Kirot sa dibdib
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko na kapag nakikita kita may kirot akong nararamdaman dito sa dibdib ko. Sobrang bigat niya, ikaw lang talaga ang nagbibigay sa akin ang ganitong pakiramdam." Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, akala ko kase ay tapos na wala na pero nagkamali ako.
"Pinag-usapan na natin 'to, hindi ba?" hindi ako sumagot kase natigilan ako, naiinis ako sa sarili ko kung bakit nanatili pa din ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Ang alam ko kase ay wala na simula ng tapusin niya ang namamagitan sa aming dalawa pero paano ko gagawin na makalimot kung araw-araw ko naman siyang nakikita, at kapag nangyayari 'yon bumabalik lang ang kirot dito sa dibdib ko.
"Tapos na tayo, Ely. Sana alam mo 'yon at makalimot ka na, masaya na ako ngayon at magiging masaya akong hindi ka muling magpapakita sa'kin." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na ito paalis kaya naiwan ako ditong tulala na malayo ang tingin.
Ano ba ang pagkukulang ko noon para hiwalayan niya ako, lahat naman nang pwede kong ibigay ay ibinigay ko, pero tila para sa kanya ay kulang pa ako na parang hindi pa sapat para hindi niya ako iwanan.
Ipinikit ko ang mata ko at kasabay no'n ang malaking patak ng ulan, hindi ako kumibo o umalis sa pwesto ko at nanatili lang do'n hanggang sa may bumusina.
Inilayo ko ang sarili ko at ng makaraan ang kotse ay iniayos ko ang sarili ko, tumayo ako nang tuwid bago tuluyang maglakad.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko hindi na para sa kanya kundi para sa sarili ko, hahayaan ko nalang na habang masaya siya sa iba ay ako naman itong parang pinipiga at dinudurog ang puso.
Siguro kailangan ko na rin talaga siyang pakawalan sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro