Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Asyumero



...

Malakas ang hangin at ulan sa labas. May paparating na bagyo. Pero maswerte pa rin dahil hindi dadaan sa bayan namin ang bagyo. Aprktado lang ng kaunti. Papasok na ako sa kwarto ko ng may marinig kaming katok sa pintuan. Si papa ang nagbukas ng pinto dahil karga ko si baby Mara na papatulugin ko na sana.

Nakita ko na naka-uniporme silang lahat. Camouflage. They are a traveler. Matagal na nakipag-usap kay Papa at nakita ko na itinuro ni Papa ang storage room na katabi ng kusina namin. Sa likod bahay ang pintuan noon. Hindi ko sila pinansin pero isang lalaki ang nakatawag sa aking pansin. Nginitian niya ako kaya nakuha niya ang atensyon ko. Sa grupo nila parang siya ang pinaka bata at hindi mahiyain. lyong iba hindi man lang ako tiningnan. Siguro dahil pagod sila, nilalamig at nagugutom na.

Ang ibang kasama nila ay diritso ng storage room na itinuro ni Papa. Ang nakatawag ng atensyon ko ay tumuloy sa sala at may kasama pang isa na medyo may edad na. Sigurado ito ang namumuno sa kanila dahil siya ang nakikipag-usap kay Papa. And him. He sat down beside me and try to create a shallow conversation. Kahit ramdam ko na nilalamig siya ay kalmado lang na naupo.

"I'm Martin. What's your name?." Nakatingin siya kay Mara na karga ko. Mara is 2 years old.

"Mama Luna, inom ako gatas." Lumapit sa akin si Veen na kapatid ni Mara. He's 5 years old. Hinawakan pa ang kamay ko na hinihila ako. Nakatingin lang si Martin sa bata na parang naaliw.

"Oh..si Mara. At si Veen ang panganay. Wait lang ha papakainin ko lang siya." Tumango lang siya at ngumiti sa akin habang inalalayan ko si Veen.

"By the way Luna. You heard it na." Then I smile. Iniwan ko si Mara sa crib niya.

Nasa kusina ako ng makita ko si Martin na kinuha si baby Mara after niya magpalit ng basang uniporme. Nakituloy muna silang lahat sa bahay. Pero sa storage sila'ng lahat natutulog. Malaki naman ang space doon sa likod lang ng kusina. Kasya naman silang walo. Nandoon ang mga kasama niya at nagpapahinga habang siya nandito karga si baby Mara.

"Bakit ka pa nandito? Akin na si baby magpahinga ka na." Kukunin ko sana si Mara pero hindi niya ibinigay. He's insisting na kargahin ang bata. Siguro namimiss niya ang pamilya niya. Mayroon na kaya siyang anak. Tanong ng isip ko.

"I'll take care of her." Pagkasabi niya noon ay umupo siya sa tabi ko. Kanina pa siya nagsusumiksik sa tabi ko. Buti na lang tulog na sila Papa. Alam nila Papa na friendly ako kase ganoon rin sila. Kaya nga dito sila nakituloy dahil alam nila na tatanggapin sila ni Papa. Nanonood na lang kami ng drama sa television. Kinikilig ako sa naiisip ko. My gosh! Mairi. Ano ba ito, parang one happy family lang ah.

"How old are you?." Hindi ako nakapagpigil na tanong sa kanya.

"I'm 25." He answered shortly. Hindi ako umimik tumango lang.

"Why? Masyado pa'ng bata?." Ano bang pinagsasabi niya nagtanong lang ako kung ilang taon na siya eh. Wala na naman ako'ng sinabi.

"Yung ama nila 25 din." Tumingin ako sa mga bata. "Ikaw? Wala ka pa'ng anak?." Dagdag ko ngunit nakita ko siyang umiwas ng tingin. Natahimik kaming dalawa. Maya-maya pa nagpaalam na siya na magpapahinga. Isang linggo sila nakituloy dahil sa bagyo at baha ang daraanan na mga kalsada. Kaya ilang araw rin siya na inaagaw sa akin si Mara. Masaya siya na nakikipaglaro sa mga bata at hinahayaan ko naman. Tuwang-tuwa din sa kanya si Papa.

After 6 months.

"Hi Luna." Nagulat na lang ako ng may humintong Wrangler sa harap ng bahay namin. Naglalaba ako sa poso na malapit sa kalsada. Paglingon ko nakita ko si Martin na nakadungaw sa bintana.

"Where is your kid?." Wow huh. 'Yong mga bata talaga ang hinanap niya. Assuming ako na ako ang binalikan niya.

"What kid? Uhhh sila Mara at Veen.?." Akala ko hinahanapan niya ako ng anak eh. That time. Ako ang nag-alaga ng mga anak ni ate Mira.

"Ay andoon sila sa Lola nila. So, anong ginagawa mo dito? It's  been a long time. Dito kayo ulet assign?." Nagseryuso ang mukha niya.

"Sayang wala sila. Your kid. May pasalubong pa naman ako sa kanila." I was amazed to his kindness. Akala talaga niya anak ko ang mga iyon. Haha. This is nice. At para tigilan niya na rin ako. Ayos lang isipin niya na may asawa na ako.

"Tinatanong kita ano ginagawa mo dito? At bakit mag-isa ka lang. Nasaan ang tropa mo.?." I was curious but he smiled on me.

"Bumalik ako dahil may naiwanan ako. At hindi ako pinatulog ng ilang buwan dahil sa kanya."

"May kumulam sayo dito?." Pagbibiro ko.

"Nope. I'm here because I miss you. I miss you Luna. And your kid. I miss baby Mara." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang mga katagang iyon. Naiwanan niya ako?.

"Silly. Alam mo pala na may anak ako bakit ka pa bumalik. I had my own family." Gusto kong matawa sa tinuran ko pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ang cute niya tingnan.

"Iyon na nga eh. I'm stupid. Nababaliw na ata ako. I know you had a kid. You had two kids. But still you're occupying my mind everyday. Naiwanan ko yung puso ko dito sainyo ng umalis ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil.. dahil alam ko naman na baka isipin mo na ginugulo ko ang pamilya mo. Pero para akong tinutulak pabalik sa'yo." Hindi siya mapakali sa sinasabi niya pero alam ko at ramdam ko naman na totoo at  seryuso siya. Tahimik lang ako.

"I'm sorry. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kita makita. I want to tell you that I love you albeit it's impossible. It's really impossible. Hayaan mo magiging okay na ako ngayon dahil nasabi ko na saiyo ang nararamdaman ko. Aalis akong panatag ang loob." This time hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. Ang drama niya sa buhay. Hindi niya man lang inalam kung ano ang totoo. Kung anak ko ba talaga ang mga iyon. Well, hindi ko siya masisisi dahil laging pambahay bestida ang suot ko.

I look at him at nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata niya. My heart was about to burst and jump. And I'm tempted to comfort him. This moment it's like I want to kiss and hug him to lessen the pain within him. Yet, it's funny. Gusto ko humagalpak ng tawa sa harapan niya. Pero baka maoffend ko siya.

"Hey, Martin. Okay lang yan." Pag-aalo ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. And I'm so stupid if I denied na wala akong nararamdaman para sa kanya. He is gentleman and he loves kid kaya nahulog ako sa kanya kahit ilang araw ko lamg siyang nakasama.

Ngayon na bumalik siya ay doon ko napagtanto na hinihintay rin pala siya ng puso ko. I feel happy and excited. Grabe. Binalikan niya ako kahit sobrang layo ng bahay namin sa kabihasnan. Kahit sobrang liblib ang lugar na ito.

"Martin?." Hindi siya umimik. Nakayuko lang siya at nakatukod ang siko sa tuhod habang pinupunasan ang mga mata. I feel his sadness. I feel his genuine heart. At ramdam ko rin ang kawalan ng pag-asa na nakasulat sa taas ng noo niya. Adik kase hindi man lang ako tinanong kung mga totoong anak ko sila Mara and Veen.

"Martin? Look at me." I tried to talk to him pero nakatungo lang siya. And..

"Hindi na. Aalis na rin naman ako. Pumunta lang talaga ako para makita at makausap ka. Aalis na ako Luna. Baka pag tinitigan pa kita hindi ko makaya umalis sa tabi mo. Baka panghinaan ako ng loob at hindi ko magawang lumayo. Kapag nagkataon siguradong malaking gulo dahil may asawa ka na." Asus. Drama.

"Aalis ka na talaga?." Ulit ko pa. Para mas lalo siya mahirapan at masaktan sa katangahan niya.

"Oo. I need to go. I must." Tumayo na siya at naglakad papunta sa gate nang hindi man lang ako tinitingnan.

"Pwedi mo naman akong yakapin. Kahit sa huling pagkakataon. You can do it Martin para kahit papaano maibsan yang sakit na nararamdaman mo." Huminto siya sa paghakbang, humarap sa akin at patakbong niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit. Kunwari hinaplos ko naman ang likod niya.

"I will miss you, Luna. I'm sorry for loving you. I'm sorry for troubling you. I'm sorry but I love you Luna." Hala iyak na naman siya. Kainis ang lalaking ito parang bata lang.

I was about to tell him the truth but..
Bigla naman bumukas ang gate at iniluwa si Veen at Mara. Sabay sigaw. "Hala! Tita Luna sino yang kayakap mo?! Isusumbong kita kay Lolo!." Sigaw ni Veen. Nagulat si Martin. Pero hindi niya ako pinakawalan sa pagkakayakap niya at mas lalo pang hinigpitan na halos hindi na ako makahinga. Isa-isa naman ang hakbang ni Mara papunta sa akin ng nakangiti pero huminto siya nang makita niya ang lalaking nakayakap sa akin.

"Baby Mara, come here to Tita." Natatawa ako habang sinasabi ko iyon. Alam kong hindi naman masyadong tanga si Martin para hindi niya maunawaan ang nangyayari.

" I got it." He whispered. Sa halip na bitawan niya ako iniangat niya ako pataas dahil sa sobrang saya niya kaya napasigaw ako.

"Ano ba pinagsasabi mo Veen. Sino ba yang... Luna!!." Umalingaw-ngaw ang boses ni Papa at bigla naman akong binitawan ni Martin at tumakbo papunta kay Papa, nagmano.

"Kumusta po Sir, I mean Papa oh Tito pala. Pasenya na po. Ang anak ninyo kase sinungaling." Hindi ko alam kung galit si Papa o nagulat lang dahil hindi na siya nakapagsalita ng makita si Martin.

"Luna, explain it." Nasa likod ko na pala si Ate Mira.

"Bakit ako? Hindi naman ako ang yumakap ah. Ang lalaking 'yan. Siya ang tanungin ninyo. May ginagawa ako bigla na lang siyang susulpot dito sa bahay na umiiyak at naglulupasay." Sinulyapan ko si Martin na nahihiya pero natatawa sa pinaggagawa niya.

"Sorry po. Pasensya na po. Ako talaga may kasalanan." Wala pa ring imik si Papa pero gusto na rin matawa kay Martin dahil hiyang-hiya at namumula ang mukha.

"Hi Mara, come here to Tito Martin." Binalingan niya na lang si Mara at kinarga. Nagsmile naman sa kanya si Mara.

"Tayo na sa loob, Pa. Hayaan mo na yang anak mo'ng sinungaling." Niyaya ni ate Mira si Papa papasok sa bahay, nginusuan ako at pinandilatan.

"Martin. Pumasok na kayo. Uulan." Kalmadong sabi ni Papa na nagpalapad naman ng ngiti kay Martin habang karga pa rin si Mara at lumapit sa akin.

"Liar. Huwag mo siya tularan baby hah?. Bad 'yon." He smirking me.

"Hindi naman. Right Mara?." Saad ko.

"Come to Tita, miss ko ang baby na yan eh." Binigay naman siya ni Martin sa akin at nang karga ko na si baby ay humakbang na ako papasok sa bahay dahil tinuturo ni Mara ang pintuan. But Martin hug me from behind and he kiss the back of my head.

"You are a good liar, love."

"Hindi ako sinungaling. Alamin mo muna kase ang totoo." I gave my big smile to him para maglaho na lahat ng pighati ng puso niya na kathang isip niya lang naman. And he smile me back.

"Waaah! I love your tita so much baby Mara. I love her na parang gusto ko na dito tumira or pwedi ring ibulsa at iuwi ko na siya." Sounds good and excited. He held my hand at pumasok na kami sa bahay.

End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #shortstory