Kabanata 36
Kabanata 36
Stunned
Humihikbi pa si Arielle nang nilagpasan ko silang dalawa ni Brandon. Nakahawak si Brandon sa balikat ni Arielle para suportahan siya sa kanyang pag tayo. Nanatiling nakaigting ang kanyang panga habang pinapanood akong nagmartsa paalis doon. I'm not in the mood anymore.
Sa bukana ng bar ay nakita ko ang boyfriend ni Arielle, iyong kalbo at medyo maskuladong lalaki na tumitingin sa akin. Siguro ay hinahanap niya ang kanyang girlfriend na ngayon ay paniguradong nasa kandungan ni Brandon. I don't give a shit!
Kung narinig man ni Brandon lahat ng sinabi ko at nasaktan siya roon kaya siya galit sa akin ay wala na akong pakealam. Why would he divulge those information to Arielle? Isa lang ang dahilan, magkakampi sila. At wala akong panahon sa mga taong kumakampi kay Arielle. Not because I'm bitter or I don't like her, but because I don't know why they are protecting that plastic piece of shit. Anong klaseng mga tao ba ang pumuprotekta sa isang taong ganon ka sahol ang pag uugali?
"Oh yeah!?" Sigaw ng isang lalaking nasa bar at may tinulak siyang isa pang lalaking naroon.
Wala akong panahong makiusyoso dahil gusto ko nang lumabas roon at dumiretso sa parking lot. Di pa ako nag papaalam kay Anton at Jessica o sa kahit sinong kaibigan ko pero ititext ko na lang sila. Wala ring susundo sa akin kaya aasa ako sa taxing pwedeng tawagin ng guard doon sa parking lot o sa pagsunod ni Jessica sa akin.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bag para makapag text, tuloy tuloy parin ang lakad ko. Dumami ang tao dahil sa gulong nasa gilid ko.
"Kung ikaw ang suntukin ko, ha-" Natigil ang sumisigaw doon dahil sinaway ng mga bouncer.
Sumikip lalo ang daanan dahil gulo pero napunta naman ako sa mismong double doors para makalabas. Narinig ko ang tawag ni Brandon sa gitna ng maingay na mga tao pero binalewala ko iyon at umirap ako sa ere.
Isang beses kong sinulyapan ang mga nag aaway bago ako tuluyang nakalabas sa bar. Nakita kong ang lalaking lasing at may pulang labi na mas bata sa akin ng ilang taon ay nakatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata habang tinuturo ako ng isa niyang kaibigan.
Bago ko pa masundan ang nangyari ay nakapasok na ako sa elevator at nag request na na ibaba ako sa Basement habang tumatawag ako kay Jessica.
Nag ri-ring lamang ang cellphone ni Jessica. Siguro ay abala sila sa pagsasayaw ni Anton. Binaba ko ang tawag at nag text ako sa kanya.
Ako:
Jess, uwi na ako. Nasa basement ako. Call me the moment you receive this. Magpapatawag ako ng taxi sa guard para makaalis na.
Tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na ako sa basement ng building. Pagkalabas ko ay narinig ko ring tumunog ang kabilang elevator at nagbukas.
Napatingin ako sa tatlong lalaking lumabas. Kasama roon ang naka itim at mas bata sa aking basagulero kanina sa loob ng bar. Silang tatlo ay nakatingin sa akin ngunit iyong bata ang mas galit na tumitig sa akin.
Nagtaas ako ng kilay sa kanila at binaba ko ang cellphone ko. Anong tinitingintingin nila sa akin?
Bumaling ako sa malayong opisina ng guards at sa isang guard na nag chicheck ng mga sasakyan, nasa malayong dako ng parking lot.
"Pascual, huh." Tumawa iyong lalaki at hinarangan ako sa daanan ko.
Tumigil ako sa paglalakad at tinagilid ko ang ulo ko. "Do I know you?"
Nasa likod niya ang dalawang mayayabang at taas noong lalaki habang tinitingnan ako na para bang namamaliit. Luminga ako sa kanila at parehong pinag taasan sila ng kilay.
"Are you three a stalker or what?"
Bago ko pa matapos ang sinabi ko ay mariin na akong hinawakan nong lalaki sa braso. Halos bumaon ang kanyang mga daliri sa aking braso.
"Ouch! You're hurting me!" Sigaw ko, gulat.
Nanlalaki ang mata niya nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nag aalab ng galit at naghihimutok sa kung anong kasalanan ko. "Kung hindi makaganti ang ama ko sa 'yong ama, ako ang gaganti para sa kanya!" Sigaw nong lalaki sabay tulak sa akin.
Sa lakas ng pagkakatulak niya ay napaatras ako ng ilang hakbang at nadapa pa dahil sa pagkakatalisod. Ininda ko ang sakit ng balakang ko sa nangyari. Nag init agad ang iritasyon ko sa mga lalaking ito. Tumayo ako. Lumapit naman sila, natatawa.
"Kita mo nga naman, oo. Ang hina hina pala ng anak nong nagpakulong sa daddy ko." Iling niya.
"Who are you? At anong nagpakulong sa daddy mo?"
Habang nagtatanong ako ay bumuhos sa aking utak ang alaala ng bagong panalo ni daddy na kaso doon sa senador na iyon. Senator Tonton Zuniga. If I remember his face correctly, this boy in front of me resembles him so much. This most be his son!
Tumawa ulit siya, nililingon ang natatawa niya ring mga kasama. Umatras ako at nag isip kung paano sila matatakasan. Tatakbo ako, mahihirapan ako sa heels na suot. Sisigaw ako? Ano?
"Sa mukha mo ngayon, alam kong alam mo na kung sino ako. Huh?" Sigaw niya at nahagip niyang muli ang braso ko.
"Bitiwan mo ako kung ayaw mong pati ikaw ay makulong!" Sigaw ko.
"And what can you do, Pascual? Sinira ng daddy mo ang pamilya namin! Ang buhay namin!" Sigaw niya.
"Nanira rin ng buhay ng ibang tao ang ama mo. Kung sana ay hindi siya nanira ng buhay ng iba, hindi rin masisira ang buhay ninyo!" Sigaw ko ngunit mariin niyang hinawakan sa isang kamay ang magkabilang pisngi ko dahilan kung bakit natigil ako sa pagsasalita.
"You shut up, bitch!" Sigaw niya.
Patalon talon na ang puso ko sa kaba na baka anong gawin niya sa akin. Pumiglas ako at sinubukang manlaban kahit na ang dalawang kaibigan niya ay lumapit na rin para hawakan ang mga braso ko.
"Bitiw-" Di ko matapos ang sinasabi ko dahil sa pagkakahawak niya sa aking pisngi.
Patuloy akong nagpumiglas habang hinihila nila ako patungo sa isang itim na van. Lahat ng lakas ko ay ginamit ko na at wala na akong pakealam kung matalisod man ako, magkanda sugat sugat o masira ang lahat sa akin, ang importante ay makawala ako sa kanila.
Naitulak ko ang isa dahilan kung bakit medyo kumalas ang anak ng senador. Sinipa ko ang kanyang pagkalalaki dahilan kung bakit siya napayuko at napadaing sa sakit. Hinila ko ang braso ko sa lalaking natitirang nakahawak at halos mabali ang buto ko sa pagkakahila ko para lang makatakbo.
"Help!" Sigaw ko habang nagkukumahog na tumakbo kahit na alam kong mabagal ako sa pagkakataranta at sa heels ko.
Tumunog ang elevator dahilan kung bakit nilingon ko iyon at naabutan nong isang lalaki at nahawakang muli.
"Hel-" Hindi na ako natapos dahil nilagay niya ang kanyang palad sa aking bibig at halos di na ako makahinga dahil doon.
"Avon!" Langit nang marinig ko ang boses ni Brandon sa kung saan.
Hindi ko nakita kung sino ang lumabas sa elevator ngunit maaring siya nga iyon. Sinundan niya ako dito. Kahit na galit ako sa kanya ay hindi ko maiwasang magpasalamat sa mga langit dahil sa pag dating niya.
"Wag ka nang makisali dito!" Sigaw nong anak ng senador kay Brandon.
"Are you fucking kidding me?" Sigaw pabalik ni Brandon at sinuntok niya ang lalaki dahilan kung bakit tumilapon ito sa sahig.
Kumalas ang palad ng lalaking nakahawak sa aking bibig dahilan kung bakit ako napasigaw.
"Help!" Sigaw ko habang tinatanaw si Brandon na nakikipag away sa kaibigan nong anak ng senador.
Kakatumba lang nong kaibigan ay papatayo naman iyong anak at umamba ng suntok kay Brandon. Tumama iyon sa kanyang mukha ngunit agad siyang nakabawi sa pagsuntok niya rin pabalik rito.
Tinapon ako ng lalaking may hawak sa akin dahilan kung bakit tumama ang tuhod ko sa gutter at napasigaw ako sa sakit.
"Avon..." Nilingon ako ni Brandon dahilan kung bakit nasuntok siya nong lalaking may hawak sa akin kanina.
"Brandon!" Sigaw ko at pinilit na tumayo kahit na alam ko sa sarili kong wala rin naman akong magagawa kung lapitan ko siya. "Tulong!" Sigaw ko, halos mapaos na.
"Butch!" Tawag ng lalaking tumihaya pagkatapos suntukin ni Brandon. May dugo sa gilid ng labi ni Brandon pero nagawa niya paring itumba ang dalawang lalaki.
"Avon..." Nilingon niya ako, nag aalala ang mga mata ngunit may bahid paring pag aalinlangan sa akin.
NIlapitan niya ako para patayuin ngunit napatili ako nang nakita ko iyong anak ng senador sa likod niya na may hawak na patalim at agad siyang sinaksak galing sa likod.
"Hoy! Hoy! Tara na!" Sigaw nong nakahandusay at pinilit na tumayo.
May pito akong narinig habang nanlalaki ang mata ko nang tiningnan si Brandon na unti unting bumagsak sa sahig kasabay ng mga dugong bumagsak na rin sa sahig na kinatayuan kanina.
Bagok ang ulo niya sa sahig dahil sa pagkakabagsak at parang tubig na kumalat ang dugo sa sahig. Umingay ang buong parking lot habang may humarurot na sasakyan. Tumayo ako, hindi na ininda ang sakit at pag ika ika mapunta lang kay Brandon na ngayon ay duguan na.
"Brandon!" Sabi ko kahit na nakadilat pa naman siya.
Hinawakan ko ang kanyang likod kung saan may patalim na nakadikit parin. Inangat ko ang kamay kong ngayon ay punong puno ng dugo.
"Anong nangyari?" Sigaw ng mga security guard na nagkakagulo galing sa malayong opisina.
Nanatili akong tulala habang tinitingnan ang kamay kong puno ng dugo. Tumunog ang elevator at ang tanging narinig ko ay ang mga yapak na nagmamadali at ang sigaw ni Arielle.
"Anong ginawa mo kay Brandon!? Oh my God!" Sigaw niya at dinaluhan si Brandon sa harap ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinagmasdan ko ang nag aalalang mukha ni Arielle. Sa likod niya ay iyong lalaking kalbo at iilang mga kaibigan niya na kung hindi gulat ay may tinatawagan naman sa kani kanilang mga cellphone.
And I was there, so stunned I couldn't even move to breathe.
Tumunog ang ambulansya galing kung saan. Kinarga nila si Brandon samantalang nanatili akong tulala, duguan ang mga palad. Hindi na ako pinansin ni Arielle, sumama siya sa ambulansya at nanatili ako doon sa kinatatayuan ko, pinapaulanan ng mga tanong ng security guard.
Tumunog ang elevator hudyat ng pagkababa nina Jessica at Anton at ilan pa sa mga kaibigan ko. Una nilang tiningnan ang kamay ko, ang dugong nagkalat, ang mga security guard bago ako niyakap ng mahigpit ng kaibigan ko at pinalibutan ng lahat.
Ilang oras akong tumagal sa security room ng buong building. Tulala ako at pawang katotohanan, walang labis o kulang ang bawat sagot ko sa kanilang mga tanong.
"Jeffrey Zuniga, anak ni Senator Tonton Zuniga, tama?" Tanong ng mga pulis sa sumaksak kay Brandon.
Sumuko sila sa mga pulis pagkatapos ng higit isang oras na pagtakas. Tapos na akong tinanong tungkol sa nangyari at hinihintay ko na lang ngayon ang mga order ng pulis kung makakauwi na ako.
"Aggravated assault. Dalawang beses ka nang nagkaroon ng kasong ganito, Mr. Zuniga. Under the influence of alcohol and cannabis."
Yuko lang ang ginawa ng Jeffrey Zuniga kasama ang dalawa niyang kaibigang naroon. Gusto ko siyang sigawan, paratangan, murahin at kung anu-ano pa pero wala akong lakas. Ang dugo ni Brandon sa aking palad ay halos matuyo na doon.
"Jess, I think we should go." Dinig kong sinabi ni Tyrone sa likod ko.
May dumantay na kamay sa aking balikat. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko si Tyrone.
"Let's go." Aniya.
"A, we should call tito." Sabi ni Jessica. "This will probably be published or something. He's the senator's son."
Umiling ako. Hindi makasagot.
May kausap ang chief ng mga pulis at kanina ko pa siya naririnig na nakikipagtalo. Hindi ito mababalita dahil ang mga Zuniga ay determinadong gawin itong lihim sa publiko lalo na't masama na ang tingin sa kanilang pamilya dahil sa kanilang ama.
I should call dad. I should get some protection. This boy should learn. He should suffer. Pero hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Miss Pascual, pwede ka nang umuwi. We issued a protection order, already." Sabi nong chief pagkatapos binaba ang cellphone.
Tumango ako at tumayo, wala sa sarili.
"Please, Miss Pascual." Nanginig ang boses ni Jeffrey Zuniga, nagsusumamo. "I'm sorry. I'm drunk and angry! My dad's in jail and my family's broken because of it. I'm sorry. I'm really sorry."
Blanko ang naging ekspresyon ko habang tinitingnan sila ng kanilang mga kaibigan. Ang kamay ni Jessica na lumapat sa braso ko ang dahilan kung bakit pumanhik na ako palabas doon.
"Let's wash your hands first." Nanginginig na sinabi ni Jessica sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro