Run
Chapter Six
HINDI sinasadyang natabig ni Willa ang baso sa tabi niya. Bumagsak iyon sa sahig at lumikha ng ingay.
"Sorry, sorry," mabilis siyang napauklo nang mapalingon sa direksyon niya ang lalaki.
"Ako na po, Ma'am. Baka po masugatan kayo," anang tagapagsilbi kay Willa. May dala itong maliit na dustpan na may maiksing hawakan at sinimulang linisin ang bubog ng nabasag na baso.
"Pasensya na. Ako na lang ang magtatapon."
"Hindi na po, Ma'am. Bisita po kayo, ako na ang bahala rito."
Pasimpleng sumilip si Willa sa likod ng mesa. Mabuti na lamang at nakatuon na ang atensyon ng lahat sa gitna ng bulwagan. Naroroon ang celebrant at kasama nito ang tatlong anak habang umaawit ang mga bisita ng happy birthday. Isang napakagandang cake ang kasalukuyang tulak-tulak ng lalaking tinukoy ni Annika kanina na Kuya Vincent. Inilapit nito iyon sa celebrant.
"Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you."
"Make a wish, Mom," malambing na udyok ni Annika sa ina.
"Do I still have to? I already have everything I'll ever need," anang celebrant.
"Indulge her, anyway, Mother," wika naman ng isa pa nitong anak--ang lalaking nakatalik ni Willa.
Yumuko si Willa nang sa akala niya ay mapapadako ang tingin nito sa kanyang direksyon.
Napakaliit ng mundo. Akalain ba niyang ang lalaking umangkin sa kanya ng gabing iyon ay kapatid ni Annika?
Kasunod ng reyalisasyon ay may nakapa ring takot ang dalaga. Paano kung makilala siya ng lalaki at matuklasan nito ang tungkol sa anak nila? Makapal ang make-up niya ng gabing iyon. Gumamit pa nga siya ng false eye lashes para maikubli ang totoo niyang hitsura. Kahit natanggal nito ang kanyang wig, ay mahihirapan pa rin itong kilalanin siya dahil sa kanyang make-up. Magandang klase ang make-up na ginamit sa kanya ni Paige. Na kahit daw pagpawisan siya nang husto ay hindi iyon basta-bastang matatanggal.
Hindi siya sigurado kung magkaka-interes pa rin ito sa kanya dahil apat na taon na rin ang nakalipas. Pero mas mabuti na sigurong umiwas siya habang maaga. Natatandaan pa niya ang sinabi nito nang tanggihan niya ang alok nitong gawing kept woman.
"You will eventually become mine, whether you like it or not. Just name your price, sky is the limit."
Masyado itong hambog. Iyon ang naisip ni Willa matapos nitong sabihin iyon. Pero ngayong lihim niya itong pinagmamasdan mula sa kanyang kinauupuan ay naisip niyang may karapatan itong sabihin ang mga bagay na iyon dahil naririto na ang lahat. Looks, money and influence. At sa nakikita niyang atensyon na ibinibigay rito ng mga kababaihan sa pagtitipong iyon, natitiyak niyang hindi pa ito tinanggihan ng kahit na sinong babae. Baka nga siya pa lang ang babaing tumanggi rito.
Sa naisip ay hindi niya napigilang mapaismid. Napingasan niya siguro ang ego.
Nang muling dumako ang tingin niya sa kinatatayuan ng lalaki ay napansin niyang nakatingin sa kanilang mag-ina ang isa sa dalawang kapatid na lalaki ni Annika. Mabilis siyang nagyuko ng ulo.
~0~
"SO, who is that hot chick, little sis?" tanong ni Vincent sa bunsong kapatid na si Annika.
Nakatingin ito sa direksyon ng ino-okupang mesa ng mag-inang Willa at Samantha. Sinundan ng tingin ni Zeke ang tinutukoy ng kapatid.
"Interesado ka sa tindera ng kakanin?" he sneered.
"Kuya," galit na saway sa kanya ni Annika.
"So, what? Dahil ba tindera siya ng kakanin hindi na ako puwedeng magandahan sa kanya?" sarcastic na tugon ni Vincent.
"Tindera ng kakanin at isang dalagang ina. How's that, little brother?"
"Do you even know the circumstances that led her to become one--an unwed mother?"
"And you do?"
"Stop it, you two," mahinang saway ng kanilang ina habang nakangiti. "This is my birthday. Puwede bang kahit ngayong gabi lang ay magkasundo naman kayo?"
"She's my guest, Kuya Zeke. Whatever her circumstances are, wala kang karapatan na husgahan ang kanyang pagkatao," galit na sabi sa kanya ni Annika.
"Whatever," dinukot ni Zeke mula sa inside pocket ng kanyang suit ang isang parihabang pelus box. In it is a diamond studded bracelet. "Here, Mom. Happy birthday. I'm afraid I can't stay much longer. Kailangan ko ng umuwi."
"Thank you, son. Hindi ka man lang ba kakain?"
"I'm not hungry. Akyat lang ako sandali sa kuwarto ko."
Mabilis na hinagkan ni Zeke sa noo ang ina at iniwan na ang mga ito. Bago niya narating ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ay ilang guests ang nakasalubong niya at saglit na nakipag-usap sa mga ito. Nang may mapadaang server ng drinks ay kumuha siya ng isang baso ng alak at diretso iyong tinungga. Bahagyang nagusot ang kanyang mukha sa init na gumuhit sa kanyang lalamunan.
Hindi nagtagal at nagpaalam na rin siya sa kanyang mga kausap. Naisip niyang umidlip sandali sa kanyang kuwarto bago umuwi. Kung hindi lang gabi na ay pupuntahan niya ang address na ibinigay ni Paige. Hindi niya tiyak kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Nagkaanak siya.
Nabuntis siya ng kaibigan mo.
Habang nakahiga ay pabalik-balik ang mga isiping iyon sa utak ni Zeke. Pagkatapos ay bigla niyang naalala ang gabing 'yon...
Her smell is very intoxicating. The feel and taste of her skin is sinfully erotic. Her moans and sighs were sexy as hell. And she's very responsive. Another moan escaped from her lips when he suckled one pebbled tip of her breast. Naramdaman niya ang pagbaon ng mga daliri nito sa kanyang anit. Even the feel of her nails digging against his scalp is highly arousing. Nagpalipat-lipat siya sa magkabila nitong utong. Ang mga ungol nito ay tila naging daing nang bumaba ang kanyang bibig sa tiyan nito. Pinaikutan niya ng halik ang palibot ng pusod nito at dinunggol-dunggol iyon ng dulo ng kanyang dila.
Dinig niya ang pagsinghap nito nang bumaba pa ang kanyang bibig at huminto sa kaumbukan ng pagkababae nito. Pinadaan niya ang hintuturo sa pagitan ng hiwa niyon. Pataas-baba niyang hinagod ang gitna hanggang sa parang bulaklak na kusang namukadkad ang magkabilang labi ng pagkababae nito.
"Hmn," gumiling ang balakang nito at lumalim ang paghinga.
Lalo niyang ibinuka ang dalawang hita nito bago yumuko at sinakop ang mamula-mulang labi ng pagkababae nito.
"Ahhh...!"
He kissed her female softness, devoured her flesh until she writhed and came in his mouth.
Mariing napapikit si Zeke sa mainit na alaala. Nang yumuko siya ay nakita niya ang bahagyang pamumukol ng kanyang harapan.
Oh, fuck. I really need to see her.
Kailangan na niyang tapusin ang kahibangan sa babaing iyon bago pa siya masiraan ng bait.
Wilhelmina. Willa, he thought.
Bumaba siya ng kama at dumiretso ng banyo upang maligo.
Twenty minutes later when he came out from the bathroom ay nagulat siya nang makita ang isang babae na nakatayo sa gitna ng kanyang silid. Nakayuko ito kaya hindi siya napansin. Basa ang harapan ng damit nito at bakat ang magkabilang dibdib na nasasaplutan ng itim na bra.
"Who are you? And what are you doing in my room?"
~0~
PAKIRAMDAM ni Willa ay tumigil ang pintig ng puso niya pagkarinig sa tinig ng nagsalita.
Hindi sinasadyang natapunan ng alak ang kanyang damit. Nabangga niya kasi ang isa sa mga nagsi-serve noong patayo siya para pumunta ng banyo. Ang nipis-nipis pa naman ng damit niya. Kaya nang mabasa ay aninag na ang harapan niya, lace pa naman ang tela ng kanyang bra. Nang makita ni Annika ang nangyari ay kaagad siya nitong nilapitan at iginiya patungo sa hagdan.
"Go up to my room, Ate Willa. Marami akong spare na damit na puwede mong mahiram," anito sa kanya.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kanina pa siya tumatawag ng pansin, nakakahiya naman na habang pinagtitinginan siya ng mga bisita ay nakatingin ang mga ito sa dibdib niya.
"Susunod kami ni Sammy. Dumiretso ka lang, my room is third door to your right," iyon ang instruksyon nito.
At sigurado siyang nasunod niya ang instruction ni Annika. Pero matapos niyang marinig ang naninitang tinig ng isang lalaki ay mukhang nagkamali siya ng pinasukang silid.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, sino ka?"
"S-sorry. N-nagkamali yata ako ng napasukang k-kuwarto." Dali-dali siyang pumihit para lumabas ng silid.
"Sandali."
Parang nanigas ang mga paa niya sa sahig.
"I know you."
"P-pasensya na po talaga. Hindi ko--" marahas siyang napasinghap nang iglap ay hawakan siya nito sa braso.
Napakagat-labi siya at pinigilang mapa-aray nang halos bumaon ang mga daliri ng lalaki sa kanyang braso sa mahigpit na pagkakahawak niyon sa kanya!
"Turn around and look at me."
Ang boses na iyon! Nanlaki ang mga mata ni Willa at sandaling napigil ang paghinga nang ma-realized kung kaninong silid ang napasukan niya!
"I said, look at me!"
Sa halip na sundin ang sinabi nito ay lalo pa niyang ikinubli ang mukha rito habang pilit na hinahablot dito ang kanyang braso.
"B-bitiwan niyo po a-ako. W-wala akong masamang balak. Nagkamali lang po tala--" nasalalak sa lalamunan ni Willa ang iba pa sa sasabihin niya nang sapuhin siya nito sa baba at puwersahang pihitin paharap.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang hindi makita ang galit sa mukha nito.
~0~
"Y-YOU," tanging iyon ang numulas sa bibig ni Zeke habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ng babae.
May pilit siyang hinahanap sa mukha nito na hindi niya matukoy kung ano.
"Open your eyes, God damn it! I don't bite. Look at me."
Ngunit bago pa nagawa ng babae iyon ay bumukas ang pinto ng kanyang silid. Pumasok si Annika.
"Kuya Zeke, what are you doing?!" kaagad nitong hinablot ang braso ng babae mula sa pagkakahawak niya. "Are you drunk? You are harassing my guest."
Naipilig ni Zeke ang ulo. Lasing ba siya kaya naipagkamali niya ang bisita nito sa babaing nakatalik niya four years ago? Ang boses nito. At nang mapasinghap ito kanina ay halos natitiyak niyang ang babae ay si...
"Let's go, Ate Willa. In behalf of my brother, ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya."
"I didn't harass--what did you just call her?"
"Really, Kuya. You are becoming more and more annoying. Put some clothes on. Because in case you haven't notice yet, you are almost naked."
Bago pa siya makapag-protesta ay hinila na ni Annika palabas ng silid ang babae.
Napamura na lamang si Zeke saka dali-daling nagbihis. Binabayo ng sari-saring emosyon ang dibdib niya.
Wilhelmina Ocampo. Willa. Ocampo. Nagkataon lamang ba ang lahat? O sadyang ang babaing hinahanap niya at ang babaing kasama ni Annika ay iisa?
-
bitin?
you can read the full story on Passion app.
or Patreon.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro