Never Be Yours (LULUBOG, LILITAW)
This is an entry for WATTPADROMANCEPH.
'Di Ba Ito Ang Iyong GHOSTo?
PROPMT 1. LULUBOG, LILITAW
WordCount:1,616
"Levine? Hindi ka uuwi sainyo? May paparating na bagyo ah." Nakaimpake na si Rebecca nang mapadaan ako sa pintuan ng apartment niya. Magkatabi kami ng tirahan at isang opisina rin ang pinapasukan namin. She's my friend since we graduated college at sabay kami nag-apply ng trabaho.
"I'll stay. Malayo pauwi ng Bulacan baka sa daan ako abutan ng bagyo." Pagtanggi ko. Inilapag ko sa sahig ng lobby ang apat na paso ng halaman na inaalagaan ko, nakapatong sa balusters. Baka mahulog kapag lumakas ang hangin. Ilang segundo pa nagpaalam na si Rebecca. Kaya pumasok na rin ako sa apartment ko at isinara ng maigi ang pinto.
Halos sampung taon na 'ko sa apartment na 'to. Marami na rin akong naimbetahang kaibigan dito at nakitulog pa. Halos nandito na ang magagandang ala-ala na nangyari sa buhay ko.
"Alas otso na." Sinipat ko ang relo ko at isinara ang librong binabasa ko. Nag-uumpisa na ang ulan ngunit hindi naman malakas ang hangin. Signal #1 lang naman. Kapag buwan talaga ng Oktobre lagi na lang may paparating na unos. Ang lamig lagi ng gabi. Papunta ako nang kusina dahil naisipan ko magtimpla ng gatas ng may marinig akong doorbell. Siguro si Rebecca hindi na tumuloy. Makikitulog na naman dito.
Kalma ko'ng binuksan ang pintuan ngunit hindi si Rebecca ang tumambad sa akin. Napaurong ako bigla dahil halos hindi ko mapagtanto na makikita ko ulit ang taong nakatayo sa harapan ng bahay ko. Ilang taon na ba. Hindi ko nga agad siya nakilala dahil madami na ang pinagbago niya. Hindi na siya iyong patpatin ko'ng kaibigan, kahit ang style ng buhok niya ay nagbago din. Dati para siyang si Rizal. Ngayon para na siyang Rockstar. Isang makisig at gwapong lalaki ang sumulpot sa harapan ko.
"Hi." He greeted me.
"Hello." I answered like he was a stranger but..
I remember he is a friend. Jerick. My friend. A friend who left me hangin'. "Omg! Hindi pa naman November bakit minumulto na 'ko." Dagdag ko pa na nagpalawak ng ngiti niya. At mas lalo akong nagulat ng yakapin niya akong mahigpit. Bigla tuloy nataranta ang puso ko. Hindi ako tumugon sa yakap niya pero hindi rin ako tumanggi.
"Sobrang namiss kita, Levina." Walang alinlangan na sabi niya. 'Ako din naman'. Sigaw ng isip ko. Normal lang sa kanya na yakapin ako pero ako halos manigas na ang buong katawan dahil siya pa rin naman ang laman ng puso ko. Hindi ko magawang tumingin sa iba dahil nasa kanya na ang lahat. Masakit nga lang dahil kaibigan lang ang tingin niya sa akin ng mga panahong minahal ko siya. Noong mga panahong lihim akong nagmamahal sa kanya.
"Pasok na nga. Ang lamig eh." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I try to make myself calm dahil hindi niya naman alam ang totoong nararamdaman ko noon. Pero bakit bumalik siya. At sa ganitong panahon pa. Kahit nilalamig ako ay nag-iinit ang pisngi ko.
Binuksan ko lahat ng ilaw. Mula sa sala hanggang sa kusina. Nag-init akong tubig para ipagtimpla siya ng kape dahil mukhang nanginginig sa lamig. "Uyy Jerick, Kumain ka na?." Nilakasan ko ang boses ko dahil malakas na ang buhos ng ulan.
Nakita ko siyang hinubad ang jacket at sapatos. Saka tumuloy sa sala at inilapag ang maliit na backpack. Makikitulog na naman ba siya? Katulad ng dati? Ano ba ginagawa nang lalaking yan dito sa bahay ko. Dapat galit ako. Dahil ilang taon na siya hindi nagparamdam sa akin? Walong taon na pala. Ang tagal na noon.
"May pagkain ka?." Hindi ko namalayan nasa likuran ko na siya habang nagtitimpla ako ng kape. Dumikit ang siko niya sa likod ko dahil nagbukas siya ng fridge para maghanap ng makakain. Para akong nakuryente at kinakabahan sa mga kilos ko.
"Bakit bigla kang nawala?." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Namiss mo 'ko?." Nakangiti siya habang titig sa mga mata ko. Sinasadya niya ba?Wow! Ang kapal ng mukha n'ya para isipin niya na namimiss ko siya.
"Pwedi ba, Jerick. Bigla ka na lang nawala. Tapos bigla kang susulpot ngayon na parang wala lang?." Ibinigay ko sa kanya ang kape at kinuha ko ang ulam sa fridge para initin habang siya nakatayo at nakasandal sa may sink. Pinagmamasdan ako. Asiwa tuloy ako dahil sa mga titig niya.
Hindi n'ya pwedi malaman na nagluksa ako ng mawala na lang siya bigla pagkatapos ng gabing iyon sa tabing dagat. Walong taon na ang nakalipas..
"Ganda na naman ng buwan." He said. Sinundo niya ako sa gate ng school ko ng gabi'ng iyon. Third year college ako at gabi na ako umuuwi. Bestfriend ko si Jerick since highschool kaya nasanay na ako na palagi siyang sa tabi ko. Ahead siya sa akin ng 2 years kaya graduate na siya at nagtatrabaho na sa mga oras na iyon. Pero lagi pa rin sumusulpot kapag kailangan ko siya.
"Beach?." I ask. Saturday naman bukas pwedi kaming gumala.
"Tara. Beach." He excitedly said. Natatawa akong yumakap sa kanya at pinaharurot naman niya ang motor.
Dumaan kami sa mini grocery para bumili ng beer at chips. Since naging magkaibigan kami ay lagi namin iyong ginagawa. Ang magpalipas ng oras sa tabing-dagat.
Ilang minuto lang sa beach na kami. Pag-apak ko pa lang sa buhangin ay tinatangay na ang mga paa ko. I would love to swim pero wala pala akong extra damit. Naupo ako at tumabi siya sa akin. Sumandal ako sa kanya. We always like that. Walang malisya. We're really a good friend.
"I'm not hungry, Levina. Nakakain ko buhok mo." Reklamo niya. Mahangin kaya sabog ang mahabang buhok ko. Kagaya ng dati. Kinuha niya ang pamuyod ko at siya ang nagtali ng buhok ko kase alam niyang tamad ako mag-ayos ng sarili ko. I feel like a kid sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin. Jerick is so sweet. Kaya unti-unting nahulog ang puso ko sa kanya ng hindi niya alam at ayoko ipaalam. Natatakot akong iwasan niya ako at hindi niya na 'ko pansinin.
Beach and moon was so romantic. Sayang nga, dahil kaibigan lang ang kasama ko. Sound of waves and moonlight got me swayed. Unti-unti akong hinihila ng buhangin kaya napahiga ako. I slowly closed my eyes. Ang sarap sa pakiramdam sa mga oras na iyon. I have a bestfriend who always make me feel safe and this sweet scenery.
"This is perfect." I said habang idinilat ko ang mata ko para makita ang maliwanag na buwan. Inaantok ako. Kaya pumikit ulit ako. Then I feel his hand playing my hair. I like what his doing. Sanay ako na ginagawa niya iyon. Hinayaan ko lang siya but suddenly I feel his lips touches my forehead. This is the first time na halikan niya ko. Walang malisya dahil sa noo lang naman. Pero 'yong ganitong oras. Sitwasyon at dito sa tabing dagat pa. Idagdag pa ang dalawang beer-in-canna na tinungga ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko at nang-init bigla ang mukha ko at parang may biglang kumawala galing sa tiyan ko.
'Inlove na talaga 'ko sa bestfriend ko.' My heart shouts. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Then I grab his shirts. Napayuko siya sa akin. I kissed him na ikinagulat niya. Natauhan ako sa ginawa ko. Napabangon ako bigla. Nagulat din siya.
"What are you doing, Levina?." He seriously ask me with curiosity in his tone.
"Hahaha. Ikaw naman! Just teasing you." Halakhak ako sabay palo sa braso niya.
"Teasing?." Inulit ni Jerick.
"Because you kissed my forehead. Kaya naiisipan ko'ng gantihan ka rin." I lied. Binawi ko. Dahil ayoko na mawala siya sa tabi ko. He is my favorite person. My savior. My haven. My love.
"You're impossible, Levina." Sambit niya at nagyaya nang umuwi. Pagkahatid niya sa akin noon hindi na siya nagpakita sa akin kahit kailan. I don't know what his reason. And now. He is here again. Like nothing happen.
"Hoy! Levina!." Gulat ako nang sabuyan ako ni Jerick ng tubig mula sa sink.
"Bakit ka nawala Jerick?." Seryusong tanong ko.
"I lost. So, I need to find myself." Mahinang saad niya. Hindi ko alam ko'ng anong sasabihin pa sa kanya. Ganoon lang iyon? Hinanap niya ang sarili niya ng mag-isa at iniwan ako na parang basura? Hindi man lang nagpaalam? Akala ko pa naman ang reason niya ay dahil sa ginawa ko'ng paghalik sa kanya. Akala ko galit siya akin. Wow! Ang babaw lang dahilan.
"Iniwan mo ko'ng parang tanga? Inisip ko na ako ang dahilan ng pagkawala mo. Akala ko dahil sa akin kaya bigla ka lang naglaho. Hinanap mo lang pala ang sarili mo.." Hindi siya umiimik.
"So, nahanap mo na?."I ask again.
"Yes." He excitedly said. "I found it here." He added.
"Here?." Ulit ko. At sabay turo ng sahig.
"Oo. Dito ko lang pala mahahanap. Umalis pa ako. I found my self with you." Pag-aalinlangan niyang deklara. Ano ba pinagsasabi niya.
"I'm sorry.. Levina.. Patawad kaibigan. I just want to grow up alone." He said.
Then I calm myself dahil sa narinig ko'ng sinabi niya na kaibigan. Oo nga pala. Wala akong karapatan na sumbatan siya dahil kaibigan lang naman kami. Hindi naman pala naging kami. This is one-sided love kaya wala siyang kasalanan. Wala siyang dapat ipaliwanag kung bakit siya nawala. Lumampas na naman ako sa limit. Baka maglaho na naman siya ulit.
So, isinara ko ang bibig ko at nanahimik na lang pero 'yong puso ko gumagana. Mas okay na iyong ganito. Nakikita ko siya. Nakikita ko ang taong minamahal ko ng buong puso at nagpapasalamat ako dahil hindi pala siya multo. Ang pagbalik niya ay dapat ko'ng ipagdiwang hindi ang kwestiyunin siya at sumbatan.
#RomancePH
#GHOSTo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro