Rain
It was thursday morning. A rainy day. Habang naka upo, tinatanaw ko ang mga batang masayang nagliligo at naglalaro sa labas habang umuulan. Napakasaya nilang tignan sapagkat nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila non.
"Ma labas lang ho ako, maliligo sa ulan." Hindi pa naka sagot si mama ay kaagad na akong kumaripas ng takbo palabas ng bahay at unti unti na ring nababasa ang katawan ko ng ulan, isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko!
Minsan umaabot hanggang isang linggo ang ulan at tuloy tuloy, halos araw araw rin kaming naliligo sa labas. Kaya hindi maiwasang magkasakit at mapagalitan. Pero bilang isang pasaway na bata, kahit may sakit na talaga'y naliligo pa rin kami sa ulan.
"Ate Lexi mag laro tayo!" Aya sakin ng aming kapit-bahay na naliligo rin sa ulan. Agad naman akong tumango, sumunod din naman ang iba. Marami kase kaming naliligo sa ulan. Nakasanayan na namin yon na magkakapit bahay. Kaya kapag talaga umuulan eh, hindi namin 'yon pinapalagpas.
"Taya mo ate!" Sigaw nilang lahat at saka kumaripas ng takbo. Habang ako, lakad takbo ang ginagawa para lamang mahabol sila. Mahirap kasing tumakbo habang umuulan. Hindi ko gaanong makita ang iba sapagkat napaka lakas talaga ng ulan. Mahirap din namang tumakbo kase tumataas na 'yong tubig kaya pahirapan talaga sa pag habol sa kanila.
Naiiyak naako sa kakahabol sa kaniya sapagkat napaka bilis nila. Minsan inaasar pa ako ng iba dahil kanina pa daw ako taya at hindi pa rin napapalitan. Kaya nagalit ako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may na huli ako at siya naman ang naging taya. Binelatan ko pa siya bago pa niya ako mahabol. Siya kase kanina 'yong isa sa mga inaasar ako eh.
Habang papalayo ako sa taya ay lumilingon ako sa kaniya upang makita kung malapit na ba sya.
Hanggang sa...
Beeeeeeeeeeeeeeep!
"Ahhhhhhh!" Napasigaw ako at napa takip ng tenga ko.
"Anong nangyari Lexi anak?" Tumakbo kaagad si mama ng marinig niya ang sigaw ko. "Sabi ko naman kase sayo eh, wag kang titingin sa labas ng bintana kapag umuulan." Suway niya saakin. Habang sinisira ang bintana sa aking silid at tinakpan 'yon ng makapal na kurtina.
Dahil sa nangyaring aksidente isang taon na ang nakalipas, naputulan ako ng isang paa, kaya mula noon habang umuulan, naka dungaw na lamang ako sa aking bintana. Ngumingiti habang inaalala ang mga masasayang araw na nasa labas pa ako't naliligo sa malamig na ulan kasama ang aking mga kaibigan.
"Ma, paki tulak nalang po ng aking wheelchair." Agad naman akong tinulungan ni mama. Inakay niya ako hanggang sa maka higa ako sa aking kama. At napa idlip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro