Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

Kabanata 12

Honey


Even the bathroom was idea for pictures. May isang dingding na salaming nakatunghay sa dagat. Ang tubig naman sa tub ay puno ng rose petals. Imbes na magsho-shower lang ako bago magbihis ng bikini at ang cover up, natagalan ako dahil naisipan kong lumubog sa bathtub.

I didn't want Royce right now so I just put my phone somewhere and took many pictures. Lahat na ng puwedeng picture, ginawa ko na. At lahat naman, puro maganda.

Inabot kaya ako ng isa at kalahating oras doon bago lumabas. Royce was already on the bed, sitting and waiting. Nang lumabas ako sa walk in closet, nilingon niya ako. His eyes grazed my body at saka lang bumaling sa mga mata nang nagsalita ako.

"Tapos na ako. I'll tour around the villa."

"Alright. I'll be done in a minute."

I just nodded and went out of the bedroom. Pagkalabas, tanaw agad ang dagat pero may salamin lang bilang dingding ng buong villa. Pagkaliko ay ang dining area na nakita ko kanina bago pumasok sa kuwarto.

There's a small door on the dining area leading to the kitchen. Another is leading to the living room. Pumasok ako doon at nakita na tunghay ulit sa dagat ang salaming dingding nito.When I went out on the other door, it was the endtrance atrium. Naririnig ko na may nag-uusap kaya bumaling ako sa bukana.

They all greeted me. I realized it's the staff. Malapit kasi iyon sa kitchen, service room, at butler's room. Siguro ibinibilin pa lahat ng requests ni Royce. In front of me is the private gym. Beside it is the private spa and massage area. Sa harap naman ng mga iyon, may labasan at mukhang private beach.

Lumabas ako at nakita ang swimming pool. Kaharap iyon ng dagat. Ang dami kong kinuha na pictures at muli, sinandal ang cellphone sa lounge sa terrace para makuhanan ang sarili, gaya sa ginawa ko kanina sa bathtub.

It was hard at first. Beyon the pool, there is a small part for the dining gazebo. Alam kong doon iyon nilagay para maramdaman ng clients na kumakain sila sa gitna ng dagat. You can take a picture of the pool without it but with no photographer, I won't have a good angle.

Mabuti naman nakakita ako ng halaman. Nilagay ko sa paso ang cellphone ko at muling nagpicture. It's tiring. I feel like I'm wasting too much time for three, four, or five ugly pictures.

Nilingon ko ang cellphone pagkatapos mag pose at imbes sa paso tumingin, nakita ko si Royce. Pinulot niya na ang cellphone ko at siya na ang kumuha ng picture!

"Royce!" sabi ko at nagmartsa papunta sa kanya.

I was frowning while a smirk slowly crept on his face. Paano ba naman kasi, patuloy ang kuha niya ng pictures kahit na palapit na ako at iritado na.

"Akin na!" sabi ko.

Inangat niya ang cellphone ko. Annoyed, I tried to jump and get it but he was determined to stop me.

"Why don't you let me take your pictures?"

"Kaya ko naman, eh!"

"Kaya ko rin kumuha. At mas maganda 'yon kaysa sa picture mo gamit 'yang halaman."

"Ayoko nga!" hindi ko alam bakit ayaw ko nga.

"Bakit? Are you shy, Sky?" may panunuya sa boses niya at humalakhak pa.

"Of course, not! Bakit ako mahihiya?"

"Who takes the pictures in your party moments, then? Your ex?" nagtaas siya ng kilay.

"Hindi. Ewan ko. Minsan. Minsan mga kaibigan ko."

Sinubukan ko ulit na kunin ang cellphone ko. My boobs are already on his forearm. Sinusubukan niyang ilayo ako pero walang puwersa. I pushed him and got angrier!

"You pervert! Give me my phone!" sabay kurot ko sa braso niya.

He laughed hard. "Ikaw ang dumidikit sa akin. I said, I want to take your pictures. Punta ka na roon at kukuhanan kita."

"Akin na, Royce!"

Sa huli, binaba niya at siya pa ang nagscroll sa kuha niya. Nakuha ko na ang cellphone. Maglalakad sana ako palayo pero nakita kong kahit iyong iritado kong paglapit sa kanya, maganda naman ang kuha. I'm not sure if it's because I'm pretty or he's good at it.

Dahil natigil ako sa paglalakad, nasa likod ko agad siya.

"See? It's better than the ones taken by the plant, Sky. Wala naman akong gagawin kaya sige na, kukuhanan kita."

"Ayoko nga..." mas marahan kong sinabi sabay tingin sa picture ko kanina na pare parehong pangit. Iyong kay Royce lang ang maganda at maayos.

He chuckled. "Nahihiya ka ba sa akin?"

Wala nga akong eksplenasyon. Iritado na maaring tama siya at talagang nahihiya lang ako, ibinigay ko ang cellphone ko sa kanya.

"Well, then. Take my pictures!" utos ko at dumiretso na sa mga lugar na gusto kong kuhanan niya.

Labing limang minuto, nilibot namin ang villa para sa pictures ko. Maganda lahat ang kuha niya nang nakita ko na ang cellphone ko. Mayabang tuloy siyang nakatingin habang chinicheck ko ang lahat.

"Oh, ikaw naman," I said with a menacing smile.

Sa pagkapawi pa lang ng ngiti niya at agarang iling, alam kong totoong ayaw niya nga ang kuhanan ng picture. I think he isn't also the vain type. Kahit sa instagram niya, mabibilang lang sa daliri ang pictures na may mukha niya. Puro lang scenery ang naroon.

"Oh, bakit ayaw mo? Shy type naman ang Royce ko..." pang-aasar ko.

"I'm fine with no pictures, Sky. Let's just enjoy the scenery now that we're done taking your pictures.

Habang sinasabi niya iyon, panay ang click ko sa cellphone ko. He tried to stop me through covering the camera but I already took many.

"O sige... Tayo muna! Tapos, solo ka."

"Huwag na!"

"Tayo muna!"

"Tayo lang. I don't want the solo part!"

Umirap ako at hinila na siya. Iyong halaman na ang aming photographer ngayon. Sure we can ask the staff but then maybe we botth don't want anyone to take our pictures. Kaya ginalaw na namin ang halaman para maging photographer namin.

We took at least five pictures together. Sa unang tatlong pictures, natanto kong hindi ko alam paano magpose kasama siya.

Nakatayo lang ako, ganoon din siya pero dalawa roon ang nakatingin siya sa akin. Menacing and awkward smile while he's watching me.

The third one was a stolen shot. Sa ibang angle iyon at nagkatinginan kami.

The fourth and fifth pictures, I directed at mas sweet. Iniisip kong maganda iyon ang iupload.

I heard the splashes from the pool habang nakatingin ako sa cellphone. Nilingon ko at nakitang naghubad na ng t-shirt si Royce at naligo na!

"Hey, you still have solo pictures!"

"No way."

Umirap ako at imbes na sumuko, kinuhanan na lang siyang basa. Sa cellphone ako una nakatingin pero hindi ko mapigilan ang paglipat ng mga mata ko sa totoong Royce sa harap.

He's good looking, alright. His muscles were all in their right places and it suited his height. Hindi rin siya sobrang puti o sobrang moreno. At kahit basa at magulo ang itim niyang buhok ngayon, guwapo pa rin siya.

"What are you doing?" he asked and went nearer.

Nasa gilid na ako ng pool, patuloy siyang kinukuhanan.

"Hindi ka ba mags-swimming?"

"Kuhanan muna kita ng pictures!"

"Tss..." Iritado lumangoy siya palayo sa akin.

Marami tuloy akong nakuha na maganda ring pictures niya habang lumalangoy. Eventually, I've given up. Naupo siya sa edge ng swimming pool kanina, supladong binabalingan ang tahimik na dagat. Ilan ang nakuha ko. Magandang tingnan lalo na't dahil yata sa pagsiswimming, mas lalong nakita ang hugis ng muscles niya. Kaya lang nang bumaling sa akin at natanaw ang ginagawa ko, nagpahulog siya ulit sa swimming pool.

"Stop that!" saway niya.

"Why not?"

"If you keep on taking pictures, you won't enjoy anything."

He's got a point. Isa pa, hindi ko naman gaanong pinaplano na iuupload ko ito sa social media accounts. At para saan ang pictures, para sa alaala? Hindi ba hindi na kailangan iyon?

Binaba ko ang cellphone at unti-unting binuksan ang cover up. Nilingon ko ang pool at una, ang paa muna ang binaba.

Royce was watching me slowly feeling the water. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napawi ang kunot sa noo niya nang nakita niyang nakatingin ako. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Pagkatanggap ko agad niya akong hinila.

I crashed on his chest as the water splashed on us! Tinulak ko kaagad siya.

"Damn you!"

He chuckled. Lumangoy ako patungo sa edge noong pool para matanaw ang dagat. At nang napansin ang pagiging kalmado nito, nilagay ko ang dalawang braso ko sa edge at nagpasya na manood na lang muna.

I heard Royce swim nearer. Kapag talaga manggugulo ang mokong na 'to, ihuhulog ko siya sa dagat! Buti na lang hindi naman. Lumapit lang siya sa akin, tumabi, at ginawa rin ang ginawa ko. Only that, it's only his left arm. His body is behind me. He's watching the same scenery behind me.

"Have you seen the schedule I made for this trip?"

"Yup but I don't care. Kaya hindi ko maalala. Bakit?"

Nilingon ko siya, nasa likod ko. Nagtaas din siya ng kilay, tulad ko.

"Bukas lang ang may activity. We'll go diving the whole day. We'll also feed some sharks and whatever water activity they can offer. On the third day, wala tayong gagawin. Hindi ko na nilagyan dahil baka may gusto kang gawin."

"Wala na naman. I think the diving tomorrow is enough."

"They have shops here. Kung gusto mo lang pumunta. You can check their lists. I didn't put too much activities because it's a honeymoon. At tatlong araw lang ang mayroon tayo kaya dapat makapagrelax."

Masama na ang tingin ko sa sunod na baling sa kanya.

"You mean you expect we'd really honey up? Wala kang activity kasi iniisip mong makakatatlong rounds tayo sa araw na 'yon?!"

Natatawa na siya, hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko.

Narinig namin ang pag-alis ng speedboat. Mukhang umalis na ang mga staff. Hindi namin mararamdaman kung may natira mang butler, chef, o ano pa mang staff dito dahil iyon ang goal nila.

"Wow! Hindi ba puwedeng minsan lang ako magbakasyon kaya gusto kong nagrerelax lang, Sky?"

"Eh, lagi mong binabanggit ang honeymoon, eh!"

"Alright, then. My bad. Vacation nga pala, hindi honeymoon."

Umirap ako. "Ang sabihin mo, feeling mo makaka score ka ulit dahil lang may nangyari na naman sa atin."

Napasapo siya sa noo at madrama na umiling, pero nangingiti.

"You're overthinking."

"Ikaw na nga ang nagsabi na you find me hot."

"I find you hot, alright! Hindi naman ibig sabihin na ganoon na ang iniisip ko. Maybe it's you. Why? For sure you also find me hot, right? Why did you turn down those boys who went to you, and then proceeded to fuck me?" he said the last questions sensually.

The slight tingle in his voice felt like a voice in my head. Tinulak ko siya ng kaunti.

"Feeling!"

He chuckled. "Oh, well. At least inamin ko na nagustuhan kita."

Umirap ako. "Alright..." mayabang kong sinabi. "Everyone of those boys were hot but I turned them all down because it looks like they want to fuck with attachments. Ikaw lang naman 'yong mukhang gago sa kanila kaya ikaw ang pinatulan ko."

His mouth dropped open but with a smile. Bago pa siya maka react, inirapan ko na at kumawala sa kanya. Sumunod ang mokong hanggang nasa corner na ako!

"Mukhang gago, what do you mean by that?" he tried to sound serious but there was a small smile on his lips.

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Royce. Puwede ba?"

"Hmm. Let me see..."

Umirap ako. Lalo na dahil nakita ko na naman ang braso niyang kinukulong ako.

"You mean I can fuck you with no attachments?"

"Oh, good you know what I mean."

He laughed. Nakatingin na ako sa dagat ngayon at nasa likod na naman siya. "That hurts. How judgemental."

"Shut up, Royce. Leave me alone. I wanna watch the ocean."

"Hmm. Alright," marahan niyang sinabi. "Manonood na lang din ako ng tahimik."

Gusto ko sanang magprotesta pero alam kong hahaba lang ang pagtatalo namin. He already yielded. We don't want to inspire more banters.

For lunch, we are on the dining table. Nag request ako ng spa mamayang gabi. Magandang ideya rin iyon kahit paano. Para makatulog ako ng tuluyan - as if the travel didn't wore us out so much.

I was entertained by the chef so much. Masarap din ang pagkain kaya puring puri ko. Mayabang namang nakatingin si Royce sa akin. Matagal kong naalala na mayabang siya dahil investor nga pala siya rito! Hay naku!

Sa hapon, humiga lang kami sa lounge. Tinatanaw ang dagat. Royce is reading while I take a nap every now and then. Pinapaalala ko lang sa sarili na hindi dapat ako natutulog dahil baka hindi naman ako antukin mamayang gabi.

Palubog ang araw, nagswimming kami sa beach. Lalo na dahil hindi kaalayuan sa villa, maraming corals. I snorkeled. Ganoon din si Royce. We also requested kite surfing spontaneously.

Nasa gazebo na kami para sa dinner nang napansin ko, kahit sa ilalim ng kaunting dim lights, ang pamumula ni Royce dahil sa activities at swimming sa araw na iyon.

I took a photo of him. Mukha na naman siyang iritado pero may ngiti sa labi habang pinipicture-an ko siya. Nakatingin siya sa akin at ang candlelight lang sa harap ang naging ilaw para sa mukha niya.

"This is a good picture of you. You should post this," sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture.

"I look llike shit inh there," he commented after looking at it.

Sinimangutan ko siya. "Ang ganda kaya! May candlelight pa! I-upload mo! Inaamag na 'yang acount mo, eh!"

His eyes narrowed while drinking champagne. "Bakit ikaw, wala ka pang nai-po-post?"

Napakurapkurap ako, hindi inasahan iyon.

"Well, sige! Ako na ang magpo-post nito!"

Kinuha niya ang cellphone at nagtaas ng kilay sa akin. Kumunot ang noo ko.

"I'm waiting..."

Natawa ako bago umiling. Nilagay ko iyon sa story. I want to put a sarcastic caption but I know people would assume ako ang uhaw sa aming dalawa. Malay ba nila na sarcasm iyon. Kaming dalawa lang naman ni Royce ang nakakaalam sa mga kababalaghang nangyayari sa amin.

I posted it. Ilang sandali pagkatapos naming kumain, nagpahinga kami. Nanood kami ng live quartet habang nag wine and cheese pagkatapos ng courses.

It was past eight when we decided to have our spa. Mabuti na lang at sa pagod na rin siguro narelax talaga ako at inaantok na. Huwag lang bubukas ang bunganga nitong kasama ko at baka mawala ang antok ko!

"I'm sleepy. Good night," sabi ko, not wanting to start a fight.

Humiga agad ako sa kama. Royce, I don't know about him. He doesn't seem sleepy but the hell I care about him. I just want to sleep.

At sa totoo lang, iyong gabi yata ang pinakamahirap.

Kinabukasan, maaga kami para sa diving activities. Buong araw iyon, kasama na ang scuba dive at iba-iba pang nasa itinerary. Ang yate na sinakyan namin, naroon na ang butler at chef. Doon na kami kumain ng breakfast at lunch.

Napagod naman ako pero may kaunting takot sa akin. Na hindi gaya kahapon, baka matagal akong makatulog ngayon! Not that I will be pounding on Royce if I can't sleep but I don't want him to think that I'm too bothered. Kaya ako hindi makatulog!

Hindi ako nakapagpabook ng spa kaya hindi puwede iyon. Nag di-dinner kami, iyon lang ang nasa laman ng isipan ko. Tahimik din siya, hindi ko alam anong iniisip niya at wala akong pakialam.

Finally, I realized what to do! There's a gym! Papagurin ko na lang ng husto ang sarili ko. Tutal bukas, hindi namin kailangang gumising ng maaga dahil magre-relax lang naman kami!

Nasa swimming pool yata si Royce, hindi ko alam. Galing ako sa banyo, nag-aayos at magbibihis sana ng dala kong gym clothes.

Nagulat ako nang nagkasalubong kami sa pasilyo, naka pang gym din siya na damit. Nasa gitna namin ang pintuan ng gym. Nagtaas siya ng kilay.

"What are you doing?"

'Mag g-gym ako? Bakit? Ikaw?"

His jaw clenched and turned to the gym's door.

"Ganoon din."

The heck?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx