Kabanata 7
Kabanata 7
Lost
We were both natural. Nagpatuloy kami sa mga activities na pinlano niya sa araw na iyon ng walang distraction galing sa nagsho-shoot. We rode a horse. One for each and spent an hour riding them until we arrived at the golf course.
Nang nakarating doon, nag golf naman kaming dalawa. Both competitive, it became more intense as the game continues, with our modified rules.
Nang sa huli ay siya nga ang nanalo, isang malapad na ngisi ang iginawad niya sa akin.
I glared at him. Gusto kong magprotesta at kanina ko pa naiisip na pagbibigyan niya ako. Not that I want him to lose the game to satisfy me, but at least he had this gentleman kind of idea!
Bakit pa nga ba ako nag-eexpect? This asshole would do anything to win!
At hindi niya kailangang maging gentleman o pagbigyan ako para lang manalo ako sa kanya, no!
"So what are the activities this afternoon?" My brow was raised as I inquired.
Kumakain na kami ng lunch at nakapagpahinga na. He smirked.
"Ayaw mo bang magpahinga? Pinagod kita kanina sa golf."
"No, I'm fine. I have all the time later tonight to relax."
"So you agree? You'll stay here?"
I shrugged. "There's no difference so why not."
"Alright. Bakit? May gusto ka bang gawin mamayang hapon?"
"Hmm..."
Iginala ko ang mga mata sa hall kung nasaan ang iilang indoor sports center nila. Nagtagal iyon sa malaking double doors. Napalingon din siya roon bago kami nagkatinginan.
"How about bowling?"
"Bowling, then," he concluded.
Ilang sandali lang kaming nagpahinga pagkatapos kumain at dumiretso na kaagad kami sa hall. Royce sat on the long sofa, still relaxing from our heavy lunch while I was standing and stretching my arms in front of him.
"You think you'd win by warming up?" he smirked.
Ipinakita ko ang pag-irap ko sa kanya. "I just don't want to get injured."
He chuckled. Galing ang mga kamay at braso niya sa backrest ng sofa, naka kalat ay binaba niya at itinuko sa tuhod. He leaned closer and his eyes darkened.
"So you're not thinking of winning this? You lost your spirit after one losing match, huh?"
Parang walang ka wala iyon. If I yield and tell him that I don't care if I win, he'd laugh at me. At kapag naman sinabi kong competitive pa rin ako, ganoon din!
"Don't be so full of yourself, Royce. Pinagbigyan lang kita kanina."
"Oh really? Was that staged? Why were you pouting the whole lunch time then?" mas lalo lang siyang ngumisi.
"Well, there were some mistakes kaya hindi ko na sineryoso sa huli. Huwag kang feeling na magaling ka sa lahat ng pagkakataon."
He laughed. "Hindi ko sinabi 'yan. Ikaw ang nagsabi niyan, Sky. Magaling ako sa lahat ng pagkakataon."
"Whatever! Just shut up, Royce."
"Alright, my fiancee. I'll just shut up and beat you."
Sinimangutan ko siya at nakangisi naman siya sa akin.
Pumulot ako ng bola at nauna nang tumira. I frequented this place when I was young. Ganoon din sa ibang resorts namin, lagi'y sa mga sports center ako, kung hindi man sa spa. Mananalig ako sa kaalaman ko rito para matalo si Royce.
"After I beat you til you cry, let's just chill and relax probably by the restaurant. I will have a long drive tonight. I'm not up for another sports activity."
I gritted my teeth. Kung puwede lang ay sa ulo niya ihahagis 'tong bola ay ginawa ko na.
"This was your idea so what's the problem? Chickening out?"
"My idea was to play golf and relax with you. Not compete in many sports, Sky," aniya at tumira ng walang kahirap-hirap pero pumalya ng kaunti.
I smirked. Nagtaas naman siya ng kilay at kumuha ng isa pang bola. Napawi ang ngiti ko nang sa huli ay natira niya rin ang isang natirang pin sa alley.
Umirap ako at nagpatuloy sa laro.
"Well, your date idea will be a failure if you won't satisfy me."
Tumira ako. Imbes na bumalik siya sa sofa ay nanatili siyang nakatayo, nakataas ang kilay at tinititigan ako. Nang sumulyap ako sa kanya ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kahulugan noon. Gusto kong matawa pero alam kong magiging awkward ang tawa na gagawin ko.
"If you don't consider my feelings."
"How do I satisfy you, then?" seryoso niyang sinabi.
Ngumisi ako. "Wow! The great Royce Solarez doesn't know how to satisfy his girl! Sa yabang mong 'yan, may hindi ka pala kayang gawin?"
"Fine. We're swimming after this."
Nagpatuloy ang laro namin habang nagbabatuhan ng mga salita. I smirked at the thought of beating him through swimming.
"Deal."
Nagtaas siya ng kilay, may multo ng ngiti sa labi bago kumuha ulit ng bola para sa pagtira pagkatapos ko.
Nakahilig siya sa sofa, nagkalat ang magkabilang braso at kamay sa backrest at ang ulo'y nakahilig din doon habang nagdiriwang ako sa pagkapanalo. He groaned at his exhaustion while I can't help but rejoice.
"You suck at this game!"
"I was just exhausted."
"Weakling!" sabi ko.
Umahon ang ulo niya at dumilat habang tinitingnan ako. I showed him my big and sweet smile.
"You're not that great Royce so don't be too arrogant."
Sinimangutan niya ako habang sumasayaw ulit ako sa tuwa. Something about his misery makes me so happy. Walang kahirap-hirap niya nga lang akong inabot at ikinulong sa bisig.
"Royce!" mabilis kong piglas at pilit na tumatayo.
Katatapos lang ng laro at dahil sa pagsasayaw, mas lalo akong pinagpawisan. I can feel my sweat on his forearm and hand as he held on to me.
"Pawis na pawis pa ako!" sabi ko.
"That's what you get for teasing me," he whispered and continued hugging me. His lips, almost touching the sweat on my neck.
"Bakit? Kanina nang iniinis mo ako, hinayaan naman kita ah?! Tigilan mo nga ako!" piglas ko pa kahit na parang bakal na nakapulupot sa katawan ko ang braso niya.
"Was that my problem? You should've stopped my teasing somehow, if you didn't like it."
Halos saktan ko na siya para lang makawala pero kalaunan, pagod na rin ako at hinihingal na gaya niya.
"Oh please, let me go. I'm so sweaty! Royce!"
"I am, too," he whispered. "Let's just relax before we proceed to the pool."
Narinig ko ang mabilis na click ng camera. Sa gitna ng mg laro namin kanina, ngayon ko lang ulit napansin at naalala na pinipicture-an nga pala kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit bigla kong ayaw ipakita ang mukha ko. I leaned on his shoulder and used it to cover my eyes. Tumigil ako sa pagpiglas habang naririnig ang mabilis na click ng camera.
He's right. It was exhausting. Naramdaman ko iyon nang bumalik na ako sa suite para makapagpalit ng damit. I freshened up and put on my bikini before putting on a cover up. Nasa bathroom ako, nag-aayos ng buhok at mukha nang narinig ko galing doon ang pagsarado ng pintuan.
Mabilis akong lumabas at natanaw si Royce na isa-isang binubuksan ang butones ng white dress shirt.
"The heck are you doing here?"
Hindi man lang siya nagulat sa bayolente kong reaksiyon.
"You said we're swimming."
"I know but this is my suite."
"I'll just change, Sky. Calm down and I won't sleep here," aniya at lalagpasan na sana ako papuntang bathroom nang inunahan ko siya sa paglalakad.
"Diyan ka muna! Kukunin ko lang ang gamit ko!" deklara ko at nagmadaling pumasok sa bathroom.
Nasa pintuan na siya ng bathroom nang lumabas ako. Nakahalukipkip siya sa paghihintay sakin.
"Bababa na ako. Doon na lang kita hihintayin!" giit ko samantalang nanatili ang mga mata niya sa make up pouch ko.
Mabilis ko iyong itinago at nag-ayos nang muli. Hindi ko na siya ch-in-eck ulit at lumabas na pagkatapos magmadali.
The pool was quiet. Walang ibang naliligo roon. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Royce na gagawing exklusibo ngayon o talagang wala masyadong naliligo roon. I don't remember this pool being crowded but I sometimes see a family or two on the children's pool everytime I visit.
Wala sa sariling nahagip ng paningin ko si Royce. Wearing a white v-neck t-shirt and a black shorts, hairy and toned legs exposed and in flipflops, muntik na akong mabuwal sa kinauupuan. I am not used to him wearing casual clothes, lalo pa ito. At talaga? Tsinelas? It isn't like my flipflops, it's a bit thicker... for men... but still!
Umangat ang gilid ng kanyang labi at yumuko para abutin ang pisngi ko. He also held my hand and whispered to me.
"Let's go."
I sighed and stood. Hindi niya na binitiwan ang kamay ko hanggang sa bumaba na kami ng tuluyan papuntang pool side. Hindi ko na siya hinintay. Pagkalapag ng ibang gamit, kinausap niya pa ang waiter para sa order namin. Dumiretso na ako sa shower.
Naghubad ako ng cover up at nagshower na.
I watched him concluding our orders. Ilang sandaling pagiging abala lang sa katawan ko ay muli akong sumulyap sa kanya. Saktong naghuhubad siya nang tiningnan ko. And when his shirt was removed, that one rebellious night flashed on my mind like it's my death and I'm in purgatory.
I completely forgot that he was hot. Not very buff but just enough for him to look gorgeous. He was lean, tall, with muscles in their right places. Gumalaw saglit ang kilay niya nang nakitang nakatitig ako. At halos makitilan ako ng hininga nang natanaw siyang palapit sa akin.
Why is this so unfair? I get nervous watching his hot body while he's confidently strutting towards me. Samantalang halatang sanay naman siya sa katawan ng babae. Nothing will shock him anymore!
Refusing to concede and just swim, tumabi na lang ako para makapagshower din siya. Pero hindi pa nakuntento ang mokong at ayaw doon sa ibinigay kong space at shower! He wanted to be on the shower where I was. Nasa likod ko siya ngayon at masamang tiningnan.
Nababasa na siya, animo'y commercial model ng mineral water or anything related. Umiwas siya sa shower ng kaunti, gaya ko.
"They are shooting you so..."
Imbes na magprotesta ay inirapan ko na lang siya at hinayaan sa gustong gawin. He's such a great pretender. Kaya siya lumapit at nagpumilit sa tabi ko kasi kinukuhanan naman pala kami.
Bumaba kami kalaunan sa swimming pool. Hindi pa nag-iilang sandali, gusto ko na agad makawala sa yakap niya sa akin.
"I think that's enough for the pictures.'
"No, it's not."
"Let's stay this way for a little bit more."
Suminghap ako at pinagbigyan siya. Bukod sa hawak niya sa kamay at tiyan ko, at paminsan-minsang hawi, kunwari, sa buhok ko, habang tinititigan ako, wala naman siyang ibang bastos na pananamantala. Kahit pa hindi naman yata kita ang mga katawan naming nasa ilalim ng tubig.
"That's enough right?!" pagkatapos ng ilan pang sandali.
"Why are you so excited to get away? Don't you find this cozy?" aniya sa namamaos ng boses, halatang gustong gusto na tahimik lang kaming nakalublob.
"Anong cozy? We're here to finally decide which one of us is the winner!"
Nagkatinginan kami. Habang excited na excited ako, umismid lang siya na parang walang kuwenta ang sinasabi ko.
"We'll swim a lap and see who wins, Royce!" sabay turo ko dulo hanggang dulo.
"Sinong nagsabi na may kompetisyon tayo? It's a date, Sky."
"Well, are you chickening out?"
He sighed. "I'm not but I want to relax. Not do your crazy sports fest."
"Ano? Pumayag ka kanina, ah?"
"Huh?"
"You agreed to this and now you change your mind?"
"I didn't agree to your sportsfest. Pumayag ako na magswimming tayo pero hindi ang maglaro ng ganyan."
Natahimik ako. He looked at me with dark eyes, as if problematic.
"I will drive home. I want to at least rest. Mahirap magdrive ng pagod... We can just cozy up here and relax."
Hindi na ako nagsalita. Tama rin naman siya. Lalo na dahil gabi ang balik niya at mag-isa siyang uuwi, baka pa magkaproblema siya sa daan kung pipilitin kong pagurin ulit siya ngayon. But it's just one lap. It's not that difficult. But then... I sighed.
Sana pala mag-offer na rin ako sa kanyang magpahinga na lang muna siya sa suite bago tumulak ng Maynila. Or maybe... maybe he... shouldn't go back to Manila like me? Tutal ay kaming dalawa ang malapit ng ikasal kaya pareho kaming dapat dito na!
"Alright," sabi ko ng wala sa sarili bago lumayo at lumangoy na lang kung saan sa pool.
Kakaahon ko pa lang sa ibang corner nang natanaw ko ang pagsunod niya sa langoy ko. Hindi ko na masyadong inisip iyon pero nang umahon din siya sa harap ko, nagkatinginan kaming dalawa.
He looked really dark and frustrated. But he was calm and he controlled his feelings very well.
"One lap," he said huskily.
Namilog ang mga mata ko pero sa huli umiling. "Hindi na. Hindi naman importante iyon."
Tinalikuran ko siya.
"One lap, Sky. Akala ko ba gusto mong malaman kung sino ang panalo sa atin?"
Nilingon ko siya. I know he wanted to awaken my lost enthusiasm for the imaginary game on my head but no... I understand. Hindi ko man siya gusto, ayaw ko namang mapagod siya at maging resulta pa iyon ng masamang pangyayari.
"It's fine, Royce. We can just chill here and then later, magpahinga ka na rin sa suite bago ka umuwi. Malayo pa ang biyahe mo at gabi kang babiyahe. Tama ka sa sinabi mo kanina."
Ngumuso siya. Hindi ko alam kung bakit nagtititigan lang kami. I turned away again, not wanting to acknowledge something I'm feeling.
Lalangoy na sana ako palayo ulit pero naunahan niya ako. Kinulong muli ako sa kanyang bisig at mariin na idiniin at inangkin ang katawan.
"You let me win this argument but why do I feel like I'm the one who lost?" he whispered.
My heart pounded and I felt weak. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa sistema ko. Hindi ako nagsalita, takot na lumala pa ang nararamdaman.
"Parang talong talo ako kapag hindi kita napapasaya," he continued and sighed.
The silence grew because I let it. And after that, he didn't say another word, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro