Chapter 6
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. Gusto ko man, para rin sana makawala sa bahay na ito ngunit hindi ko magawang gumalaw nang maayos. Kahit ang pagbangon sa kama ay nahihirapan pa akong gawin.
Kaya sa buong maghapong dumaan ay nasa kwarto lang ako, nakahilata at nagbabasa ng libro. May isang katulong lang din ang naglalabas-masok para dalhan ako rito ng pagkain, o ng kung anu-ano pang mga bagay na hindi ko naman kailangan.
Mabuti rin at hindi naiisipang pumarito ni Benjamin, o kahit ng dalawang anak niyang sina James at Haris. Malamang din ay abala sila, posibleng pumasok si Benjamin at James sa kani-kanilang trabaho.
Si Haris naman ay sa school. Si Mama ay dumalaw na rito kanina, pero nag-anyo akong tulog para hindi siya magkaroon ng oras na kausapin ako. Sa ilang minuto na nandito siya ay nagtulug-tulugan ako, 'di naglaon ay umalis din nang maburyo.
Hindi na iyon nasundan pa at ayaw ko rin namang mangyari na magpang-abot pa kami rito. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi nagagalit, o nang hindi siya sinisigawan.
Masama pa rin ang loob ko sa reyalisasyong dito na nga nakatira ang lalaki niya. Mas malala na malamang anak pa nito si Haris Abraham Martin. Hindi ko inakalang ganoon na kaliit ang mundo.
Iyong lalaking nakikita ko lang sa Dean's office sa tuwing napapatawag ako roon. Iyong lalaking wala naman talaga akong pakialam, kahit siya pa iyong boyfriend ni Larisa, turns out na magiging kapatid ko pa— magiging step-brother ko pa talaga.
Tila ba masyado akong ginigipit ng mundong 'to. Lahat ng sagabal sa buhay ko ay pilit na nakikisampid sa mundo ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar, o kung saan pa ako pupunta. Naisip ko na sana ay sumama na lang ako kay Daddy.
Higit sa lahat, parang hindi na rin si Mommy iyong dating kilala ko. Nag-iba na siya. Noon, kahit hindi ko siya nabibigyan ng pansin, kahit papaano ay inaalala niya ako. Ganoon naman talaga kapag magulang, hindi ba?
Anak muna bago ang iba, bago ang sarili nila. Pero marahil nga ay gano'n talaga. Dahil sa mga nararanasan nating sakit, unti-unti tayong nagbabago. Hindi natin namamalayan na hindi na tayo katulad ng dati.
Just like me. Iba na rin sa Aliyah Denice na may buong pamilya. Ito ako kasi wala na si Daddy. Naging ganito ako dahil sa nangyari. Pero sino nga ba ang dapat na sisihin?
Silang dalawa. If they were both satisfied with each other, there's no way we'd end up like this. Sila pa rin ang sinisisi ko.
Bumuntong hininga ako at marahas na isinarado ang libro. Saktong may kumatok sa pinto, inakala kong si Manang iyon kaya pinaunlakan kong pumasok. Mayamaya nang marinig ko ang mabibigat na yabag.
"What the hell are you doing here?!" kaagad kong singhal nang makitang si Haris ang pumasok sa kwarto ko.
Madali niyang isinarado ang pinto, siguro ay para hindi na marinig sa labas ang sigaw ko. Napipilan ko siyang tinitigan. Suot pa niya ang uniporme niya, isang ternong white polo at black pants. Dala rin niya ang bag nito.
May mga hawak siyang notebook na hindi ko na masyadong pinansin dahil abala ko siyang binibigyan ng masamang tingin. Fvck! Dahan-dahan ay hinila ko paangat ang sarili hanggang sa makaupo ako sa kama.
"I'm asking you, Haris! The fvck??" malakas kong palatak habang pinanlalakihan siya ng mga mata, gulat na gulat pa rin.
Hindi lang dahil sa presensya niya, bagkus sa reyalisasyong wala akong bra. Bakat ang parehong nípple ko sa suot kong white spaghetti sando. At para akong nanigas na hindi ko maabot-abot iyong comforter.
"Lu—lumabas ka..." utal kong sabi.
"I'm sorry to bother you, pero gusto lang kasing ibigay ito sa 'yo ni Larisa," seryoso niyang pahayag at saka pa inilahad ang hawak niyang mga notebook.
Tinitigan niya ako, mata sa mata. Walang pagkakataon na lumingat ang tingin niya sa katawan ko, parang wala lang.
Parang hindi natatablan.
"Anong gagawin ko riyan? Itatapon ko?" asik ko at muling nagtaas ng boses.
Nagdilim ang mukha nito sa narinig. Umigting ang panga niya bago muling nagpakumbaba ang itsura, para bang napipilitan lang siyang gawin ito. Kung hindi lang din naman siguro utos ng girlfriend niya ay hindi niya ito gagawin ngayon.
"She wants to extend her help. Hindi ka nakapasok kaya gusto niyang ipahiram sa 'yo itong mga notes niya, since malapit na rin ang exam ninyo."
"Kailan ko hiningi ang tulong niya?" maanghang kong wika, kapagkuwan ay pagak na natawa. "Isauli mo iyan sa kaniya bago ko pa 'yan maitapon sa basurahan."
Nahulas ang kung ano mang naiwang emosyon sa mukha niya. Tila ba tuluyan ko siyang nagalit sa mga naging salita ko.
"Napaka-ungrateful mo rin, ano? Ang taas din ng pride mo. Gusto ka na ngang tulungan ng tao ay minamasa mo pa? Ayaw mo pang tanggapin? Sana ay magpasalamat ka na lang, kahit papaano may gusto pa ring tumulong sa 'yo sa kabila ng kasamaan ng ugali mo," matigas niyang banggit, rason para mapakurap-kurap ako.
"Really?" Mapakla akong natawa. "Sagutin mo ang tanong ko, Haris— kailan ko hiningi ang tulong niyo? Saka niyo ako tulungan kapag nagmakaawa na ako, pero tingin ko ay hindi mangyayari 'yon."
Marahas na bumuntong hininga si Haris. Muling nagtagis ang bagang niya bago naikuyom ang dalawang kamao dahilan para malukot ang hawak niyang mga notebook.
Dahan-dahan naman nang pasadahan niya ako ng tingin. Pamula ulo hanggang paa. Nakalantad ang mahaba at mapuputi kong binti. Nagtagal ang mga mata niya roon. Kalaunan ay nag-angat siya ng tingin sa dibdib ko. Naabutan ko ang madiin niyang paglunok, tipong galit na galit.
"Pwede ka nang lumabas," dagdag ko, pati ang katawan ko ay nag-iinit dahil sa galit.
Mariin niya akong tinitigan. Nakipagmatigasan ako at sinuklian kung paanong nakamamatay ang tingin niya. Bandang huli ay tumalikod din siya. Wala ng salita-salita nang lumabas siya ng kwarto.
Napabuga ako sa hangin bago unti-unting kinalma ang sarili. Sa nangyari ay nabinat yata ako at sumama lalo ang pakiramdam ko. Mga ilang oras pa akong nagkulong sa kwarto. Hindi nagtagal nang magpasya akong lumabas ng kwarto para makainom ng tubig sa baba. Nahihilo man ay nagawa kong makapaglakad nang maayos.
"Hello there, baby girl!" bungad sa akin ni James nang magkasalubong kami sa hallway dahilan para mahilot ko ang sentido. "May lagnat ka raw? Okay ka na ba?"
Nilampasan ko ito ngunit siyang ikot ng katawan niya at sinundan ako pababa sa sala. Walang tao roon bukod sa mga katulong. Dumeretso ako sa kusina, naabutan ko pa roon si Haris kaya napahinto ako.
Bumangga sa likod ko si James dahil sa biglaan kong paghinto. Nayakap niya ang baywang ko nang muntik na rin akong matumba. Nanlaki ang mga mata ko at saglit na naputol ang dila ko kaya hindi ako kaagad na nakapag-react.
Inayos ako ni James sa pagkakatayo. Nagawa pa niyang kapain ang noo ko gamit ang likod ng kaniyang kamay. Doon lang ako natauhan at mabilis na tinabig ang kamay niya. Siya naman ang nagulat. Namamangha niya akong dinungaw, nangingiti.
"I'm sure okay ka na. Nananakit ka na, e." Humalakhak siya na naging mitsa para tumabang ang expression ko.
"Namimisikal talaga 'yan, palagi 'yang laman ng Dean's office. Kung hindi dahil sa amoy alak at yosi, o 'di kaya ay naabutang may kahalikan, hobby din niya ang mam-bully at mamahiya ng kaklase," sabat ni Haris.
Pareho namin siyang nalingunan ni James, pero imbes naman na ma-turn off si James ay natawa lang siya. Sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.
"Sus, magbabago rin itong si Alice." Muli niya akong nilingon. "Kulang lang 'to sa pagmamahal, pero subukan mo ako—"
"Ikakasal na sina Daddy at Tita Alicia, tingin mo ay pwede pa iyang sinasabi mo, James?" Si Haris ulit, nakakunot na ang noo.
Galit na siya kanina dahil sa nangyari sa kwarto, mas mukha nga lang siyang galit ngayon. Kung titigan niya ako ay para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit panay man ang buka ng bibig ni James.
"Malay mo naman, Haris," nagpapahiwatig na saad ni James, kapagkuwan ay inakbayan ako. "Alam mo 'yung family... stroke?"
Parehong nalaglag ang panga namin ni Haris. Hindi na rin ako nakapalag nang mas hapitin ako ni James. Ang braso niya ay para nang nakasakal sa leeg ko sa uri ng pag-akbay niya sa akin. Kulang na lang din ay magkapalit kami ng mukha sa sobrang lapit niya.
Nasilayan ko ang unti-unting pagbabago ng emosyon ni Haris. Hindi na maipinta ang itsura niya sa galit na nararamdaman. Hindi ko lang alam kung para saan ang galit niya. Para sa akin ba, o para kay James?
"Malay mo naman, Haris... kami talaga ni Alice ang para sa isa't-isa. Kaya baka magparaya rin sina Daddy at Tita Alicia kapag nagkataong umamin ako sa kanila," natatawa niyang dugtong, kasunod nang pagbaling niya sa akin.
Dama ko ang mainit na paghinga niya sa pisngi ko. Halos hindi na ako makagalaw.
"Right, Alice?" Isang halik sa pisngi ang iginawad nito, rason para mapatigalgal ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro