Matanda at Bata
ISANG MUSMOS na bata pa lamang siya na matutunan ang maging masinop sa lahat ng bagay dahil maaga siyang namulat sa kamunduan na kung saan ginagamit niya para maging matatag at makalaban sa kahirapan.
Ulilang lubos na siya ng makilala ng isang aleng nagtitinda nang mais na siya'y kinupkop at itinuring na tunay na anak. Biyuda na ang matanda at may limang anak pero lahat ito'y iniwan siya pagkatapos na mag-asawa lahat.
Para sa matanda ay ipinagpapasalamat niya iyon dahil nakilala niya ang batang nagbigay ng lakas sa kanya para lumaban din sa buhay. "Anak, halika dito at tulungan mo akong ayusin itong ibebenta ko mamayang mais."
Maagang silang nagigising pareho para mabilis nilang masalansan ang ibebenta mamayang mais. "Nay, gusto mo po ako na lamang ang magtinda na mamaya at magpahinga ka na lamang po dito sa bahay." magalang na suhensyon ng magiliw na bata ngunit siya inilingan lamang ng kanyang ina.
"Hindi ka pwedeng mag-isa lamang, anak. Alam mo namang sa panahon ngayon ay maraming loko-loko sa daan. At ayako din na mapahamak ka kaya ako na lamang." paliwanag ng matanda sa kanyang anak pero talagang makulit ang bata kaya napaoo nalang ang matanda. "Sa isang kondisyon, kasama ako upang maalalayan kita."
Isang matamis na halik ang ginawad ng magiliw na bata sa kinikilalang nanay, "Salamat nay, kaya mahal na mahal po kita, eh!" Ikinangiti naman ito ng matanda.
"Napakulit mo talagang bata ka." nakangiting tugon nito, syete dies na ang edad ng matanda kaya may kahinaan na din ito at marami nang sintomas na nararamdaman. Kahit ganoon ay nanatili itong matatag para sa anak niya. Ayaw niya itong iwanan na mag-isa, gusto niyang makita niya pa itong lumaki at magbinata.
Mabilis na tumakbo ang oras kaya nagsimula na ang dalawa na magtulak ng ginagamit nilang lagayan sa pagtitinda ng mais. "Nay, sa paglaki ko ibibili kita ng maraming pwesto para pagtindahan ng mais. Gusto mo po ba 'yon?"
Natawa ang matanda, "ikaw talagang bata ka, hihintayin ko ang araw na sinasabe mo. Basta sa ngayon kailangan muna nating kumayod."
Isa.. dalawa.. tatlong tango ang ginawa ng bata para mapakita niya sa matanda ang kaseryosohan niya sa gusto niyang mangyari. "Makakaasa po kayo sa bagay na iyon, nay."
Walang permanenteng pwesto ang dalawa kaya kapag may bakanteng pwesto lamang sila nakakapwesto. Sa lagay nilang ganoon ay sa daanan sila ng mamimili nakapwesto, nagbabayad lamang sila ng tatlong bente para sa bayad ng kanilang pwesto.
"Mga suki, lumapit na po kayo dito. Dalawa singkwenta!"
"Mais sa umaga, mais sa umaga.
Upang ang iyong buhay ay lumigaya!" Pagtutula ng batang magiliw kaya ang nakakarinig no'n ay lumalapit sa kanila para bumili. Pinupuri pa siya ng mga ito na napakabait raw nito at alagaang mabuti ang kanyang nanay. Ngumiti ng walang pag-aalinlangan ang bata, nakikita sa kanyang mata ang kagustuhan at dedikasyon para alagaan ang kinilalang magulang.
"Anak, huwag masyadong magpawis! Uuwe na din tayo mamaya." hindi mawala ang ngiti ng matanda dahil sa nakikita niya, kung sakali man na nawala siya agad sa mundo ay gusto niyang may sapat na siyang perang naitabi.
Lumapit sa kanya ang anak at naupo sa tabi niya, "Nay, okay kalang po ba?" Ngumiti ang matanda sa naging tanong ng bata. "Oo naman, nak."
"Bakit tila hinahapo po kayo?"
"Ikaw talagang bata ka, maganda lang nanay mo kaya ganaan ang napapansin mo." biro ng matanda para mawala ang pag-aalala ng bata at tila naniwala naman ang bata dahil sa humalakhak ito at sumigaw,
"Maganda nanay ko! Maganda nanay ko!
Siya ang nanay ko, diba po ang ganda niya!" naluluha siyang panuorin ang bata, napakaswerte niya talagang siya ang nag-alaga dito.
Isang oras ang lumipas ng maubos ng dalawa ang kanilang paninda, masaya silang pareho na tinatahak ang daan papunta sa kanilang mumunting tahanan. "Hindi ko alam pero napakagaan ng pakiramdam ko, nay."
Tumungo siya para tignan ang bata, "Paano 'di gagaan ang iyong pakiramdam, eh abala ka sa paglalaro." tila naging baliktad ata ang naging resulta ng paglalaro ng bata, imbes na mapagod ito dahil sa kakalaro ay mas gumaan pa ang pakiramdam nito.
"Hindi naman po, iba lang po siguro na nakakapaglaro ako ng malaya hindi katulad lang ilang bata na nakikita ko na nakakulong lang sa loob ng tahanan, bagamat may ilan man na nakakapaglaro sa labas pero may limitasyon."
"Ang lahat ng bagay ay may limitasyon, anak. Walang permanente sa mundo; lahat ay nagbabago, lahat nang-iiwan at mas lalong lahat ay namamaalam sa mundong ito."
Tumango tango ang bata na wari mo'y naiintindihan niya na ang lahat. "Sa palagay ko po mas mainam na maging maligaya tayo kasama ang mga mahal natin sa buhay kaysa sa mga materyal na bagay. Masaya na po ako sa ganitong buhay, yung kahit mahirap ka masaya ka magkaroon man lang problema ay nasusulusyunan agad hindi po tulad sa iba na lahat ng problema ay malaking bagay na."
"Ikaw talagang bata ka kung ano-ano nalang ang sinasabe mo, halika na at pumasok kana nga sa loob." ani ng matanda ng makarating sila sa kanilang tahanan, marahang tumango ang bata at pumasok sa loob bitbit ang lagayan ng mais.
Pagkapasok ng bata ay nakaramdam ng kakaibang kirot ang matanda sa kanyang ulo. Pamilyar sa kanya ang sakit dahil madalas siyang pasakitan nito at alam niyang mawawala din agad ito tulad ng mga dumaang sakit.
Ipinikit niya ang kanyang mata at hinilot ang kanyang sintido pero nanatili padin ang sakit sa kanyang ulo. Mas masakit na. Mas masakit kaysa sa mga nakaraang araw. "An--" hindi na natapos ng matanda ang sasabihin niya ng mawalan ito ng balanse kaya natumba ito sa batuhan una ang ulo nito.
"Nay. Nay ang tagal niyo naman po!" palahaw ng bata sa loob ng bahay, abala sa pagsasalansan ng mga ginamit sa panininda. "Nay?" tumayo ang bata para tignan ang ina sa labas ng bahay.
"Nay, ano pong ginagawa niyo at ang tagal niyo."
"Nay!?" Gulat na bigkas ng bata sa sinapit ng kanyang ina, nakaratay ito sa batuhan na walang malay. "Nay, gumising ka po diyan, bakit diyan ka nahiga. Nay!?"
Ngunit walang nakuhang sagot ang bata, "mga kapitbahay, tulungan mo po ang aking nanay!" Sigaw nito upang makatawag pansin sa kanilang kapit-bahay. Sa una'y walang nakarinig sa pagsigaw niya kaya inulit niya pa ito hanggang sa may nakarinig na sa kanya.
"Ate, dalhin natin sa ospital ang nanay. Pakiusap po, baka mapaano ang ulo ni nanay." natatarantang lintana ng bata, agad naman nagtawag ng bubuhat sa matanda para dalhin sa malapit na ospital. "Ano bang nangyari sa kanya, iho?"
"Hindi ko po alam, ate. Hindi ko po alam." umiiyak na sambit ng bata, mahal na mahal niya ang kanyang nanay at ayaw niyang mawala ito sa tabi niya kahit na alam niyang hindi ito ang tunay niyang magulang. "Gagaling po siya, diba?"
Tanong nito sa babaeng sumama sa kanila sa hospital, "Oo, magtiwala lamang tayo sa itaas. Papagalingin niya ang nanay mo basta magdasal lamang tayo nang magdasal."
Hindi padin tumitigil sa pag-iyak ang bata at naaawa na ang babae dito, "tumahan kana iho, gagaling ang nanay mo. Halika, kumain ka muna."
"Ayako po. Ayako pong kumain gusto ko po ako ang unang makita ni nanay." pinunasan ng bata ang kanyang pisnge upang alisin ang kanyang mga luha. Namangha ang babae sa katatagan ng bata, kahit sa mura nitong edad ay alam niya kung paano hawakan ang ganitong sitwasyon.
"Nanay, gumising ka na diyan ah. Magbebenta pa tayo ng mais bukas. Kakain pa tayo, nay."
Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang doktor. "kayo ba ang pamilya?" ang bata ang sumagot, "Opo. Nanay ko po 'yon.".
"Ginawa na namin lahat ng makakaya namin para iligtas ang nanay mo pero masyadong malaki ang tinamo niyang pagdurugo sa ulo kaya naging dahilan ito ng pagkawala niya. Excuse me." Kanina pa umalis ang doktor pero ang bata ay wala pading reaksyon. Nanatili itong nakatayo habang nakatungo, nakatingin lang dito ang babae na nag-aantay ng gagawin ng bata.
"W-wala na ang nanay. Wala na ang nanay ko!" humagulgol na ito sa pag-iyak at naalarma ang babae ng tumakbo ito papasok sa loob ng kwarto. Sumunod siya dito at pinanuod ang masakit na tagpo ng mag-ina.
Patuloy sa paghagulgol ang bata habang nakayakap sa labi ng kanyang namayapang ina. Naiiyak siya dahil masakit maulila at mabuhay mag-isa. "N-nanay, bakit mo po ako iniwan!?"
"Sabe mo po sasaksihan mo pa ang lahat ng mangyayari sa akin. Ang daya daya mo po, nay!"
"Ang daya mo po, nay! Nang-iiwan ka agad bigla, nay!" sumigaw nang sumigaw ang bata para magising ang ina nito pero napaluhod lamang ito sa sahig at doon pumalahaw. "Hindi paako handa, hindi pa ako!"
"Nanay! Nanay! Mahal na mahal po kita!"
"Bakit niyo po ako iniwan. Paano nalang po ako, nay!?" tila pinipiga ang puso ng ginang sa nakikitang sakit sa mata ng bata, mahal na mahal nito ang kanyang ina. Masakit lamang na agad na nawala ang matanda.
Tumayo ang bata habang patuloy na tumatangis, "n-nay, mamimiss kita. Sana po ay maging masaya ka sa piling ng ating maylikha. Magkikita din po tayo, mahal na mahal po kita." kahit na patuloy na tumutulo ng luha ng bata ay pinagmamasdan niya ang mukha ng kanyang ina.
Lumapat ang kamay nito sa pisnge ng ina at hinaplos haplos, "mahal na mahal po kita, nay. Hinding hindi po kita makakalimutan."
Masakit ang mawalan ng minamahal bagamat ganito talaga ang takbo ng mundo; walang permanente lahat ay nawawala. Kahit anong trahedya ang dumating ay dapat aktibo tayo sa kaligtasan at kalusugan ng bawat isa sa atin.
Kahit na namimiss ko na ang nanay ko ay nanatili akong matatag at patuloy na lumalaban sa buhay. Ngayon, nakamit ko na lahat ng inaasam-asam kong pangarap noong kasama ko ang aking mahal na ina at inaalay ko sa kanya lahat ng tagumpay na ito.
Hindi man siya nariyan ay masasabi kong kasama ko siya sa bawat hamon na susulungin ko.
Ako si Totoy Arciello Dimalusog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro