Chapter 9
Beat Larisa? Baliw ba ang lalaking 'yon?
Samantalang sa tuwing pinagtitripan at inaaway ko ang girlfriend niya ay galit na galit siya. Ngayon ay sasabihin niyang talunin ko si Larisa? Sa patalinuhan pa talaga? Eh, 'di rin hamak na talo na ako ro'n.
Nasa kaniya iyong brain.
Ako, beauty lang.
Oo sige, aaminin ko na isa iyon sa kinaiinggitan ko kay Larisa. Kaya hindi rin hamak na kaya niyang makipagsagutan sa mga bully niya. Tipong made-depress ka sa mga salita niya kapag pinatulan ka niya.
“Mas valid pa ang pagiging broken family ko dahil patay na ang tatay ko. Eh, ikaw? Paano ang Daddy mo? Hindi ba't hiniwalayan niya ang Mommy mo at sumama sa ibang babae?”
Naalala ko pa iyang mga katagang 'yan.
Pumutok noon ang balitang hiwalayan ng Mommy at Daddy ko sa buong school kung kaya ay hindi na rin kataka-taka na maging siya ay alam iyon. She knows how to talk back. Kagaya rin no'ng nangyari sa CR.
Kaya talagang inis na inis ako sa kaniya. Sa lahat ng taong gusto kong mawala sa paningin ko, siya pa rin ang pinakauna sa listahan. Pagak akong natawa, kapagkuwan ay nailing-iling sa kawalan.
Mabibigat ang mga yabag ko habang papasok sa classroom. Kaagad hinanap ng mga mata ko si Larisa at mula sa palagi niyang pwesto ay naroon siya. Maganda ang pagkakapostura ng katawan ni Larisa, straight body kahit nakaupo siya. Parang beauty queen.
Mahinhin at masinop ang bawat galaw niya. Tunay nga na hindi makabasag pinggan. Bumuntong hininga ako at napairap sa ere. Nakapalumbaba ito sa lamesa, nakatulala at animo'y malalim ang iniisip.
Hindi niya napansin ang paglapit ko. Halos mapatalon pa ito sa gulat nang pabagsak kong inilatag ang mga notes niya sa kaniyang desk. Muntik pa iyong mahulog, mabuti at maagap nasalo ng mga kamay niya.
Hindi pa ganoon karami ang tao at masyado pang maaga. Nasakto lang na maaga rin ako ngayong pumasok dahil ayokong maabutan ako ni Mommy, since pareho lang kami ng alis at inaasikaso niya ang sariling business.
"Alice..." buntong hininga ni Larisa.
"Sa susunod na magpapahiram ka ay ayusin mo naman ang sulat mo! Ang pangit!" nauurat kong palatak bago siya tinalikuran.
Napangisi pa ako at kagustuhan kong saktan ang sarili. Ayokong magpasalamat kaya iyon na lang ang nasabi ko. Ayokong malaman niya na malaking bagay para sa akin ang pagpapahiram niya ng notes.
Kahit papaano ay may naintindihan ako— ng kaunti. Well, thanks din kay Haris at napagtiyagaan niya ako kagabi. Kinaya niyang pagtiisan ang ugali ko. Pero ganoon pa man ay mananatili akong galit sa kanila.
Hindi ko pa rin tanggap na magiging step-brother ko siya. Same with Larisa, hinding-hindi ko matatanggap na magiging kaibigan ko siya. Never in my wildest dream! Ni magkalapit kami ay hindi pwede.
Dere-deretso akong lumabas ng room. Hindi ko pinasukan ang una at pangalawang klase ko. Tumambay lang ako sa labas. After lunch na ako nagdesisyong pumasok ulit sa school. Marami ang tao sa Quadrangle dahil doon ang tambayan ng lahat ng estudyante.
Habang naglalakad pa ay napadaan ako sa gawi ng ilang kalalakihan, kung saan grupo iyon ni Haris. Nakapalibot sila sa isang lamesa. Ang kaninang ingay ay biglang napawi. Siya namang hinto ko sa harapan nila at tinanaw doon ang isang lalaki.
"Akala ko ba ay may date tayo?" asik ko dahilan para manlaki ang mga mata ni Haris.
Nakita ko iyon mula sa peripheral vision ko. Mula naman sa malayong likod niya ay tumayo si Anthony. Patalon siyang bumaba galing sa pagkakaupo sa lamesa at patakbo akong nilapitan.
Kaagad akong inakbayan ni Anthony. "Sorry, Alice. Hindi ako nakatakas sa mga kaibigan ko. May group project din kasi kami."
Umirap ako. "Kaya kinalimutan mo ako?"
Bulgar niyang hinalikan ang ulunan ko. Sabay-sabay namang nagsinghapan ang mga lalaking kaklase ni Anthony. Ang iba ay naghiyawan, may sumisipol at pumapalakpak. Samantalang si Haris ay nananatiling malamig ang expression.
"Kayo na pala! Ang bilis mo, Anthony! Nauna ka pa sa pila," tumatawang sambit ng lalaking hindi ko kilala.
Tumawa si Anthony.
"Matagal na kong nanliligaw sa kaniya. Kahapon lang ako sinagot."
Bored lang talaga ako kahapon.
Tiningala ko ito. Ngumisi naman siya sa akin habang halos magkapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit naming dalawa. Dahan-dahan ko siyang itinulak, kapagkuwan ay umamba nang aalis.
"Sorry, babe—"
"Sige na, dumaan lang talaga ako rito para makitang buhay ka pa at hindi mo ako sinipot kanina sa labas," pahayag ko.
"I'm sorry, Alice. Promise, mamaya ay babawi ako." Itinaas pa niya ang isang palad sa ere, tanda ng pangangako niya.
Inungasan ko lang si Anthony bago muling nilingon si Haris. Nakatanaw na ito sa malayo at para bang wala namang pakialam. Ganoon pa man ay kitang-kita ko ang pangungunot ng kaniyang noo.
Marahil ay iniisip niya kung papaanong sinagot ko si Anthony kahapon, gayong masama naman ang pakiramdam ko. Magkasama rin kami sa ilang oras, kaya nagtataka siya kung paano nangyari.
Ngunit baka nasa utak ko lang ang lahat ng ito? Malayo iyon sa katotohanan dahil wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Kumibot ang labi ko. Ilang sandali nang layasan ko rin sila roon. Sa sumunod na subject na ako dumeretso.
Medyo malayo ang pwesto namin ni Larisa sa isa't-isa ngunit sa tuwing magagawi ang atensyon ko sa kaniya ay naabutan ko ang mariin niyang paninitig sa akin. Minsan ay mag-iiwas siya ng tingin, madalas naman ay natutulala siya sa akin.
Anong problema ng isang 'to?
Nagagandahan siya sa akin? Dapat lang.
Unti-unti nang bumaling siya sa harapan. Sa nagdaang oras ay halos maburyo ako sa paghihintay na mag-uwian. Kaya nang magpaalam ang huling Professor namin ay dali-dali akong tumayo.
Kinuha ko ang hand bag ko at handa na sanang lumabas nang mahabol ako ni Larisa. Humarang siya sa daanan ko at kaagad na inilahad sa harapan ko ang ilang notes niya. Maang ko siyang dinungaw.
Nagpipilantikan ang mga kilay ko dahil sa inaasta niyang ito. Hindi porket na malaki ang pasasalamat ko sa notes niya, akala niya ay okay lang sa akin na pahiramin niya ako. Ano 'to, suhol? Pampapalubag loob?
"Wala ka kanina sa una at pangalawang subject natin. Kaya hiramin mo na muna itong notes ko... ginandahan ko na rin ang sulat," mababang boses na wika niya dahilan para lalong mangunot ang noo ko.
Inirapan ko siya. Wala talaga akong balak na kunin iyon sa kaniya ngunit naalala ko iyong sinabi sa akin ni Haris kagabi— kailangan ko siyang talunin. Madali kong hinablot ang mga notes nito at saka siya tinitigan.
Hindi ko alam kung anong nag-uudyok sa akin, pero gusto kong malaman kung bakit ang bait niya sa akin.
Kung suhol nga ito, para saan? Kung pampapalubag loob nga ito, bakit? Bakit siya pa ang mas lumalapit sa akin, gayong ako ang may kasalanan sa kaniya?
But nevermind.
Sumilay ang ngisi sa labi ko. "Mabuti at nagkusa ka na ring bumalik sa kung saan ka talaga nababagay— ang pagsilbihan ako."
Nagulat siya sa sinabi ko. Umawang ang labi niya para sana magsalita ngunit hindi ko na siya hinayaan pa. Hawak-hawak ang notes niya nang banggain ko ito sa kaniyang balikat at deretsong naglakad palayo.
Hindi ko na siya nilingon dahil masyado akong nagmamadali at malamang ay hinihintay na ako ni Anthony sa labas ng school. Hindi natuloy ang date sana namin kanina noong nag-cut class ako sa dalawang klase kaya ngayon kami magkikita.
Mula naman sa isang pasilyo paliko, bigla akong napasigaw nang may humatak sa braso ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay halos mapapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng likod ko sa pader.
"Ano ba?!" singhal ko rito at mabilis na nagdilat, just to see Haris' face.
What the fvck?
Napipilan ko siyang tiningala. Tumayo rin ako nang maayos at saka pa marahas siyang itinulak sa kaniyang balikat. Iritable ko itong tinitigan. Tangina talaga ng mag-jowang 'to, palaging sagabal sa buhay ko.
"Where do you think you're going?" baritono at seryoso niyang tanong.
"Makikipag-date? Narinig mo naman siguro kanina, 'no?" palatak ko habang naiinis na pinagmamasdan siya. "Bakit ka ba nandito? Kung susunduin mo lang din si Larisa, nandoon siya! May kahalikang iba!"
Pinanlakihan ko siya ng mata. Isang beses ko pa siya itinulak ngunit hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo niya. Para lang akong sumundot ng matigas na pader.
"Pati pala kaklase ko ay pinatos mo, ano?" Nagpantig ang tainga ko sa narinig.
So, iyon pala talaga ang pinunta niya rito?
"Oh, ano bang pakialam mo?"
"Hindi ka na nadala kapapalit ng boyfriend, kahit alam mong ginagamit ka lang nila?" patuya niyang sinabi na dinaig pa ang nagpalaki at nag-alaga sa akin kung pagsabihan niya ako.
Well, alam ko naman 'yon. Kaya lang ay totoong naburyo ako kahapon sa kwarto at nagawa kong sagutin si Anthony sa text. Hindi rin naman ako seryoso.
Umimpis ang labi ko at saka pa natawa. "Easy, Haris. Laro-laro lang naman 'to."
"Leave Anthony alone, Aliyah! Hindi ko gusto na pati si Anthony ay naiimpluwensyahan mo! Umuwi ka na ngayon din dahil magre-review pa tayo!" sigaw niya na labis ikinalaglag ng panga ko.
Bakit nagagalit??
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro