When the day he fell in love
3 Days to Fall In love
Pairing: KaiSoo
Genre: Angst
Length: 2654k
Summary: Jongin fell in love after 3 days but it's too late..
(eto po, napaaga po.. hehe, Enjoy. :))
---
August 08, 2016
"Kim Jongin!" Jongin glanced and saw a pale petite boy infront of him.
Sinimulan nitong paglaruan ang dulo ng tshirt nito nang tumitig niya. Hindi din niya malaman kung bakit siya nito tinawag , siguro isa ito sa mga inuutusan ng mga girls para bigyan siya ng love letters.
"What is it?" tanong niya pero hindi naman harsh ang pagkakasabi niya.
Nang Mag labas ito ng isang box ng chocolate at isang lettter at inabot sa kanya ay sa tingin niya tama siya ng pagkakaisip.. Tahimik niya itong tinaggap, magtethank you sana siya nang hawakan siya nito sa dulo ng polo shirt niya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa nito.
"Jongin! please go out with me!" Jongin startled and his eyes widened because of that.. The boy stared at him with pleading eyes.. Puppy eyes to be exact..
Hindi rin nagtagal ay napakamot siya sa batok niya.. Mukhang mali siya ng akala, Never kasi na may nagbigay sa kanya ng regalo ng personal lalo na at lalaki ito.. Sandali siyang natahimik. Hindi rin niya kasi alam ang sasabihin niya, Mukhang nakagat na lang niya ang dila niya...
"Please say something..." bulong nitong sabi nito pero tama lang para marinig niya. Magsasalita na sana siya nang unahan siya ng lalaki..
"Ah! Hindi naman matagal.. ano... Just give me 3 days then after 3 days.. Lalayo na ako... Please pagbigyan mo ako" Sabi pa nito at pinagdikit ang dalawang palad nito..
Wala naman siguro problema hindi ba? tutal tatlong araw lang naman iyon ay pagbibigyan na niya ito.. Napabuntong hininga siya at hinawakan ito sa kamay, medyo napatalon pa ito sa gulat sa ginawa niya.
"B-bakit?"
"Hindi ba ang sabi mo gusto mo akong maging boyfriend? Ayaw mo ba o gusto mo?" Tanong niya, mabilis na napailing ito at humawak sa kamay niya ng mahigpit. Kakaiba ang naramdaman niya..
His hands.... so soft and.. warm
Parang ayaw na niyang bumitaw..
"By the way, what's your name?"
"Kyungsoo... Do Kyungsoo
---
Day 1, August 09, 2016
"Where do you want to go?" Tanong niya dito.. Namumula naman itong tumitig sa kanya. Hindi niya malaman kung may sakit ito o kung ano.. Hinawakan niya ang noo nito at napakurap naman ang lalaki sa ginawa niya.
"Okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong niya ulit dito. Lumayo si kyungsoo para bumitaw si jongin sa pagkakahawak sa kanya at mabilis na umiling.
Medyo naweweirduhan pa si jongin sa ikinikilos nito. masyado kasi itong distant at para bang napapaso sa tuwing hahawakan niya ang kamay nito. Siguro nga nahihiya ito sa kanya, pero hindi naman pwedeng ganito ito sa kanya. Ito na rin kasi ang humiling sa kanya maging boyfriend niya, bakit hindi pa nito sulitin.
Hinawakan niyang muli ang kamay nito pero bago pa ito maka-iwas sa kanya ay mabilis niyang hinabol ang kamay nito at hinila ito papalapit sa kanya.
"wag mo akong iwasan hyung.. magboyfriend tayo" Kyungsoo blinked a few times at Halos magmukha nang mansanas sa sobrang pula. Walang nagawa si jongin kung hindi ang matawa. Ang cute kasi nito.
"S-sorry." ang tanging nasabi nito at napayuko.
Magkahawak kamay lang silang pumunta hanggang park dahil ito ang malapit sa kanila. Alam niyang cheap pero no choice siya dahil bukas pa lang ibibigay ng eomma niya ang allowance niya.
hinila lang niya ito papunta sa swing, Pinaupo niya si kyungsoo sa swing samantalang siya ay pumunta sa likod nito para itulak ang swing nito.
"Ahh.. Hyung.. Pwede ko bang nalaman kung bakit mo naisip 'to?" tanong niya dito. Nagtataka din itong tumingin sa kanya.
"H-ha? anong naisip?"
"Na maging boyfriend mo ng tatlong araw... Ano bang dahilan?" saglit itong natahimik sa tanong niya. Humawak pa ito sa baba nito.
"uh.. experience?" Sabi nito at nagshrug.. Kumunot ang noo niya at mahinang itinulak ang swing ni kyungsoo. Experience? parang hindi katanggap tanggap yun ah.
"Pangtraining lang ba ako ganoon ba?" Kunwaring galit na sabi niya. Nakita pa niya ang paglaki ng mga mata nito, nagsimula na rin itong magpanic.
"A-AHHH! H-HINDI! HINDI GANOon yun.." sabi nito.. tapos ay napayuko.
"Hindi lang dahil sa experience... ano kasi... gusto din kasi kita..." dagdag pa nito.. nawala ang kunot sa noo niya.. Okay na yun, at least hindi lang siya pinagpapraktisan nito. At dahil curious ang osong si jongin ay nagtanong ulit siya.
"E-eh bakit 3 days lang ang hiningi mo?"
"Aalis na kasi ako.." mahinang sagot nito. Mas lalo siyang nacurious..
"Aalis? saan? magmamigrate ka?"
"Parang ganoon na nga.." mukhang ayaw sabihin nito kung saan kaya hindi na siya nagtanong.. Marami din siya nalaman at naging komportable sa kanya ang nakatatanda kaya natuwa siya, mukhang magkakaroon sila ng matibay na friendship kahit after ng 3 days relationship nila.
---
Day 2, August 10, 2016
"kyungsoo! anak dalian mo!" tawag ng eomma ni kyungsoo. Humingi ito ng pasensya sa kanya pero nag-okay lang siya dito.
"mabuti naman at nakakita siya ng mag-aalaga sa kanya.. Jongin, Take care of him okay? He 's fragile" Nag aalalang pakiusap nito sa kanya. Ang bait ni Mrs. Do dahil lagi itong nag-aalala, kahit naman hindi sabihin sa kanya ay iingatan niya si kyungsoo.
"I will take care of him, don't worry Mrs. Do"
"Auntie na lang jongin, masyadong pormal ng Mrs. Do" Ngumiti siya at tumango sa babae. Sakto naman nito ang pagbaba ni kyungsoo mula sa second floor ng bahay. Medyo natulala pa siya dito dahil kahit na pale ang itsura nito ay ang sexy nitong tignan sa oversized white tshirt at tight jeans.
"Uh.. Jongin? Tara na.." sabi nito at hinila hila ang dulo ng black tshirt niya.Bumalik naman agad siya sa katinuan at kinuha ang kamay ng nakatatanda. Nagpaalam muna siya sa ina nito bago umalis.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?"tanong niya dito nang makapasok sila sa loob ng kotse. Ngumiti si kyungsoo at nagniningning ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
"Gusto kong makapasok sa amusement park!" Masayang sambit ni kyungsoo, medyo natawa pa siya sa ikinilos nito kaya ginulo niya ang buhok nito, Kyungsoo giggled.
"Hindi ka pa nakakapasok sa amusement park?" tanong niya dito, tumango naman agad ito. Tumingin siya dito nang hindi makapaniwala..
"Seryoso? bakit naman? imposible naman yun.." Medyo nagpanic naman si kyungsoo sa sinabi niya.
"Hindi kasi ako dinadala ni eomma at appa doon.. Hindi ko din alam kung bakit.." Sabi lang nito kaya pinaniwalaan na lang niya at pumunta na sila sa Lotte World.
At sa buong araw nilang nasa lotte world ay hindi niya mapilit si kyungsoo na sumakay sa mga extreme rides..
---
Last Day, August 11, 2016
"So last day na 'to.. Sulitin na natin okay?" malaking ngiti ang ibinigay ni jongin kay kyungsoo. Ngumiti ito pero halatang pilit lang kaya naman tinap ni jongin ang ulo ng nakatatanda, Nakakahawa kasi yung mood na nilalabas nito kaya sinusubukan niyang icheer up ito.
"Ito naman.. Wag ka nang malungkot. Magkaibigan pa rin naman tayo kahit na magkahiwalay na tayo.. at saka in touch pa rin naman tayo kahit na aalis ka na.. May skype at saka chat naman eh.." Ngumiting muli si kyungsoo pero this time sinubukan niyang ipakita kay jongin na masaya siya.
"Tara na! Sa Seaside tayo! May inihanda akong mga pagkain, magpipicnic tayo!" Medyo naglighten up ang mukha ni kyungsoo sa narinig. Talagang nag effort pa si jongin para sa date nila. Ang saya niya ,ang sarap sa pakiramdam.
Bumiyahe na sila papunta sa seaside, Daldal lang ng daldal si jongin pero tahimik pa rin si kyungsoo. Hindi niya Alam kung anong iniisip nito at kung bakit ito tahimik.. Hindi naman kasi ito tahimik kahapon.
Bigla siyang kinabahan.. Hindi rin niya alam kung bakit...
Kaya hinayaan na lang niya.
Nang makarating sila sa pupuntahan ay dali daling magkahawak kamay silang pumunta sa tabi ng dagat. Sa dalampasigan ay may mesa at may basket sa itaas nito. Kumain muna sila bago maglakad lakad sa dalampasigan at maglaro. Nag enjoy lang sila at hindi na napansin na hapon na, nang mapagod sila sa paglalakad ay umupo sila sa maputing buhangin nanonood sa paglubog ng araw..
"Jongin?"tawag ni kyungsoo sa kanya. Lumingon siya dito.
"Hmm?"
"Salamat..."Sabi nito, napangiti siya..
"Para saan?"
"Sa lahat.. Ngayon yung pag eeffort mo sa date para sa akin regalo na ito, memories.. memories ang regalo mo sa akin.. at saka pagbibigay ng chance na maging boyfriend kita ng tatlong araw, yung tatlong araw na 'to, hinding hindi ko makakalimutan 'to.. Babaunin ko 'to hanggang sa makaalis ako.. Maraming salamat jongin.." Sabi nito nang hindi tumitingin sa kanya. Nakangiti lang ito at nakatingin sa malayo.. Natatamaan ng liwanag ang mukha nito, ang mata malaki at maganda niyang mga mata, ang ilong nito at mapulang labi at he swears iyon ang isa sa pinakamagandang bagay na nakita niya...
This gorgeous guy infront of him never fails to attract him.. Ang bait nito, napakamasayahin, and he's so adorable , kaya sinong hindi maattract sa isang Do Kyungsoo?
He leaned in, Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapansin na papalapit siya ng papalapit.. 1 inch na lang at magkakalapat na ang mga labi nila nang..
"This is my last gift for you, a memory that for sure you'll never forget" He grinned and kissed the older..
That was the most magical moment that ever happened to him at sigurado siyang pati siya ay hindi niya makakalimutan ito.
---
August 12. 2016
Pulang mga mata at malaking eye bags ang natanggap ni jongin.. Halos hindi siya makatulog kagabi dahil sa halik ni kyungsoo. Halos masabunutan niya ang sarili niya dahil hindi siya matahimik hangga't hindi nakikita si kyungsoo..
Tuluyan na nitong nasakop ang buong sistema niya.
Lumabas na siya sa kwarto at pumunta ng kusina, Nakita niya ang eomma niya at ang Minseok hyung niya. Inabutan siya nito ng mug na may hot chocolate.
"Anong nangyari sa iyo? Ganyan ang itsura mo?" tanong sa kanya ni miseok. Uminom siya sa hot chocolate pagkatapos ay tumingin sa hyung. Inilapag naman ni eomma kim ang plato na may toasted bread, ham and egg..
Kumuha siya ng Bread gumawa ng ham and egg sandwich at kumagat dito.
"Hindi ako nakatulog kagabi, naalala ko yung kahapon.." aniya at nagkamot ng ulo niya.Hanggang ngayon naman naalala pa niya yung nangyari, Bawat kurap niya, si kyungsoo pa rin ang nakikita niya.
"Bakit? anong nangyari ba kahapon?" tanong ni eomma kim. Ibinaba ni minseok ang sandwich niya at hinintay ang sagot ng kapatid.
"We... Kissed.." nanlaki ang mga mata ng hyung at eomma niya..
"Talaga?! OMO! Seryoso ka na ba kay kyungsoo?"tanong ng eomma niya. tuwang tuwa sa narinig.
"Anong seryoso? Wala naman akong gusto kay--"
"Wala kang gusto sa kanya kasi mahal mo siya.." Nagdugtong ang mga kilay ni jongin sa narinig . Magtatanong ulit sana siya nang magsalitang muli si minseok..
"Hindi makatulog kasi iniisip mo siya hindi ba? Nakikita mo siya kahit saan hindi ba? Naiisip mo siya lagi hindi ba? Nalulungkot ka kasi aalis na siya hindi ba?" Tuloy tuloy nitong sabi sa kanya. Bigla naman siyang natahimik.. Mahal ba niya talaga si kyungsoo?
Naisip niya lahat ng nangyari, yung tatlong araw na pinagsamahan nila at yung fact na iiwan na siya nito at malalayo sa kanya.. Ang sakit isipin, nakakalungkot.. Ayaw niyang malayo sa kanya si kyungsoo..
"Kung Pagsasamasamahin mo lahat ng nararamdaman mo ngayon, Love ang sagot" nakangiti nitong ininom ang kape nito. Doon siya nalinawan, doon niya nalinaw kung sino talaga si kyungsoo sa buhay niya..
Agad siyang napatayo sa inuupuan niya at hindi na naptumpik tumpik pa, Dali dali siyang nagbihis at nag-ayos. Kailangan niyang puntahan si kyungsoo...
----
Nagdrive siya papunta sa bahay nito, nang makarating siya ay pinindot niya ang doorbell ng pinto. Wala pa ring sumasagot.. Naka-ilan pa siyang doorbell nang agad niyang hinugot ang phone niya at dinial ang Num. nito.
Ilang ring pa lamang nang sumagot ito..
"Hello kyungsoo, Nasa---"
"Jongin?" narinig niya ang boses ng eomma ni kyungsoo sa kabilang linya, medyo shaky ang boses nito at parang galing lang sa kakaiyak. Agad siyang nagtaka kung bakit nasa eomma nito ang phone nito.
"Auntie? N-nasaan si kyungsoo?" Tanong niya, natahimik ito pero hindi rin nagtagal ay nagsalita.
"Pumunta ka sa ***** Chapel.. Hinihintay ka niya.." Sabi nito at pinatay na ang kabilang linya.. Bigla siyang kinabahan, Ayaw man niyang isipin na may nangyaring masama pero hindi niya mapigilan kaya mabilis siyang bumiyahe papunta sa nasabing Chapel
---
Papalapit siya nang papalapit sa chapel.. at habang papalapit siya ay unti unti siyang nakakakita ng maliwanag na ilaw. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso niya, nang makapasok sa loob ng chapel.
Halos mangilid ang mga mata niya nang makita ang nakatatanda, Nasa loob ito ng puting kahon, at mahimbing na natutulog..
Bumagsak ang mga luha sa mga mata niya at napahagulgol nang makita ang taong mahal niya na wala nang buhay.. Dali dali siyang inalalayan ni Mrs. Do na Patuloy pa din sa pag-iyak..
"H-HYUNG! BAKIT GANITO? HINDI BA.. ANG SABI MO MAGMAMIGRATE KA LANG? HINDI GANITONG KLASE ANG GUSTO KONG P-PAG-ALIS MO.. NAIINIS AKO SA IYO BAKIT GANITO KA? BAKIT INIWAN MO NA AKO NG TULUYAN.. HYUNG GUMISING KA DYAN, SABIHIN MO NA J-JOKE LANG 'TO. KASI M-MAY SASABIHIN PA AKO SA IYO..." Napaluhod siya. Nang hihina siya.. Wala na siyang lakas, permanenteng umalis ang taong nagbibigay sa kanya ng lakas at hindi na ito babalik.
"I-i... Love you hyung.."
Lahat ng gusto niyang sabihin , lahat ng gusto niyang iparamdam sa nakatatanda ay hindi na niya magawa.. Wala na si kyungsoo.
Wala na ang nagiisang Do Kyungsoo..
---
August 12, 2076 (After 60 years)
"Hyung, death annivesary mo ngayon ah.. masaya ka na ba diyan? Kasi ako masaya.." Bulong ni jongin habang nakahiga sa puting kama niya. Tanging ang air tank ang nagbibigay sa kanya ng buhay.
Nalaman niya noon sa eomma ni kyungsoo ang nangyari sa anak nito. Bata pa lang ay nagsusuffer na si kyungsoo sa Heart Cancer. Kaya lagi itong nasa hospital at doon na halos tumira.. Kahit na anong gawin na paraan ng doktor ay wala silang magawa, tinanong pa nila kung pwede ang heart transplant pero imposible daw iyon dahil napakahina nito at baka mapaaga ang pagkamatay nito kaya naghintay na lang ito. Sa araw araw itong nabubuhay ay unti unti itong pinapatay ng sakit nito..
Dumating ang panahon na lumala ang atake ng sakit nito at binigyan ito ng doktor ng isang buwan na taning. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay doon siya unang nakita ni kyungsoo,. Kalalabas lang daw nito ng hospital nang makita siya sa park. Agad daw itong nagkagusto sa kanya nang makita daw siya nito na tinulungan ang isang umiiyak na bata na naligaw at Nang matapos ang araw na iyon ay hindi nito mapigilan na sundan siya hanggang sa naisipan nito na kausapin siya 2 days before ang deadline.
At iyon nangyari ang three days relationship nila, ang akala ni kyungsoo mamatay na siya nang dumating ang pangalawang araw na nagdedate sila, pero laking tuwa nito nang bigyan ito ng diyos ng isa pang araw na makasama siya.
Pagkatapos ng date nila noong pangatlong araw ay inatake ito nang 12 ng madaling araw at dinala sa hospital pero unfortunately hindi ito nakaligtas..
Tumulo muli ang luha sa mga mata ni jongin habang nakatingin sa maliwanag na ilaw sa kisame. Naaalala pa niya ang mga nangyari, yung panahon na masaya sila ni kyungsoo, yung panahon na nakumbinsi niya ang sarili niya na mahal niya si kyungsoo at yung panahon na halos mamatay siya sa lungkot sa tuwing naaalala ang nakatatanda.
Pero ngayon, tapos na ang paghihirap niya. Sa wakas magkakasama na sila... Hindi siya natatakot mamatay kasi alam niya kapag nawala na siya magiging masaya na siya.. Kasama ang pamilya niya at si kyungsoo sa langit.
Dahan dahan niyang ipinikit ang mga mata niya at huminga ng malalim..
At mula sa labas ng kwarto niya ay maririnig mo ang matinis na tunog na galing sa machine na nasa tabi niya.
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro