Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Because I Can


Siya si Dennes Fenol isang simpleng studyante na may talento sa pagsusulat. Hangad niyang maipakita ang kaniyang talento sa mga tao sa pamamagitan ng pagsali sa Journalism pero paano kung may mga taong hindi naniniwala sa kaniya na hindi niya kaya o mas may mga bagay na maaaring makapagpigil sa kaniya sa pagpapaunlad ng kaniyang talento. Paano niya ito mapapaunlad at mapapatunayan sa mga taong hindi naniniwalang may talento siya sa paggawa ng storya?






Dennes P.O.V






"Oy khen! Sasali ka ba sa Journalism?"tanong ko sa kaniya nang makasakay kami ng tricycle. Siya si Khen ang isa sa mga kaibgan ko mula pagka elementary.

"Di ko alam eh. Natatakot kasi ako baka mapahiya lang ako."sabi niya na umiwas pa ng tingin.

"Paano ka sasaya kung habang buhay kang natatakot? Wala namang masamang subukan natin eh"pang hugot ko pa.

"Charr!"sabi nila Charlotte,Khenberl at Jedden. Si Charlotte ay kaibigan ko din. Naging mas magkaibigan nga lang sila ni Khenberl dahil magkaklase sila nung Grade 7.

"Eh kasi diba gusto mo din sumali. Tuwang tuwa ka nga eh tapos ngayon nalaman mo lang na kailangan pa lang magaling ka sa pag english eh bigla kang umurong."sabi naman ni Jedden. Etong si Jedden ay kaibigan ko din. Mas nauna nga lang sila ni Khenberl. Transferee ako nun sa elementary, naalala ko pa nun pinsan ko lang lagi kasama pero mabuti talaga friendly tong si Khenberl. Kaya eto kami ngayon friends. Napagdesisyonan din namin na sa iisang school lang mag aral pagdating sa highschool para magkikita pa rin kami kahit papano. Madami kami pero sila lang kasi madalas kong kasama. May sariling mga mundo na ang iba eh.

"Eh kasi nahihiya ako na baka magkamali ako ng pagbigkas ganun alam mo na."

"Khen, sabi ko nga wala namang masamang hindi subukan eh. Kung sa una man ay hindi tayo natanggap eh edi sa susunod ulit. Malay ba nating matanggap na tayo nun."sabi ko pa sa kanya.

***

Free time na pala namin ngayon. Nandito pa rin ako sa classroom kasi hinihintay ko pa sila Khen. Nasan na ba kasi ang mga 'yon?

Si Charlotte, Jedden at Khenberl ay magkaklase. Nakakainggit diba? Ako lang yung nahiwalay sa kanila. Habang nagmumuni ako sa classroom ay biglang lumapit sa classroom.

"Nes. Snack ka?"sabi ni Therence.

"Snack din ba kayo?"tanong ko.

"Oo eh Tara."

No choice ako kung hindi sumama. Nagugutom na din kasi ako. Bahala sila kanina pa ako nag intay eh. Tsk.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay naguusap usap kami. Syempre gusto ko sabihin sa kanila na may balak akong sumali sa Journalism para suportahan nila ako.

"Balita ko sasali daw si Carlo sa Journalism."sabi ni Therence samin ni Carl.

"Bagay naman sa kaniya eh. Diba nung Elementary pa tayo siya din ang inilaban sa ibang school. Galing niya nga eh. Pang second daw siya."buong paghahanga ni Carl.

"Paano mo nalaman? Bakit magkaklase ba kayo since Elementary?"tanong ni Therence.

"Oo. Simula Elementary."sagot naman ni Carl.

"Matalino ba siya?"tanong nito ulit.

"Super talino niyan. Siya nga yung Valedictorian sa'min ei. Mabait din yan."proud niya pang sabi.

"Kung sasali man siya sigurado akong makakapasok siya. Matalino, Mayaman, halos lahat nasa kanya na."buong papuri ni Carl tungkol kay Carlo samin.

"Eh ako guys.. May chance kaya akong makapasok sa Journalism?"pagsingit ko ng usapan sa kanila. Buti naman nakasinggit ako.

"Ikaw?"tanong ni Carl at Therence sakin na nagpipigil ng tawa.

"Hahahaha! Wag ka ngang magbiro Pre!"sabay hagalpak pa nila ng tawa at nag apir.

"Ba't ba kayo tumatawa di naman ako nagbibiro ahh totoo sinasabi ko."medyo naiinis kong sabi sa kanila.

"Hahaha.. Alam mo Pre! Sinasabi ko sa'yo. Wag ka nang sumali. Sigurado akong hindi ka matatanggap dun. Tiyak na papahiyain ka lang ni Carlo dun. May pagka abno pa naman yun."sabi Carl habang tumatawa.
Napailing naman si Therence sa sinasabi ni Carl tungkol sa'kin.

"Ikaw talaga Carl eh ano. Hayaan mo na. Baka may talento lang talaga si Pareng Dennes sa Pagsusulat malay ba nating may tinatago siyang talento." Sabay akbay ni Therence sakin.

"Hayy naku.. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Wag ka nalang sumali dun Pre. Sa Tennis ka nalang sumali. Magkaparehas pa naman tayo ng Faction. Tatalunin natin tong si Therence."

"Ulol ka talaga anu."sabi ni Therence na binatukan pa si Carl at biglang tumakbo.

"Hoy! Bumalik ka dito!"sigaw ni Carl ng mabatukan siya ni Therence at tumakbo kaya hinabol niya ito.

Grabe naman sila. Wala ba silang tiwala sa'kin? Matalino din naman ako ahh? Alam ko namang hindi ko mapapantayan ang katalinuhan at kasikatan ng Carlo na 'yon eh. Saka ano paki ko? Eh gusto ko sumali eh.

Bahala sila basta gusto kong sumali. Di ko din kailangan ng opinyon nila para sumali talaga ako. Sinabi ko sa kanila kasi para suportahan nila ako. Kaklase kaya nila ako. Tsss mas sinusuportahan at pinupuri pa nila ang Carlo na 'yon na hindi  naman namin 'yon kaklase.

Matapos kong bumili ng pang snacks ay bumalik na ako ng classroom pero pagbalik ko ay nagulat nalang ako sa tinuran ng mga kaklase ko. Pinagtitingnan nila ako na akala mo'y nakagawa ako ng kasalanan. Tsss para silang bubuyog bulong ng bulong pero naririnig ko naman tsk di ako bingi para di ko marinig sinasabi nila. Lalo na sa taong kaharap ko. Teka ba't pala siya nandito?

"Hoy Dennes! Balita ko balak mo daw sumali sa Journalism ahh?"mayabang na sabi ni Carlo.

Hindi ako sumagot pero tinignan ko ang katawan. Mula Paa hanggang Ulo.
Eto ba 'yong sinasabi nilang mabait? Di ko kita eh. Di ko feel. Parang kaplastikan lamang ang ipinapakita niya sa mga studyante kapag kaharap niya ito.

"Uhhm.. Oo."sagot ko. Bigla siyang ngumisi at tumingin sa mga kaklase ko.

"Gusto niya daw sumali? Sa tingin niyo nababagay siya dun?"sabi niyang tinuturo pa ako. Biglang nagsitawanan ang mga kaklase ko habang nakatingin sakin.

"Hahahaha! Wala 'yang pag asa! Tiyak na pahiya niya lang!"

"Naku! Di nga 'yan marunong mag english eh. Wrong grammar pa ka'mo. Pfft."

"Assuming din 'tong lalaking ito eh! Wala kang pag asa Dude. Papahiyain ka lang nito!"sabay turo kay Carlo na nakangising tumingin sa'kin.

***

There so many talented people we will never hear because of their lack of confidence.

Yan! Yan yung nararamdaman ko ngayon. Matapos ako pagtawanan at pahiyain ng mga kaklase ko at nang Carlong yun. Nakakainis.

Imbis si Khenberl lang yun walang confidence, eto ako kasali na din dahil sa sinasabi sa'kin ng mga taong iyon. Bwesit! Gustong gusto ko talaga sumali pero parang wala na akong gana gumawa ng script para i submit ko sana.

Nag scroll lang ako sa mga post sa fb nang may mabasa ako.

"THE THING YOU WANT TO DO IS THE MEASURE OF YOUR WEAKNESS"

"THE THING YOU DO IS THE MEASURE OF YOUR STRENGTH"

Bigla akong napangisi. Tumingin ako sa salamin. Sabi ng isip ko.

Lalo mo pang GALINGAN!
Masarap IPAMUKHA sa ibang taong hindi naniniwalang kaya  MO at MALI sila ng INAAKALA sa'yo.

Kung sa tingin nila ay basta basta akong uurong ay nagkakamali sila. Mas lalo lang nila akong binibigyan ng lakas upang ako ay magpatuloy sa kung ano man ang nais kong gagawin para saking sarili.

Pagdating ko sa classroom ay biglang naagaw ko na naman ang mga atensyon nila. Grabe.. Hindi pa nga ako writer eh may basher na agad ako. Sikat na pala ako.

"Nandito ka na pala Dennes. Ano balak mo pa rin bang sumali?"nakangising tanong ni Carlo sakin.

"Yes of course. Hindi naman kasi ako basta basta sumusuko. Hindi ako katulad ng iba jan."

"Oh really? Then Goodluck! Ang tanong kaya mo ba kaya? Base kasi sa pagkilala ko sa'yo ay mahina kang tao. Kaya ka nga nabubully eh. Tama ba ako?"

"Alam mo Carlo. Pangalan ko lang ang alam mo kaya wag kang assuming. Radio Broadcaster ka lang samantalang ang kukunin ko ay News Writer. Walang wala ka lang sa kalingkingan ko."

"Sa tingin mo magpapatalo ako? Kaya ko ring maging News Writer. Pwede akong lumipat sa kung ano ang gusto ko kahit Feature or Sports Writer. Hindi ako magpapatalo. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo."buong yabang niyang sabi sakin. Bigla akong napangisi.

"Carlo Mendoza. May mga laban na kaya mong ipanalo, di mo naman kayang ipaglaban."

"Kung sakaling mas pipiliin nila ang ginawa mong script dahil sa pagiging mayabang mo, mapagmataas mo, pang iinsulto at pananapak ng ibang tao ay sigurado ka bang nanalo ka talaga?. If you have nothing learned from your victory have your really won? Huh Carlo? Kasi ako. If i learned something from my loss then i have not loss."

***

"Dennes pinapatawag ka ni Sir Mazo."sabi ni Miss Eli. Nagpasa na kasi ako ng script kani kanila lang. Paglapit ko dun ay agad na nagtanong si Sir sakin.

"Asan yung script mo?"tanong sakin ni Sir.

"Binigay ko po kay Miss Eli kanina lang."

"Okay anong name mo?"

"Uhm Dennes Fenol po Sir."pinapakli ni Sir ang mga script at tinitignan bawat isa pero lalo lang siyang nairita.

"Nag pass ka ba talaga? Wala kasi pangalan mo dito eh."medyo stricto nitong sabi. Shit!

"S-sir binigay ko po dun kay Miss Eli eh. Diba siya po yung nag collect ng mga script kanina. Tanong niyo po siya."kinakabahan kong sabi. Nu ba yan! Bat naman wala eh binigay ko yun kay Miss Eli eh. Tinawag ni Sir si Miss Eli at tinanong.

"Sir binigay niya po sakin yung script niya. Tanong niyo po sa mga katabi niya. Basta nandiyan po yun eh. Dito ko nga nilagay eh"pag dahilan ni Miss Eli.

"Eh wala dito eh! Baka naman hindi sa'yo yung script na pinasa mo! Wala kasi dito! Iniisa ko pa ohh!"galit na sabi ni Sir sakin.

***

"Asan yung script ko?"

"Script? Aba malay ko!"

"Di mo'ko maloloko Carlo. Ikaw lang ang alam kong pwedeng kumuha nun."

"Wala sakin! Saka bat ko naman kukunin ang sa'yo? May sarili akong gawa kaya wag moko pagbintangan!"sigaw niya pa sakin.

"Sa tingin mo. Maloloko mo'ko? Di mo'ko maloloko! Pareho yung dugong dumadaloy sa mga katawan natin! Pareho tayong palaban at walang iba ang pwedeng kumuha nun kundi ikaw!"

"Matalino ka talaga Dennes. Alam mo talaga ang takbo ng utak ko. Tama ka. Nasa akin ang script mo. Kinuha ko at hindi ko yun ibibigay! Ako lang ang karapat dapat na maging News Writer!"sabi niyang humahalakhak.

"Ganyan ka talaga ka Desperado? Gusto mo nasa taas ka palagi? Ikaw ang itinatingala? Tandaan mo itong sasabihin ko Carlo. Bilog ang mundo at hindi ibig sabihin nun bukas makalawa ay nasa itaas ka pa rin dahil ang buhay ng isang tao ay parang gulong minsan nasa itaas at minsan nasa ibabaw kaya sagad sagarin mo na iyang pagiging nasa itaas mo dahil baka hindi mo namamalayan na unti unti ka na palang bumabagsak sa lupa"
sabi ko at agad na bumalik sa room ni Sir. Lintek lang ang walang ganti.

***

"Okay. So ang magiging bago nating News Writer walang iba kundi si Carlo Mendoza."nagpalakpakan ang mga studyante sa paligid. Tumayo siya at ngumiti sa harap namin.

Napangisi ako. Agad kong pinindot ang recorder. Nagulat ang lahat sa narinig dahil sa umaalingawngaw na boses ni Carlo.

"Anong ibig sabihin nito Mr Mendoza!?"galit na sigaw ni Sir kay Carlo.

"Kinuha niya ang Script na gawa po ni Dennes para siya lang ang maging News Writer."pahayag ni Khenberl.

"Totoo po sinasabi ni Khen. Nakita ko po mismo sa mga mata ko."sabi naman ni Charlotte.

Sa huli ay ako ang naging News Writer. Kumalat na din sa buong campus ang balitang pagnanakaw ng script ni Carlo mula sakin para siya ang maging News Writer at hindi ako.

"Ang aking talento ay pagsusulat ng kwento, mahahasa ko ang pagsusulat ng kwento sa pamamagitan ng pagbabasa upang lumawak ang aking kaisipan at makagawa ng sariling kwento dahil ang tunay na Author ay may sariling imahinasyon."





A U T H O R ' S  N O T E :

Hello Po! Hhmm gusto ko lang sabihin na marami maraming salamat sa pagbabasa <3

Gusto ko ding sabihin sa inyo na masasali ang one-shot na ito sa Book Anthology. Yiieehh! Congrats niyo naman ako oohhh!

Hhmm yun lang salamat! <3

Ang storyang ito ay Dedicated kay MissyMushy. Hmm salamat sa paggawa nitong BC hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro