Chapter 13
"I am so happy!" patuloy na pahayag ni Mommy habang pumapalakpak din siya, hinarap niya si Benjamin. "Thank you, honey. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
Niyakap ni Mommy si Benjamin, kitang-kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki niya. Good for her, na nakita na niya ang taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magbibigay sa kaniya ng kalinga at atensyon.
Samantalang ako, heto at nangangasim ang mukha habang pinagmamasdan silang dalawa. Gusto kong masuka. Panay ang irap ng mga mata ko sa ere. Sina Haris at James naman ay nakatanaw sa akin.
Alam nila kung gaano ako nandidiri sa relasyon ng aming magulang, tipong gusto kong baliktarin itong lamesa para lang matigil sila. Tuluyan na akong nawalan ng ganang ipagpatuloy ang pagkain ko at kahit hindi pa ako tapos ay lumabas na ako.
Iniwan ko silang nakatulala sa akin. Wala na rin akong narinig na tutol galing sa kanila kaya umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Marahas akong bumuntong hininga at halos hindi malaman ang gagawin.
Gusto kong umalis ng bahay at gumala, hindi ko nga lang alam kung saan ako pupunta. Kung sa Bottle Ground naman ay paniguradong masusundan ako roon ni Haris. Lalo pa ni Anthony at baka magpang-abot naman kami ng away doon.
Ilang beses akong napamura nang ilang beses din akong babaan ng tawag ni Precy. Pagak akong natawa. Wala na ba siyang mahuthot sa akin at hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko? Ni hindi rin siya nagpaparamdam.
Nahilot ko ang sentido. Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang men's magazine sa center table. Nagpalipas ako ng oras doon. Nang maburyo ay tumayo ako at muling lumabas ng kwarto.
Hindi talaga pwede na hindi ako gumagala at hindi natatahimik ang kaluluwa ko sa isang lugar. Sa hallway mula sa second floor ay saglit akong napahinto sa paglalakad bago nilingon ang pinakahuling pinto na siyang kwarto ni Haris ngayon.
Umangat ang sulok ng labi ko, kapagkuwan ay walang anu-anong tinahak ko ang daan palapit doon. Pinihit ko ang doorknob, since hindi naman iyon naka-lock ay hindi na rin ako kumatok. Deretso ko iyong binuksan.
Kaagad kong hinanap si Haris at nakita ko ito na nakaupo sa kaniyang kama. Nakasandal siya sa headboard habang ang cellphone ay nakadikit sa isang tainga niya. Nagtaas ako ng kilay dito. Samantala ay nagsalubong naman ang dalawang kilay niya.
Hindi ko siya pinansin, hindi rin naman siya nagreklamo sa biglaan kong pagpasok sa kwarto niya. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Medyo madilim dahil sa nakasarang kurtina mula sa bintana ng kwarto.
Madali ko iyong hinawi at saka siya nilingon. Napanood ko ang lalong pagkahulas ng emosyon sa mukha niya, rason para matawa ako. Hindi siya nagsasalita, bagkus ay sinusundan lang niya ng tingin ang bawat hakbang at ginagawa ko.
"Sure," buntong hininga niya sa hangin.
"Si Larisa ba 'yan, Haris?" pukaw ko, kahit hindi siguro ako magtanong ay obvious namang si Larisa ang katawagan niya.
Lumapit ako sa bookshelves nito at nakita roon ang napakaraming libro. Hinawakan ko ang isa roon, binuklat at saglit na binasa. Nang walang maintindihan ay ibinalik ko ulit. Pinagpagan ko ang mga palad.
"I'll call you back." Dinig kong sambit ni Haris sa kausap. "Yeah... yup..."
Napangiti ako. Dahan-dahan nang magtungo ako sa balcony nito. Hinawi ko rin ang kurtina at saka binuksan ang pinto. Mula naman sa bulsa ng shorts ko ay inilabas ko roon ang isang stick ng sigarilyo at lighter.
Tangkang sisindihan ko iyon nang mabilis iyong tumilapon at nalaglag mula sa ibaba. Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa railings at dinungaw iyon. Ilang sandali nang marahas kong binalingan si Haris.
"Kung magyoyosi ka, roon ka sa kwarto mo," matabang niyang palatak.
Umayos ako ng tayo. "Mas masungit ka pa kaysa sa may-ari ng bahay."
Humalakhak ako bago siya nangingising tinitigan. Wala itong saplot pang-itaas kaya kitang-kita ko ang bawat guhit ng kaniyang abs, pati ang pumuputok niyang mga muscles sa dibdib. Laman ba siya palagi ng gym?
Suot naman niya ang kulay gray na jogger pants. Natuon ang atensyon ko sa bumabakat niyang pagkal*laki, rason para mas mangisi ako. Naputol nga lang ang paninitig ko roon nang tumalikod si Haris.
"Lumabas ka na, Aliyah," wika niya, padapa pa siyang nahiga sa kama.
"Ayoko."
"Matutulog ako."
"Papanoorin kitang matulog," pilit ko habang animo'y batang tuwang-tuwa.
At dahil sa naturang nabuburyo ako sa buhay ay sumunod ako sa kaniya. Prente akong naupo sa isang sofa malapit sa kama. Idinekwatro ko ang dalawang binti habang ang mga kamay ay inilatag ko sa magkabilaang arm rest ng inuupuan ko, nagmukha akong reyna at si Haris ay alipin.
Tinanaw ko si Haris mula sa kama at sinalubong ang mariing pagtitig niya sa akin. Sa pagkakadapa niya ay ang matipunong likod naman niya ang bumubusog sa mga mata ko. May matambok din siyang pwét.
Infairness, huh?
Ang swerte talaga ni Larisa.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" untag niya dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha.
"Wala lang. Namamasyal lang," nakangiti kong sagot— ngiting nang-aasar.
Halos irapan ako ni Haris. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Matutulog nga ako."
"Hindi ba tayo magre-review?"
"Mamayang gabi after dinner."
"Oh, sayang, ginaganahan pa naman ako."
"Samantalang kagabi ay tinulugan mo iyong pagre-review mo," utas niya.
"Inantok ako sa paghalik sa 'yo, e."
Humalakhak ako. Hindi na napigilan ni Haris at literal nang umikot ang eyeball niya. Natawa ulit ako, nang-aasar pa rin.
"Ganiyan ka ba talaga? Bigla-bigla kang nanghahalik ng lalaki?"
Biglang humina ang boses niya, na para bang nagsusumamo iyon at nangungusap. Hindi ko lang alam kung bakit, siguro dahil sa pagkadismaya sa akin.
"Hmm. Hindi naman." Namula ang pisngi ko, nagsisi ako na inungkat ko pa iyong nangyari kagabi. "Bored lang."
Matagal bago siya nagsalita. Nakatitig lang siya, tila ba iniisip kung ano ang sunod niyang sasabihin. Bakas man din ang alanganin sa mukha niya, kalaunan ay dumugtong siya ng salita.
"Don't do that again... lalo sa ibang lalaki," sa mas mahinang tinig na banggit niya.
"Sa 'yo lang, 'no?" pang-uudyo ko.
Natigilan siya. Umirap muli at hindi na nagsalita, tuluyan nang naasar. Napanguso ako habang tina-tap ko ang mga daliri sa arm rest ng kinauupuan ko.
Actually, nandito talaga ako at sinadya siya para sa ibang bagay.
"Anyway, payag ka ba na magpakasal sina Mommy at ang Daddy mo?" untag ko at iyon naman din yata ang pakay ko rito.
I have a plan.
"Doon naman talaga patungo ang relasyon nila, Aliyah. Sino ba ako para kumontra?" balik tanong niya sa akin. "At kung doon sila sasaya, why not?"
"Nasaan ba ang Mommy mo? Bakit ba nakikisampid pa ang Daddy mo sa Mommy ko?" Hindi ko na napigilan at tunay ngang pikunin talaga ako.
Nakakairita lang. Ang galing-galing kong magmaldita, pero ako rin itong palaging pikon at iyakin bandang huli.
"Patay na si Mommy," simpleng sinabi niya pero bakas sa boses niya ang pagkalungkot.
Umawang ang labi ko. Nanlaki rin ang mata at bigla ring nagsisi kung bakit ko pa iyon itinanong sa kaniya.
Kung sana ay patay na lang din si Daddy para hindi masakit sa akin ang katotohanang nambabae siya at ipinagpalit kami. Mas okay pa iyon. Mas katanggap-tanggap pa.
"Limang taon na, Aliyah," segunda niya.
Bumuka ang bibig ko para sana magsalita ngunit wala na akong makapa ni isang letra. Ang daming emosyon ang bumabagabag sa akin. Wala na akong maintindihan sa sarili. Siguro nga ay tunay na nababaliw na ako.
Hindi naman na rin dumugtong pa si Haris. Tumahimik na siya at ipinikit na rin ang mga mata. Hindi ko naman alam kung aalis na ba ako, o ipagpapatuloy pa rin ang gusto ko sanang paghayag sa plano ko.
"What if jowain ko si James? What do you think, Haris?" wala sa sariling tanong ko na siyang mabilis nagpamulat kay Haris, nangunot ang noo niya.
"What did you just say?" ulit niya, pagkakataon ko iyon para sabihin na ang plano ko para hindi matuloy ang kasal.
"Naisip ko, kung magiging kami ni James ay hindi na pwedeng matuloy ang kasal nina Mommy at Benjamin." Seryoso ang mukha ko habang ipinapaliwanag iyon sa kaniya.
"Benjamin? Just call him Tito Benjamin, Alice. Your disrespecting my father."
"Whatever." Inirapan ko siya. "Pero ito na nga, kung magiging kami ni James, malamang na magpaparaya sila para sa aming dalawa, right?"
Pagak na natawa si Haris. At the same time, mas nangangalit ang mga mata.
"Bakit? Papatulan ka ba ni James?"
Ako naman ang natawa. "I've been into boys, Haris. Kaya alam ko kung gusto ako ng isang lalaki o hindi. And I must say, pumasa ako sa standard ng Kuya mo."
Malapad akong ngumisi. Unti-unti namang nanlamig ang expression ni Haris. Hindi ulit siya umimik. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya sa kawalan. Inalis nito ang tingin sa akin at piniling isiksik ang mukha sa unan.
"Kasi kung ayaw mo, total ay may girlfriend ka naman at mukhang loyal ka kay Larisa. No choice ako kung 'di kay James," dagdag ko.
Kumuha pa siya ng isang unan at itinabon sa kaniyang ulo na para bang nananawa na siyang pakinggan ang boses ko. Madali akong tumayo at lumipat ng upo sa gilid ng kama.
Niyugyog ko ang balikat niya. "Please, Haris, help me! Ayokong matuloy ang kasal!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro