Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

Kabanata 30

My Heart Sank

Kumukunot pa ang noo ko habang pinapanood si Brandon sa isang upuan at nilalagyan ng itim na cloth. Why did he use a possessive pronoun before my name? I'm not his possession.

Imbes na mag isip ng ikakagalit ko pa lalo sa lalaking ito ay kumuha na lang ako ng cellphone at ilang beses siyang kinuhanan habang nakatingin sa akin galing sa malaking salamin. And God why is he still even good looking while sitting there helplessly?

Ang unang ginawa nong humawak sa buhok ni Brandon ay ang unti untiin iyon sa pag tupi habang kinakausap siya tungkol sa desisyon niyang iyon. Nang hihinayang ang gumugupit. Ngumunguso lang ako habang sinasabi ni Brandon na sigurado siya sa gagawin.

Pagkatapos ng ilang sandaling pag uusap at pag gupit ng paunti unti ay kumuha na ng razor at nagsimula nang gumupit ng seryoso. Kitang kita ko ang kulay tsokolateng buhok na nalalagas galing kay Brandon. Tikom na tikom ang bibig niya habang minamandohan na yumuko ng konti para masali sa gupit ang buhok sa kanyang batok. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti habang pinapanood siyang ngumunguso sa akin. 

Iginala ko ang mga mata ko sa buong spa. Maganda ang services dito. Nanghingi ako ng mga rates ng iba pang services at nakaka engganyo naman talagang magpa masahe o magpa body scrub kumpara sa dati kong pinupuntahan na spa dito sa Maynila. Siguro ay maaaring bumalik ako dito sa susunod para magpa full body scrub, manicure, pedicure, at hair treatment.

Titig na titig ako sa brochure at hindi ko na namalayan na natapos na pala ang pag gupit kay Brandon. Napatalon na lang ako nang dumaing iyong bading na sumalubong sa amin kanina at tinatawag si Brandon.

"Oh my God! I am not sure if it's a good idea to cut your hair, Brandon Walter! Mas lalo ka lang gumwapo! Pero that hair was iconic! It's so you!" Bigo niyang sinabi habang hinahaplos ang balikat ni Brandon.

Nanliit ang mata ko, tila nanlalabo nang hindi ko na gaanong nakuha ang mukha ni Brandon.

Tumayo si Brandon at pinagpag ang kanyang damit. Ganon din ang ginawa ng dumalo sa kanyang bading at tinulungan pa siyang mag brush ng mga buhok. They offered him massage and treatments na agad niyang inayawan.

"I'm fine. Next time na lang ako magpapamassage." Aniya.

"Sayang talaga." Sabi nong bading.

Tumango si Brandon. "Well, I can always let it grow."

"Pero ilang taon mo iyong iningatan." Bigo na sambit ng echuserang bading.

Tumayo ako at hinintay ang pagharap ni Brandon. Hindi ko na napigilan ang pag laglag ng panga ko. His brows looked more highlighted and thing because of his short chocolate brown hair. Ang kanyang mga matang kulay banyaga ay mas lalo lang na depina at hindi ko maiwasan ang pagkamangha. I think I made him look more fucking attractive.

Umangat ang gilid ng labi niya na siyang nagpagising sa pagkakatulala ko. Tumikhim ako at nag ayos ng sarili. Malalaking hakbang ang sumarado sa distansya naming dalawa at lumaki ang ngisi niya nang mapalapit.

"You fine with my hair now, sweetheart?" Malambing niyang sinabi.

Pinapanood na kami ng iilang taga spa. Alam kong may namumuong ideya sa kanila tungkol sa relasyon namin. Ngumuso lamang ako at tumango.

"Fine." Iyon lamang ang sinabi ko kahit na ang dami kong gustong sabihin tungkol sa bagong mukha niya.

He looked so different. Mas seryoso at mas intense ang bawat titig niya. Nanlamig ang kamay ko habang pinapanood siyang naroon sa counter at nakikisalamuha sa babaeng kumukuha ng kanyang card para makapag bayad. Kitang kita ko ang kislap sa mata ng babae habang kinakausap si Brandon.

Umiling na lamang ako. Umalis kami doon at nagpunta sa isang malapit na restaurant para makapag dinner. Dahil medyo madalas din siya sa restaurant na pinuntahan namin ay may iilan siyang kilala na nakapansin sa bagong buhok niya. Umiiling lamang siya tuwing pinapansin iyon at nagugulat ang mga tao.

"What happened to your hair?" Gulat na sinabi nong lalaking dumating na may kasamang girlfriend.

Tumawa lamang si Brandon at napatingin sa akin. Tumingin din ang lalaki sa akin at tumango lamang na para bang nakuha kaagad ang sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay humikab na ako. Sa dami ng nangyari ngayong araw na ito ay napagod ako. Tumitig lamang si Brandon sa akin habang nanghihingi ng bill sa waiter.

"Uwi ka na agad ngayon. What are your plans for tomorrow?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Maghahanap ng trabaho sa mga hotels? Sa weekend pa ang fitting ng mga damit." Di ako makatingin sa kanya. Mas mabigat talaga ang mga titig niya ngayong nadedepina na ang kanyang kilay at panga dahil sa maiksi niyang buhok.

"Wala kang plano na bumalik ng Highlands? Besides, you still owe us..." Nagtaas siya ng kilay.

Marahas ko lang siyang tinitigan. Nagkbit balikat siya at ngumisi.

"I was just kidding. Saan mo gustong magtrabaho sa hotel dito sa Manila?" Winala niya ang usapan.

"Mag iisip pa ako." Sagot ko naman.

Hinatid niya lamang ako at puro biro ang inabot. Nagpaalam pa siya na pupuntahan niya ang mga pinsan niya sa isang bar. Niyaya niya akong lumabas pero kahit na medyo iritado ako sa pagpunta niya sa bar ay hindi ako nagpahalata.

"Bahala ka sa buhay mo. Ang importante ay nakauwi ako." Sabi ko at pinandilatan siya.

"Uy! Ang sungit nito! Ginawa ko naman lahat ng gusto mo, a?"

Padabog kong sinarado ang pintuan niya at hindi na hinintay ang mga sasabihin niya pa. Bumusina siya ngunit binalewala ko, dumiretso na sa elevator at hinayaan siyang mawala doon.

Laking pasasalamat ko nang pagdating ko sa condo unit ay wala pa si daddy. Hindi ko alam kung nasaan siya at ayaw kong isipin na maaaring kasama niyang nag di dinner ngayon si Arielle o ano.

Naligo lang ako at nagbihis bago gumapang sa kama. May iilang text akong nakita sa cellphone ko at lahat may picture ng club na pinupuntahan ni Brandon. And those were all Brandon's snapshot of it. Ni hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng number ko.

Unknown number:

Uuwi rin ako. Don't worry.

Mabilis at iritado akong nag type ng reply.

Ako:

I don't care. At all.

Unknown number:

But if you ask me to go home right now, I'll go, sweetheart.

Ako:

Bahala ka sa buhay mo, Brandon. Tulog na ako.

Sabi ko kahit na dilat na dilat ako at hindi mapakali sa susunod niyang sasabihin.

Unknown number:

Sungittt. Good night, sweetheart. I'm gonna text you if I'm home.

Umirap lang ako at pinanindigan ang hindi na pag rereply.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa paghahanap ng trabaho at pag iignora kay daddy na nanunuyo.

"Do you still have money, Av? Do you want to shop today?" Pagkatapos niyang kumatok at naabutan akong nakaupo sa kama at nakatitig sa laptop.

Hindi ako lumalabas ng ilang araw dahil nasa talyer pa ang sasakyan ko, si Brandon mismo ang kumuha nito para patignan. Samantalang si Adrian ay nagpunta ng Boracay kasama iyong pamilya niya kaya wala akong mapuntahan.

"I still have. Thanks." Sabi ko kahit na nakakaengganyo ang mag shopping at manghingi ng pera.

"Ihuhulog ko sa account mo iyong pera, Av. Uuwi na ako bukas ng Cebu." Sabi niya.

Stop pushing a meal with me and your bitch of a daughter, dad. Hindi ko siya sinulyapan man lang, takot na ma highblood ulit ako pag nagsimula na naman siyang magsalita ng tungkol doon.

"Good. Then you'll make mom's worries disappear." Sabi ko ng wala sa sarili.

Huminga ng malalim si daddy. "Di ka uuwi ng Cebu?"

Umiling lang ako.

Laking pasasalamat ko na hindi niya na ako tinanong kung kaya ko bang makipagkita kay Arielle. Subukan niya lang ulit at siguradong mag aaway na naman kaming dalawa.

Mag isa na ako sa bahay nang dumating ang weekend dahil sa pag alis ni daddy. Tumawag na rin ang mga organizers ng summit para paalalahanan ang fitting para sa nalalapit na event.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako para sa fitting. I'm kind of worried kasi ilang work out lang ang nagawa ko.

Tumunog ang cellphone ko at dinungaw ko lamang ito habang nakatapis pa. Nakita kong tumatawag ang pamilyar na numero ni Brandon. Sabi na nga ba. Hindi niya malilimutan na fitting ngayon.

"What?" Salubong ko.

"Nasa parking lot na ako ng condo mo. What's your floor?" Seryoso niyang tanong.

"Hmmm. Try, Brandon. Alam kong hinuhuli mo lang ako." Di ko maiwasan ang pag ngiti.

Tumawa siya. "O sige, edi dito lang ako sa parking lot. Nilalamok na ako dito. Driver mo pa naman ako, di ka ba maaawa?"

Ngumuso ako, nagpipigil ng tawa. "Dyan ka na. Hintayin mo lang ang pag baba ko." Irap ko.

"Torture. You're evil." Sabi niya.

"It's really not your responsibility to fetch me and drive me anywhere I go, Brandon. You are free to leave if you think I'm too much." Mataray kong sinabi.

"Whoa, there sweetheart! I'm gonna wait for you here. Whatever it takes. Wag mo lang akong takasan." Tawa niya at pinutol ko kaagad ang tawag.

Hindi ko alam kung bakit tumalon ako ng ilang beses bago nagpatuloy sa pagbibihis.

And of course, pinili ko puting halter top, black leggings, at pumps na suotin para hindi masakit sa balat at madali ang fitting mamaya. Pagtunog ng elevator hudyat na nakababa na ako at pagbukas nito ay nakita ko kaagad si Brandon na nakahilig sa kanyang Hilux na may dalang mga sunflower. Hindi talaga siya nauubusan ng pakulo, a?

Sumipol siya nang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ako naman ay naninibago parin sa bagong buhok niya. He styled it effortlessly. He's immaculately handsome in his pitch black long sleeve rolled up and dark blue maong. Hindi ko talaga kayang titigan ang mata niya. It's too much to take in.

Nilahad niya ang mga bulaklak sa akin.

"What's that for?" Salubong ko, trying his patience once again.

"For you, of course." Sabi niya, nakangiti. Dumiretso siya sa sasakyan niya at pinagbuksan ako. Hawak hawak niya pa ang mga bulaklak.

Nagkibit balikat ako at tinanggap ang mga bulaklak. Nilagay ko kaagad iyon sa likod at pinanood ko siyang umikot para makarating sa driver's seat.

"How's your morning?" Tanong niya habang nag da-drive.

"Fine." Sabi ko nang wala sa sarili. Lagi siyang nagtatanong. Tuwing gabi, nagtatanong kung kamusta ang araw ko.

Umawang ang bibig niya, umambang magsasalita pa sana nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nakalagay iyon saharap kaya habang nag bi-blink ito ay kitang kita ko kung sino ang tumatawag. It was Arielle.

Kumunot ang noo ni Brandon at agad pinatay ang tawag na iyon. Tumikhim siya at nanatili ang mga mata sa daanan.

"Oh? Bakit di mo sinagot?" Tanong ko, hinahamon siya.

"It's probably nothing." Medyo walang ganang sinabi ni Brandon.

Tumawa ako. "Natatakot ka na may marinig ako sa inyong usapan, ano? Tsss!" Iritado na ako.

Tumunog muli ang kanyang cellphone dahil sa tawag ni Arielle. Nilingon ako ni Brandon at tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Huminga siya ng malalim.

"It's not that, Av." Sabi niya.

"Then answer!" Hamon ko.

Pinindot niya kaagad ang buton at umalingawngaw ang boses ni Arielle sa speaker, humahagulhol.

"Brandon..." Singhot niya. "Where are you? Dad's in Cebu again with her fucking wife! Where are you?"

Nagtiim bagang ako. Gusto kong higitin ang buhok ni Arielle sa cellphone ni Brandon.

"Calm down, Arielle. Babalik din siya ng Manila. He's with his wife of course. Kasi mahal niya iyon. He can't stay here in Manila forever." Ani Brandon.

"But! But! Sabi niya mahal niya ako! That he treasures me! That I am his daughter! His princess! Bakit di niya mapag bigyan ang hiling ko na sana ay dito lang siya? God! I hate that woman! She's taking him away from me!"

"No one's taking away your father from you, Arielle. Just calm down. Call your boyfriend and have fun instead! Okay?" Sabi ni Brandon.

"What now? I can't call you? Alam mo namang ikaw ang maaasahan ko sa bagay na ganito, a? Brandon! Please, pumunta ka sa condo ko. Please..." She cried.

Halu halong iritasyon ang naramdaman ko. Hindi nagsalita si Brandon. Tiningnan ko siya habang pinapaandar ang sasakyan.

Umalingawngaw ang iyak ni Arielle at sinigaw ang "please" ng paulit ulit.

Umirap ako. She's needy. Ganon ba talaga?

"You used to hug me tight tuwing umiiyak ako noon. Ngayon, ano nang nangyari sa atin?" Humagulhol si Arielle. "I miss you, Brandon. I miss you comforting me."

Like I want to hear all of this?

"Arielle, call your boyfriend. I'm busy right now. Kasama ko si Avon." Sabi niya ng walang pag aalinlangan.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko si Brandon. Hindi kaagad nagsalita ang nasa kabilang linya.

"What? That woman!? She lied to you, Brandon! She lied to you!" Iyak niya. "She used you to get to me! Paano mo malalamang hindi ka niya ginagamit ngayon? Gusto niya lang agawin ka sa akin! Para naman may ganti siya!"

"Stop it, Arielle. I am going to risk everything. Please, call your boyfriend. I'm busy." Sabi niya sabay patay sa tawag.

Tumitig ako kay Brandon. Kumunot ang noo niya at alam kong hindi madali iyong mga sinabi niya kay Arielle. It was a big decision to him. Sanay siyang puntahan si Arielle tuwing nangangailangan siya at ngayong nandito ako ay gusto niyang panindigan.

"Pagkatapos mo akong ihatid, puntahan mo na lang si Arielle. Mamaya lumaklak yun ng muriatic sa depression." Umirap ako. My ego is surfacing. I am not concerned about her. I just want to give Brandon a choice. I am not needy. At kahit na ayaw kong pumunta siya doon ay hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Go and comfort her, I don't really care.

Tumango si Brandon sa sinabi ko. My heart sank. Fuck it! Nilingon niya ako. Di ko na siya matignan. "Tatawagan ko siya mamaya habang nag fi-fit ka. I'll ask her again to call her boyfriend, Av. I'm not leaving you for her. Sorry, I can't follow your whim now. That's my limit."

Hindi ako makahinga ng maayos. Ayaw kong bumuntong hininga at makita niya kung gaano ako guminhawang bigla sa sinabi niya.

"You can go. I don't mind." Sabi ko.

"I said, that's my limit." Mariin niyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: