Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11:11


Meron akong girlfriend. Yes, and I'm super proud of having her. She's not that pretty, but it's fine. Not that sexy, but it's okay. Hindi naman kase talaga ako sa mukha ng isang tao nag babase kung mamahalin ko ba sya o hindi. Si Kyla? Mabait na anak, kapatid kaibigan at syempre na girlfriend ko 'yon. Palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko sya, hindi naman literal na nasa tabi ko siya palagi pero sapat na ang mga tawag at text niya sa'kin kapag kailangan ko siya.




She's been with me through my ups and down. Kapag dina-down ko 'yong sarili ko palagi siyang nand'yan pra i-comfort ako. She would always say, "Baby, It's fine. It's okay. I know you did your best, I'm always here for you, okay? you did good." Lalong lalo na kapag may game ako. Pag nag pa-practice palagi siyang nanonood saakin. "Baby saglit lang ha? may kukunin lang ako. I love you." tas pag balik na niyan may dala na siyang towel at tubig para sakin. She always care for me.

Kahit sa pag e-ML ko, suportado ako non. Palagi siyang nag se-send ng Goodluck's at I love you's saakin para daw mas ganahan akong mag laro. Halos yata sa lahat ng bagay support ako non. Kaya mahal na mahal ko 'yon eh.


We're still high school students, sa iisang school lang din kami nag aaral same grade level pero mag ka iba ng curriculum. Kaya hindi gaanon kadali para samin ang mag sama sa lahat ng oras. Pero minsan, pinupuntahan niya ako sa room namin para lang maka pag usap o kulitan kami, ang sweet niya diba? Swerte ko sa kaniya.

"By? Asan ka po?" Tanong niya saakin, kagabi kase nag away kaming dalawa, small things lang naman o misunderstandings, pero kaagad din naman naming inaayos 'yon. Hindi namin pinapayagang matulog ang isa't isa na may problema.


"Nag lu-lunch pa ako, bakit po?" Ganiyan 'yong reply ko sakaniya.

"By, balik kana sa school please. Gusto kitang makita hehehe." Ansarap sa pakiramdam na ganiyan. Gusto niya palaging magkasama kami. Kaya pag message palang niya saakin ng ganiyan, ngumiti kaagad ako at bumalik na ng school.

"Nasa school na'ko by. Asan ka ba?" Hindi kaagad siya nakapag reply kaya nagtaka ako. Pagkalipas ng ilang minuto, "Hoy! may bisita ka sa labas." Sabi saakin ng kaklase ko kaya lumabas kaagad ako. And there she is, waiting for me at may dala siyang milktea at saka burger. Pag ka kita niya palang sakin, niyakap niya kaagad ako sabay bulong, "Sorry kagabi. I love you." kaagad naman akong napangiti inabot niya saakin ang kaniyang dalang pagkain tapos kumain na kami sa loob ng room namin. Medyo nahihiya pa siya kase iba 'yong suot niyang uniform saamin, pero nasasanay na rin naman siya.

"Grabe, alam mo talaga kung ano ang paborito ko 'no?". Sabi ko sa kaniya at pinisil ang kaniyang pisnge, napaka cute naman kase ng girlfriend ko. "Thanks." Ngumiti lang siya saakin. Alam ko kasing nahihiya siya kase naka tingin samin ang mga kaklase ko.

Minsan kapag kasama ko siya, palagi siyang nakatitig saakin tapos nag s-space out. Minsan ang weird niya pero iniintindi ko nalang  siya baka kase may iniisip lang na ibang bagay. "Okay kalang by? you're spacing out again. What's wrong?" Tanong ko sakaniya. Mabilis naman siyang nag buntong hininga saka ngumiti, halatang medyo pilit. "Wala babyyy! Ang swerte ko lang sa'yoo hehehe." Pinisil niya pa ang pisnge ko saka ngumiti, agad din naman akong ngumiti sa kaniya.




"By may problema ka ba?". Tanong ko sakaniya, lately kase  naging cold na siya saakin, hindi naman ganon ka cold pero parang may nag bago sa kaniya. Lalo na ngayon at quarantine, hindi kami masyadong nagkikita at sa chat nalang talaga kami nag uusap. Medyo mahirap, pero kinakaya. Wala namang magagawa kase hindi pa pwedeng lumabas.


"Wala naman. Matutulog na ako, antok na ako eh hehehe." Sabi niya saakin.

"We? Halatang meron, sabihin mo na sakin saka na tayo matulog pag ayos na baby ko." Reply ko sakaniya.

"Wala nga, matulog na tayo." Kakailang ulet pa akong nag tanong sa kaniya pero ayaw niya talagang sabihin. Medyo nasira ang mood ko kaya pinabayaan ko na siya. Sabi ko sa sarili ko baka personal prob kaya hindi kayang sabihin re-respetohin ko nalang.


"Sige ikaw bahala bb." Sabi ko sa kaniya. Nag away pa kami saglit. Kaagad naman siyang nag goodnight saakin at nag offline na siya. Umiyak ako non, sa galit kase gusto ko lang naman siyang tulungan sa problema niya at sa kaka overthink . Kase baka may kasalanan ako, may nasabi akong hindi maganda, o kaya ayaw na niya saakin. Hindi ako makatulog ng gabing iyon kaya napag isipan kong i-open yong account niya. Wala namang problema sakaniya 'yon kase open naman kmi sa isa't- isa at alam naman ng mga parents namin ang tungkol samin.

'Just You'  

Palagi niyang kausap 'yan kapag nag aaway kami at kapag meron siyang problema. Palagi niyang kinakausap sarili niya kase wala siyang masyadong mapag sabihan, alam kong wala siyang masyadong kaibigan kaya sa sarili niya at sakin nalang siya nag ra-rant ng mga problema niya. Kaagad kong binasa ang mga chat niya sa sarili niya.

Sorry nag overthink lang naman ako.

Hindi ko naman ginusto 'to.

Sorry kung ganito lang ako, hays.

Hindi ako enough para sa'yo.

Pag ka basa ko non, nasaktan ako. She's overthinking again. Hindi ko gusto 'yon dahil alam ko sa sarili kong siya lang ang mahal ko, siya lang ang gusto ko. Pero naiintindihan ko rin naman siya, hindi niya kayang iwasang mag isip nang kung ano ano. Na bad trip ako sa sarili ko. Sana pinahaba ko pa ang pasensya ko kanina, kase siya, sa tuwing may problema ako, palagi siyang nandiyan para sa'kin. Samantalang ako, isang maliit na problema lang inaaway ko siya kaagad sinusukuan ko siya kaagad.

Hanggang kinabukasan, ganon pa rin kami. Palagi kong nakikita mga chats niya sa sarili niya, umiiyak siya palagi at sinasabing, "Cheer up self, kaya mo 'yan. I'm always here for you. Nandiyan din si papa God para saiyo. I love you."

Tudo iyak ako buong mag hapon. na gi-guilty kase hindi ko siya pinapansin at ini-ignore ang mga message niya saakin, knowing na, ako na lamang ang sinasandalan niya, ako nalang ang nandito para sakaniya pero, ako rin 'tong umiiwas at ini-ignora siya. 'Hindi niya deserve to.' Sabi ko sa sarili ko.

Kase sabi nila, "Lose your pride for your love. But don't lose your love because of your pride."


Kaagad ko siyang tinadtad ng chats at missed calls, humihingi ako ng pasensya dahil sa kasalanan ko. Pero siya naman itong hindi ako kinakausap. Nakikita ko mga shared post niya sa facebook, lalo akong nasasaktan kase alam kong nasasaktan pa rin siya ngayon at hindi pa niya ako kayang kausapin. Hanggang sa ako din itong sumukong suyuim siya. Napapagod din kase ako. Tao lang naman ako.

Hanggang kinabukasan ganon pa rin. Hindi niya pa rin ako kinakausap.




Isang araw...





Dalawa...





Tatlo...





Nagtataka naako, hindi naman ganiyan si Kyla. Hindi niya kayang Hindi ako kinakausap at hindi siya nag o-online. Alam ko 'yon kabisado ko na si Kyla eh. Marami na kaming pinag daanan pero hindi siya ganito.



Napag isipan kong buksan ulit ang account niya.



Marami siyang chat don tinatadtad niya ng chat ang sarili niya, nakikita kong sa tuwing may chat ako sakniya , sa sarili niya siya nag re-reply nang sagot niya saakin. Palagi niya din hinihintay ang 11:11 saka mag message ng 'I love you'. Alam kong para saakin 'yon. Palagi siyang nag hihintay ng 11:11 para lang maka pag message saakin. Pero nag taka ako sa kadugtong ng message na 'yon.

Iksaktong 11:11 din siyang nag chat sa sarili niyang... "Good bye. Always take care of yourself. Sorry I can't stand this anymore, Im tired. Sorry, I love you."



Bumuhos kaagad ang luha ko dahil sa nabasa ko. Simula ng araw na 'yon, araw araw na rin akong umiiyak at hindi kumakain ng maayos. 



Pagkalipas ng ilang araw, napag desisyonan kong bisitahin si Kyla. Alam kong hindi pa ako handa pero kailangan kong gawin to.



"Sorry ngayon lang ako nagpakita sa'yo Ky." Pag hingi ko ng pasensya habang naka tayo sa harapan niya.


"Alam mo bang ilang araw rin ako umiyak dahil sa'yo? Bakit Ky? Akala ko ayaw mong pinapaiyak ako, bakit ganito?" Tanong ko sakaniya habang pinipilit ang sariling wag umiyak. Ayaw kong umiyak sa harapan niya alam kong mas masasaktan siya kapag makita niya akong umiiyak ngayon.


"Uy Ky bangon na jan. Dala ko panaman 'yong paborito mong bulaklak. Bangon na mahal, amuyin mo 'yong dala kong bulaklak siguradong matutuwa ka nito." At hindi ko na na pigilan ang sarili ko. Napaluhod nalang ako habang umiiyak sa harapan ng puntod ni Kyla, ng mahal ko. Wala na siya Iniwan na niya ako, napakasakit. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal.

Na kwento sakin ng nanay niya na matagal nang may sakit si Kyla ngunit hindi nito gustong may maka alam. Kase gusto niyang ipakita sa lahat na kayang kaya niya at normal siyang namumuhay.

Sising sisi ako ng mga oras na 'yon.



Mahal, sana masaya ya kung nasan ka man ngayon, pasensya ka na sa mga pagkukulang ko saiyo, kung naging mahina ako, kung pinabayaan kita sa mga oras na kailangan mo ko. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at hinding hindi kita makakalimutan.




Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam mahal.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro