Chapter 2
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tunog at vibration ng phone ko na naroon sa ilalim ng unan ko, rason para maalimpungatan ako.
Kinuha ko iyon upang patigilin pero hindi ko pa man napipindot ay nagkusa na iyong tumigil. Isa lang ang ibig sabihin no'n— one message received.
"Iyong assignment ko, ah? Nagawa mo na ba?" Bigkas ko sa mensahe mula kay Mirko.
Walang hiya talaga ang lalaking 'to! Ang aga mambulabog para lang tanungin kung nagawa ko na ba ang assignment niya? Samantalang iyong akin nga ay hindi ko pa nagagawa sa kawalan ng oras.
Tsk! Kalaunan nang mapangiwi na lang ako, syempre gagawin at gagawin ko pa rin iyon kahit na tinatamad pa ako. Kapalit kasi nito ay pera, binabayaran ako para gawan ko siya ng mga assignments o projects niya.
Mirko is my long time friend, malakas mambully ngunit may pusong mamon. Siya ang dahilan kung bakit kahit papaano ay may dagdag allowance ako sa araw-araw na pagpasok ko.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko kung saan naka-display ang oras— eight forthy five o'clock. Kumurap ako at nang matanto ko kung anong oras na ay wala sa sariling napabangon ako sa kama.
Iyong kaninang akala ko ay umaga, mali pala ako kasi maagang-maaga na. Pa-tanghali na pero nakahilata pa rin ako sa kama. Na-realize kong wala pala ako sa bahay namin para umasal ng ganoong katamaran.
Shit naman, Tyra!
Mabilis na tinungo ko ang banyo upang maghilamos at mag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kwarto ni inay kung saan siya natulog kagabi pero naabutan kong wala ng tao roon.
Nakaalis na siya at ang masaklap pa roon ay hindi niya ako ginising para sumama sa kaniya. Ano ba naman itong si inay, may pasabi-sabi pang matulog ako ng maaga dahil may pupuntahan kami pero nang-iiwan naman.
Pambihira! May sapak talaga iyong nanay ko kahit kailan. Mabuti na lamang at hindi ko namana. Salamat talaga! Nilakad ko ang kahabaan ng hallway na iyon pababa sa unang palapag.
Nakita ko roon si Tita Carmen na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine. Kahit matanda na itong tingnan ay may poise pa rin talaga, hindi tulad ni inay. Tch.
"Hello po, magandang umaga. Umalis na po ba si Inay?" Pagtatanong ko rito nang makababa ako sa enggrande nilang hagdan.
"Oo, hija. Maaga siyang umalis at hindi ka na niya nagising dahil nagmamadali rin ito. Kumain ka na lang diyan, hija."
"Sige po. Salamat." Mahinang sambit ko.
Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko pa ang ilang mga maids na nag-aalmusal. Sabay-sabay na nag-offer ang mga ito ng makakain na siyang tinanguan ko.
Umupo ako saka nagsimulang kumain. Hindi tulad sa bahay namin dati na ilang pandesal at kape lang ang umagahan namin. Ngunit ngayon ay may itlog, hotdog, bacon at sinangag. Samahan pa ng mainit na gatas.
Iba talaga kapag mayaman, ano? Hindi problema ang gutom at kawalan ng makakakin. Baka nga sa isang araw ay apat o limang beses pa silang kumakain kumpara sa amin na dalawa, kung minsan ay isang beses na lamang.
At kung suswertehin sa pera ay nakakatatlo pa kami. Ganoon kami kahirap noon hanggang ngayon. Blessings na nga siguro na tumira kami ni inay dito.
Pagkatapos kong kumain ay nagdesisyon akong maglibot-libot muna dahil wala rin naman akong magawa at iyong assignment na tinutukoy ni Mirko ay mamaya ko na lang aasikasuhin.
Una kong pinuntahan ay iyong likod bahay nila kung saan naroon ang malawak na garden at sa kabilang side naman ay ang malaking swimming pool na mala-ulap sa pagkakulay asul.
"Wow!" Wala sa sariling nasambit ko, laglag ang pangang pinagmamasdan iyon.
Ang swerte ng mga taong mayroong marangyang buhay. Nakukuha lahat ng gusto at hindi na kailangang maghintay sa biyaya o mamalimos para lang makuha ang gusto.
Iniisip ko, kung pinanganak kaya akong mayaman, maganda kaya ako? Marami naman ang nagsasabi na may itsura ako, maganda ang sabi ng karamihan, pero iba pa rin kapag anak mayaman.
Nariyan iyong makinis, sexy, maputi, walang kalyo sa kamay at paa, hindi marunong sa mga gawaing bahay dahil may mga katulong naman. Hindi na kailangang maglakad ng malayo dahil nariyan ang kanilang kotse.
Hay, buhay! Masyado nga siguro akong nega kasi kung anu-ano ang pinag-iisip ko, pero sa iisang bagay lang ako hindi nagsisisi, iyon ay ang naging magulang ko sina itay at nanay.
Kung mabubuhay man ako sa pangalawang pagkakataon, mas gugustuhin ko pa rin na sila ang maging magulang ko dahil wala ng tatalo sa pagmamahal na ipinaparamdam nila.
Ang swerte ko lang talaga! Pinagkaitan man ako sa lahat, bumawi naman sa pagmamahal.
Naglakad-lakad ako habang nagmumuni-muni. Ang sarap ng hangin sa umaga, nakaka-relax. Napahinto ako nang wala sa oras nang may mahagip ang paningin ko.
Mula sa ikalawang palapag ng bahay, sa isang kwarto roon, iyong katapat ng kwarto ko. Naroon iyong lalaking anak ni Tita Carmen na matamang nakatingin sa akin.
Kita ko ang kabuuan ng loob ng kwarto nito dahil tanging salamin lamang ang humaharang doon. Purong black and white ang mga kagamitan nito. Ang ganda ng kwarto niya kahit sa malayuan, mukhang maayos siya sa gamit nito.
Agad na nag-iwas ako ng tingin nang mapagtantong kanina niya pa pala ako tinitingnan. Hindi sa panghuhusga, pero parang may mali kasi sa uri ng tingin nito o talagang nasa akin ang mali?
Lahat ng bagay na meron sa lalaki ay binibigyan ko ng malisya. Hindi naman maiiwasan dahil babae ako. Malakas ang kutob naming mga babae kumpara sa mga lalaki.
Nagtungo na lamang ako sa tabi ng swimming pool. Yumuko ako saka ginawang salamin ang tubig, sobrang linaw kasi no'n na talagang kaya mong makita ang reflection ng kabuuan ko.
Sobrang nakakamangha talaga. Kung nabibilang nga lang ang pagka-inggit ay malamang na kukulangin ang daliri sa paa at kamay ko kung sakali.
Yumuko pa ako nang mabuti at kalahati na ng katawan ko ang nakikita ko sa tubig at hindi na lang din ang sarili ko ang naroon, may kasama na ako at ang malala ay nasa bandang likuran ko na ito.
Tatayo na sana ako nang maayos nang ilapat nito ang paa sa likod ko saka bahagyang itinulak dahilan para mawalan ako ng balanse at tumilapon sa pool. Sa sobrang gulat ay hindi sinasadyang makainom ako ng tubig.
"Aaahh! Tu— tulong!" Ilang beses akong suminghap para makasagap ng hangin.
Winawagayway ko na rin ang kamay ko sa ere pero wala pa ring saysay. Kaya imbes na magpatulong pa ako ay pinilit kong lumangoy papunta sa gilid at umahon.
Doon ko siya natitigan ng mabuti. Aware ako na mapupula ang mata ko gawa ng tubig, masakit din ang lalamunan ko, ni hindi ko nga magawang huminga nang maayos sa kakulangan ng hangin.
Tiningnan ko siya nang masama pero nananatiling blanko ang mukha nito. Prente pa rin siyang nakatayo, wala itong saplot pang-itaas habang nakalagay naman ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pajama niya.
Wala sa sariling napatiim bagang ako. Sa totoo lang ay nangangati na ang kamao ko at gustung-gusto ko ng ipadapo iyon sa mukha niya. Gago siya! Napakawalang modo!
Kahit na mabigat sa pakiramdam ay pinilit ko talagang umahon mula sa pool. Tumayo ako ng tuwid saka siya hinarap at ganoon pa rin ang paninitig ko sa kaniya.
"Woah!" Maanghang na bulalas nito, saka pa pinagletrang bilot ang bibig.
Mas lalo akong nanggalaiti nang mapansin kung saan ito nakatingin. Hindi ko alam na naka-night dress pa rin ako at dahil manipis iyon ay nakikita nito ang kulay itim kong bra.
Saglit akong napatulala. Hindi ako bata o musmos para hindi malaman kung ano ang ibig iparating nito, lalo na ng mata nitong halos nakapaskil na yata sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung mahihiya pa ba ako o ano. Ang alam ko lang sa oras na iyon ay ngali-ngali ko siyang nilapitan at walang alinlangan na itinulak din sa pool.
"Tangina mo, gago!" Itinaas ko pa ang middle finger ko bago tuluyang mag-martsa paalis.
Hindi ako palamurang tao kasi hindi naman iyon itinuro sa akin ni nanay noong bata pa ako at wala iyon sa lahi namin, pero nakakainit lang siya ng dugo.
Mabibigat ang mga paang pumasok ako sa bahay habang nananatiling nakayukom pa rin ang dalawang kamao ko. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa hinayupak na iyon.
Gusto kong magmura at sumigaw nang sumigaw pero tangina, wala ako sa lugar para gawin iyon. Unang-una, hindi namin 'to bahay. Pangalawa, nakikitira lang kami at pangatlo, iniisip ko kung saan kami pwedeng lumipat.
Nakakabwisit lang kasi, na-agrabiyado ako ng isang lalaking ni hindi ko naman kilala, ni pangalan nga ay hindi ko alam! Pero kung umasta, akala mo ay hari. Urgh!
"Oh, hija! Anong nangyari sayo?"
Tiningala ko si Tita Carmen na mukhang nag-aalala dahil sa itsura ko. Kung sabihin ko kayang iyong walang modong anak niya ang may gawa nito? Ano kayang gagawin niya?
Sino kaya ang pwedeng kampihan nito kung sakaling malaman niya na mali ang anak niya? Gusto kong umiyak at ilabas ang sama ng loob ko sa harap ni Tita Carmen pero sa huli ay nanatili akong tahimik.
Pinili kong huwag magsumbong dahil magmumukha lang akong tanga. Mas pinili kong magsinungaling at ngumiti ng pilit.
"Wala po, Tita. Ang tanga kasi ng swimming pool, bigla-biglang nanghihila." Bahala na siya kung ma-gets niya ang punto ko.
Napansin kong kumunot ang noo nito marahil sa sinabi ko. Mukhang naguguluhan pero hindi ko na inintindi at in-excuse na lamang ang sarili.
Dali-dali akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ni inay. Doon ako nagmukmok at umiyak. Aaminin kong mababaw lang talaga ako, simpleng bagay ay iniiyakan ko.
Ngunit sino ba naman ang matinong tao, inihulog na nga ay natutuwa pa rin. Wala naman 'di ba? May karapatan naman siguro ako dahil nasaktan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro