Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bayarang Babae

"MELISSA, ikaw na ang magdala ng order ng table 5." lumapit siya sa katrabaho niya na kung mag-utos sa kanya ay akala mo ito ang amo. Isa lang din naman itong tulad niya. "Saka gwapo ang nasa table na 'yan. Mukhang madatong, kagatin mo na agad kapag niyaya ka."

Napaismid na lamang siya sa sinabe nito, kahit naman na isa siyang bayarang babae ay may kakaunting kahihiyan pa siya para sa sarili. Labag man sa kanyang loob ang pasukin ang ganitong trabaho ay sinikmura niya na lamang dahil ito't ito lamang ang makakapitan niya para ipagtuloy ang buhay. Ni wala na nga siyang inuuwian na magulang, nakikituloy lamang siya sa kaibigan na bakla at pansamantalang tumutulong sa kanya.

"Sige na at baka mainip ang kustomer." inayos niya ang sarili at binitbit ang hawak na tray para ihatid sa customer. Isang binatilyo ang nadatnan niya na abala sa harap ng cellphone. "Excuse me. Ito na po ang order niyo."

Hindi humarap ang binatilyo, patuloy lang itong nakatingin sa cellphone habang may itinitipa. "Kung may kailangan pa po kayo, Lisa po ang pangalan ko." pakilala niya sa sarili, Hindi na niya itinago ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Para saan pa at nadungisan nanaman ang pagkatao niya. Tanggap niya na ganito na siya habang buhay.

Tatalikod na siya para bumalik sa ginagawa ng tawagin siya ng binatilyo. "Samahan mo ako dito." nilingon niya ito at isang gwapong nilalang ang nakita niya. Hindi sasapat ang salitang gwapo lang, dahil para itong isang fictional character na may magandang katangian. "Please ." natauhan siya ng magsalita ito, tatanggi na sana siya ng tumayo ang binata at hinawakan ang kamay niya. "Huwag ka mahiya sa akin, ako lang ito." anito.

"Pero may gagawin pa ako." pagtanggi nito ng mahimasmasan siya. Gusto niyang manatili sa tabi ng binata dahil sa bihira lamang siyang makakita ng ganitong kaperpekto na lalaki.

"Babayaran ko serbisyo mo."

"Sige umpisahan na natin, gusto mo sa malapit na mariche nalang tayo." namangha siya sa pagtawa ng binata, nakakadala. Nakakakilig.

"Hindi kita gagamitin, basta dito ka lang."

Simula ng tagpong iyon hindi na maalis sa isipan niya ang lalaki kahit na nakakapagpalitan na sila ng numero at nakakapag-usap kapag may libreng oras sila.

Sa tingin niya ay nanliligaw na ito dahil niyaya na siya nitong sumama sa kanya. Gusto niya, kaso tumatanaw siya ng utang na loob. "Lisa, yung fafa mo nariyan."

"Ang swerte mo sa kanya." dugtong pa nito, nahihiya naman siyang ngumiti. Naglakad na siya palapit dito at binigyan ng matamis na halik.

"Lisa, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." nagulat siya sa biglaang pagluhod nito ng iabot nito sa kanya ang rosas na paborito niya. "Can you be my girlfriend, forever and ever?"

Naghalo-halo ang mga emosyon sa kanya at walang pag-aalinlangan na sumagot ng "Oo, tayo na." nagsigawan ang mga nanunuod at hinila siya ni Marlon at niyakap, nagtagpo ang kanilang mga mata at unti-unting naglalapat ang kanilang mga labi.

"Melissa, nanaginip ka nanaman. Gising na!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro