Kabanata 35
Kabanata 35
I Have No Time
Hiyang hiya ako sa mga sinabi ni Madame Diana sa akin nong huli naming pagkikita. Hindi ko parin iyon makalimutan kahit na isang linggo na ang nagdaan.
"My flight's this afternoon, are you sure you'll be fine here?" Tanong ni daddy nang nagising ako at nakita ko ang mga gamit niyang nagkalat sa sala.
Natapos na ang kanyang kaso at tulad ng dati ay naipanalo niya ito. He received so many threats in his office at kahit ang firm namin sa Cebu ay naligo ng maraming threats dahil sa pagkapanalo ng kaso. Nevertheless, my relatives were proud of my father. The threats weren't new to them.
"Yup." Sabi ko humahalukipkip at pinapanood siyang nag liligpit ng gamit. How I wish he won't be back in Manila for a long time.
"I'll be in Cebu for maybe a couple of weeks. Pagkatapos ay dadalhin ko na ang mommy mo dito para bumisita kami sa tito mo." Pinanood niya ako sa likod ng kanyang mga salamin.
Tumango ako. He's coming back and Im sure he's still pushing his plan. Nag iwas ng tingin si daddy, nabasa yata ang nasa utak ko na tungkol kay Arielle.
"Though I'm not sure if your mom is ready to..." Hindi niya ipinagpatuloy ito pero alam ko ang karugtong.
Hindi na ako sumagot. Wala akong masasabing maganda kung sasagutin ko siya. Kinuha ko na lang ang ilang polo niyang nakalatag at nagsimula akong tupiin ito para mailagay sa maliit na maletang dala niya.
Ilang sandali ang nakalipas ay natapos na siya sa pagliligpit. Dumiretso na ako sa kusina para mag hanap ng makakain at nang makapag ayos na rin. May exam ako sa isang hotel ngayon bilang pinal na test para sa pagiging assistant manager ng buong hotel.
Nag aayos ako sa kwarto nang biglang kumatok si daddy para magpaalam.
"Take care, dad." Sabay halik ko sa kanyang pisngi.
"Take care, too." Bilin niya. "I love you, Av."
"I love you too." May mga tao lang talagang kahit gaano ka laki ang galit at pagtatampo mo, pag sinabi nilang mahal ka nila, talagang sasagutin mo iyon pabalik.
The test went well. Hindi ko nga lang sinabi kay Brandon na may ganoon ako sa araw na iyon dahil abala siya ngayon. Kahapon ay pumunta siyang Tagaytay sa Highlands para bisitahin iyon, bumalik din naman kaagad para makipagkita sa akin sa gabi at makapag dinner. Ngayon ay may iilang meeting siya kaya hindi ko na inabala.
"Thank you, Miss Pascual. We'll contact you if the results are favorable." Ngiti ng assistant HR doon.
"Thanks." Ngiti ko at bumaba na sa kanilang opisina.
Tumunog ang cellphone ko kaya bago ko maisuot ang aviators ay kinuha ko iyon at sinagot. It was Jessica. Wala sa sarili kong nilagay sa aking tainga at umalingawngaw ang tili niya sa kabilang linya. Nilayo ko ang aking cellphone.
"Jess!" Iritado kong sinabi.
"Oh my God, Avon!" Hindi siya magkandaugaga.
"What is it?" I can't help but worry. Tumigil ako sa paglalakad para lang marinig ang kanyang balita.
"I'm pregnant!" Sigaw niya.
Naka nganga lang ako habang pinoproseso ang kanyang sinabi. She's pregnant! Oh my God? "Oh my God!" Sigaw ko rin at tumalon.
"Night out! Sobrang saya ko at ni Anton! We're going to Gramercy tonight to celebrate!"
Ngumiwi ako. "Gramercy? And you're pregnant!? Nababaliw na ba si Anton?"
I can almost see her rolling her eyes. "Of course no alcohol for me. And no one's allowed to smoke! Please come! That's gonna be my last visit in a club for the next nine months! Please!" She said desperately.
Lumabas ako ng building habang nag iisip. This pregnant woman right here is desperate for a night out! She's going crazy! Pero shall I spoil her?
"Please, please, A." She called out again.
Umirap ako at pumara ng taxi. "Pupunta ako sa condo niyo, mag usap tayo." Tsaka binaba ko ang cellphone.
Nang nakarating ako ay hindi ako makapaniwala na kahit si Anton ay gustong pagbigyan ang kanyang asawa.
"Just as long as this is the last." Sabay halik niya sa pisngi nito.
Tumataba si Jessica at kahit na hindi ko pa makita ng husto ang baby bump niya ay kita sa mukha na may kakaiba sa kanya.
"Anyway, A, kahit di ka pumayag, nasabi na namin sa mga kaibigan natin. They're all going to celebrate it with me."
Umiling ulit ako at napangiti na lang. "Kung hindi ka lang buntis talaga... Naku! By the way, ilang weeks na 'yan?"
"Six weeks daw sabi ng doktor.
Hindi ko mapigilan si Jessica sa gusto niyang mangyari. Kaya imbes na talikuran siya bilang hindi pagsang ayon ay sumama na lang ako para mabantayan siya ng husto. Pagkatapos naming mag dinner sa isang mamahaling restaurant ay dumiretson na kami sa bar. Nagpaalam na rin ako kay Brandon at tumawag siyang nasa meeting siya ngayon. Kahit na ayaw niya ay wala rin naman siyang magagawa.
"For the newest member of our gang!" Sigaw ng mga kaibigan namin habang tinataas ang shotglass, ang kay Jessica ay orange juice na ibinigay ni Anton kanina.
"Yes!" Tawa ko at naki sali na rin.
Mariin akong pumikit nang sinakop ng likidong mapait ang aking lalamunan. Napapitlag naman ako nang nag hilahan ang iilan sa amin patungo sa dancefloor. Ang iba ay kontento na sa malaking sofa kung nasaan kami naka upo. May mga balloons na kulay silver silang winawagayway. Anton even showed up with some roses at may iilang mga kaibigan namin na nagdala ng cake para surpresahin si Jessica na gulat na gulat sa nangyari.
Tahimik akong nakangiti sa gilid habang pinapanood ang kaibigan na naluluha sa kagulat gulat na ginawa ni Anton. The electronic dance music filled my ears and the lights dimmed. Hindi ko na makita ang mga luha ni Jessica ngunit klaro pa sa paningin ko na niyakap siya ni Anton habang humihikbi siya. Nakangisi si Anton at nakikipag high five sa kanyang mga kaibigan, bilib na napaiyak niya ang kanyang asawa sa gabing iyon.
Umingay lalo sa bagong Dj na pumalit sa kanina. Lumalalim na rin kasi ang gabi at nagpapasahan na ng Henessy ang mga kaibigan ko. Ilan na ang nilagok ko habang tinitingnang maingat na kinarga ni Anton si Jessica sa kanyang balikat habang nagdadala ito ng maraming balloon na may kulay silver at mga zebra.
"Anton! Put her down!" Sigaw ko, nag aalala ngunit natatawa nang nakitang sobrang saya ng kaibigan ko habang pinipicturan siya.
Umiling na lamang ako at hinayaan. ilang sandali ang nakalipas ay tumili si Jessica nang may iilan pa kaming kaibigang dumating. Bumaling ako sa kanila, slightly expecting that Brandon's there but he was not with the new batch.
"Congrats, Anton!" Baritonong boses ang umalingawngaw nang nagtaas ng shot glass si Tyrone.
He's wearing a black longsleeve and dark pants. Bumaling siya sa akin at tinaas ng bahagya ang kanyang glass. Tumango ako at ngumiti.
Mas lalo lang kaming umingay at dumami. Ngunit nang lumagpas ang paningin ko sa mga kaibigan ko at nakita si Arielle sa bukana ng bar ay umupo ako ng maayos. She's here?
Busangot ang kanyang mukha at may kasama siyang iilang mga pamilyar na mga taong kasing edad ko. Sa kabilang malaking sofa sila umupo at agad silang nag order ng whiskey.
"Hey..." Naramdaman ko ang pag lapat ng balikat ni Tyrone sa aking balikat.
"Hi!" sabi ko, nawala ang tingin kay Arielle.
"How are you?" Tanong niya, nakangiti.
"I'm fine. Ikaw?" Kumuha ako ng shot glass at nilagok iyon.
Nagkamustahan lang kami ni Tyrone habang nag iinuman at pinapanood ang mga kaibigang nagkakatuwaan.
"Ang bilis ng panahon." sabay tingin niya kay Jessica.
"Oo nga. I still remember nong college tayo, away-bati pa ang dalawang 'yan." Nangingiti kong sinabi habang pinagmamasdan ang dalawa na malanding nagsasayaw sa maingay na music.
Ngumiti si Tyrone sa akin at tumitig. Uminit ang pisngi ko sa titig niya pero bago pa ako makapagsalita para bumasag sa aming katahimikan ay narinig ko na ang tawa ng isang babae. Nilingon ko si Arielle at nakita ko siyang nakangiti sa akin, tinitingnan si Tyrone. Sa gilid niya ay may isang lalaking maputi, malaki ang katawan at nakapulupot ang braso sa kanyang baywang.
"Hello, sister." Ngiti ni Arielle sa akin.
Ngumiwi ako. The word sister sent shivers down my spine. Tumayo ako at nagulat sa pagpapakita niyang bigla.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, nakita ang ngisi sa kanyang kasama.
"Partying, e ikaw?" Nagtaas siya ng kilay at napatingin sa kasama kong si Tyrone.
"Partying also." Umirap ako at uminom ng shot. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan kong kumukunot na ang noo at pinapanood ang kumakausap sa akin. "Excuse me." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
I'm not in the mood to bitch fit in front of my friends or to pull her hair off her head in front of Tyrone, no.
Mabilis akong naglakad palayo doon at patungong restroom. Ngunit hindi pa nakakalapit sa restroom ay narinig ko ang mga yapak ni Arielle sa likod ko. Bago pa siya makapag salita ay hinarap ko na siya. Iilang mga nag C-CR din ang dumaan sa aming gilid.
"What is it?" Humalukipkip ako at tumingin sa kanya.
Tinagilid niya ang kanyang ulo at dumaloy ang nakataling buhok sa kanyang balikat. "You're the reason why my dad is still confused. Ayaw niya akong dalhin sa Cebu dahil sayo." Mariin niyang sinabi.
Ngumisi ako, ito ang pinagpuputok ng butchi niya, huh? "You don't deserve our family. Hanggang dito ka lang. My mom's from Cebu, you're not his daughter kaya bakit ka pupunta don?"
Mas lalo lang nalukot ang kanyang mukha sa sinabi ko. "Dad loves me," iling niya at naramdaman ko ang panginginig ng kanyang boses. Sa paglapit niya ng bahagya sa akin ay naamoy ko ang alak.
"Oh! Walang nagsabing hindi ka niya mahal." Halos matawa ako.
Ngumiwi siya. "Sa oras na bumalik si daddy dito, hindi na siya makakabalik ng Cebu nang hindi ako kasama." Banta niya.
"Mom's with him pag balik niya dito. Make sure hindi maamoy ni mommy ang mabahong hasang mo para makasama ka pa ulit kay daddy."
Nakita ko ang mangiyak ngiyak niyang mukha. "Dad promised me. Wala kang magagawa don."
"Fine. Wala kang kalaban dito." Iling ko sabay ngisi.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinablot ang braso ko at hinarap akong muli. Kitang kita ko ang galit at poot sa kanyang mukha nang hinarap niya ako.
"You think Brandon would take you seriously?" Nagtaas siya ng kilay.
Nagulat ako sa biglaang tanong niya.
"He won't. Mahal ako ni Brandon at kung papipiliin siya sa ating dalawa ay ako at ako pa rin ang kanyang pipiliin."
"Oh?" Nagtaas din ako ng kilay. Binawi ko ang aking braso sa diin ng kanyang pagkakahawak.
"Don't be so cocky. You're just his past time. Ako ang pipiliin niya sa ating dalawa."
"You're pathetic." iling ko nang naramdaman na lasing siya at walang kwenta kung papatulan ko ang sinasabi niya.
Hinila niyang muli ako. "You think he's offering you to stay in his house because he wants you to live with him?"
Nanlaki ang mata ko. Ang insekyuridad na matagal ko nang inignora ay muling nag alab sa aking sistema. She got me there and I cannot deny it. Hindi ako agad nakapagsalita, may nagbabara sa lalamunan ko. That was supposedly our private moment. Why would he mention it to anyone? Lalo na kay Arielle?
Nakita niya ang gulat sa mga mata ko kaya napangiti siya. No... I won't give her that satisfaction. Over my dead body!
Tumawa siya. "I know, right? Alam ko lahat ng mga nangyayari because Brandon will always be honest with me. At ikaw? Kailangan ka niya para makuha ko ang gusto mo. He will always answer my whims, Avon."
Nagbabaga ang galit at poot sa aking damdamin. At the back of my mind, I saw Brandon's face when he told me to stay with him. Ang sakit na naramdaman ko ay walang kapantay. She was right. Brandon wants me to stay with him so she can stay with my family. Kita ko ang sakit sa mga mata niya nong sinabi niya sa akin iyon. Ang sakit nga ba na iyon ay para kay Arielle? He wanted Arielle to be happy.
Ngumiti ako kahit na nag iinit ang gilid ng aking mga mata sa luhang nagbabadyang tumulo. All those efforts, all those words were for Arielle's sake. I can't just conclude but then my insecurities swallowed that little hope for us. There was no us. It was Brandon and Arielle from the very start.
"Akala mo naisahan niyo ako? Hindi." Iling ko. "Alam ko ang mga plano ninyo. And you think Brandon made me his past time, I made him my past time." Mariin at marahan kong sinabi para klarong klaro sa kanya na sa larong ito, hindi ako ang naisahan. Na kahit na talong talo ako, hindi parin ako magpapakitang nasasaktan.
"You're madly in love with him. You're crazy in love with him. Hindi ba? Kawawa ka naman, Avon. Wala ka na ngang tatay, wala ka rin palang boyfriend. Hindi tatalikuran ni Brandon ang samahan naming kasing tagal na ng panahon." Ngisi niya.
Her words were like dagger thrown at me. Ang kaonting paniniwala ko kay Brandon ay unti unting natitibag dahil sa mga sinabi niya.
"Papayag ka, hindi ba? Papayag ka na tumira sa kanya kasi mahal mo na siya." Nanunuya niyang sinabi. "Kasi gusto mo rin iyon. He's turned you into his servant, Avon. You're answering his whims just so I can also have mine." Ngisi niya.
Tumawa ako at hindi na nagpapigil. Itinayo ko ang pride ko, siyang tanging kakampi ko sa lahat ng ito. "I turned him into my servant. He'll answer my whims, Arielle. At tingin mo titira ako kasama niya? Over my dead and decaying body, I am not meant to live in a servant's house, Arielle. I'm not that cheap. He'll kiss my feet and wait for my pat everytime we meet and that's the way I like it. I want him to worship me like that. At ang iniisip mo naman agad ay mahal ko siya? Hah!"
Ngumiwi si Arielle sa sinabi ko. Halatang naaapektuhan.
"He's my servant and yes, you're right. Nong sinabi mo na ginagamit ko siya? Tama ka. Ginagamit ko nga siya. So don't you ever think na ako ang nagamit niyo, na ako ang masasaktan sa huli. Dahil ikaw, siya, kayong dalawa ang nabilog ko sa istoryang ito. Pareho kayong dalawa na tanga at walang ginawa kundi mag assume na nabibilog ninyo ako!" nangilid ang luha sa aking mga mata habang sinisigaw ang mga katagang iyon.
It hurts so damn much to think about Brandon's betrayal. I believed him. I thought he's true. I though he's real.
"You... bitch!" Sigaw niya sabay amba ng sampal sa akin.
Nasalo ko ang kamay niya bago ito lumapat sa aking mukha at tinulak ko siya. Bahagya siyang napaatras at muntik nang nadapa kung hindi lang siya sinalo ni Brandon.
Nalaglag ang panga ko sa gulat ngunit tinikom ko rin ito para tumayo ng maayos. Nag angat sila ng tingin sa akin ng sabay. Ngumiwi si Arielle at ininda ang sakit ng kanyang takong.
"Brandon, she's hurting me." She cried.
Umigting ang panga ni Brandon at madilim ang kanyang tingin nang tiningnan niya ako. His jaw spoke a thousand of painful words to me. Napalunok ako ngunit hindi ko pinayagang bumagsak ang balikat ko. Taas noo ko silang hinarap. "I have no time for this shit."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro