Kabanata 43
Kabanata 43
Cancel It All
At dahil wala akong panahon para magluto ng mahihirap na mga pagkain ay naisip kong magluto ng porkchop. Habang nasa loob ito ng kawali ay naisip kong mag punas na rin mesa at counter sa kusina.
Nagawa ko pang sumayaw sayaw habang nagpupunas nang bigla kong narinig ang padabog na paglalapag ng kung ano sa kusina. Hinawakan ko ang dibdib ko sa gulat. Nakaawang pa ang bibig ko nang hinarap ang galit na si Brandon.
"Ikaw lang pala!" Sabi ko. And what the hell did I do this time? Bakit galit na naman siya.
His eyes moved to my hand. Kumunot ang kanyang noo at umigting ang kanyang panga.
"I told you to lock the doors, Aurora!" Pabagsak niyang sinabi.
Imbes na harapin siya ay nagtungo ako sa niluluto para patayin ang apoy bago siya nilingon. "Hindi ko namalay-"
"Hindi mo namalayan? What the hell?" Galit na galit niya akong pinutol. "And what are you doing? You're cleaning? I did not hire you as my maid!"
Nag iwas ako ng tingin. "Yes, you didn't. Napansin ko lang na maalikabok. Tsaka nagluluto ako, naghihintay na matapos, wala akong ginagawa-"
Nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang noo. I can sense his frustration. Nagtaas lamang ako ng kilay sa kanya at nilapag ang pinggan sa mesa.
"Stop cleaning the house and please lock the door when you're alone." Marahan niyang sinabi nang hinarap muli ako.
Tumango ako. "Okay." Kitang kita ko ang pag igting muli ng panga niya. Para bang nakikinita niya sa reaksyon ko na hindi naman talaga tumatak sa ulo ko iyong mga sinabi niya. Tinusok ko ang porkchop at nilagay kaagad sa pinggan. "Dinner? Akala ko di ka na naman uuwi ng maaga. Aalis ako pagkatapos kong magdinner."
Huminga siya ng malalim. "And where are you going?"
Tinitigan ko lamang siya dahil puno na ang bibig ko ng pagkain. Kumunot muli ang ulo niya at agad na lumapit. Nagulat ako sa inasta niya at ang kamay kong nakahawak sa tinidor na pinangtusok sa porkchop ay kanyang inangat.
Tinagilid ko ang ulo ko, hindi malaman kung anong tinitingnan niya doon. "Where did you get this?"
Dumilim pa lalo ang kanyang titig. Mas lalo lang nadepina ng kanyang kilay ang kanyang mga mata. Binawi ko ang kamay ko.
"It doesn't matter."
"You're killing me... Will you answer me properly? Napaso ka?" Nanliit ang mata niya, kitang kita ko ang pabalik balik na pagkuyom ng kanyang kamao na para bang handa siyang mambasag ng kung ano.
Tumango ako at uminom ng tubig.
"Will you stop it? you sound so disappointed! Pinaghirapan ko ang pagluluto ng mga pagkaing ito, kumain ka na lang."
Umawang ang bibig niya at bumaling sa pagkaing nakahanda. It took him a while to sit in front of me and eat my food.
Pinanood ko siya habang sumusubo ng pork chop. Nakita kong nginuya niya iyon ng mabuti. I couldn't help but stare at his red lips. Dammit!
"Masarap ba?" Tanong ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin. "They're fine."
Uminit ang pisngi ko. May kung anong humahalukay sa sikmura ko. I remembered the way I felt when I auditioned for the Summit. Para bang ang kanyang hatol ang pinakaimportante sa akin. It was as if it was life and death for me and now he's here telling me it was fine? "H-How about the adobo this morning?"
"Fine, too." Sabi niya nang walang kahit anong ekspresyon. Like it was just mediocre.
Alam kong medyo naramihan ko iyon ng toyo kaya masyadong maalat. Ngayong pork chop, maayos parin naman kahit na may itim dulot ng konting pagkasunog. He's right, everything I did was mediocre.
Tumikhim siya, "Stop trying so hard. I know you don't cook adobo. Stop cleaning the house too."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "You could've told me that I suck at it. Hindi iyong 'fine' lang tapos pinapatigil mo akong magluto!" Sabi ko at padarag na tumayo.
"Hey!" Agap niya ngunit nagmartsa na ako palayo doon.
Dumiretso na ako sa kwarto at agad pinaghahagilap ang hinandang summer bag kung nasaan naroon ang mga gamit ko para sa pag si-swimming na ito. Pagka bukas ko ng pintuan ay naroon si Brandon nakatayo at namumutla.
"Where are you going?" Napapaos ang kanyang boses. His eyes were filled with panic, I can almost taste it.
"Ha? Sa Country Club, magsiswimming!" Sabi ko at umirap.
Hindi ko siya narinig na sumagot sa sinabi ko ngunit nang makalabas ako ay lumabas din siya. Patungo na ako sa kalsada at luminga na para sa van. Gabi na at nasa taas na ang buwan at ang mga bituin. This is a perfect time for a night swimming!
Umilaw ang kung anong nasa likod ko at bago ko pa maharap iyon ay bumusina na ang Benz ni Brandon. Dumaan ito sa gilid ko. Kumunot ang noo ko sa kanya. Nakababa ang kanyang salamin at bugnot ang kanyang mukha.
"Get in my car." Utos niya, hindi ako tinitingnan.
"Oh? Bakit? Sasama ka?" Umirap ako.
Habang naglalakad ako sa kalsada at naghahanap na maliligaw na van ay sumusunod ang kanyang Benz sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang di siya nililingon.
Nang may namataan ako na van ay nataranta ako at pinara kaagad iyon. Dalawang beses niyang pinakisap ang ilaw ng kanyang sasakyan at tumulin ang takbo ng van na pinapara ko.
"What the?" Sabi ko nang nilagpasan ako.
Nilingon ko si Brandon para pagbuntungan ngunit nang makita kong mas galit pa siya sa akin ay hindi ko nagawa. Pinaharurot niya ang kanyang Benz sa harap ko at tinigil. Bago pa ako makatakbo palayo ay mabilis na siyang tumakbo patungo sa akin at binitbit niya ako.
Sinampal sampal ko ang braso niya habang ginagawa iyon. High pitch screams went out of my mouth.
"Pasalamat ka nga at pinapayagan pa kitang mag swimming! Just get in my goddamn car!" Sabi niya at sinalampak ako sa kanyang sasakyan habang sinasampal sampal ko siya at umiilag naman siya.
"I didn't need your permission, anyway!" Sigaw ko sa kanya habang tinatali niya ako sa seatbelt.
Mabilis siyang umikot. Bago pa ako makawala ay naroon na siya sa driver's seat at pinapaandar na ang sasakyan niya. Sumigaw ako pagkatapos ay sinampal sampal ulit ang braso niya. Umilag lamang siya.
"Ano ba!? Mababangga tayo! And hell yes, you need my permission! You are living under my roof. You'll live by my terms!"
Natigil ako sa sinabi niya. I suddenly remembered why I am here. I am here to make amends. I am here because I asked Madame Diana. I won't fail her. Kaya lang ay simula yata nong unang gabi ko at sa mga sumunod pang gabi, tuwing tinatanggihan ako ni Brandon, nanghihina ang loob ko at lumulihis ang isip ko.
"I just want to take a break, alright? I... I've been trying my best these past few days and I want to take a break from all of it! Kaya pwede ba?" Words escaped my mouth before I could stop them.
Nilingon niya ako. Sinasalamin ng kanyang mga mata ang ilaw sa kalsada. Hindi siya umimik at hindi ko alam kung dahil ba wala siyang maisagot sa mga sinabi ko. I suddenly felt stupid. That was one hell of a move from me. Nilunok ko yata pati ang baga ko para lang masabi iyon at wala lang siyang sasabihin?
Pagkarating sa Country Club, dumiretso agad ako sa loob. Haharangan na sana ako ng security guard, siguro para tingnan kung naka book ba ako o member ba ako ng buong Highlands pero nang makita niya si Brandon ay kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko makapasok lamang ako.
"Do you want-" Sinalubong pa ako ng menu para lang itago iyon nang makita si Brandon sa likod ko.
Nilapag ko kaagad ang bag ko sa lounger at pinasadahan ng tingin ang buong swimming pool. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Brandon na pababa sa hagdan at patungo na rin sa kinatatayuan ko.
"You don't have to be here! Makakauwi naman ako ng mag isa." Sabi ko nang di siya tinitignan.
Tinali ko ang buhok ko at pinasadahan ng tingin ang buong swimming pool. May iilang mga turistang naroon. Simula sa ilang artista, foreigners, at iba pa. Tantya ko ay nasa mga 15 ka tao ang nag si-swimming at may grupo pa ng isang artista na may kasamang lima pang lalaki na nang dumating ako ay tumingin sa akin.
Wala masyadong babae kaya pagdating ko ay gulat sila. Boys.
Napatalon ako nang pinasadahan ni Brandon ng haplos ang aking baywang. Nilingon ko siya at namumungay ang kanyang mga mata.
"What are you doing?" Tanong ko, nililingon ang mga lalaking napapatingin sa aming dalawa.
Idiniin niya ang katawan ko sa mainit niyang katawan. Laking pasasalamat ko na hindi ko pa naisipang maghubad para mag bikini, kung hindi ay manginginig ako ng husto. Ang nipis na tela ng v neck white shirt ko ay mas lalong numipis sa pagkakahawak niya sa baywang ko.
Inamoy niya ang leeg ko dahilan kung bakit umaatikabo na sa init ang mukha ko. Gusto ko siyang itulak pero dahil sa gulat ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. He breathed on my neck like his life depended on it.
Nilapat ko ang palad ko sa kanyang matigas na dibdib para itulak siya kahit nawalan ako ng lakas.
Namataan ko ang pag iling ng mga lalaking nasa pool at ang pag iwas nila ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko at nalaman agad ang ginagawa ni Brandon. Kaya nabigyan ko ng lakas ang nanghihina kong kamay at tinulak ko siya.
Mapupungay at galit ang kanyang mga mata nang napaatras siya sa tulak ko. Nasa ere ang kamay niya, lutang galing sa pagkakahawak sa baywang ko.
"Now you can swim," aniya.
Wala nang mapaglagyan ang galit ko. Ang lakas ng loob niyang ipakita sa ibang tao na kanya ako sa gitna ng pag aayaw niya sa akin?
Umiling ako. He really was a jerk and I don't know what I'm doing here. Yes, he saved my life. But I'm sorry, Aurora, but the man who unfortunately saved your life is a big, big asshole.
Pagkatapos kong magbihis sa bathroom ay dumiretso na ako sa swimming pool. He was just there, on the table near my bag. Naka upo siya at tila lawin ang mga mata kung makatingin sa akin.
Nilangoy ko ang frustration na dumaloy sa aking dugo. I just don't get him at all. Hindi ko alam kung bakit inilalayo niya ang sarili niya sa akin at tuwing lumalayo ako ay hinihila niya ako pabalik. What is he playing? Is this a game?
Ilang sandali akong sumisid at nagpakalayo sa kanyang mesa. Nanatili ako sa isang sulok kung saan may kulay dilaw na ilaw sa ilalim ng pool. Tinitingnan ko ang lumulutang kong mga paa at ang kulay puting bikini na tanging suot ko sa pag sw-swimming.
Nag angat ako ng tingin at nakita kong tumayo si Brandon sa malayo at nagsimulang maglakad, palapit sa kung saan ako malapit sa swimming pool. Determinado siyang bantayan ako, para saan? To claim that he owns me? Then, bakit siya umiiwas sa akin?
May sinenyas siya sa isang empleyado ng Country Club bago siya binigyan ng kulay royal blue na tuwalya. Now that I remember, wala nga pala akong dalang tuwalya! Nakalapit siya sa akin, nasa likod ko at nilalahad ang tuwalya.
Pinagtitinginan na kami ng iilang mga turistang kakarating lang yata roon, pati na rin ng ilang nag si-swimming.
Lumuhod siya para lumebel kahit konti ang paningin namin. "That's enough. Sisipunin ka na. Masyado nang malamig." Sabay lahad niya sa kanyang kamay, umiigting ang panga na para bang alam niyang mapapaso siya pero ginagawa niya parin.
Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Hinila niya ako at inangat ko rin ang sarili ko. Bago pa tuluyang kainin ng lamig ang aking katawan ay binalot niya na ako sa makapal na tuwalya. Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit hindi niya ako tiningnan pabalik.
"Let's go." Sabi ko.
"That was quick. I want to swim some more." Sabi ko, hinuhuli ang mga mata niyag ayaw paring tumingin sa akin.
"Bukas mo na ipagpatuloy. Maaga tayo bukas, we have a trip to Palawan." Sabay pamulsa niya at lakad palayo.
"Palawan?" Gulat kong tanong. What trip is this? I don't remember this in his schedule. "May mga meetings ka bukas, hindi ba?"
"Cancel it all. May kasal tayong dadaluhan."
"Kasal?" Tumakbo ako ng bahagya para maabutan siya. Nakapulupot pa iyong kulay royal blue na tuwalya sa aking katawan.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Don't bring that damn white bikini. Pinagbigyan lang kita ngayon. Rest assured there will be no chance for you to pull that white bikini stint again." naglakad siyang muli.
Umiling ako, iritado sa pagiging possessive niya pagkatapos ng mga ginawa niyang pambabalewala sa akin.
Pagkatapos kong magbihis at makasakay ulit sa kanyang sasakyan ay binigyan niya ako ng invitation sa isang eksklusibong kasal sa isang isla sa Palawan. Ito ang pupuntahan namin.
"Ikakasal na ang pinsan mo?" Tanong ko nang nasa likod na kami ng pintuan at sinasarado niya na iyon. "Sinong mga dadalo."
Nagkibit balikat siya at hindi man lang ako tiningnan nang dumiretso siya sa kanyang kwarto. "We'll know tomorrow. Good night." Sabi niya at sinarado ang pintuan ng kanyang kwarto.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Ang suplado!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro