kulang ang salitang 'mahal' para masabe kung gaano niya kamahal si Bryan.
Nakarating agad ako sa park na aking tinutukoy, at nadatnan ko ang mga bata na masayang naglalaro at may ilang mga magkasintahan na masayang nag-uusap at naglalambingan.
Ang sarap nilang pagmasdan.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan, sa parteng makikita mo ang kalangitan at ang nakangiting araw.
Masaya akong sinariwa ang mga masasayang ala-ala sa amin ni Bryan sa lugar na ito.
Malalim ang kanyang iniisip ng may tumawag sa kanya. "Leslie?" at pamilyar ang boses ng taong tumawag sa kanya, boses palang nito ay kilala na niya agad kung sino.
Lumingon ako sa aking likod at doon ko nakita ang lalaking mahal ko at ang lalaking nangako na babalikan ako sa oras na mahanap na nito ang sarili niya.
Nanaginip ba ako?
Ikinusot ko ang mga mata ko pero hindi siya nawala sa paningin ko.
Totoo siya kaya dali-dali akong tumayo at lumapit sa kaniya para mayakap siya ng mahigpit.
Ang saya-saya ko ngayon.
"H-Hindi ako makahinga mahal." Sabi nito kaya kumalas siya sa pagyakap dito. Miss na miss niya ito, nakakagaan ang mga ngiti niya.
"Namiss kita mahal, Salamat dahil tinupad mo ang pangako mo sa 'kin. Salamat." Sabi ko sa kan'ya.
"Wala 'yon aking mahal, Mahal kita kaya ako bumalik." Ngumiti ulit siya sa akin.
Ang mga ngiting 'yan ay matagal ko ng gustong muling makita kaya nagpapasalamat siya sa panginoon dahil tinupad na nito ang pinakahihiling niya.
"Tara sa bahay, ibabalita ko ito kay Dems. Dali mahal ko." Hinawakan ko ang kamay niya, kaya sabay kaming naglakad.
Natatawa ako sa kaniya dahil ang dami niyang tanong sa akin, kung kumakain ba ako sa tama? basta mga ganoong tanong na para sa magkarelasyon.
"Oo, ano kaba? Ang saya-saya ko kaya ngayon. Alam mo ba hindi ako nawalan ng pag-asa na hindi ka na babalik." Sabi ko dito, ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti lang din ako.
"Teka andito na pala tayo." binuksan ko ang pinto bago siya niyayang pumasok.
"Wala paring pinagbago ang bahay niyo mahal, maaliwalas at maayos pa ring tignan." kumento niya sa bahay namin.
"Syempre mahal alaga sa paglilinis ni Dems, at kung gusto mo dito kana lang din tumira para lahat tayo ay masaya." Biro ko dito.
"Pwede ba?" Sabi nito sabay tawa. Ang sarap talaga sa pandinig niya ang mga tawa ng nobyo.
"Oo naman mahal, teka tatawagin ko lang si Dems." paalam ko dito. Tumango lamang siya.
Pumasok ako sa kwarto ni Dems at doon ko siya nakitang abala sa pag-aayos ng mga papel.
"Besh, may maganda akong balita sayo. Halika sa sala." sabi ko sa kan'ya.
"Sandali lang besh, aayusin ko lang ang mga ito." sabi niya.
"Ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo.. Oh bakit inaayos mo iyang mga papel ko?" tanong ko sa kaniya, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa pero ngumiti nalang ito kalaunan.
"Ah wala, may hinahanap kase ako. Teka ano nga palang good news mo. Mukhang masaya ka ah?" sabi ni Dems. Magugulat talaga siya sa ibabalita ko.
"Si Bryan bumalik na at tinupad niya ang pangako niya sa akin. Dali puntahan natin siya." Ngumiti lang siya.
"Okay, sandali."
Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagtungo agad sa sala.
"Mahal ko?" tawag ko kay Bryan, ngumiti ito sa amin kaya ngumiti rin ako.
"Besh, si Bryan." Sabi ko kay Dems, dahil nakatulala siya. Siguro nagulat siya sa pagbabalik ni Bryan.
Umupo ako sa tabi ni Bryan at niyakap siya.
"Hi?" Bati niya kay Bryan. "Besh, kayo muna dito ah? May pupuntahan lang ako." Paalam ni Dems.
"Sige ingat ka."
Demi POV
Mahirap man paniwalaan ang aking nasaksihan pero kailangan kong magpakatatag para sa kaibigan ko.
Ayakong sirain ang kasiyahan na nararamdaman niya lalo na't alam niyang bumalik na si Bryan. Ang lalaking mahal na mahal niya.
Mahirap man ay kailangan ko 'tong gawin.
Itinipa ko ang numero ng aking ate na si Skadi.
"Hello"
"Oh bakit Dems?"
"I need your help"
"What kind of help?"
"3:00 pm sharp at BBC."
"Sure, Seeyou!"
Mamaya ko nalang sasabihin sa kan'ya. Naligo na ako at nagsuot ng maayos na damit.
Nakita ko pa si Leslie at nagpaalam dito. Tumango lang siya bilang tugon.
Agad akong nagtungo sa lugar kung saan kami magkikita ni ate.
"Good afternoon ma'am, do you have a reservation?" Tanong sa akin ng waiter.
"None"
"Okay mam, this way please"
"This table alright for you madam?"
"Yah, thanks." inabutan niya pa ako ng menu bago siya umalis.
Sa ilang oras na paghihintay ay dumating na rin si ate.
"Sorry I'm late."
"Okay lang ate."
"So, Ano ang sasabihin mo?"
"Tungkol kay Leslie."
"Oh, how about her?"
"Ate, naaawa ako sa kaibigan ko para siyang nawawala sa katinuan. Kagaya kanina sabi niya bumalik na si Bryan pero wala naman. Ate ano ang kailangan kong gawain?" Paliwanag ko kay ate.
Oo tama kayo ng basa, nawawala na sa katinuan ang aking kaibigan at naaawa ako para sa kan'ya. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang pagmamahal niya kay Bryan.
"Kailangan natin mahanap kung nasaan ngayon si Bryan." sabi ni ate.
Tama kailangan namin siyang mahanap para mapasaayos ang lagay ng aking kaibigan.
"Teka, hahanapin ko facebook niya." Suhensyon ko.
Binuksan ko ang Facebook ko at itinipa ang pangalan ni Bryan.
"Bryan Olivares"
Maraming lumabas na kapareha ng pangalan niya pero agaw pansin sa akin ang isang account kaya agad ko itong pinindot.
"Ate, nahanap ko na ang Facebook niya." sabi ko kay ate na may ngiti sa labi.
"Talaga, patingin."
Iniabot ko sa kan'ya ang cellphone ko at ang kaninang saya ay napalitan ng lungkot ang mukha ni ate.
"Anong nangyari ate?" Tanong ko sa kan'ya pero hindi siya umimik kaya hinablot ko ang cellphone at doon ko nakita kung ano ang dahilan ng pagkalungkot ng mukha ni ate.
"He's dead!" Malungkot na sambit ni ate. Bakit?
"Salamat sa mga kaibigan, kakilala at mga taong malalapit sa puso ni Bryan Olivares. Siya ay kinuha na sa atin dahil sa Depresyon na kan'yang dinanas, Ayon sa kanyang magulang siya ay labis na nangungulila sa babae na nagngangalang Leslie Mariela Cruz. Ito ang kan'yang dating kasintahan. Kaya labis siyang nagdamdam kaya kinitil niya ang Sariling buhay."
Ibig sabihin nito kaya hindi siya nakabalik kay Leslie ay dahil sa dinanas nitong Depresyon at ang mas malala pa kinitil niya ang kan'yang buhay.
"Dems, puntahan mo si Leslie ngayon baka kung ano ang mangyari sa kan'ya." Utos sa akin ni ate kaya dali-dali akong umalis sa lugar na 'yon.
"Leslie?" tawag ko sa pangalan niya pero wala siya sa sala, kaya tinignan ko siya sa cr pero wala rin siya.
Huli kong pinuntahan ang kwarto n'ya ngunit nakasarado ito. Fuck! Baka kung ano na nangyari sa kaibigan ko. H'wag naman sana.
"Leslie!"
"Leslie, andyan kaba? Buksan mo 'tong pinto. Pleaseee lang!"
Narinig ko ang pagtawa niya kaya nabawasan ang kaba ko.
"Besh, buksan mo 'tong pinto oh." sabi ko dito ngunit parang hindi niya ako naririnig.
"Sasama na ako sa 'yo mahal ko." iyan ang narinig ko kaya kahit masakit sa kamay ay isinangga ko ang pinto. Ibinigay ko ang lakas ko para masira lang ang pintong 'to.
Shit, yung susi!
Tumakbo ako sa kusina para kunin ang susi pero dahil sa pagmamadali ko ay nalaglag ito sa lababo.
"Fuck! " Sigaw ko dahil sa inis. Bumalik ako sa kwarto ni Leslie pero wala na akong narinig.
"Ahh, Leslie?" Tawag ko!
"Dems, anong nangyayari dito?" tanong ng lalaki sa likod ko si --Cris.
"Cris, si Leslie nasa loob nakasarado ang pinto n'ya!"
"Ha. Wait, tumabi ka muna."
Ilang beses niyang tinulak ang pinto at sa wakas nabuksan na rin. Shit!
"LESLIEEEEEEEEEEEEEEEE!"
\•/
Ilang buwan na ang lumipas nang nawala si Leslie, Parehas sila ng araw na nawala ni Bryan.
Tinupad niya nga ang pangako niya sa kaibigan ko ngunit palaisipan parin sa akin kung bakit nakapabilis ng pangyayari.
Parang kanina lang magkausap kami tungkol kay Bryan tapos ngayon wala na siya.
Sa una palang alam ko na nawawala na siya sa katinuan pero binalewala ko lang dahil baka gutom lang pero hindi pala.
"Umiiyak ka nanaman, tahan na hon." sabi sa akin ni Cris.
Si Cris ang naging sandalan ko noong mga nakaraang buwan na nangungulila ako sa kaibigan ko.
Doon nagsimula ang love story naming dalawa.
Alam kong masaya kana ngayon besh kasama ang taong mahal mo kaya sana maging maligaya kasa feeling niya. Mahal kita aking kaibigan.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro