Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bahaghari

MALALIM ang iniisip niya ng may maramdaman siyang tao na tumabi sa kanya, nilingon niya ang tumabi at ng makilala ito ay siyang pagngiti.

"Are you okay?" tanong ng kanyang katabi na nagbigay sa kanya ng pamilyar na pakiramdam, okay nga lang ba talaga siya o sadyang pagod na pagod na siya. Hindi niya agad nasagot iyon dahil maraming bagay ang pumapasok sa isipan niya ngayon, subsob na subsob siya sa iniisip.

"Hindi mo kailangan maging malakas sa harapan ko, alam kong may dinadamdam ka. At hindi masamang ilalabas mo 'yan dahil alam ko ang pakiramdam na parang may kulang."

Ginulo niya ang kanyang buhok, napahilamos ng mukha at napapikit. "Pagod na ako, Jaze. I want to rest."

"Don't say that. Malakas ka at malalampasan mo din 'yang bagay na bumabagabag sa'yo." gusto niya man paniwalaan ang sinabi ng kausap ay hindi niya magawa, wala na siyang lakas para lampasan ang bagay na ito. Nakakabit na ito sa kanyang isipan at ang katawan niya na lang ang inaantay na kumilos.

"Sa bawat araw na dumadaan mas lalo akong nahihirapan, gustong - gusto ko ng sumuko na baka sakaling mawala itong sakit na nararamdaman ko. Jaze, pagod na ako sa sakit na ito gusto ko nang makawala." nahihirapan na siya maski ang luha niya ay hindi na nakisama at tuluyan ng lumandas sa mata niya, kalalaki niyang tao pero ang negatibo niyang mag-isip. Sobrang hina niya sa pagkakataong ito, inubos ng sakit na ito ang lakas niya para mabuhay.

"Shh, iiyak mo muna lang 'yan at baka sakaling gumaan 'yang pakiramdam mo." Iniiyak niya nga ang nararamdaman niya pero alam niyang panandalian lang ang pagkaalis nito dahil maya-maya din uusigin na naman siya nito.

Sa oras na iyon ang pagbuhos ng ulan, nakaalis na din ang kausap at siya ngayon ay nakatayo sa bintana at nakatanaw sa pagbuhos ng ulan. Payapa ang paligid, tahimik, at mas lalo siyang nakakaramdam ng lungkot.

Umalis siya sa bintana para hanapin ang bagay na gusto niyang makita at nang makita niya ito ay agad niyang inayos malapit sa bintana, kinuha niya din ang tungtungan upang isagawa ang nais niya. "Alam kong magiging okay din ako kapag ginawa ko ito, mahal na mahal ko kayong lahat."

Gamit ang upuan ay ginawa niya itong tungtungan upang maipasok niya ang sariling ulo sa lubid na isinabit, at sa pagkakataon ito siya ay napangiti, ngiti ng walang pagsisisi at pagtanggap sa kapalaran niya ngayon.

Isang nakakabinging kulog ang dumadundong sa kalangitan dahilan para ipagpatuloy niya ang gagawin, hinawakan niya ang lubid at sabay sipa sa upuang yari sa kahoy.

At doon, doon siya mas lalong napangiti. Dala ang ligayang mawawala na ang dumadantay na problema sa kanyang katawan. Ipinikit niya ang kanyang mata hudyat na malapit na siyang malagutan.

"Salamat sa lahat." naisatinig niya iyon sa pagitan nang pagkawala ng hininga. At tuluyan na siyang bumigay.

Ilang araw bago malamang wala na siya, si Jaze ang nakakita dito at siyang labis na sakit ang naramdaman niya, hindi niya inaasahang tatapusin nito ang sariling buhay.

Si Onyse ay anak sa labas, galing sa broken family, walang matinong trabaho, brokenhearted, at higit sa lahat lulong sa droga.

Ito ang mas lalong nag-udyok sa kanya na lisanin ang mundo.

Hindi niya naisip ang kahalagahan ng buhay, hindi niya na naisip na, "Sa bawat araw na dadaan ay ang bagong pag-asang magiging lakas niya para mas lalong lumaban."

Isang bahaghari ang lumitaw sa kalangitan na siyang simbolo ng bagong umaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro