Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 46

Kabanata 46

Selfishly

Nakahiga ako sa braso niya, kinakalma ang sarili. Hinagkan niya ang aking ulo at suminghap siya sa aking buhok. Ang kanyang mga kamay ay naglalaro sa aking mga daliri at nakapulupot sa aming katawan ang isang malaking puting kumot.

"I'm sorry for everything. I'm sorry for being a jerk." Bulong ni Brandon sa akin.

Ngumuso ako. "Pasalamat ka di kita iniwan." Naisatinig ko ang matagal ko nang naiisip.

"I was just really mad kaya hindi kita nagawang balikan. I can even catch a bullet for you, kahit pagkatapos mo akong pagsabihan ng masama kay Arielle. I heard everything you said. Sinabi mo na ginamit mo lang ako. You know I was your slave, your dog. And hell, I couldn't even believe that I was okay with that. That it was alright for me to be called your dog, or your slave. Pero napagtanto kong hindi iyon maganda. It was self destructive. My love for you can wreck me. Hindi dapat ganon. And you? Wala kang pakealam sa akin. You can destroy me without even blinking and I hated you for that."

Tumingala ako sa kanyang mga mata na punong puno ng sinseridad. Ngumuso ako at binalik ang tingin sa mga daliri naming pinagsasalikop niya. "Nasaktan mo rin ako no."

"Yes, sweetheart. And I'm really, really sorry. I was just too scared to let you in again without making sure of your feelings. Kasi mahal kita at hindi ako sigurado kung mahal mo rin ba ako."

"I love you, you idiot." Halos mabasag ang boses ko. "Kaya nga sumunod ako, diba?"

"I honestly thought you'd leave the first day. Akala ko pumunta ka lang doon kasi guilty ka sa nangyari sa akin at sa lahat ng sinabi mo sa akin. I thought you didn't care, I thought it was all guilt. I hated myself for loving you too much. Na umasa parin ako na nagpunta ka nga doon para sating dalawa. And when you stayed, sweetheart, I didn't know what to do. I mean, Aurora Veronica is willing to give in to me?" Humalakhak siya na para bang hindi makapaniwala sa nangyari.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Marami akong tanong sa kanya tungkol kay Arielle pero ayaw kong masira ang nangyayari ngayon kaya hinayaan ko siyang yumakap ng mahigpit.

Ilang sandali ang nakalipas ay narinig na namin ang katok sa pintuan. Nagmura si Brandon at tumayo para tingnan kung sino. Inayos ko naman ang kumot na nakapulupot sa aking katawan.

May kausap siya sa likod ng pintuan. Hindi ko makita dahil kaonti lamang ang kanyang pagkakabukas.

"Susunod na kami." Sabi niya bago sinarado muli ang pintuan.

Bumaling siya sa akin. He's wearing his boxer shorts, flashing his perfectly sculptured muscles.

"Dinner daw." Sabi niya at umupo sa kama. Umuga ito sa kanyang pag upo. Ngumuso siya nang tinitigan ko lamang siya.

"Okay." Sabi ko at umupo.

"Do you want to go out? I want to stay here. I want us to talk." Sabi niya.

Umiling ako. "Brandon, it's Rage's wedding. Palalagpasin mo ba ito? Nandito tayo para magsaya kasama sila."

"Oh, yeah. Logan is hitting on you, by the way. Stop flirting back."

Kumunot ang noo ko. "I am not flirting back!"

"You're my girlfriend now. Ang galing mo pa naman sa pakikisalamuha, Major in Hospitality, please stop being hospitable now."

Umiling ako at tumawa. "I'm just being nice."

"You don't have to be nice." He reached out to me. Lumapit siya at niyakap ako.

He kissed my lips, and then my jaw down to my neck.

"Brandon, let's go." Sabi ko at tinulak siyang bahagya bago tumayo. "Ang manyak nito."

Nagulat siya sa sinabi ko. "I'm not." Tumayo siya at kumuha na rin ng kanyang mga damit.

Kaya nagkulitan na lang kami habang nagbibihis. Hindi ko alam na ayaw niya palang matawag na manyak. Kaya panay ang tawag ko sa kanya non hanggang sa napipikon na siya.

"I'm done." Sabi ko pagkatapos kong mag lagay ng kaonting eye liner para ma highlight ang aking mga mata ngayong gabi.

Nasa likod ko siya, nakahalukipkip at busangot ang mukha. Tiningnan ko siya sa salamin.

"Let's go?" Sabi ko.

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Nilapag ko ang ginamit na eyeliner at sabay na kaming lumabas sa villa. Nanuot kaagad sa aking balat ang lamig na hatid ng gabi sa Huma Island.

Inakbayan ako ni Brandon at hinaplos niya ang aking braso. Kahit na may cardigan ako ay nanunuot parin ang lamig.

Nang namataan na namin ang grupo na nakaupo sa mga maliliit na upuang gawa sa rattan ay dumiretso na kami sa kanila. Punong puno ng kandila, bulaklak, at mga pagkain ang mesa. Nakita ko na tumagilid ang ulo ni Sunny nang nakita niya kaming dalawa ni Brandon. Her eyes focused on our intertwined hands. Bumaling siya kay Rage na nag ngiting aso lamang.

"Sa wakas! Nakarating din kayo! Kakain na sana kami ng wala kayo." Ani Mia.

"I'm sorry. It's my fault. Tagal kong nag bihis."

"Matagal nag bihis o pinaghubad ka ni Brandon?" Singit ni Logan sabay tawa.

Darn, magpinsan nga ang parehong asshole na ito!

Matalim siyang tinitigan ni Brandon kaya humupa na lang ang tawa niya at nakipag highfive sa nangingiting si Kid.

"Kayo na?" It was Sunny's innocent question.

Tumikhim ako at umupo sa upuang inilahad ni Brandon. Umupo rin naman siya sa tabi ko at nilingon ako. "Yup."

Sumabog sa tawa ang mga lalaki. Uminit lang lalo ang pisngi ko. It is very awkward! Napatingin ako kay Sunny at Mia na ngumiti lamang para sa amin.

"Sabi na." Lingon ni Rage kay Sunny.

"Congratulations!" Sigaw ni Mia.

"Do you cuddle?" Biglang tanong ni Logan habang naglalahad sa akin ng kopita.

Kumunot ang noo ko.

"Logan!" Saway ni Brandon sa pinsan.

Tumawa si Logan at lumayo ng konti para umiwas sa galit ni Brandon. "I'm just checking! Kaming magpipinsan, we don't do cuddling. That's too cheesy."

Nilingon ko si Brandon na pinamulahan ng mukha at ayaw bumaling sa akin.

"Hmmm. Bakit si Rage, nag cu-cuddle naman?" Lingon ni Sunny sa kay Rage na umirap at pinuno ng kantyaw ni Logan at Kid.

"Shut up, guys." Sabi ni Rage.

Tumawa na lang ako kasama nila. Hindi ko alam na may sinusunod palang batas ang magpipinsan na ito sa babae. Pare pareho silang mapaglaro.

Kumain na kami ng mga espesyal na luto ng kitchen doon. Most were seafoods like lobsters, crab, shrimps. Nilagyan ni Brandon ng pagkain ang pinggan ko at juice ang baso ko.

He would always check on my plate and my glass. Umiiling na lang si Logan tuwing namamataan niya iyon kaya siya naman ang inasar.

"Pag ikaw nagka girlfriend..." Sabi ni Brandon sa kanya.

"Not in this lifetime." Nagtaas siya ng kilay, confident sa sinasabi.

"Talaga?" Tawa ni Rage.

Pinag piyestahan siya nina Rage at Kid. Kumain na lang ako ng tahimik.

"Do you want more juice, sweetheart?" Tanong ni Brandon sa akin, pinagmamasdan akong kumain. Nakita niyang nangalahati na lang ang juice sa baso ko.

"Yes, please." Sabi ko.

"Alright." Kumuha kaagad siya ng pitcher ng four seasons juice at nagsalin sa baso ko.

"May tubig rin ba sila, Brandon?" Tanong ko.

Tumango kaagad siya at kumuha ng isa pang baso para lagyan ng tubig. Nilagay niya sa tabi ng juice ko. Ngumisi lamang ako.

"Thank you."

Ngumisi lang si Sunny nang napansin kong titig na titig siya sa aming dalawa. Nagkibit balikat na lang ako at uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay naramdaman kong naiihi ako kaya nagpunas ako ng kamay at uminom muli ng tubig. I'm done eating anyway at aalisin na ang mga pagkain na ubos na para mapalitan ng wine at deserts.

"I need to pee. Saan ba ang CR ng kanilang restaurant?" Sabi ko, lumilinga linga.

"Nasa loob tapos right ng counter, Av." Sagot ni Mia.

"Let's go." Sabi ni Brandon at nauna pang tumayo. Nagulat ako sa kanya.

"Ayos lang. Kaya kong mag isa." Sabi ko.

Nalaglag ang panga niya at hindi malaman kung uupo ba siya o hindi pero umiling siya. "No. Sasamahan kita. Sa labas lang ako."

"Tuta!" Tawa ni Logan. "Are you Avon's dog, Brandon?"

"Shut up, Logan!" Iritadong buga ni Brandon sa pinsan.

Tumawa lang ako at hinayaan si Brandon na sumunod sa akin.

"Pag ikaw, Logan, baka di ka lang tuta." Tawa ni Rage sa pinsan na ngayon ay umiinom na ng wine at umiiling sa kanya. "I will never be anyone's slave, Rage."

Inakbayan na lang ako ni Brandon at hinila palayo sa mapang asar na si Logan. Nauna ako sa paglalakad sa paghahanap ng bathroom. Si Brandon ay nasa likod ko, nakapamulsa at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

Dumiretso na ako sa loob ng CR at pagkatapos ay naghugas ng kamay. I couldn't believe that we're okay now. It's like a dream. Pero syempre, alam kong kahit maayos na kami ay hindi pa maayos ang lahat. I just have to enjoy this moment while we are here and happy.

Pagkalabas ay dumiretso din kami sa mesa. Nakalapag na ang desserts at ang mamahaling wine na naroon. Binuksan iyon ni Rage at pinaputok sa harapan. Sumabog ito at napuno ang mga wine glass non.

"Cheers!" sabay bangga namin sa aming mga kopita.

May sariling mundo ang mga lalaki. Nag uusap tungkol sa business at kung anu-ano pang mga bagay kaya kaming mga babae naman ang nagkwentuhan. Everything seemed surreal. To be with them, happy and content. Para akong nananaginip. May Brandon sa tabi ko, may mga kaibigan na maayos, sa isang lugar kung saan nakakalimutan ang lahat.

It was Sunny's escape. Tulad ko, magulo din ang buhay pamilya niya kaya siya dinala ng tadhana rito. Now I wish I could escape the chaos within my family, but I just couldn't. I couldn't leave my mother behind. I couldn't let Arielle ruin my family.

Nilingon ko si Brandon at naaalala ko ulit ang relasyon nila ni Arielle. It was something I still couldn't touch even after he told me how much he loved me. That was their relationship. Theirs. It was something that's between the two of them. Kaya wala akong karapatang manghimasok. Kahit na hawak ko ang puso niya, hindi ko hawak ang kaluluwa niya. And never will I ask him to surrender everything to me.

Nilingon ako ni Brandon sa gitna ng tawanan nila ng kanyang mga kaibigan. Para bang nabasa niya ang nasa isip ko at nakita ko kaagad ang kanyang mga hakbang patungo sa akin.

Tinagilid niya ang ulo niya, "Are you tired?"

Nagulat si Sunny sa tanong ni Brandon kaya napatingin siya sa relo. Pasado alas diez na. "Kanina pa tayo nagkakasiyahan. Siguro pagod na nga si Avon." Sabi ni Sunny.

Umiling ako. "I'm still fine."

Umiling din si Brandon. "Let's go back to our villa, please, sweetheart." Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata.

Nilingon ko muna ang nakangiting si Mia at Sunny bago ako tumayo para tugunan ang sinabi ni Brandon.

"You should also rest now, Sunny. Buntis ka." Sabi ko.

"Nakatulog ako kanina." Kibit balikat niya.

Nang nakita ni Rage na nakatayo na ako at paalis na kami ni Brandon ay agad siyang tumigil para puntahan si Sunny. Napangiti ako lalo na nang nakita kong umiling si Sunny sa sinabi ni Rage.

Pagkatingin ko naman pabalik kay Brandon ay nakabusangot na siya at para bang nag iingat sa akin. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri at hinigit niya ako patungo sa boardwalk kung nasaan ang villa namin.

"What?" Natatawa kong tanong.

"I know that look. You're planning to do something again. Stop trying to leave me."

"I-I'm not going to leave you, Brandon." Tawa ko sabay irap.

"Then what's with that look. Oh, I know you too well, Aurora Veronica."

Umiling ako at diniretso ang tingin sa mga ilaw na nanggagaling sa mga balkonahe ng villa. Nagkibit balikat ako at naghintay lamang si Brandon sa idudgtong ko.

Tumigil kami sa paglalakad nang natapat na kami sa aming villa. Hinawakan niya ang aking balikat at hinanap niya ang aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang tumitig pabalik sa kanya.

"What is it, please?"

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "I'm just wondering... gusto mo bang makasama ni Arielle si daddy sa iisang bubong?"

Tumitig lamang siya sa akin. It was like he was trying to figure me out. Iniisip niya kung ano ba talaga ang nasa utak ko.

"If it would hurt you, then... no." Iling niya.

Tumango ako. "You care for her, right? Masasaktan siya pag nalaman niyang tayo na."

Hindi siya umimik. Para bang sinusukat na naman ang aking mga salita.

"Kahit anong sabi niya na may boyfriend siya, I know she's attached." Pinagmasdan ko rin siya. Tinitimbang ang bawat kunot sa noo.

"If you're asking me to make this a secret, then no, Sweetheart. I am going to tell the world that you're my girl. I don't care about anyone."

Umiling ako. "I'm not asking you to keep us a secret, Brandon. I will never do that. Not for her."

Tumango siya at kinain ng isang hakbang ang distansyang nagpaparte sa amin. "I'm sorry, Sweetheart. But I love you too much. I need you selfishly."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: