Kabanata 4
Date
The night was overall horrifying. The silence after our banters lasted. At kaunting usapan na lang dahil tuwing humahaba ang usapan namin, naiirita lang lalo ako sa kanya.
Paglabas sa hotel, nakahawak siya sa baywang ko, inaalalayan ko. I let him. I give the audience a show. Lalo na't kitang-kita ang mga nagsibalingang leeg sa amin palabas doon.
"So our schedule for tomorrow is the fitting?"
"Yeah," I said boredly.
Nasa loob na kami ng sasakyan at pauwi na. Ihahatid niya ako sa amin. Nakasulyap siya habang nagta-traffic, samantalang diretso naman ang tingin ko.
"And the dessert testing," dagdag ko dahil naaalala pa ang mga detalyeng nakita ko sa schedule ko.
"I'll drop by your house after work. For the dessert testing, just do it yourself. Hindi ako mahilig doon at may meeting pa ako sa hapon. Gabi pa ang bisita ko sa inyo."
Pairap ko siyang nilingon, naiirita na naman. Diretso na ang tingin niya sa kalsada dahil sa pagmamaneho at hindi niya alam na halos patayin ko na siya sa titig ko ngayon.
Hindi pa ako kailanman kinasal pero I always think that these things are done by the couple. Kung sa bagay, bakit pa ako mag-eexpect sa kanya? Bukod sa asshole siya, hindi naman totoo 'tong lahat kaya pakialam niya sa mga ganoon?
Umaga sa sumunod na araw ang dessert testing. Sinamahan ako ni Mama habang nilalatag ng mga caterer ang offer nila sa amin. Tumulong na rin si Mama sa akin dahil siguro napansin niyang wala ako sa mood. Hindi na rin siya nagtanong. It's not as if I'm getting married with the love of my life. I'm not excited or even interested.
Nagpahinga kami para sa lunch at tumanggap ulit ng bisita sa hapon. It was my family's designer. Mom's dress was already made at gagawan na lang ng kaunting adjustments. Most of our dresses were ready to wear because it was a wedding done hastily. At ang alam ko, ngayon din ang dating ng Vera Wang ko.
"This is fine but this one, I want to remove," si Mama. "There's too much swarovsky, I don't want it."
Bored in the sofa as I watched all the other gowns hung near us, I sighed. May naisip tuloy ako.
"How about Royce's mom, Ma?" hindi ko na napigilang magtanong.
I haven't met his family at wala rin akong nakita sa schedule ko na ganoon pero inisip kong baka naman nakaligtaan ko lang.
Nilingon ako ni Mama, nanlalaki ang mga mata na para bang may mali akong nasabi. Ang kausap niyang seamstress ay namilog din ang mga mata.
"The neckline is already fine. That is all. Dito muna kayo. We will welcome Sky's dress. Naroon na yata sa gate," si Mama at agad na tumayo.
Naglahad siya ng kamay sa akin. Ibinigay ko naman sa kanya at mabilis niya akong hinila palayo roon. Nang tuluyan na kaming nakalayo ay 'tsaka niya ako hinarap.
"Sky, don't ask things like that in front of many people," she whispered even when we are already alone and far from the crowd.
"Huh? Why? I was just curious."
"Royce's parents are dead. Matagal na. Wala rin siyang kapatid kaya kung may dadalo sa kasal, distant relative na lang."
My eyes widened. I didn't know that. I didn't actually expect that. I grew up with a complete family... a big one, at that. With a big extended family, too. Kaya lagi kong iniisip na ganoon para sa lahat. Hindi ko man lang naiisip na bukod sa ganoong arrangement sa pamilya, may ganitong tulad kay Royce. Hindi ako nakapagsalita.
"What did you talk about on your date, hija? You should get to know him better."
Umismid ako. Iniisip niya ba talagang interesado kami ni Royce pareho sa mga buhay-buhay ng isa't-isa? Seriously?
"Anyway, I'll go back and do something about this. Ikaw na ang sumundo sa gown mo," aniya at bumalik na sa sala samantalang ako naman ang dumiretso sa double doors para gawin ang utos niya.
Madali lang akong sinukatan. The gown was simple yet ethereal. Habang tanaw ang sarili sa malaking salamin ng isa sa mga vacant room namin, nanghihinayang ako. It was that feeling like finding the best dress you wanted to wear. And you expect to wear it only on your most anticipated party. Nakakapanghinayang dahil hindi ang party na iyon ang gusto kong pagsuotan ng gown na ito. I wanted it on my real wedding, not in this fake and staged one.
"I like it so much!" si Mama, narinig ko sa likod.
It was a classic sweetheart top with an a-line skirt that looked like smoke.
Iniisip kong siguro naman makakahanap pa ako ng mas maganda rito para naman sa totoong kasal ko na, hindi ba? Nalungkot ako lalo dahil sa iniisip ko. Nakakapanghinayang talaga.
"Ayaw mo ba, Miss Rockwell?"
My lips stretced and I shook my head. "No, I like it."
Tumango ang nasa assistant na nasa likod at may sinukat naman doon.
Nasa loob ako ng fitting room ng silid na iyon nang narinig ang paglabas ni Mama dahil sa tawag ng kasambahay.
"Dumating na po si Sir, Ma'am," I heard.
I sighed as I let the assistant remove the gown on me. I stepped out on it and started picking my dress and robe, at nang masuot ko na iyon. The fitting rounded fitting room with a large floor to ceiling mirror and thick curtains looked like it was from the medieval royal rooms. Ito ang ginagamit ni Mama tuwing may mga ganitong event na kailangang tumanggap ng maraming designer para sa malalaking party.
Tahimik na ang labas. I ribboned my pearly white robe. Tapos na ako sa araw na ito.
"Good evening, Sir," narinig ko ang sunod sunod na bati ng tatlo hanggang apat na assistant sa labas.
I rolled my eyes. If it was my father, I can hear his voice now looking for me. Pero dahil wala akong narinig, parang may pakiramdam ako kung sino iyon.
I stepped out of the rounded curtain and didn't bat an eye when I realize I was correct. It's Royce.
His eyes surveyed my robe first before he met mine again. The corners of his lips rose.
"Tapos ka nang magsukat?"
"Yeah. Where's yours?"
"Pini-prepare pa po, Ma'am, saglit lang..." sabay ngisi ng isang assistant.
Sabay kaming napatingin sa nagsalita at sabay ding nagkatinginan pabalik.
"Did you take a picture of you on your wedding gown?" Royce asked with his usual smirk.
I rolled my eyes. Palapit na siya sa akin ngayon. "No."
"Ayaw mo bang sukatin ulit at ipakita sa akin?"
"Naku, Sir, bawal po 'yon. Hindi raw magiging maganda ang pagsasama kapag ganoon," singit ng isa pang assistant na naroon.
I smirked this time. "Give me that gown again. My fiance wants to see me wearing it," I said.
He smirked as well.
"Kahit itago ko pa 'yon sa baul, alam kong miserable ang pagsasama natin," I whispered.
Nagtaas siya ng kilay, may hamon sa mga mata. "We both know that..." he answered but his hand touched my waist.
Nagbubulungan lang kami at hindi naririnig. Ang natatanaw lang ang paniniwalaan nila. Gusto kong tanggalin ang kamay niya pero masama nang nagsisimula na naman kami, may pisikal pang ebidensiya na hindi nga kami nagkakasundo.
"That's why we'll try to take it seriously."
"Hmm. Bakit? Gusto mo bang masaya ang pagsasama natin?" I tilted my head with a smile, this time.
"At least while we're together, yes? I don't want to go home every night, from a battle at work, and another war at home."
Sa likod niya, natanaw ko ang pagpapakita ng isang assistant ng wedding gown ko.
"Sure ka na po ba, Ma'am? Heto na po."
Royce held his hand out, signaling a halt for the assistant behind him. I smirked.
"Pakitago 'yan. Ayaw kong makita. Sa kasal ko na titingnan."
"Mabuti pa nga, Sir! Nasa pamahiin kasi."
"Pero wala sa pamahiin na hindi puwedeng tingnan ang suit ni Sir. Heto na, Miss Rockwell," the other assistant with Royce's tux.
Naupo ako sa rounded sofa, sa harap mismo ng fitting room habang hinihintay na matapos si Royce sa pagsusuot ng tux niya. Nakahalukipkip ako habang unti-unti nang nababagot doon.
After a while, Royce went out of the curtains. Malaking effort para sa akin na manatiling blanko ang ekspresyon. Buti at binantayan ko ang panga ko kaya mariin kong tiniim iyon para hindi makitaan ng pagkamangha nang natanaw siya.
"Bagay na bagay kay Sir!" sabi ng isang assistant.
May ilan pang lumapit para purihin siya. Royce looked at me, showing me his tux.
"Do you like it or should we find another one?"
"We have no time. Malapit na ang kasal. 'Yan na lang," I successfully worded my very indifferent comment.
Royce shrugged. Natahimik ang mga assistant na naroon kaya nang bumaling siya rito tinanguan niya na lang. "This is fine, then. Sorry, I need to decide now. We are both excited to get married."
I almost snorted. Kung hindi ko lang napansin na medyo nahahalata na ng mga assistant ang tensiyon sa aming dalawa.
Bumalik na si Royce sa fitting room. Nang nakapagpalit na siya sa suot kanina at lumabas na roon, tumayo ako. He immediately walked towards me, his hand ready to touch the small of my back.
Ang mga mata ng mga naroon ay nasa aming dalawa na para bang palaisipan kaming pareho.
"Are you hungry? Let's go downstairs, maybe your dinner is served now."
Tumango ako at tahimik na lumakad. Nanatili ang hawak niya sa baywang ko hanggang sa nakalabas na kami sa silid. Ilang hakbang palayo roon, lumapit pa siya lalo sa akin.
"Someone woke up on the wrong side of the bed," he whispered. "Bad day, huh?"
"What do you mean by that? My day is fine and sunny!"
"Kung ganoon, bakit ganyan ang trato mo sa akin?"
"Kailan ba tayo naging sweet? Did you expect me to be sweet to you?"
"Well, I don't. But I tried hard for us to look like a real couple, and here you are ruining it. I didn't even give you a reason to get mad!"
"Well, I get mad just by seeing you," nanlamig ako agad medyo naramdaman na masyado na nga akong bugnutin nitong nakaraan, lalo pa sa araw na ito.
Binaba niya ang kamay niya sa baywang ko at hinarap ako. I quickly regretted what I said. Lalo na nang nakita ko ang dilim sa kanyang tingin at ang pag tiim ng kanyang panga.
"You should start to live with that because for the next months, you will see me everyday."
Hindi ako nagsalita, takot na may masabi na naman na mas magpalala sa alitan namin. I don't like him but I guess I also don't like to fight everytime. Nakakapagod.
Bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling tumingin sa mga mata ko.
"Kung ganyan ang nararamdaman mo tuwing nakikita mo ako, you should start rethinking your decision to work in your company. Sa bahay ka na lang, that way you'd only see my face at night."
"I'll work," sabi ko nang hindi ko siya tinitingnan.
"But you hate seeing me. How can you work? Ano? Bibigyan ba kita ng tagong opisina at hindi na isasama sa meetings?"
Ngumuso ako. Now, I feel really regretful.
He snorted, parang hindi makapaniwala sa inaasal ko at hindi alam ang gagawin sa akin.
I bit my lower lip and bowed a bit, trying hard not to look at him. "I'm sorry. I guess I'm just tired and pressured..."
Hindi siya nagsalita. Hindi ko pa inaangat ang tingin ko pero parang hinihila ako ng mga mata ko patungo sa kanya. Humaba ang katahimikan at sa oras na nagpasya akong tingnan ang titig niya, tinalikuran niya na ako.
"Let's go downstairs to greet your parents. We'll have another date tomorrow."
Maganda raw ang naging feedback ng una naming date ni Royce. Lalo na dahil may rumors na dati na raw kaming nakikita, hindi ko naman alam kung saan galing iyon pero may palagay ako na pinakalat lang iyon ni Papa para ma-justify na magpapakasal na kami.
Ganoon pa man, marami pa rin ang duda. Ang alam ng lahat, si Zane ang boyfriend ko... or at least suitor. Hindi sila kumbinsido na gusto ako ni Royce dahil iba raw ang tipo niya. At marami pa rin ang duda na addict ako, at na dapat na raw akong i-rehab.
"When is your next date?" Papa asked.
"Bukas, Sir," sagot ni Royce.
Tumango si Papa, nasa hapag kami ngayon, kumakain ng dinner habang nasa tabi niya ang assistant niya, nagbabasa ng mga feedback sa tabloids.
"Hindi ba masyadong mabilis? You can do it the next day, instead."
"No, I think it's fine, Sir. Alam naman ng lahat na nagpaplano na kami sa kasal kaya normal lang siguro na makita kami sa labas lagi ngayon."
Tumango si Papa, parang medyo mangha sa ideya ni Royce. Of course, his golden boy. Tila bilib na bilib siya rito. I wonder then if Royce is the trustworthy type? I don't doubt my father's judgement before but the way he handled me broke his record.
Sino ang matinong ama ang magkakaroon ng ganitong paraan para sa pariwarang anak? I know and I am guilty for being too irresponsible but is this really the only way to solve the problem?
Inisip ko kung paano niya naman reresolbahin ito bukod sa ideya na ito? Then I realized, I only came to my senses this time because he is trying to marry me off. The only way to tame me is to take away my most priced freedom. But surely, there's another way for that, right?
Habang nag-uusap si Papa at si Royce sa hapag, na minsang sinasaluhan ni Mama, nag-isip ako ng maaaring paraan para madisiplina ako. Natapos na ang dinner nang natantong wala akong maisip. Everything seems not convincing to me. If they only grounded me, I'll just wait until it wears off. If take my money away, I'd run to my brothers and maybe both Roscoe and Beau. Parehong istrikto at disciplinarian ang mga pinsan ko pero hindi sila makatatanggi kapag luhaan na akong pumunta sa kanila.
There was no other way, huh?
Gaya sa naunang date namin, pinapili ulit ako ni Royce ng hotel restaurant. I gladly searched for it in the morning, while eating my breakfast. I sent it to him and he made a booking before lunch. After lunch, I already prepared for my dress, hair, and make up.
Gaya sa naunang date, sinundo niya na naman ako. He's wearing a light blue inner dress shirt this time, with a midnight blue coat. He always looked dashing, I realized. Para bang hindi ko tuloy lubos maisip kung may ibang itsura pa ba siya bukod sa corporate look. He always looks good in coats and suits that there is no way in hell he came from the gutter.
"We should plan our next dates somewhere else. Iyong laid back naman at hindi gaanong formal," I noted, thinking of a farm or maybe the beach.
Naupo na ako sa sasakyan niya. Umikot siya at naupo sa driver's seat. My mind wandered on some date ideas when he stupidly broke my thoughts.
"I thought we'd only date twice. You want us to date again?"
Napasinghap ako at natantong... oo nga pala. How stupid of me. Wala ako sa sarili kanina kaya ko biglang nasabi iyon. Nilingon ko siya at nahuli ko ang ngiti niya. His eyes darted on the road but his teasing smile remained.
"Sabihan mo naman ako na dalawang beses lang talaga ang plano mo para naman ma-inform ako na hindi na tayo magdi-date kailanman, pagkatapos ng kasal," I said to save face.
It was a weak come back, I know. Pero wala na akong ibang maisip. Uminit ang pisngi ko at hindi ko na naitago ang pagkakataranta!
"I mean before the wedding. Of course, we will be seen on dates after our wedding."
"Puwede ring hindi na tutal at kasal na tayo, wala nang kailangang patunayan pa pagkatapos ng kasal!" sabi ko dahil sa pagkapahiya.
"We will date after the wedding. And we can have our third date again before the wedding if you want."
"You know what? Let's just appear sweet in front of that restaurant's crowd and stop talking to each other. We might as well just french kiss on our table or something. Parang mas mabuti 'yon kaysa mag-usap tayo."
He gave out a harsh bark of laughter as I watched his car parking on the valet.
Damn this asshole!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro