Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

💶20

"Hindi ka talaga marunong tumanaw ng utang na loob!"
💸💸💸

The Special-
Lolita's Pov

"OH, WAIT A SEC- you looks familiar?" ani ng babae sa akin. Bigla siyang napahinto sa paglalakad at inobserbahan ako ng mabuti.

Napatitig ako bigla sa kaniyang pustura. Nakasuot siya ng white backless dress at sa aking palagay 4-inches ang taas ng kaniyang high heels. Nakapusod lang ito pero makikita kong nadala ng kaniyang kagandahan ang suot-suot niya at mas lalong nagpaganda pa sa kaniya ang mole niya sa ilong.

Napaturo ako sa aking mukha, "A-ako?" Napatingin naman ako bigla sa aking likuran, wala namang tao bukod sa akin.

Napa-irap naman siya bigla. "Hell, yeah! like, my ghost ba akong kausap here? Patawa ka Girl! Ikaw 'yong new muchacha ni Cuddly bear sugar lips ko!" saad niya. Actually, hindi ko talaga naintindihan ang sinabi ng babaeng 'to ang tag-lish kasi magsalita.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kaniya, "Hey, are you deaf? si Mr.Nolan Nam ang tinutukoy ko Girl." Nanlaki ang mga mata niya sabay irap sa akin.

"I-Ikaw ba si Eilidh?" ani ko. Iniisip ko pa kung saan ko siya nakita dahil hindi pamilyar sa akin ang kaniyang mukha.

"Oh, how I wish but not! I'm her Sexylicioustary. Kara Young, and your name is Lota, right?"

"Yes po! Ikaw pala si Ms.Kara? Hello Ma'am!" lumawak ang aking pagngiti tsaka yumuko sa kaniya.

"I'm glad we met in person. Oh s'ya, I'm going na! Kindly tell to my cuddly bear sugar lips ko na happy birthday." sabay talikod at lumapit siya sa kotse na naka-park sa gilid, pinagbuksan siya ng pinto tsaka siya sumakay sa backseat.

Napakaway na lamang ako habang palayo ang sasakyan ni Ms.Kara. Naghintay na din ako ng bus dahil pupunta ako ngayon sa bahay ni Seven, kaarawan niya ngayon at inimbitahan niya akong dumalo.

Pagbaba ko sa lugar na sinasabi ni Seven ay agad ko din siyang nakita na nag-aabang sa may kanto. Kumaway naman siya agad at lumapit sa akin, inabot ko ang dala-dala kong box na may lamang cake.

"Happy Birthday!"

Kinuha naman ni Seven. "Nag-abala ka pa talaga, pero maraming salamat dito." kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang pisngi. Kinikilig ba siya?

"Okay lang 'yon, ano ka ba! Nakakahiya naman kung wala akong dala-dalang kahit ano."

"Sus, ikaw talaga. Tara na, kanina ka pa hinihintay nila Mama at Papa." hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin. Kailangan ba talagang hawakan niya pa ako sa kamay.

Pagkapasok namin sa bahay nila Seven ay masaya akong sinalubong ng mga magulang niya, agad nila akong inasikaso.

"Maraming salamat Iha at nakapunta ka sa kaarawan ni Seven. Alam mo bang ngayon lang nagdala ng babae iyang si Seven namin." biglang bulong sa akin ng Mama ni Seven.

Napakunot ang noo ni Seven. "Ma!" pagsuway niya sa Mama niya. Nagkatinginan naman kami ng Mama niya at natawa sa reaksyon ni Seven.

Hinatak na ako ng Mama niya sa mesa para makakain na, laking tuwa ko naman at napakaraming handa. Napatingin naman ako sa kinaroroonan nina Seven at ng Papa niya. Nag-iinuman sila kasama nang iba pa nilang bisitang kalalakihan.

Kami naman mga babae ay kumakain naman sa mesa. Napangiti na lamang ako kay Seven at gano'n din siya sa akin.

"Oh, kain na Iha." dali-dali naman akong kumuha ng kutsa at tinidor.

Inabutan na ako nang gabi sa pakikipagkwentuhan at konting inuman sa Mama ni Seven. Bigla naman nag-ring ang phone ko, agad ko itong sinagot.

"Hi Lota, it's Kara! Nasa condo ka pa rin ba ni Mr.Nolan? Naka-off yata ang phone niya hindi ko siya matawagan. Urgent 'to."

"Sige Ms.Kara, pupuntahan ko siya." sabay pinatay na ni Ms.Kara ang tawag.

"Auntie, aalis na po ako may emergency po kasi sa work. Marami po talagang salamat sa pag-imbita. Hindi na po ako magpapaalam kay Seven, mukhang-" sabay tingin ko kay Seven at sa Papa niya, halatang mga nakainom na rin.

"Naku Iha, hindi ba delikado kung aalis ka pa nang ganitong oras? Tsaka, nakainom ka pa naman. Ipapahatid na lang kita kay Seven." ani ng Mama ni Seven.

"Hindi na po Auntie, kaya ko po ang sarili ko. Sige po Auntie mauna na po ako. Thank you po ulit." Paulit-ulit akong yumuko. Hinatid pa ako ni Auntie sa labas ng bahay nila. Medyo nahihilo na rin talaga ako.

"Mag-iingat ka Iha!"

Mabilis akong nakasakay ng bus at habang naka-upo bigla lang nag-sink-in sa utak ko ang sinabi ni Ms.Kara.

"Kindly tell to my cuddly bear sugar lips ko na happy birthday."

Bakit hindi ko na-gets agad iyon? Loading ka talaga kahit kailan Lolita! Napatakbo ako pagbaba ko ng bus at dali-daling pumasok ng condo unit.

Nolan's Pov

"Nolan! Buksan mo 'to!"

I was half asleep when suddenly heard loud voices outside my room. What the fuck? I check my wristwatch, it's already twelve midnight.

"Nolan! Lumabas ka diyan!"

Sino ba 'yang eskandaloso sa labas ng pinto ko. Hayop 'to ah! Tumayo ako agad at lumabas ng k'warto. Pagbukas ko ng pinto wala namang tao.

Goddamn it! Pinagti-tripan yata ako.

Isasara ko na sana ang pinto nang mapatingin ako sa baba.

"Lota?" Kapansin-pansin ang kakaibang itsura niya ngayon.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Hoy, Lota! Anong ginagawa mo dito? Excited ka talagang makita ako after day-off mo, No? Kaso masyadong napaaga ang pasok mo. Umuwi ka na muna!" Kumapit siya bigla sa binti at kamay ko, pinipilit makatayo. Dahil gentleman naman ako, hinayaan ko siyang tumayo mag-isa. Lalasing-lasing 'di naman pala kaya sarili.

Nang makatayo na siya nang tuwid, tumambad sa akin ang mukha niyang nakangisi, seryoso naman akong tumingin sa kaniya. "Are you drunk? Namumula ang pisngi mo." I said.

"May urgent daw sabi ni Ms.Kara- You know!" sabay tinapik ang dibdib ko. Napatingin naman ako sa ginawa niya pero agad kong ibinaling ang tingin sa tipsy niyang pagmumukha. I don't like women who get drunk. Seriously.

Tinanggal ko ka agad ang kamay niya. "I know! Sinadya ko talagang i-turn-off ang phone ko, kaya umuwi ka na!" I shouted at her.

"Gumastos ako ng pamasahe para lang ma-inform ka! Tarantado ka! Tapos papaalisin mo ako ka agad! Hindi ka talaga marunong tumanaw ng utang na loob!" sabay tinulak ako sa side at dumiretso ng pasok sa loob.

I freaked out sa biglang pag-iba ng attitude niya. Si Lota ba talaga 'yon? Aba naman, ganyan pala siya kapag lasing. Napatingin ako sa direksyon ng kaniyang pinuntahan.

It's dark in my condo room, except pala sa sofa ko, may katabing lampshade at iniiwan ko lang na naka-on every night.

Susundan ko na sana si Lota sa kusina nang bigla siyang lumabas at may dala-dalang kung ano sa kamay niya, meron pa talagang nakatusok na kandila. I really don't know what to do when I saw her holding that thing. Pero, masasabi kong napangisi ako ng bahagya sa kalokohan niya.

Lumapit siya sa akin at inabot ang hawak-hawak niya. "Happy Birthday Nolan! Make a wish!" She smile as wide as her mouth. Why this woman never failed to make me happy? Nakaloloko 'yong itsura niya.

Napaka-inosente talaga ni Lota, sasakyan ko na lamang ang trip niya. Anyways, It's my first time to received a piece of cupcake on my birthday.

I close my eyes and make a wish.

"I wish, na sana itong babaeng nasa harapan ko ngayon, umuwi na." pagdilat ko ng mga mata ko nakatingin na siya sa akin tsaka humagikgik sa pagtawa. Napa-upo siya sa sahig at sige pa din sa pagtawa. Ano bang nakatatawa sa sinabi ko.

"Wag ka na maki-share dito sa cupcake, ha, hanggang sa lalamunan ko lang 'to." napa-upo na din ako sa sahig. Tinanggal ko 'yung kandila at papel tsaka ko kinagatan 'yung cupcake.

Biglang kinagatan ni Lota 'yung cupcake- Shit! Nawala bigla 'yung antok ko. Humagikgik ulit siya sa pagtawa at pinatong ang ulo niya sa isa kong hita. Crazy woman!

"Good night Nolan." Sabay yakap sa baywang ko. Mapangahas pala ang babaeng ito kapag lasing.

"Tsk! Pinuyat na nga ako, ginawa pa akong unan." Nilamon ko na lamang 'yung cupcake. Napatitig ako sa mukha niya, and gently reach out my hand to touch her soft cheek. Pangit talaga.

---
A/N: Ayan na guys! Inaabangan niyong Pov ni Fafa Nolan. Enjoy! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro