Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Kasabay nang paghalik ni James sa akin ay ang pagkabasag ng kung ano. Napatalon ako sa gulat, doon lang din yata ako nagkaroon ng lakas para itulak si James. Madali kong nilingon ang pwesto ni Haris. Nasa paanan nito ang nabasag na baso ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay nananatili ang mariin niyang paninitig sa amin.

Napakurap-kurap ako, lalo pa noong humakbang ito at papalapit sa gawi namin ni James. Ang inakala kong susugurin niya si James, base na rin sa pagkakakuyom ng dalawang kamao nito, pati ng galit na naroon sa kaniyang mukha— nagkamali ako.

Deretso ang naging lakad nito. Dumaan ito sa gilid ko at damang-dama ko ang hanging dumaplis sa katawan ko nang lumampas siya sa akin. Kung gaano kabigat ang bawat yabag niya ay ganoon din kabigat ang hiningang binibitawan ako. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napasinghap ako.

Binalingan ko si James na nananatiling nasa harapan ko. Katulad ko ay gulat din ang mababakas sa mukha niya. Ngunit mas nagulantang nga lang siya nang walang habas kong pinadapo ang palad ko sa pisngi niya. Nalaglag ang panga nito sa gulat.

"What the—" Dali-dali niya akong hinarap, parehong nanlalaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"You can't just kiss someone who isn't your girlfriend," matigas kong palatak dito.

Biglang humalakhak si James.

"Sa pisngi mo lang ako humalik, hindi naman sa labi mo, o sa kahit anong parte ng katawan mo. May mali ba roon? Let's just say, pa-welcome kiss ko na iyon sa 'yo."

"Pa-welcome?" Ako naman ang natawa. "For your information, bahay namin ito. Kaya papaanong ako ang iwe-welcome mo?!"

"Well... in our family! Welcome to the family!" Mas malakas siyang tumawa at saka pa inilahad ang dalawang braso sa ere, tipong umaamba ng yakap.

Inirapan ko ito. Napailing na lamang din ako at hindi na siya pinatulan pa. Nilayasan ko siya. Nagmamadali akong lumabas ng kusina habang masama ang loob. Magmula nang dumating sila rito ay lalo lang nadagdagan ang galit ko sa mundo.

Matapos ang eksena sa kusina ay hindi ko na nakita pa si Haris sa bahay. Wala rin naman akong pakialam at hindi ko siya hinahanap. Nang maburyo sa loob ng kwarto ay lumabas ako. Mula pa sa likod-bahay namin ay naroon ang malaki at malawak na pool area.

Nang makarating doon ay isa-isa kong hinubad ang damit ko hanggang sa matira na lang ang kulay itim kong two piece swimsuit. Tinanggal ko rin sa pagkakatali ang mahaba kong buhok.

Umabot iyon hanggang sa baywang ko. May natural na kulot ang bandang dulo nito at sa kulay na light ash gray nito ay nagmistulan iyong wig. Maigi ko iyong ibinuhaghag at iniladlad ang ilang kumpol nito sa harapan ng dibdib ko, nagmukha akong sirena.

Medyo gumanda na rin ang pakiramdam ko. Ngayon ay gusto ko na lang mahimasmasan dahil wala pa akong ligo simula kaninang umaga. Dahan-dahan ay naglakad ako patungo sa gilid ng pool.

Wala pang anu-ano nang mag-dive ako. Sa lakas ng impact ay halos bumulusok ako sa pinakailalim. Ganoon pa man ay magaling kong iwinagwag ang mga binti, kasabay ng dalawang kamay ko upang umangat.

Lumanghap ako ng hangin nang makaahon ako. Hindi nagtagal nang pumailalim ulit ako. Nilangoy ko ang kabilang dulo ng pool. Nang makarating doon ay hinawakan ko ang tiles, pumaikot at saka ko iyon tinadyakan para mas mapabilis ang pag-usad ko.

Kaya pa naman din ng hininga ko hanggang sa makadalawang ikot ako. Sa paglalangoy ko ibinuhos ang natitirang sama ng loob ko. Kitang-kita iyon sa pagiging desidido ko, sa bawat stroke ng kamay at mga binti ko.

Lahat din ng klase ng paglalangoy ay ginawa ko. Butterfly, breaststroke, front crawl. Nang mapagod ay inikot ko naman ang katawan para sa backstroke. Saglit akong nag-floating sa gitna ng pool habang nananatiling nakapikit ang mga mata.

Tahimik kong hinahabol ang hanging nawala sa akin. Alas singko na ng hapon at hindi na gano'n katirik ang araw. Kung may sinag man na tumatama sa mukha ko ay hindi iyon nakakapaso. Tama lang din bilang pang-balance sa malamig na tubig ng pool.

Nag-iisip ako ngayon kung kailan ako lalayas sa bahay na ito nang hindi ako napipigilan ni Mommy. Nakaayos na ang ilang damit at gamit ko sa kwarto. Ginawa ko iyon kanina bago ako pumarito. Nakatago nga lang para hindi makita ng sino man.

Wala akong perang hawak— I mean, mayroon naman, hindi lang gano'n kalaki. Ang allowance ko ay galing sa savings ni Mommy. May mga card din ako, pero kung malalaman nga ni Mommy na naglayas ako ay siguradong iba-block niya lahat 'yon.

Kung pupunta naman ako kay Precy, hindi hamak na masusundan ako roon. Pati na rin sa lahat ng dati kong kaibigan. Kung isa sa mga bahay naman ni Daddy rito sa Luzon, posible rin iyong puntahan ni Mommy.

Saan ako pupunta?

Kung alam ko lang kung nasaan si Daddy, sa kaniya talaga ako lalapit. Napabuga ako sa hangin sa kawalan ko ng pag-asa. Ibig sabihin lang din, kung lalayas nga ako at magtatago ay kailangan ko nang tumigil sa pag-aaral.

Well, madali lang naman iyon sa akin. Ayoko naman nang mag-aral. Wala na akong pakialam kung maka-graduate man ako o hindi. Pakialam ko sa diploma, diskarte na lang. Mag-aasawa na lang ako ng CEO.

Fvck! Ang hirap mag-isip. Parang hindi ko rin kaya nang mag-isa. Alam ko na mahirap ang maging independent, pero mukhang mas mahihirapan ako dahil wala naman akong alam sa buhay.

Wala akong alam na trabaho para buhayin ang sarili ko. Mariin kong nahilot ang sentido, kasabay nang dahan-dahan kong pagmulat. Wala pa sa huwisyo nang ikunot ko ang noo para maaninagan ang lalaking bumungad sa paningin ko.

Naroon ito sa maliit na balkonahe ng isa sa mga kwarto sa ikalawang palapag. Nakahilig ang isang kamay niya sa steel habang ang isa ay may hawak na tasa. Ang ulo niya ay bahagyang nakadungaw kung nasaan ako.

Kunot ang kaniyang noo, animo'y isinusumpa na ako mula rito. Ngunit ano ba ang ikinagagalit niya? Dahil ba nainsulto ko si Larisa kanina? Tch.

Mayamaya nang unti-unti kong iniangat ang kamay ko sa ere, saka pa ipinakita kay Haris ang middle finger ko. Napangisi ako nang makita ang gulat niyang expression ngunit mabilis siyang umayos ng tayo.

Huminga ako nang malalim at nagdesisyon na ring lumangoy patungo sa gilid. Sumampa ako sa malamig na tiles. Basang-basa ang buong katawan ko. Tumutulo pa iyon habang naglalakad ako palapit sa mga sun lounger.

Kinuha ko roon ang nakasampay na puting tuwalya. Mabilis kong tinuyo ang sarili. Wala akong dalang damit kaya pumasok ako sa bahay na ganoon pa rin ang ayos. Si Haris pa iyong nagulat, saktong kabababa lang niya sa hagdan at ako naman ay paakyat sana.

Pareho kaming napatigil. Saglit pa niya akong pinasadahan ng tingin pamula ulo hanggang paa. Ang mga mata niya ay nananatiling malamig. Samantala ay seryoso ko lang din siyang pinagmamasdan.

"Hindi ka ba talaga magre-review?" panimula niya sa pagalit na boses.

"Hindi."

Umiling pa ako at akmang lalampasan ko siya nang madali siyang humarang. Napipilan akong nag-angat ng tingin dito.

"Ano ba, Haris?!" bulyaw ko at nag-uumpisa na namang uminit ang ulo ko.

"May exam daw kayo sa major subjects ninyo, Aliyah Denice! Wala ka ba talagang pakialam kung bumaba ang grades mo?"

"Hindi nga ako natakot noong nalaman kong bagsak ako, Haris. Diyan pa kaya—"

"Ano? Mananatili kang ganiyan?"

What the fvck?

Ano bang pakialam niya at bakit ba siya nangingialam?? For pete's sake, buhay ko 'to! Si Mommy o Daddy nga ay walang pakialam, siya pa kaya na sampid lang dito sa bahay?

"Tumira ka lang dito, akala mo ay pwede mo na akong utusan at manduhan? No, Haris, hindi pwede ang ganiyan sa akin. Wala ni isa rito sa bahay ang gumaniyan sa akin." Humalakhak ako.

Tanginang 'to. Natuyo na ako rito sa sobrang pang-iistorbo niya. Ramdam ko na rin ang lamig sa kabuuan ko mula sa talampakan ko dahil wala akong suot na tsinelas.

"Iyon na nga. Now look at you, Aliyah, hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Mas lalo lang din akong nanlamig sa paninitig niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi, Haris."

"Ang hirap mo pala talagang patinuin."

"Isa pa, kung magre-review ako ngayon ay hindi kakayanin. I mean, hindi ko kaya," pag-amin ko— lintik talaga.

Bumuntong hininga si Haris. Natuod siya sa kinatatayuan niya kaya humakbang ako ng isang baitang sa hagdan upang ipagpantay ang mga mukha namin.

"Unless gusto mo akong turuan?" Ngumisi ako sa gilid ng mukha niya bago siya tuluyang nilampasan.

Ngunit hindi pa man din ako nakakalayo sa kaniya nang bigla niyang higitin ang kamay ko. Kamuntikan na akong malaglag kung hindi lang din siya humarang sa likod ko. Ngayon ay pati na dibdib ko ay nahawakan niya sa pagmamadaling alalayan ako.

"Haris!" matinis kong sigaw nang maramdaman ang init ng palad niya sa isang dibdib ko, para akong nakuryente at halos magsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko.

"Fine! Tuturuan kita! Magre-review tayo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro