Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 58

Kabanata 58

For Real

Tumayo ako at kinusot muli ang mga mata. Ang kaninang nagtataasang tono ng mga tinig ay huminahon ngayon ngunit hindi nito maipagkakaila ang lalong pag iinit ng alitan.

"She needs psychological help, Guillermo. You should at least listen to the doctor and help her through the therapy he's suggesting," banayad ang tinig ni mommy.

"Arielle is fine! She's doing fine! If we could just shower her with more love, she'll be fine," mas banayad na sinabi ni daddy kay mommy.

"And what about Avon? She's my daughter, Guillermo. Our daughter! Our daughter!" Damang dama ko ang diin ni mommy sa mga huling pangungusap.

Imbes na lumabas ako para makisawsaw kay mommy at daddy ay hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakikinig sa likod ng pintuan.

"Bakit napunta sa usapan si Avon? Wala siyang kinalaman dito. We are talking about Arielle." Masuyo ang tono ni daddy.

"Hindi, e. May kinalaman siya. Binabalewala mo si Avon dahil kay Arielle. Alam kong malaki na ang anak ko at hindi na niya kailangan ng lubos na atensyon galing sayo but she's hurting too. Like Arielle, she's hurting too!"

"I know! But she's strong! Arielle is weak. Wala ako noon para kay Arielle kaya sisiguraduhin ko ngayon na nandito ako para sa kanya."

Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Namamanhid na ang aking dibdib sa lahat ng emosyong nadarama. Kahit nasasaktan ako ng lubusan ay pilit kong iniintindi si daddy. Na may pagkukulang siya sa kanyang anak at gusto niyang punan iyon ngayon sa pamamagitan ng walang butas na atensyon para kay Arielle.

"So what do you want now, Guillermo? I just hope you stop ignoring Avon. Or even hurting her."

"I am not hurting our child, Camila," masuyong sinabi ni daddy kay mommy.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang daing at hikbi sa pag iyak na tumakas sa aking damdamin. He's not hurting me? Manhid ba siya para sabihin iyan? Na hindi niya ako nasaktan? Kung gano ano itong hapding nararamdaman ko sa aking puso?

"I don't know... it seems that Arielle is really fond of Brandon-"

"Don't start with that, Guillermo! Avon is in love with Brandon. Can't you see?" mahinahong sinabi ni mommy na para bang nag iingat na hindi ko marinig sa aking kwarto.

Nanlaki ang mata ko. What's with Brandon? So what if I'm in love with Brandon?

"Avon..." humina ang boses ni daddy.

Kinailangan ko pang idikit ang sarili ko sa pintuan para marinig ng klaro ang kanyang sinasabi.

"Isn't in love with Brandon, Camila. Iyon ang sinabi ni Arielle. She used Brandon to get to her. That's what she said. Nong nasa Tagaytay si Avon, hinahanap niya si Arielle noon because she thought Arielle was my mistress. She pursued Brandon to get to Arielle. Ganon iyon."

Bumuhos ang aking mga luha at hindi ko na nakayanan pang magtago sa likod ng pintuan. Tinulak ko iyon at napalingon silang dalawa sa akin. Mommy looked so guilty. Agad niya akong dinaluhan ngunit hinawi ko ang kamay niyang umambang aalalay sa akin. Napaawang lamang ang bibig ni daddy, walang bahid ng pagsisisi sa lahat ng maaari kong narinig.

"Yes, dad! I tried to get to the truth because you lied to us! You lied to me! You lied to my mom! Who's supposed to be the love of your life! You lied to your daughter! Ako! Dad! Ako!"

"You could've asked me!" sagot niya sa akin.

"Ilang beses kitang tinanong? At ilang beses kang nagsinungaling? Kung hindi ko pa nalaman sa ibang tao ay malamang nanatiling lihim ang lahat!"

"I told you! I was so afraid to lose you both, Av. Hindi mo na kailangan pang umabot sa ganon! That was one desperate move from you! Hindi kita pinalaking ganyan!" Iritadong sinabi ni daddy.

Iritado na rin ako. Kumukulo ang dugo ko sa lahat ng hinanakit at pambabalewala. "Oh you were afraid? Pero ngayon, hindi ka na takot na mawala ako? Dad? Di ka na takot na mawala ako? Kasi itong ginagawa mo sa akin ngayon, talagang mawawala ako sayo!" nabasag ang boses ko.

"You have to understand. Your sister is not emotionally stable. She needs Brandon. If you don't need the man... if it was only for revenge or to get to the truth then you might want to let him go! Stop the fire you started, Aurora!" umiling si daddy.

Halos dumugo na ang labi ko sa aking pagkagat. Hinaplos ni mommy ang aking braso ngunit tahimik lamang siya. Parang hmay bumagsak sa dibdib ko. Parang nag landslide lahat ng pakiramdam ko. Ang dati ng sira at mahinang pundasyon ng aking emosyon ngayon ay gumuho na ng husto. Dad will lose me and I don't think he cares at all.

"Brandon is not a thing, dad!" Umiling ako. "Hindi mo siya mapipilit sa-"

"Nag kausap kami! I know he cares for Arielle! He probably loves Arielle! Can't you see? The man looked miserable while looking at your sister on that bed! He loves Arielle! You need to let him go kung wala ka rin lang namang amor sa lalaking iyon at ginagamit mo lamang siya para mas lalong mainis ang kapatid mo sayo."

I am so damn disappointed. The hero I looked up to ever since stood now in front of me like a coward. All for his other daughter. Nothing for me.

"Guillermo! Hindi sayo ang desisyon! Nasa kay Brandon ang desisyon nito!" sigaw ni mommy na agad kong pinigilan.

Bumuhos ang luha ko. Humikbi ako at dinungaw lamang ako ni daddy na para bang banyaga sa kanya ang pag iyak ko.

"Oh my God!" dumalo si mommy sa akin para suportahan ako.

"Do you really think I'll do that? I'll go that far, dad?" bumuhos ang luha ko.

Alam ko na noon pa kung ano ang maaari kong gawin para makuha lamang ang gusto ko. Ngunit ang paratang niya sa akin ay lagpas na sa limitasyon ko. Hindi ako makapaniwala na mismong ang ama ko ay iisiping ganon ako.

Pinilit kong buuin ang sira sira kong pakiramdam. I swear I'll never cry for my dad like this again. Never again!

"Daddy, mahal na mahal po kita," nabasag ang boses ko.

Nakayakap na si mommy sa akin at humihikbi na rin sa tabi ko.

"Kahit na nong nasaktan mo ako dahil sa mga kasinungalingan mo ay tinanggap ko parin. Unti unti parin kitang pinatawad. You asked for my forgiveness at kahit mahirap iyon sa akin ay pilit kitang inintindi." humikbi ako. "And yes, it's true... I am insecure. I am jealous. I am very, very heartbroken dahil may kapatid ako sa labas. Nasanay ako na walang kahati. Ngayon may iba ka palang anak. Pero kaya ko iyong tanggapin lahat. Kaya kong magbigay. Kakayanin ko ang lahat! Kung sana lang ay hinintay mo. Kung sana lang ay hinayaan mo munang mag hilom ang sugat na dinulot mo sa akin."

Hinawakan ko ang kamay ni mommy at binaba ito. I won't need anyone to comfort me. I can do this all alone.

Nanatiling nakatitig si daddy sa akin. Kita sa kanyang mga mata ang maliliit na nagbabadyang luha sa gilid ngunit hindi kailanman kumibot ang kanyang labi para putulin ako sa pagsasalita.

"Nagseselos po ako kasi ang kapakanan ni Arielle palagi ang iniisip niyo! Kasi hindi mo na ako nakikita! O kung nakikita mo man ako, puro kamalian ko ang napupuna mo! Dad..." namuo ulit ang luha ko. Pilit akong lumunok kahit na may bumabagabag sa aking lalamunan. "Dad... nagsisisi ka ba na ipinanganak mo ako? Nagsisisi ka ba na nandito ako ngayon?"

Umiling si daddy. "Avon, hindi totoo 'yan. I just want to really make it up-"

"Making up to Arielle would mean hurting me, would you still do it? Wala bang paraan, dad, para makabawi kay Arielle nang hindi ako sinasaktan? Palagi bang may pagpipilian? Palagi bang ako o si Arielle? At palagi bang si Arielle ang pipiliin mo? Hindi na ba ulit ako? Kaya ko pong mag bigay, kung sana lang ay may maibibigay pa po ako. Pero hindi niyo na ako binigyan ng sapat na lakas para mag bigay, dad. Inubos mong lahat. Ubos na ubos na po ako! Hindi ko na kayang maging anak ninyo."

Tumulo ang luha ni daddy. Sinubukan niyang hawakan ang magkabilang braso ko. Nagpahawak ako. Wala na akong lakas para hawiin ang kamay niya.

"Avon, you're one strong girl. Alam ko kasi ako ang nagpalaki sayo. But this one is life and death for Arielle," bigo ang kanyang boses.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Gusto ko siyang sigawan. Na kung ito ay buhay at kamatayan din para sa akin, sino ang pagbibigyan niya? I am not here to compete. I want to give. I understand Arielle. I understand her pains, her situation, her dependency... but who will understand me? Wala ba?

"You are my daughter. I know you're strong, Avon. Arielle, she's..." nabasag ang boses ni daddy. "I don't know how to handle her anymore. Ito lang ang tanging paraan ko para maiparamdam sa kanya na mahal ko siya bilang anak."

Tinitigan ko ang balisang mga mata ni daddy. Hindi niya alam kung saan siya lulugar kay Arielle. Like his daughter, he's lost too. He's lost because of her. Gustong gusto niyang magbuhos ng pagmamahal sa maling paraan.

Nanatili kaming tahimik pagkatapos niyang sabihin iyon. Tinitigan ko lamang si daddy. Umiiyak siya. Dumapo ang kanyang kamay sa isang mata at humikbi siya ng kaonti. The man I loved the most is wounded. How will I tell him to choose the right battles? More importantly, am I the right person to tell him that?

Tumango ako sa nahinuha. Ito ang paraan ni daddy para makabawi kay Arielle. He wanted me to sacrifice for my sister. He wanted to stronger one to sacrifice for the weaker para patas kaming dalawa.

Hindi makakapagbigay ng pagmamahal si daddy sa akin dahil hindi pa niya napapatawad ang sarili niya sa lahat ng kanyang kasalanan. Wala siyang maibigay na pagmamahal. Kahit kay Arielle, sa akin, o kay mommy, dahil mismong ang sarili niya ay hindi niya mahal. At itong pagsasakripisyo ko ang tanging nakikita niyang solusyon.

Hinawi ko ang kamay ni daddy sa aking braso. Natigil siya sa pag iyak at napatingin siya sa akin, gulat.

"I really hope Arielle would love Brandon the way he loves her, dad," paos kong sinabi,

"Avon!" sigaw ni mommy sa naging desisyon ko.

Nanghina ako. Nanlamig. Alam ko sa sarili kong nakapag desisyon na ako. Brandon will understand. Brandon loved Arielle too. He cares for her. At gustuhin ko mang ipaglaban itong pagmamahal ko sa kanya, mananatiling may lamat ang aming relasyon. My half sister is in love with the love of my life. My half sister is dependent of him. I cannot take away her life. If I can live without Brandon, then Aurora, she can't. If I can still smile without him, then Aurora, your half sister can't.

"Guillermo! I can't believe you!" sigaw ni mommy. "Avon, please, don't decide-"

Umiling ako kay mommy at bumalik sa kwarto ko para pagsaraduhan sila ng pinto.

"Gusto kitang intindihin, Guillermo pero itong ginagawa mo sa anak ko? Hindi ko maintindihan!"

"Arielle needs Brandon, Camila!"

"At alam mo ba kung ano ang kailangan ng anak natin?"

Walang naisagot si daddy sa sigaw ni mommy. Tumutulo ang luha ko at nanlalabo ang aking paningin habang binubuksan ang luggage ko. Nagmura ako nang maalalang may mga damit nga pala ako sa condo ni Brandon! And fuck my passport is also there! Gusto ko man iyong iwan ay kakailanganin ko iyon kung sakali man.

"Ni minsan hindi mo tinanong si Avon kung ano ang kailangan niya! Ni minsan, Guillermo! Ang anak ko ang pinag uusapan natin dito! Wala akong pakealam sa anak mo sa ibang babae wag mo lang sasaktan ang anak ko!"

Narinig ko ang pagdadabog ni mommy sa pintuan. Hinampas ni daddy ang pintuan bago iyon binuksan. Nag away silang dalawa at mabilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Ayaw kong mangyari ito. Gusto ko silang pigilang dalawa!

Lumabas ako sa kwarto para tingnan kung nag aaway pa sila ngunit iyakan lamang ang narinig ko sa kabilang kwarto. Kalmado at mga hikbi nilang dalawa ang narinig ko. Pumasok muli ako sa loob at dumiretso sa bathroom. I need a good shower.

Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan. I called the people I know who will love me no matter what. Iyong hindi na kailangang pagmalimusan ng pagmamahal.

"Hello..." Maligaya ang boses ng pinsan kong si Charity sa kabilang linya.

"Hi, Cha!" Pinilit kong maging masaya. "Where are you now?"

"Nasa Riala lang. Why? Are you here?" Natataranta niyang sinabi.

"Nope. Pero I'll be there. I'll catch a flight maybe tonight. Will you tell CJ na pasundo sana ako sa airport? Alam mo namang ginagamit ni Mayor ang driver namin pag wala kami sa Cebu."

"Sure, sure! Wait! Mag isa ka ba?" May bahid na pagdududa sa kanyang boses.

"Yup." Simple kong sinabi.

"Okay. Text me the details of your flight at sasabihin ko kay Cej."

Pinatay ko ang usapan pagkatapos kong mamaalam at naligo na sa malamig na tubig. I wish water can cleanse every hurt I'm feeling. Sana ay pagkatapos nito, hindi na ako kailanman magmamakaawa para sa kahit ano. Sana ay pagkatapos nito, wala na akong kahati sa kahit ano mang gustuhin ko. I am leaving Brandon for real.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: