Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas.

"Whatever!" pahabol kong sigaw.

Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.

Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.

Holy fvck...

Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan ngayon.

Mabilis kong pinatay ang shower. Marahas kong inihilamos ang dalawang palad sa mukha paangat at pababa naman sa basa kong buhok. Piniga ko iyon bago inabot ang puting bathrobe sa gilid.

Mula sa sink ay doon na ako nagpatuyo ng buhok ko gamit ang blower. Maingay sa loob ng banyo na hindi ko na nagawang mapakinggan ang pagpasok ni Haris sa kwarto. Kaya sa paglabas ko ay literal na pati ang kaluluwa ko ay nilayasan ako.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat siyang sinundan ng tingin. Lumapit ito sa study table ko, naghila ng upuan at walang lingun-lingon na naupo roon. Hindi pa niya ako nakita sa ganoong ayos.

"Get ready, Aliyah. Huwag na natin itong patagalin dahil mag-aaral din ako mamaya," panimula niya habang inaayos ang pinahiram na notes sa table.

Malakas akong bumuga sa hangin, kasabay nang pag-irap ko. Tinungo ko na rin ang pwesto niya. Padabog pa akong naghila ng upuan at inilapit sa pwesto niya. Roon lang din niya ako tiningala.

Nakita ko ang saglit na pagnganga niya. "Hindi ka ba muna magbibihis?"

"Akala ko ba ay ayaw mong patagalin ito? Ito na nga, heto na, kaya 'wag ka nang magreklamo riyan," palatak ko.

Mariin niya akong tinitigan. Nagtaas naman ako ng kilay habang pinagmamasdan kung paanong bulgar na nagtataas-baba ang kaniyang adams apple. Kalaunan nang mapairap ako at madali siyang tinalikuran.

Tinungo ko ang malaking wardrobe ko at dahil gabi naman na ay pinili ko iyong sleepwear ko. Nighties iyon, satin ang tela at pula ang kulay. Ang laylayan nito ay umabot sa gitna lamang ng hita ko. Ganito naman madalas ang suot ko kapag gabi. Minsan nga ay wala pa akong saplot.

Dagli kong nilingon si Haris mula sa pagitan ng leeg at balikat ko. Pinapanood niya ako. Napangisi ako. Dahan-dahan naman noong kalasin ko iyong bathrobe ko, siyang mabilis niyang pag-iwas ng tingin. Tinalikuran niya ako at minabuting pagtuunan ng pansin ang librong nasa harapan niya.

Napanguso ako, kasabay nang pagkibit ng balikat ko. Hindi na ako nagtago at doon na ako nagbihis. Mukhang wala rin namang balak si Haris na silipan ako. Natawa ako sa kawalan. Kagaya nga ng sinabi ko, loyal siya kay Larisa. Kung kami man dalawa siguro ang matira sa mundong ibabaw, mamamatay na lang siguro siyang tigang.

Hindi nagtagal nang bumalik ako sa pwesto ni Haris. Maagap niya akong tiningala. Saglit pa niyang pinagmasdan ang suot ko. Wala akong suot na bra at panty. Kampante ako dahil wala naman akong epekto sa kaniya. Kita mo nga't nakapa na niya kanina ang dibdib ko, pero heto at makapal pa rin ang mukha niyang humarap sa akin.

Biglang nag-init ang batok ko nang maalala iyon. Bago pa man din mapunta sa kung saan ang utak ko ay padarag na akong naupo sa gilid ni Haris. Pinilig nito ang ulo at madaling ibinaling ang atensyon sa harapan niya. Nagbuklat-buklat siya roon.

Hinayaan ko na muna siya sa ginagawa at nasisiyahan yata ako na natititigan ko siya nang ganito kalapit. Kaya pala hindi hamak na patay na patay si Larisa sa lalaking 'to. Bukod sa matalino at mayaman, isa ring Adonis na may maipagmamalaki pagdating sa itsura. Maganda ang pagkakaayos ng kulay itim na itim niyang buhok.

Ang pilikmata na sa bawat pagpikit niya ay sumasabay. Makapal ang dalawang kilay nito. Ang parehong mata naman niya ay mala-kastila; hooded, sleepy looking almond shape, and in brown color. Magandang lahi ang ipapamana nitong si Haris.

Mataas at matangos ang ilong habang may may natural na mapulang labi. Kita ko pa ang maliliit niyang bigote. Ang panga naman niya ay maganda ang pagkakatabas, bawat kanto ay nakaayon sa hugis ng kaniyang mukha.

He has this masculine type of body. Mas advance ang katawan niya kumpara sa mga kaklase nito. Dominante ang tindigan. Hindi rin kataka-taka na marami ang natatakot sa kaniya, lalo sa dinadala nitong reputasyon sa school namin bilang Dean's officer.

Now, I wonder kung gaano rin kalaki ang itinatago niya sa pants nito.

Pasimple akong nagbaba ng tingin sa harap ni Haris. Kitang-kita ko ang umbok doon. Alam ko na hindi pa iyon matigas, pero bakat na bakat ang kalakihan niya.

Wala sa sarili nang mapangisi ako. Hindi ko namalayang nakatitig na pala sa akin si Haris. Naabutan niya ang mga mata kong nakatunghay sa umbok ng shorts niya. Narinig ko ang pag-igting ng panga nito, kasunod nang pagtataas niya ng kilay.

"Nag-séx na kayo ni Larisa?" Sa isip ko lang dapat iyon, huli ko nang na-realize na naisatinig ko pala iyon.

But nevermind, hindi ko na iyon babawiin.

Halos masamid sa sariling laway si Haris sa biglang tanong ko. Sunud-sunod siyang napaubo at napanood ko pa kung paano mamula ang mukha niya, maging ang tainga niya. Mayamaya nang marahas niya akong binalingan at sinamaan ng tingin.

"Aliyah!" sigaw niya, pero imbes na matakot ay natawa pa ako at saka siya itinuro.

"Look at your face, Haris," pang-uudyo ko habang nangingisi pa rin.

"Shut up!"

Lalong umigting ang panga niya, mas matalim na ngayon ang mga mata niyang nakatitig sa akin dahilan para unti-unting maglaho ang ngisi sa labi ko. Natigil din ang pagtawa ko. Dahan-dahan kong itinaas sa ere ang daliri ko at pumorma ng peace sign.

"I'm just asking, you know..." hirit ko.

Hindi siya nagsalita ngunit nananatiling galit ang itsura niya. Huminga siya nang malalim bago sapilitang itinuon ulit ang atensyon sa mga notes na nasa lamesa.

"Curious lang," dagdag ko.

Isang beses niya akong nilingon. Kaagad akong ngumiti— ngiting nang-uuyam pa rin.

Well, totoong na-curious ako bigla. Can you imagine? Dalawa silang matalino, pareho ring inosente at parang hindi makabasag pinggan. So, paano sila kapag nagse-séx? May hawak na libro at nagkakabisa ng mga salita?

"Stop what you're thinking, Aliyah Denice!" giit niya na para bang nababasa nito ang nasa utak ko kaya napairap ako.

"Fine! Huwag mo akong sigawan!"

"Kung anu-ano kasing tinatanong mo, wala naman sa hulog!"

"Eh, na-curious ako! Hindi ko kasalanan!" Pinanlakihan ko siya ng mata at talagang nainis na ako.

"Then just keep it to yourself!"

"Big deal ba sa 'yo, Haris?" pang-aasar ko, bahala na kung layasan niya ako rito at hindi ko naman gustong mag-review.

Nagkatitigan kami, tila ba nagkakasukatan kung sino ang unang bibitaw at matatalo. Gumalaw ang panga ni Haris, hindi man niya gusto ay siya na ang pagpakumbaba. Hinampas niya ang study table.

"I know you're doing this on purpose... para hindi ka makapag-review," mababang boses na pahayag niya.

Hindi, pero parang ganoon na nga.

"It only takes a minute. So please cooperate, Aliyah. May hinahabol din akong lesson. Kailangan ko ring mag-review."

Kumibot ang labi ko. "Do your part then."

Kinuha niya ang notebook at inilatag sa harapan ko. Maganda ang penmanship ni Larisa ngunit masyadong madiin ang pagkakasulat. Naiintindihan ko naman ang bawat salita, pero hindi ang nilalaman nito.

"How do you understand Law on Obligations and Contracts?" tanong ni Haris.

"Ano 'yon?"

"Topic niyo 'yan sa BL 1, hindi mo alam?"

"That's why I'm asking!"

"Shít, Aliyah! Ibig sabihin sa buong second semester niyo talaga ay wala kang naiintindihan?"

"Kung alam ko lang, magtatanong pa ba ako?"

Napasinghap si Haris, halatang nauubos na ang pasensya niya sa akin. Nahilot nito ang sentido, malamang sa sobrang pagkadismaya at galit. Nagtagis ang bagang ko at saka mariing napalunok.

"You're unbelievable," bulalas niya.

"Tama na 'to, Haris. Tanggap ko naman kung babagsak ako sa exam namin. Balak ko naman nang mag-drop out."

Tumayo ako, gusto nang umalis ngunit maagap namang hinila ni Haris ang braso ko dahilan para mapaupo ulit ako. Naiinis na nilingon ko siya. Naiiyak na rin dahil kahit ako mimso ay dismayado sa sarili.

Nagbaba ako ng tingin dito. Nagpang-abot ang mga mata namin. Matagal kaming nagkatitigan, tipong pareho naming gustong lumaban ngunit pareho rin kaming natutunaw. Napalunok ako, kapagkuwan ay nag-iwas na ng tingin dahil tunay na hindi ko kayang makipagmatigasan kay Haris.

"Beat Larisa," untag ni Haris na ikinagulat ko. "That's the only motivation I know you'll work on— beat Larisa Belleza Gracia."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro