Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Revelations and Celebration

Chapter Five

BUSY ang buong mansion dahil sa kaarawan ng ina. Pagpasok ng bahay ay ni hindi sinulyapan ng kapatid si Zeke. Masama pa rin ang loob ni Annika sa kanya. Hindi na lamang niya iyon masyadong binigyang-pansin. 

Didiretso na sana siya sa bar nang tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Hindi na sana niya iyon papansinin nang mapahapyawan niya ng basa ang message.

Alam q n kng saan cya nakatira.  

Saglit lang siyang nag-isip bago tinawagan si Paige.

"Where?" he asked. Kung pinasasakay lamang siya nito upang muli siyang makipagkita ay wala itong mapapala kahit na ano mula sa kanya.

"Bago ko sabihin sa'yo kung saan ay mayroon ka munang importanteng dapat malaman."

"Ano 'yon?"

"Mas maganda kung magkikita tayo nang personal."

Napahinga siya nang malalim. Kaarawan iyon ng kanyang ina at natitiyak niyang magdaramdam ito kung mawawala siya nang matagal.

"Alright. Make sure this is worth my time," malamig niyang wika sa kausap.

Ipinasya niyang makipagkita rito. Totoo man o hindi ang impormasyong ibibigay nito ay desidido na siyang tapusin ang anumang ugnayan nilang dalawa. Mukha kasing hindi pa malinaw rito ang huli nilang pag-uusap na dalawa.

"Where are you going, young man?" sita ng kanyang inang si Sandra Lee, pababa ito ng grand staircase kasunod ang personal assitant na si Lorie. 

Her face was bare of make-up at may nakabilot pang tuwalya sa ulo. Ganoon pa man ay napakaganda pa rin nito sa kabila ng edad na singkuwenta y sais.

"I forgot my gift, Mom. Babalikan ko lang sa bahay ko."

"Don't be late. The party will start at seven."

"Yes, Mother. Happy birthday," hinagkan niya ito sa noo bago tinungo ang front door ng mansion.

Sa labas ay nakita niyang nakatayo ang kapatid na si Annika sa may pedestrian gate. Napakunot ang kanyang noo bago lumulan sa kanyang kotse. Pagtapat ng sasakyan sa kinatatayuan ng kapatid ay ibinaba niya ang bintana.

"Sino ang hinihintay mo?"

Bahagya siya nitong tinikwasan ng kilay. "My boyfriend--maybe?"

He tsked. "Tiyakin mo lang na ang taong 'yan ay hindi ang taong iniisip ko. Dahil kapag nagkataon ay babalian ko siya ng buto."

"Pssh," inirapan lang siya ng kapatid.

Naiiling na pinatakbo na niya ang sasakyan. In less thatn thirty minutes ay narating niya ang condo unit ni Paige.

"Pasok ka," ang tamis ng bungad ng ngiti nito sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto.

"Hindi ako puwedeng magtagal, kaya sabihin mo na kung ano man ang kailangan mong sabihin."

May lumatay na sakit sa magandang mukha ni Paige. Malungkot nitong iminuwestra sa kanya ang sofa.

"Siguro naman ay hindi mo mamasamain kung aalukin kitang maupo habang tayo'y nag-uusap?"

Napilitang maupo si Zeke. Naupo na rin si Paige sa katapat ng inuupuan niya.

"Nakatira siya ngayon sa lalawigan ng Rizal," may binanggit itong pangalan ng isang maliit na bayan. "Heto ang kanyang kumpletong address."

Kinuha ni Zeke ang kapirasong papel na inilapag ni Paige sa center table.

"Wilhelmina Ocampo?"

"Oo. Iyon ang buo niyang pangalan."

Wilhelmina and not Jenny, he thought.

"Kung hindi ako nagkakamali, may asawa't anak na ang kaibigan mo," tila may pag-aalangang sabi nito. "Puwede ko bang malaman kung ano ang balak niya kay Willa? Sa pagkakakilala ko sa kaibigan ko ay hindi iyon papayag na maging kabit ng isang may-asawa. Nagkataon lang na nagipit siya kaya ibinenta niya ang sarili ng gabing 'yon."

"At kumusta naman siya pagkatapos ng gabing 'yon? Katulad mo na rin ba siya na--"

Mabilis na umiling si Paige. Kahit mukhang nasaktan ito sa sinabi niya ay pinilit nitong balewalain iyon.

"Katulad ng sinabi ko, nagipit lang siya. Masyadong mataas ang moralidad ni Willa para maging katulad ko," may bahid sarcasm ang huli nitong sinabi. "At nabanggit na rin lang ang moralidad, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Nagkaanak siya."

"W-what did you say?" kung ano ang pakiramdam ng nasasabugan ng bomba ay iyon marahil ang pakiramdam ni Zeke!

"Nabuntis siya ng kaibigan mo. Pinayuhan ko siyang ipatanggal ang bata pero hindi kaya ng kunsensya niya. Itinuloy niya ang pagbubuntis kahit alam niyang mahihirapan siya."

May pakiramdam si Zeke na naglaho ang kulay sa kanyang mukha. Sa pagkakatanda niya ng gabing 'yon, kahit isang beses ay hindi siya gumamit ng rubber. Bukod sa hindi niya inaasahang siya ang makakatalik ng babaing binili niya sa auction ay naisip niyang safe naman ito dahil birhen. Hindi dumaan sa isip niya na posibleng mabuntis niya ito. Una sa lahat, naririto ang responsibilidad na protektahan ang sarili sa unwanted pregnancy. Ikalawa, masyado siyang nasiyahan sa katalik ng gabing iyon na hindi niya gustong gumamit ng anumang proteksyon na makasasagabal ng balat sa balat na pagtatagpo ng kanilang mga laman. He wanted to feel her raw. Every inch of her was delicious. The feel and taste of her flesh was exquisite. Na kahit lumipas ang apat na taon ay parang nakadikit pa rin sa kanyang pandama ang lasa at amoy nito.

Hindi na siya makapaghintay na matagpuan ito.

"Zeke--"

"Ano ang anak na--niya?" he almost said 'namin'. Pero sa huling sandali ay napaalalahanan ni Zeke ang sarili.

"Babae. Ang pangalan niya ay Samantha. Medyo sakitin ang bata at may sakit na hika."

Christ. 

Nahagod ni Zeke ang magkabilang sentido. Parang puputok ang ulo niya sa natuklasan.

"I have to go," aniya pagdaka.

"Kung sasama ka sa kaibigan mo ay puwede mo akong isama para hin--"

"Hindi na kailangan. Thank you. I will send you the check."

"Check? Zeke, hindi ko--"

"This means a lot--to my friend, that is. Kaya tanggapin mo na lang ang halagang ipapadala ko sa'yo. You will need it to start anew."

"Zeke..."

Nilapitan niya si Paige at niyakap. "Goodbye."

~0~

"WOW, Nanay. Ang laki pala ng bahay nina Ate Annika," namamanghang bulalas ni Samantha nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Willa.

Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Annika, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. 

"Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?"

"Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. 

Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito.

"Ate Willa."

Natuwa si Willa nang makita si Annika. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale.

"I'm glad you made it," wika nito na ipiningki ang pisngi sa kanya.

Kahit parang gustong umurong ng balat niya sa hiya ay tinanggap na lang niya ang pakikipagbeso-beso nito.

"'Yon nga palang cassava cake, ipinapasok ko na kay Manong Driver," aniya rito.

"Yes, I saw it. It looks delish. I'm sure Mom will love it. Hello, angel," natutuwang ibinaling ni Annika ang pansin kay Samantha. "You look so lovely. I knew it, bagay na bagay talaga sa'yo ang damit na 'yan. Come, come. Pumasok na tayo sa loob. Nagsisimula ng magdatingan ang mga bisita."

Walang nagawa si Willa kundi ang sumunod nang hawakan ni Annika sa kamay ang kanyang anak at isamang papasok ng mansion. Nakikiming yumuko lamang siya nang tila may pang-uuring hagurin siya ng tingin ng ilang bisita. Dinala sila ni Annika sa isang mesa at pinasilbihan sa isang naka-unipormeng tagasilbi.

"Nagugutom ka na ba, angel?"

Sunod-sunod na tango ang tugon ng paslit.

"Ano ang gusto mong kainin? We almost have everything. Cake, ice cream, chicken, spaghetti, steak--"

"Chicken po at ice cream."

"Okay, chicken at ice cream." Binalingan ni Annika ang nagsi-serve, binigyan nito iyon maikling instruction. "Pakibilisan, Jeff, ha? Nagugutom na rin ako."

"Yes, Miss Annika."

"Thank you," inokupa nito ang upuan sa tabi ni Samantha. "Hindi pa actually nagsisimula ang celebration. Hinihintay pa kasi ni Mommy sina Kuya Zeke at Kuya Vincent. Pero ako, gutom na ako kaya kumain na tayo."

Hindi naman nagtagal at nakabalik kaagad ang tagasilbing inutusan ni Annika. Isinilbi nito ang mga pagkaing hiningi ni Annika. 

Nagsisimula na silang kumain nang tumunog ang kalansingan ng mga baso.

"I think my brothers are here," ani Annika nang magpunas ng bibig at tumayo.

Sa gitna ng bulwagan ng mansion ay nakita ni Willa ang isang napaka-eleganteng babae na tila older version ni Annika. Napakaganda nito at mukhang sosyal na sosyal. Hindi na siya magugulat kung sasabihin ni Annika na ang babae ang ina nito. Sa tabi nito ay may nakatayong isang matangkad na lalaki. Napaka-pogi niyon at mukhang modelo. Patingin-tingin ito sa mga bisita na parang may hinahanap. Hanggang sa tumigil iyon sa kanilang mesa. Natuon ang tingin nito kay Annika. Bahagyang kumiling ang ulo niyon na parang tinatawag ang dalaga.

"Ate Willa, iiwanan ko muna kayo. That's my Kuya Vincent, by the way. He's cute, huh?"

"Oo. Napakapogi," tugon niya.

"And that's my other brother, our eldest."

Sinundan ng tingin ni Willa ang tinutukoy ni Annika. 

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagsino ang lalaking tinutukoy nito. Ang lalaki ay walang iba kundi ang lalaking nakatalik niya four years ago!

-

nagkita na sila :)

mali pala, nakita na siya ni Willa.

can I have 20 more followers :)

frozen_delights







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro