GLORIA ( OCTOBER ENTRY)
Theme: KATHANG-ISIP NGA BA?
Pabiling-biling sa higaan. Malalim na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Gloria. Lagi siyang balisa na para bang may nagmamasid sa kanya sa tuwing matutulog siya sa maliit na silid na iyon. Nakatirik ang bahay ng Lolo niya sa isang nayon na napapalibutan ng mga nagtataasang punong-kahoy.
Isang magandang dalaga si Gloria. Maputi, bilugan ang mapupungay na mata, matangos ang ilong at mahaba ang maitim na maitim na buhok. Galing siya ng Maynila nagbakasyon sa lumang bahay nila. Kasama niya ang Lolo at Lola na may katandaan na rin. Uliran ng lubos si Gloria namasukan siya sa Maynila kasama ang pinsan niyang si Meriam sa isang pabrika. Sabay din sila nagbakasyon ng pinsan niya.
"Gloria. Tara sa batis! Tayo'y maligo." Masayang tawag ni Meriam sa pinsan. Dumungaw naman agad si Gloria sa bintana. Umiigib din sila ng inumin sa bukal na nasa gilid ng batis. Usap-usapan na marami na raw naeengkanto dahil sa bukal na iyon. Ang iba nawawala. Mayroon ring nababaliw. Pero dahil tagaroon sila at doon na sila lumaki ay pinawalang-bahala lang nang dalawang dalaga ang usap-usapan tungkol sa batis na iyon.
"Oo saglit lang. Magpapaalam lang ako kina Lola." Ilang segundo na ay patakbo si Gloria para makalapit kay Meriam. Nasisiyahan itong makakapunta na naman sa batis.
"Huwag kang sisilip sa bukal, Gloria baka maibigan ka ng engkanto na nakatira d'yan." Paalala ng pinsan niya'ng si Meriam.
"Ano ka ba. Naniniwala ka doon. Dito na tayo lumaki kilala na tayo ng mga engkanto dito." Sagot ni Gloria na nagpa'cute pa at isinalok ang dala-dalang timba sa bukal. Naligo ang magpinsan at ilang oras pa ay umuwi sa kani-kanilang bahay.
Kinabukasan.
"Lola. Si Gloria po?." Nagulat ang Lola ni Gloria ng makita si Meriam sa harapan niya. Hindi ito agad nakapagsalita.
"La, bakit po?." Palingon-lingon ang matanda habang palapit kay Meriam.
"Niyaya mo kanina si Gloria hindi ba? Pupunta kayo sa batis." Kinakabahang giit ng matanda.
"Lola naman. Tanghaling tapat nagbibiro kayo." Inosenteng saad ni Meriam.
"Tayo na. Sunduin na lang natin. Kanina ko pa nga hinihintay ang bata'ng 'yon." May pag-aalala sa boses ni Lola.
Medyo may kalayuan ang batis kaya hingal na hingal si Lola sa paglakad hanggang sa makarating sila at makita si Gloria na masayang lumalangoy. Lalong nag-alala si Lola dahil sa nakita na parang may kausap ang dalaga.
"Gloria!." Sigaw ni Meriam.
"Uyy. Meriam? Bilis mo naman nakapagbihis ka agad. Uuwi na ba tayo?." Saad ni Gloria na naging dahilan nang pagtindig ng balahibo sa buong katawan ni Meriam.
"Bata ka. Umahon kana d'yan. Tara na uuwi na tayo." Utos ni Lola sa dalaga. Tahimik si Gloria na sumunod sa kanyang Lola pauwi. Nauna naman si Meriam at nagpaalam na itong uuwi na rin sa bahay nila.
"Gloria, hindi ka pa bumalik sa Maynila?." Kinabukasan, gayak si Gloria papunta ng merkado ng makasalubong Si Aling Martha. Ang Ina ni Meriam.
"Hindi pa po. Baka sa susunod na buwan po."
"Paano nangyari? Hinatid ko kayo ni Meriam sa Terminal ng Bus noong isang araw." Naguguluhang saad ni Aling Martha na nagpakunot naman ng noo ni Gloria.
"Ano po'ng pinagsasabi n'yo? Kasama namin si Meriam kahapon sa batis." Lalong lumaki ang mata ni Aling Martha.
"Anong batis?! Wala nang pumupunta sa batis noong isang taon pa." Hindi makapaniwala si Aling Martha, iiling-iling na umalis na sa wari ay may iniiwasan. Nakatulala naman si Gloria sa nangyari.
"Si Lola." Sambit ni Gloria at dali-daling umuwi sa kanilang bahay para kausapin ang kanyang Lola.
"Lola! Lola!." Nagkukumahog si Gloria na pumasok sa kabahayan para hanapin ang kanyang Lola pero walang tao doon. Pumunta siya sa kusina at diritso sa likod bahay. Doon niya nakita ang Lolo niya na nagsisibak ng kahoy kararating lang din galing bukid.
"Lolo." Tawag niya dito na ikinalingon naman ng matanda at para ba'ng sabik na sabik sa pagkikita nila'ng iyon.
"Bakit, Gloria para kang hinahabol ng multo." Saad ng Lolo n'ya. "Nandito kana pala." Dagdag pa.
"Si Lola po? May itatanong ako." Walang emosyon na napatitig sa kanya ang Lolo n'ya. Malungkot at may bahid na poot ang mga mata.
"Hindi. Hindi ka na dapat pa umuwi dito Gloria." May takot sa boses ng kanyang Lolo.
"Ano po'ng hindi? Nandito kayo ni Lola syempre uuwi ako. Kayo na lang po ang pamilya ko." Lalo'ng binalot ng takot ang mga mata ng Lolo niya.
"Walang pamilya, Gloria. Noong isang taon pa nawawala ang Lola mo.." Nanggigilid ang luha sa mga mata ng Lolo niya.
"P-pero Lolo. Kasama natin si Lola. Kasabay nating kumain. Kahapon. Noong isang araw." Salaysay ni Gloria. Napahinto ang Lolo n'ya at niyakag siya sa loob ng bahay.
"Mag-impake kana. Bumalik kana ng Maynila. Ngayon din." Paasik na utos ng Lolo n'ya na lalong nagpagulo ng isipan ni Gloria.
"Lolo naman eh. Sa isang buwan pa 'ko babalik ng Maynila." Nagtatampo si Gloria at hindi makatingin sa Lolo n'ya habang nakaupo sa silya.
"Hindi ako. Hindi ang Lola mo ang kasama mo dito sa bahay. Engkanto." Matigas na giit ng Lolo n'ya.
"Teodoro! Teodoro!." Napalingon sila'ng sabay sa may pintuan. Humahangos si Aling Martha na bumungad sa pinto.
"Bakit, Martha? Anong nangyayari at napatakbo ka dito." Tanong ng matanda.
"Si Meriam. Tumawag. Matutuloy na ang bakasyon nila ni Gloria."
#Kathang-isipngaba?
#WattpadOctoberEntry
#WriteAThonChallenge2022

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro