Kabanata 4
Kabanata 4
Gentleman
"Naku, pasensya ka na." Hiyang hiya kong sinabi nang siya na mismo ang kumuha sa luggage ko at inakyat doon sa isang dorm na katapat ng iilang villas.
Umiigting ang kanyang muscles sa braso dahil sa pagbubuhat ng aking luggage.
"No problem." Kumindat siya at pumasok kaming dalawa sa dorm.
Iginala ko ang paningin ko sa malinis at simpleng dorm nila. Puti ang dingding at tama ang lighting ng paligid. Sa bawat silid ay may hanggang dalawa o apat na pwedeng tumira doon.
"'Yong pinalitan mong manager ay nag migrate. He's alone in his room. Madalas kasi ng employees namin dito ay babae kaya payag silang nasa isang room lang sila samantalang iyong manager na pinalitan mo ay mag isa sa isang room." Tumigil siya sa tapat ng room na may isang double deck na bed.
Malinis rin ang loob. Pumasok ako at pinuna na puti ang lahat ng muwebles dito. I like it all kahit simple lang at malayo sa kwarto ko sa condo o di kaya ay sa Cebu.
"Do you like it here?" Tanong niya, nasa likod ko.
Nilingon ko kaagad siya. "Yes." Ngiti ko. "Thank you."
Nilagay niya ang bagahe ko doon at yumuko siya ng bahagya na para bang pinepresenta ang lugar.
"My pleasure." Umayos siya sa pagkakatayo. "Then, I'll leave you for now. Bumalik ka na lang sa Clubhouse nang sa ganon ay makausap mo si Mr. Romualdo tungkol sa sweldo mo. You can start now." Tinagilid ni Brandon ang kanyang ulo.
There's something about his perfect jaw, blue green eyes, and perfect nose... it all makes him more manly. At hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili nong ingratang kabit ni daddy ang daddy ko imbes na ang lalaking ito sa harap ko. If they were friends, then I am pretty sure she's considered him a prospect.
"You look mad. Are you mad at me?" Natatawa niyang sinabi.
Pinilig ko ang ulo ko at pinutol ang linya ng pag iisip. "No. Naninibago lang ako sa lugar. I wonder if I can do this." Kibit balikat ko.
"You can. I'm sure your internships at Enderun were excellent. Mabuti nga at dito ka napunta imbes na mangibang bansa." He smiled.
"Iniisip ko rin namang mag abroad. No offense, ah? But it's an honor to be here. High end ang club na ito at may panama sa mga five star hotel sa abroad. Lahat ng internship ko ay ginanap sa abroad kaya ngayon gusto kong ma experience ang hotels sa Pilipinas. Hoping that one day, I'll build my own chain of hotels." Pang beauty queen na sagot, Avon! Of course that was half meant.
"Oh that's cool. Hoping to see you in the field one day." Humalukipkip siya. "Miss Manilena."
Tumawa ako at nilagay ang takas na buhok sa aking tainga. If he's flirting with me then I will flirt with him too. If that's what it takes! "Oh don't call me that! I'm not from Manila, anyway. Taga Cebu ako."
Kita ang gulat sa kanyang mga mata. "Why you act like your a big city girl. But I'm sure you are." Tiningnan niya ang sulat ko at binasa ang pangalan ko ng buo. "Miss Aurora Veronica R. Pascual." Bahagyang kumunot ang noo niya bago nag angat ng tingin sa akin.
Tumawa ako. "Just call me A or Avon. 'Yan ang tawag ng mga friends ko sa akin."
Tumango siya at bahagyang umatras. "Well then... See you around." Ngumiti siya at tinalikuran ako.
Pinagmasdan ko ang pag alis niya at ang pag bati ng iilang empleyado sa kanya bago ko sinarado ang pintuan ng kwarto.
"Now, I'm going to plan." Sabi ko at binuksan ang luggage ko para ilagay ang mga damit sa cabinet at ang iilang mga beauty products na gamit ko sa may tukador.
Tinawagan ko si Adrian at binigyan ko ang sarili ko ng isang oras para ayusin ang lahat ng ito, maligo, mag ayos, at bumalik sa Clubhouse para mag inquire sa sweldo, sa uniform, at sa kung anu ano pang bagay patungkol sa employment ko dito.
"Anong mga damit ba ang dala mo? Ipapadala ko ba sa'yo 'yong mga itim na dress na madalas kong gustong suot mo sa mga party? What if there's a party there? You will need those things to seduce that boss of yours." Ani Adrian.
"I am not going to seduce him if I can help it, Adrian. Kung kaya ko naman siyang kausapin tungkol sa mga kaibigan niya nang hindi ko siya nabibilog ay edi mabuti." Sabi ko habang kinukuha ang tuwalya at ang paborito kong mamahaling shower gel.
Ni loud speaker ko ang cellphone ko at binuksan ang shower. Habang naliligo ay nag uusap kami ni Adrian sa cellphone.
"Avon! You never had a boyfriend. Kung meron man ay iyon iyong high school ka pa at puppy love lang iyon. Do you think you can do this? Patibong iyan. Sigurado ka bang hindi ikaw ang mabibitag sa sarili mong patibong?" Adrian asked.
"Adrian, I'm not here to fall in love. i'm here for the information. I tried to fall in love so many times and I failed big time. Naisip kong hindi para sa akin ang pag ibig. Baka pu pwedeng tayong dalawa na lang sa huli." Natawa ako sa sariling sinabi.
"Shut up!" Iritado niyang sinabi.
"Yes. If you want to maintain that image of yours, bilang straight, you will need to find a girlfriend soon. No Adonis of your age is single! Let's say you are a playboy-"
"Bakit sa akin napunta ang usapan? Ay ewan ko sayo. Mag g-gym lang ako. I'll call Jessica right now. Call me later? Maybe after work." Aniya at pinatay ang tawag.
Tinapos ko ang pag sha shower at nagmadali na sa pagbibihis. Hindi ko alam kung anong isusuot ko kaya lumabas muna ako ng naka jeans. Pumunta ako sa may counter sa tanggapan ng dorm at nagtanong sa uniporme. May mga bagong tahi silang itim na corporate attire pero babayaran iyon ng mahal. Bumili ako ng dalawa at hindi na ininda ang presyo.
"Ma'am, slacks ba o pencil skirt?" Tanong ng babae.
"I'd like the pencil cut skirt, please." Sabi ko.
'Yong pinakamaliit na size ang nakuha ko. Isinuot ko kaagad iyon at lumabas na ng dorm. Nagtanong ako kanina kung paano babalik ng clubhouse at ang sabi ay may mga van naman tulad ng sumundo sa akin sa entrance na paikot ikot. Sasakay na lang ako doon kasama ang mga turista at magpapa drop sa Clubhouse. Iyon ang ginawa ko.
Nang nakarating sa Clubhouse ay luminga ulit ako. Hindi para tingnan ang tanawin kundi para hanapin si Mr. Rockwell na wala na roon. Si Mr. Romualdo ang sumalubong sa akin. Isang matangkad at matipunong lalaki na unang tingin pa lang ay alam kong kasapi sa federasyon. Lubak lubak ang kanyang mukha at nagawa pa akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Bumili ka ng uniporme?" Tanong niya, bilang paunang bati.
"Yes, sir. By the way, I'm Aurora Veronica R. Pascual. Nandito ako kanina. Kakausapin sana kita pero abala ka." Naglahad ako ng kamay.
Naglahad rin siya ng kamay sa akin at nagtaas ng kilay. Not good. "Pwede ka ng magsimula. Siguro naman ay alam mo na ang mga gagawin mo. Utusan mo lang ang mga empleyado. Iyan si Ria sa hall ng Clubhouse. Si Jose isa sa mga waiter." Turo niya sa nag mo-mop ng sahig.
"Magandang tanghali, ma'am." Sabi ng isang binatang mas bata sa akin ng konti, iyong si Jose.
Tumango ako.
"Ikaw na ang bahalang makitungo. Brandon trusts your expertise." Aniya.
Pagkabanggit ng pangalan ay halos napatalon ako. "Asan po si Mr. Rockwell, sir?"
Nanliit ang mata niya sa akin. I didn't mean to sound nosy.
"Gusto ko lang sanang magpasalamat sa pag hatid niya sa akin kanina sa dorm at sa pag o-orient na rin sa akin." Bawi ko.
"Kung wala sa kanyang Villa o sa buong Highlands ay malamang nasa Maynila. Sige na at tingnan mo ang opisina mo. Pasok ka sa hall tapos may pinto riyan, pumasok ka at iyan ang opisina mo. Review all the papers nang ma orient ka rin doon. Baguhin mo ang password ng computer at tingnan mo nang mareview mo kung paano ginagawa ng mga dating manager dito. Siya..." Aniya at iniwan ako.
Tumango ako at isang beses pang pinasadahan ng tingin ang buong clubhouse na may iba't ibang tao. Nakipag usap muna ako kay Ria tungkol sa mga madalas na mangyari sa clubhouse bago ako nagbabad sa loob ng opisina.
Nireview ko ang sales at kung anu-ano pa doon. Iyong mga narratives at marami pang ibang naka saad sa computer. Nireview ko rin ang personnel at nakita ko nga roon na ang Presidente ng highlands resort ay mommy ni Brandon Rockwell. Marami silang foreign investors at kabilang pa rito ang Del Fierro group.
Brandon Walter Del Fierro Rockwell.
That explains the abundance of foreign blood in his features. Kilala ang mga Del Fierro na isa sa pinaka sikat na pamilya sa business industry. We are not into business but my friends in Manila are. I'm sure Adrian can get me more information about him.
Bukod doon sa iilang facts na mababaw tungkol kay Brandon ay wala na akong nakuhang impormasyon. Damn it! He's twenty four and all the other unnecessary facts about him.
Nang nag gabi ay kumain ako doon sa opisina ko sa luto sa Clubhouse. Walang Brandon Rockwell na nagpakita. Kinusot ko ang mata ko at nalamang hanggang closing pala ang duty ko rito. Hindi ko naman pala kailangang maagang pumunta. Pero alas nuwebe ang closing sa gabi kahit na bente kwatro oras naman ang bar ng Clubhouse.
Pagod akong sumalampak sa aking higaan at agad nakatulog. Ni hindi ko nasagot ang tawag ni Adrian sa pagod.
"This is useless!" Giit ko sa aking frustration nang dumating ang pang limang araw ko at wala kahit anino ni Brandon ang nakita ko sa buong Highlands.
"Chill! He's in Manila! May photoshoot siya kahapon. Kasama ko at ng iba pang modelo. Kaya siguro wala siya diyan."
"God, Adrian! It's been 5 fucking days na wala siya dito! Huwag mo sabihing ganon siya ka in demand para araw araw ay may photoshoot siya?" Sarkastiko kong sinabi.
"Sino ba kasi ang pumilit sayo na diyan na magtrabaho? Umuwi ka na lang dito at sampalin mo na lang iyong babae ng daddy mo pag nagkita kayo." Natatawang sinabi ni Adrian.
"Pano ko siya masasampal kung hindi ko siya nahahagilap, aber? Anyway, I called dad yesterday and I told him na pupunta akong Cavite. Sinabi niya sa aking nasa Manila siya at maraming inaasikaso!" Iritado kong sinabi.
Yes. Iwasan ko man na magtanim ng galit kay daddy ay hindi ko magawa. Kailan siya magpapakita ulit sa akin? Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. When I asked him when can we meet again o kailan siya uuwi ng Cebu ay wala siyang maisagot! Ang sinabi niya ay nasa peak na sila ng kasong tinatapos niya at pagkatapos non ay magkikita kami. No exact date! Fuck!
"Calm down, okay? Magtatanong ako sa mga kaibigan ko tungkol kay Brandon. Baka kilala din nila iyong babae." Sabi ni Adrian.
Desperadang desperada na ako. Sa pang anim na araw ay pinatawag ako ni Mr. Romualdo sa kanyang opisina.
"As you can see, Miss Pascual, tumataas ang rates dahil summer ngayon. Aasahan namin na mas dadami ang mga turista sa susunod na linggo. Especially that the Del Fierro's invited a bunch of investors. Gusto ko ng mas mahigpit na seguridad, disiplina, magandang feedback sa mga empleyado, mas maligayang mga mukha, at walang kapintasan na Clubhouse."
Nang sabihin iyon ni Mr. Romualdo ay naisip ko kaagad ang presensya ni Brandon. Pupunta kaya iyon dito? Kung alam ko lang na hindi siya namamalagi dito ay hindi na ako nag desisyon na maging manager dito. Fucking bad idea.
May isang foreigner na nagrereklamo tungkol sa pagsayad ng mop na ginagamit ni Jose sa kanyang paa. Nandiri siya kaya gusto niyang sibakin si Jose sa trabaho.
"I am the manager, Sir. I'm pretty sure I'll do something about it." Kalmado kong sinabi kahit na kanina pa ako pinipilit at sinisigawan ng foreigner na ito.
"Do your work properly, boy! Or I'll shove that mop to your fucking face!" Sigaw niya sa tumatalon sa gulat na si Jose. Kawawang bata.
"Jose, pasok ka muna sa kitchen. Hayaan mo si Jay mag wait." Sabay muwestra ko kay Jose sa loob. Mukha siyang maiiyak.
Umupo na pabalik sa kanyang lamesa ang foreigner pero may mga sinasabi parin siyang mura.
"Jay..." Tawag ko sa isa pang waiter. "Bigyan mo ng free drink 'yong foreigner." Sabi ko.
"Ma'am, natatakot ako." Nagkamot ng ulo ang payatot na waiter na kasing edad lang din ni Jose.
"Sasamahan kita." Sabi ko.
Abala kami sa konting mga issue sa clubhouse. Hanggang sa sumunod na araw. Napansin ko ang pagiging alerto ng mga guard. Nakatingin sa akin si Kuya Roy, iyong guard at sinisenyasan niya ako na dumating na iyong mga bisitang aming hinihintay.
Naka all red at itim na Louboutins ang naunang nakilala ko bilang mommy ni Brandon. Nakangiti siya sa dalawang kasamang matatandang babae na may naglalakihang mga sumbrero. Sa likod nila ay dalawa pang naka coat and tie na lalaki na mukhang parehong importante.
Sumalida kaagad si Mr. Romualdo sa kanilang gilid. Tinampal ng bahagya ni Madame Diana Rockwell ang kanyang braso dahil siguro sa biro. Mabilis namang pumasok si Brandon sa Clubhouse. Naka coat and tie at naka pony tail ang buhok. Oh shit! Eto siya! Huminga ako ng malalim at dumiretso sa kanilang lamesa pagkatapos senyasan si Jose na kumuha ng maiinom para sa mga bisita.
Naramdaman ko ang pag angat ng tingin ni Brandon sa akin nang nagsalita ako.
"Hi! I'm Aurora Veronica Pascual or A for short. I'm the new manager. Finally, we meet Madame Diana Rockwell." Sabi ko at naglahad ng kamay sa mommy ni Brandon.
Palangiti at mestiza ang kanyang mommy. Nakatitig siya sa akin nang tinanggap ang kamay ko. "Nice meeting you. This is my first time being greeted by the manager. Iyong pinalitan mo ay mahiyaing lalaki." Aniya.
"Mahiyain din naman po ako, madame. I'm just really thrilled. Gusto ko po kasi talaga ang Highlands and to finally meet the President? It's an honor to me." Ngiti ko at pinasadahan ng tingin ang mga taong kasama niya.
"These are my friends, Miss A." Aniya at habang sinasabi ang bawat pangalan ay tinuon ko ang atensyon ko kay Brandon na tinitingnan ang lemonade na nilalapag ni Jose. "And of course, my Son, Brandon." Aniya sabay tingin kay Brandon.
"Nagkakilala na po kami. You have such a gentleman son, Madame Diana. Hinatid niya po ako sa dorm pagkarating ko dito."
Ngumiti si Mrs. Diana Rockwell kay Brandon. Ngumiti lang ako sa kanyang mga bisita.
"Anyway, I'm talking too much. Enjoy your stay po." Ngiti ko at tinalikuran silang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro