💵4
The Fight
Lolita's Pov
TAMA si Ms. Snow white, hindi basta-basta si Nolan pero 'di ako susuko. Kailangan gumawa ako ng paraan para magkita sila ulit ni Ms. Shin, may naisip na akong ideya.
Napahalakhak ako ng malakas habang nagva-vacuum sa kuwarto ni Nolan. Naliligo pa kasi si mafia boss.
"Anong nakatatawa?"
"Ay anak ka ng kalabaw!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malalim na tinig ni Nolan.
Pagharap ko naka-shades na siya.
Pagnaliligo ba ito naka-shades pa rin? Napatingin ako bigla sa pan de coco ni Nolan. Suot-suot lang nito'y short na sa tantsa ko 1-2 inches above the knees niya lang. 'Di naman maluwag, 'di rin masikip. Wala bang hapit sa mga hita mo? At saka, puwede bang pakurot ako ng pan de coco mo? Bruha ka lolita pinag-iisip mo!
Eh, kese meserep eh.
Maghunos dili ka nga babae ka! May two sides po ako pasensya na.
Nagpupunas siya ng buhok gamit ang white shirt niya. May tuwalya naman. Pinunasan niya din ang kaniyang katawan.
Enebe Nolan teme ne nge yen!
Tinuloy-tuloy ko lang ang pagva-vacuum habang namboboso sa ginagawa niya.
Pumunta siya sa kaniyang closet at naghanap ng maisusuot. Huwag ka na magdamit Nolan ganiyan ka na lang mas bagay pa sa iyo. Maniwala ka!
Nakakuha na siya ng mga isusuot niya at saktong huhubarin na sana niya ang kaniyang short ng biglang tignan niya ako at sakto nakatingin din ako sa kaniya.
"Gusto mong makita?" Seryosong tanong niya.
Holy cow mother in pink!
Napayuko ako. Na-realize ko na bakit sumang-ayon ako. Pinandilatan ko siya na mga mata at nag-left and right ang ulo ko at mabilis kong binuhat ang vacuum patakbo sa labas ng kuwarto niya.
Binaba ko ka agad ang vacuum.
"Lokaret kang babae ka!" Sinampal-sampal ko ang pisngi ko at saka huminga ng malalim. Nagtungo na lang ako sa kusina para maghanda ng foods.
Habang kumakain siya sa may sala nag-iisip na ako kung paano siya ililigpit. Joke! Paano sila magkikita ulit ni Ms. Shin.
Inilapag ko ang hiniwa kong prutas sa table ni Nolan at kaagad namang dumampot siya.
Naririnig ko ang bawat pagkagat at pagnguya niya sa prutas. Napalunok ako at kabadong ibuka ang aking labi.
"N-Nolan?" nangangatog kong sabi habang kinukurot ang kamay ko sa likuran.
"Bakit?" sagot niya habang tuloy-tuloy ang kaniyang pagnguya.
"G-gusto raw makipagkita sa iyo ni Ms. Shin ngayong araw," utal-utal kong sabi.
Napahinto siya sa pagnguya at bumaling ang mukha niya sa akin.
"Okay," mabilis niyang sagot at sabay kumagat ulit sa prutas.
Iyon lang? Okay lang? Dios mio marimar! Kinabahan pa ako. Buti na lang 'di na siya nagtanong. Kinuha ko ang mga empty plates sa table niya.
"Bakit daw?"
Napatingin ako bigla sa mukha niya, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"A-ano raw po, gusto ka lang daw po niyang makausap pa ng masinsinan," nanginginig ang tinig kong sabi sabay tumungo siya at tsinek ang phone niya.
Dali-dali akong nagtungo sa kusina at napahawak sa aking dibdib, sobrang lakas ng kabog nito.
Ilang minuto ring nag-prepare si Nolan at saka kami umalis papunta kay Ms. Shin. Hindi ko alam ang posibleng mangyari pero kinakabahan na ako. Pagdating namin sa resto bar ay nakita agad namin si Ms. Shin halatang nagulat ito sa pagsulpot ni Nolan at nagbeso-beso naman agad sila sabay nagtungo sa vip room.
Hindi ako mapakali ng mga oras na 'to. Ilang oras din nagtagal ng lumabas na si Nolan kasama si Ms. Shin.
"Thank you for visiting me here Nolan, take care." Nagbeso sa kaniya si Ms. Shin. Lumabas na kami ng resto bar at sumakay ng kotse. Mukhang masaya naman sila.
Habang nasa loob ng kotse.
"Nolan, baka gusto mong kumuha ng private driver?" tanong ko habang nagmamaneho siya at ako nasa backseat naman.
"No. I don't want strangers drive my car," seryosong sabi niya habang nagmamaneho.
Bigla niyang niliko sa may kabilang lane ang kotse niya. Saglit lang, hindi ito 'yong papuntang condo niya.
Pag-park namin sumalubong agad ang isang lalaki at saka kami bumaba. Inabot naman ni Nolan ang kaniyang susi sa lalaki. Nasaan ba kami?
Pagpasok sa loob ay nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Ang gagarbo ng mga damit. Mall ba 'to? Kaso kakaibang mall, baka exclusive lang ito para sa mga mayayamang tao.
Sumalubong sa amin ang isang panot na lalaki na naka-tuxedo.
"Oh, my my my Nolan! Buti naman at binisita mo ako?" Sabay beso niya kay Nolan. Buti pa itong baklang 'to nakabeso kay mafia boss.
Isinuksok ng baklang panot ang kamay niya sa braso ni Nolan at dumiretso ng lakad. Simpleng the moves din kay Nolan e.
Umupo agad si Nolan sa sofa at nakapalibot dito ang naggagandahang damit pangbabae at panglalaki.
"Gusto kong hanapan mo ng maayos na damit itong P.A ko, dapat 'yong magmumukha siyang tao," utos niya. Sabay nag-dekwatro.
"Ginawa na kasing uniform 'yang suot-suot niya," saad niya kay panot.
What? Mukha ba akong hayop? At saka sinabi ko namang ito lang ang matino kong damit. Sasambunutan ko talaga 'tong lalaking ito.
Napatingin sa 'kin ang bakla ulo hanggang sapatos, sapatos hanggang ulo. Grabe makatingin wagas.
"Hmm, madali lang 'yan Nolan, gagawin ko siyang tao," tugon niya kay Nolan sabay lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Let's go girl, I will transform you into a human being!" masigla niyang sabi sabay hatak sa akin palayo kay Nolan.
Ilang minuto rin akong pinagsuot pinaghubad ng baklang ito pero nasa labas lang siya ng fitting room. Walang greeny virgin pa ako.
Ang last kong sinuot ay brown long coat, 'di ko kasi alam tawag basta mahal ito! At saka, ito 'yong napili kong panloob, white sleeveless top tas high-waisted fitted ripped jeans and white rubber shoes. Ayoko kasi ng girling-girly medyo rugged kasi 'yong style ko para mabilis din akong makatakbo kapag inutusan ni Nolan hihi.
Paglabas namin nakita ko na si Nolan na nakatayo at nakaharap sa direksyon namin. Mukha na kaya akong tao sa paningin niya?
"What do you think Nolan?" Ngiting sabi ng bakla paglapit namin.
Nakaharap lang siya sa akin habang nakapamewang, "Excellent! Tao na," walang emosyon na sabi niya.
Tumingin sa akin ang bakla at kumindat. Sign yata na good job kami. Well, parang hindi naman na-impress si Nolan. Inabot na sa akin ng bakla ang iba pang nakapaper bag na damit at sapatos at saka kami umalis ni Nolan.
Pagdating namin sa pinto ng room niya at bubuksan ko na sana.
"Lota sa rooftop, now!" galit na utos nito. Bigla na naman akong kinabahan, dali-dali akong sumunod sa kaniya.
Sakto pag-akyat ko ng rooftop tumayo siya sa tabi ng harang at nakapatong ang dalawa niyang mga kamay.
Para akong nawawalan ng hininga kada hakbang ko papunta sa kaniya.
Tumayo ako ng tuwid sa harapan niya, kabado at nangangatog pa.
"Are you aware what you did today?" Mahinahon pero nakakakilabot ang boses niya. Yari ka na Lolita.
"K-kasi..." Magpapaliwanag na sana ako ng bigla siyang sumigaw.
"Kasi pinagmukha mo akong tanga Lota!" Lumingon siya sa aking kinatatayuan at alam ko galit na galit siya kahit hindi ko makita ang mga mata niya, boses pa lang para ng binabaon ako sa lupa.
Hindi na ako nakapagsalita nang dakutin ng mabigat niyang kamay ang aking leeg at hatakin papunta sa harang ng rooftop, sabay ihiga na halos kalahati nang katawan ko malalaglag na puwede na akong bumaliktad at mahulog ano mang oras. Pilit ko inaabot ng isa kong paa ang sahig habang nakahawak ang mga palad ko sa harang.
"All my fucking life sunod-sunuran ako sa mga taong walang kuwenta!"
"Kaya makinig ka sa akin, dahil ako ang boss mo. Ayoko sa lahat 'yong pinagmumukha akong tanga maslalo na sa mga babae. I hate the feeling na ako pa 'yomg dapat maghabol sa kanila!"
"Enough na 'yong mga naranasan ko! Enough na 'yomg mga sakit na pinaranas ng pamilya ko at ng babaeng 'yon sa akin," dagdag pa niya.
"I'm a completely different person now. Ayoko na sa Nolan noon, walang halaga ang taong 'yon sa mundong ito. Kaya kapag inulit mo pa 'yong pagset-up sa amin ni Shin ihuhulog na kita rito. Klaro ba, Lota?" Nanlilisik ang mga mata niya sa akin sabay bitaw sa aking leeg.
Iniwan niya akong nauubo at hawak-hawak ang aking leeg, napa-upo ako napaiyak sa hindi ma-ipaliwanag na nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro