Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Precy!" malakas kong sigaw dahilan para mapabalikwas ito ng upo, kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.

Mabibigat ang mga yabag na naglakad ako patungo sa pwesto niya kung saan kami madalas na tumambay kapag may free time kami sa school. Sa sigaw ko ring iyon ay saglit na tumigil ang mga tao sa bilyaran at mabilis na napalingon sa akin.

Kilala na ako rito, kahit no'ng may-ari. Tila VIP na nga ang turing sa akin dito, kaya noong dumaan ako sa kumpulan ay tahimik na nahati iyon sa gitna. Ingay lang na nagmumula sa heels ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.

Isama na rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Precy dahil sa kaba kung tunay lang na naririnig ko iyon mula rito. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng kaniyang hininga, kasabay nang pag-awang ng labi niya.

Tumayo kaagad si Precy, hindi para salubungin ako ng yakap, kung 'di para depensahan ang sarili. Ngunit huli na at madali ko siyang pinatahimik.

"Alice—"

Sinalubong ko ng sampal ang isa niyang pisngi, rason para mapabalik ito ng upo sa stool. Nanlaki ang mata ng mga kasama niya, pati na rin ni Elias na kanina lang ay nakita kong kahalikan ni Precy.

Kaya pala hindi na sinasagot ang tawag ko, kasi tunay ngang nakuha na niya ang pakay niya sa akin. Hindi bagay o ano ang gusto niya, si Elias mismo na ex-boyfriend ko. Pagak akong natawa sa reyalisasyong iyon. Bakit ngayon ko lang iyon na-realize?

Hindi ko naisip kung bakit patuloy pa ring kumakapit si Elias sa akin noon. Dahil bukod sa mga bagay na nahuhuthot niya sa akin, iyon din pala ang mga pagkakataong nagkakalapit silang dalawa.

Matalim kong tinitigan si Elias. Itinaas lang nito ang dalawang kamay sa ere, animo'y isang suspek na sumusuko dahil nahuli siya on the spot. Sunod kong dinungaw si Precy na ngayon ay hawak-hawak ang pisnging sinampal ko. Namumula iyon sa tindi nang pagkakasampal ko sa kaniya.

Ngayon ko napatunayang hindi nga talaga ako matalino. Bobo na nga, tanga pa.

Akala ko kahit papaano ay iba si Precy sa mga dati kong kaibigan, na walang halong kaplastikan ang ipinapakita niya sa akin. Hindi rin pala. Kumakapit lang din siya dahil may kailangan ito sa akin, si Elias iyon.

"I can explain, Alice. Hindi kami ni Elias. I mean, we fvcked, yes, pero walang kami—"

Hindi ko na hinayaan pang matapos ang kung ano mang paliwanag niya. Hindi nito inasahan ang isa pang sampal na iginawad ko sa kabila niyang pisngi. Tuluyan nang nalaglag ang panga niya sa sahig.

Napakurap-kurap si Precy. Tangka ring hahawakan ako ni Elias nang mabilis kong iniiwas ang katawan ko sa kaniya. Mariin ko siyang tinitigan. Hindi na ako nagsalita at madali na silang iniwan doon.

Hindi naman din ako sobrang apektado. Hindi ako nanghihinayangan sa nabuong pagkakaibigan namin ni Precy dahil simula pa lamang, hindi naman kaibigan ang turing niya sa akin. Ganoon din sa relasyon namin ni Elias, o sa kahit sinong naging ex ko.

Hindi iyon big deal sa akin. Mas masakit pa rin iyong katotohanang iniwan ako ng sarili kong ama. So I wouldn't mind kung paulit-ulit din akong masaktan. That's life after all.

"So apektado ka pa rin?" maanghang na tanong ni Anthony nang mapag-isa kami sa Quadrangle noong break time.

Nakipagkita ako sa kaniya para rin sana mag-sorry sa hindi ko pagsipot. Tinanggap naman niya ang dahilan kong sumama ang pakiramdam ko. At ito nga, naikwento ko sa kaniya iyong nangyari at hindi ko inaasahan na ganito ang ire-react niya.

"Kaya siguro hindi mo sinasagot ang mga tawag ko dahil hinihintay mong tumawag sa 'yo si Elias, 'no? Hindi naman talaga masama ang pakiramdam mo."

What the fvck?

"Hinihintay mo lang talaga na siya ang makikipagkita sa 'yo, pero hindi nangyari kaya nagdahilan ka na lang sa akin na sumama ang pakiramdam mo, Alice," maanghang niyang palatak.

Teka, okay pa siya kanina, ah?

"The fvck?!" Nangunot ang noo ko.

"Hindi mo rin ako sinipot noong Saturday. Meaning, nagkita kayong dalawa. Ganoon ba, Alice? Akala mo siguro ay hindi ko nararamdaman na gusto mo pang magkabalikan kayo no'ng Elias."

Natawa ako. "Ako nga ang nakipag-break, tapos ako pa itong gustong makipagbalikan sa kaniya? Baliw ka ba?"

Napipilan kong tiningala si Anthony. Nakatayo ito sa harapan ko habang ako ay nakaupo naman sa bench. Nakapamaywang siya na nagmukha pa siyang magulang ko na sinesermunan at pinagsasabihan ako.

Halos hindi ko pa mapaniwalaan ang mga binibitawan niyang salita. Saan niya nakukuha ang mga 'yon? Like what the fvck?Kung alam niya lang kung anong mga ginawa ko, kahit magtanong pa siya kay Haris.

Kung sabagay, wala nga palang nakakaalam sa kung anong koneksyon mayroon kami ni Haris dito sa school. Hindi alam ng kung sino na magkasama kami sa iisang bahay, maliban na lang kay Larisa na girlfriend nito.

Bilang sagot din sa mga haka-haka niya, malamang hindi. Nagalit lang naman ako dahil hindi ko rin lubos na maisip na iyon pala ang gusto sa akin ni Precy kaya hindi niya ako maiwan-iwanan noon.

Hinintay pa muna pala niya kaming mag-break ni Elias saka niya ako tinalikuran— abangers pala ang gaga.

"Tch."

Napairap ako, wala ako sa mood na makipag-away kaya hinayaan ko na muna si Anthony sa mga iniisip niya. Alam kong matalino si Anthony katulad ni Haris, pero hindi ko akalain na pati imagination niya ay malayo ang nararating.

"Ano, Alice? Tama ako 'di ba?" dagdag niya na unti-unting pumuputol sa litid ng pasensya ko. "Siguro nga ay hindi ako kagaya ni Elias, hindi ako kasing gwapo at famous niya. Ito lang kasi ako, Alice. Pasensya na. Pero I can assure you, kaya kitang mahalin sa paraang alam ko. Tinanggap nga kita, e."

Bumuntong hininga ako sa kawalan. "Mag-break na kaya tayo, Anthony?"

Sa sinabi ko ay mabilis na nanlaki ang mga mata niya. Bumagsak din ang panga nito habang halos lumuwa ang parehong mata. Tila pa nabalik sa reyalidad ang utak niya, sa isang iglap ay nahimasmasan siya.

"A—ano? Bakit?" Bigla siyang natuliro, umamo rin na animo'y natakot.

"Hindi ko alam na manipulative sad boy ka pala," dismayado kong sambit.

Nagkibit ako ng balikat bago tumayo. Nang mapansing wala namang balak na magsalita si Anthony ay nilampasan ko na ito ngunit kaagad din akong nabalik sa harapan niya nang hatakin niya ako.

"Hindi pa tayo tapos!" malakas niyang sigaw na hindi malayong marinig ng mga nasa paligid. "Anong break? Two days pa lang tayo, Alice! Two freaking days!"

Saglit akong nagbaba ng tingin sa mga daliri niyang bumabakat sa braso ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Okay lang 'yan, Anthony. Iyong iba ko ngang ex-boyfriend ay hindi umabot ng isang araw kaya maswerte ka pa rin."

Unti-unting namula ang leeg at mukha ni Anthony hanggang sa pati ang mga mata nito ay mamula na rin sa sobrang galit. Mas lalo ring dumidiin ang pagkakahawak niya sa akin dahilan para mapapitlag ako.

"So you fvcking used me, huh? Para magkabalikan kayo ng Elias na 'yon? Pinagselos mo lang siya pala siya? Tapos ano? Pagkatapos nito ay kayo na lang ulit? Fvck you, Alice. Tingin mo ay papayag ako? Hindi!" sunud-sunod niyang patutsada habang nanggagalaiti. "Akin ka lang, Alice!"

Bakit ba hindi ako na-orient ni Haris tungkol sa pagkatao nitong si Anthony? O kaya rin ba niya ako binabalaan noon dahil alam niyang ganito nga siya kabaliw.

Oh, sana pala ay nakinig nga ako.

"Tandaan mo, Alice, sa akin ka lang!"

"You fvckin' psychopath. Kapag hindi mo pa ako binitawan, tatawag na ako ng officer!" giit ko rito na tinawanan lang niya.

"Kahit sa Dean's office pa, Alice. Sa ating dalawa, ako ang mas kakampihan nila."

Mariin akong pumikit. Idadaan ko na sana ito sa dahas nang bigla rin akong napahinto nang may tumikhim sa likod ni Anthony.

"Let her go, Anthony. Sinabihan naman na rin kita simula una pa lang," baritonong boses ni Haris, sunod kong narinig ang mabigat niyang mga yabag na palapit sa gawi naming dalawa.

Hindi nagtagal nang nasa gitna na namin ito. Kasama pala nito si Larisa kung kaya ay saglit na natuon ang atensyon ko sa kaniya. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Kalaunan ay bumalik din sa normal niyang expression na para bang hindi na ito bago sa kaniya.

Hinawakan ni Haris ang mga kamay namin ni Anthony kaya tiningala ko ito at siya na mismo ang pilit na naghiwalay sa aming dalawa. Ayaw bumitaw ni Anthony kaya gumuhit pa sa balat ko ang kuko niya.

"Tumigil na kayo kung ayaw niyong dalhin ko pa kayo sa Dean's office," segunda ni Haris, seryoso lang siyang nakatingin sa amin.

"Tangina, Haris, kung wala ka lang girlfriend ay matagal ko nang napatunayan na gusto mo ring pumila sa mga lalaki nitong si Alice! Lahat na lang sa batch natin na gusto siyang ligawan, hinaharangan mo," matigas na palatak ni Anthony. "Kung sabagay—"

Hindi na nga lang natuloy ang kung ano pang gusto niyang idugtong nang halos pareho kaming manlamig ni Anthony sa uri ng tingin ni Haris. Nagtiim bagang si Anthony. Ilang sandali pa nang dahan-dahan din siyang umatras at patakbong umalis.

Kung sabagay, ano?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro