Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

Kabanata 29

My Avon Wants

Halos napatalon ako nang nakabalik na si Brandon na may dalang mineral water. Clearly, it's not about the ramp, it's about him. I'm nervous because he'll watch! Paano kung hindi ako magustuhan ng mga organizers at designers? Paano kung insultuhin nila ako sa harap niya?

"Hey!" A playful smile rose on his lips.

Pilit na kinunot ko ang noo ko para mawala ang kaba sa aking mukha. Ngunit mukhang huli na yata ang lahat. Kitang kita niya iyon kaya siya nangingiti. Lumuhod ulit siya sa aking tuhod para lumebel ang aming mga mata.

"Uminom ka muna ng tubig." Sabi niya sabay pakita sa mineral water.

Pinandilatan ko siya at hinablot kaagad ang mineral water. I can't pretend that I'm not thirsty. Sumimsim lamang ako ng kaonti para hindi niya mahalata at tumingin ulit sa sumusubok na makapasok.

Wala pa silang sinabihang nakapasa ngunit kakausapin yata sila ng babaeng nasa pintuan at may ipapakitang papel sa kanila, doon makikita kung makukuha ba sila. Tatlong babae na lang at ako na ang susunod.

Tumayo si Brandon nang tinawag siya ng isa sa mga organizers. Dinungaw niya muna ako at blanko ang naging ekspresyon ko kaya dumiretso na siya sa mga organizers.

I am clearly aware that some of the models are looking at me with curiousity. Alam ko na iyan. Iniisip nila kung ano kami ni Brandon. It's not my prerogative to look back at them and answer their curious looks. Bahala sila kung ano ang isipin nila. For now, I am going to concentrate on this stupid modeling stint. Na sana ay hindi ko na lang ginawa o sana ay hindi ko na lang dinala si Brandon dito.

May ipinakita ang organizer sa kanyang mukhang magazine at nag usap sila tungkol doon. Nalagas ang dalawang model at ako na ang susunod na rarampa. Oh God! I wish Brandon will remain preoccupied while I walk. Baka mamaya ay madapa pa ako sa kaba ko.

Nangatog ang tuhod ko para sa babaeng naglalakad. Ako na ang susunod at masisira ang lakad ko dahil sa kaba. What will I do if they insult me? Paano kung sasabihin nilang nakukulangan sila sa akin? God! I have never felt this insecure my entire life!

"A, you go for it!" Sigaw ni Adrian sa likod.

Medyo naibsan ang kaba ko sa sigaw na iyon. At least I'm not alone here. Umangat ang tingin ni Brandon sa kay Adrian. Kitang kita ko na lumagpas ang titig niya sa mga babaeng nasa likod ko.

"Brandon..." Tawag ng organizer na kausap bago siya napatingin ulit sa magazine.

"Aurora Pascual." Tawag ng isang designer.

Humugot ako ng malalim na hininga at nilapag ko ang tubig, bag, at sunnies sa aking upuan bago tumayo. Nangangatog ang binti ko pero natitiyak kong walang bahid na kaba sa mukha ko. Nakataas ang isang kilay ko at tumayo sa malayong harap ng mga organizers at designers.

Tatlong designer ang naroon at dalawang organizers na may dalang papel at ballpen para siguro markahan kung pasado o hindi ang modelo.

Nag angat agad ng tingin si Brandon sa akin. Humarap siya at tuluyan ng iniwan ang ipinapakitang magazine ng organizer. Naintindihan iyon ng organizer kaya tumigil rin siya sa pangungulit. Humalukipkip si Brandon at iginala niya ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang paa.

"Walk." Utos ng organizer.

Nagsimula akong maglakad kahit na nangangatog ang binti ko. Naririnig ko ang iilang palakpak nina Adrian sa likod na hindi ko na pinansin dahil sa kaba ko.

Nang nakalapit sa mesa ng mga organizer ay sinubukan kong mag pose ng dalawang beses at tumalikod ulit para maglakad at makita nila kung paano ako maglakad sa likod.

"What do you think, Brandon?" Tanong ng isang designer.

Humarap ulit ako at hinintay ang hatol ni Brandon. Halos sasabog na ang aking dibdib sa kaba kahit na tapos na akong rumampa. Nilingon ko si Brandon at kitang kita ko kung paano siya tumitig sa akin. Seryoso ang kanyang mga mata habang tinitignan ako lagpas sa aking kaluluwa.

"Don't ask me. I have a thing for her. Hindi ko siya ipapasa, I'd like to date her the whole day of your Summit instead." Tumawa si Brandon.

Umiling si Hugo. "Well, this isn't the first time you're attracted to a model. Naka ilang beses ka na ring pumorma sa mga models." Nagtaas ito ng kilay.

Ngumuso ako. This is not the first time. Then maybe, mahilig si Brandon sa mga modelo. May kaonting kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Iniisip ko pa lang na isa ako sa mga modelong nagustuhan niya ay naiirita na ako.

"I'm sorry, Brandon. You can't date her on that day." Ngisi ng isang organizer at may nilagay sa papel.

Tumango siya sa akin at nagtawag ng susunod na pangalan. Humiyaw agad ang mga lalaking kaibigan ko sa likod. Nag dalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba sila o didiretso na lang ako sa labas. Nilingon ko si Adrian na ngiting ngiti sa akin habang ipinapakita ang kanyang cellphone. Tumango ako at nakuha kaagad ang kanyang mensahe na ititext niya lang ako.

Dumiretso ako sa harapan at ang babaeng sumalubong ay nagbigay ng papel na may tatak na pasado ako sa mga organizers at designers at ang mga schedule sa fitting ng wardrobe at pag re-rehearsal.

"Thanks." Sabi ko at nilagay kaagad ang aking sunnies sa mga mata para makalabas na ng tuluyan doon at sa building na iyon.

"Av..." Tawag ni Brandon nang dire diretso ang labas ko, hindi ko man lang siya nilingon.

Taas noo kong pinindot ang button ng elevator para makababa na. Naririnig ko ang malalaking yapak ni Brandon na kumakain sa distansya naming dalawa.

"Bilis mo. I told you you can do it." he chuckled.

"Why don't you stay? Marami pang modelo don, you might want to be one of the judges." Sabi ko at pumasok sa elevator nang bumukas ito.

Pumasok rin siya doon. Bago ko mapindot ang Ground floor ay pumindot na siya ng basement.

"Saan ka pupunta? I'm your driver for today, remember?" Inosente niyang tanong, binabalewala ang hugot ko kanina.

Why I suddenly want to make him pay for so many things, I didn't know.

"I don't need a driver." Marahan kong sinabi para maintindihan niya. "I can drive on my own, kung may sasakyan ako. And right now, I can pay for my taxi bills. Kahit pumunta man akong Ilocos, kaya kong bayaran ang bill ng taxi ko kaya hindi ko kailangan ng tulong mo." May bahid na iritasyon at pait sa aking pagkakasabi.

Tumawa lamang siya. "You know what? I'm not asking you to let me pay for your taxi bills. I just want to be with you. Kaya nag vo-volunteer akong mag drive. Jesus, Aurora Veronica, your logic is driving me crazy."

Bumaling ako sa kanya. Tumitig siya sa akin ng nakangiti lang. Umirap ako at alam kong kahit sa itim na shade ng sunnies ko ay kita niya iyon kaya siya humalakhkak.

Bumukas ang pintuan ng elevator at agad niyang kinuha ang kamay ko at hinigit palabas doon.

"Ganyan ka pumorma sa mga models na pinormahan mo noon?" Sabi ko habang papalapit kami sa kanyang sasakyan. "You drive them home and anywhere they want to? I'm not cheap, Brandon."

Nilingon niya ako ng nakangiti parin. "Whoa! Kailan ko ba sinabi sayong ganito ako pumorma? And why are you suddenly bringing that topic up? You're jealous." Hinarap niya na ako, nasa gilid namin ang sasakyan niya.

"Why would I be? It's just stupid! I feel stupid! Tigilan mo nga ako, I'm not like your models." Iritado kong sinabi.

Umiling siya at pinagbuksan ako ng pintuan. "Those days were over, Avon. Mapaglaro ako noon at nag momodelo ako kaya hindi maiiwasan na makakasalamuha rin ako ng modelo rin. Hindi kita nagustuhan dahil lang sa modelo ka. Please, get in. Where do you want to go?" Mahinahon niyang sinabi.

Tinitigan ko siya ng mariin. Malakas ang loob niyang tumitig rin sa akin, hindi man lang natatakot o naiintimidate na galit ako sa kanya. He just held the door and waited for me to get in.

Humalukipkip ako. Let's try your persistence, Brandon. "Kung ganon, paputol ka ng buhok mo."

"Huh?" Nanlaki ang mata niya, nawalan ng kontrol sa titig sa akin.

Umangat ang gilid ng aking labi. Sinasabi ko na nga ba. His hair is iconic. Sa modeling industry ay kilala siya at naiiba siya dahil sa mahabang buhok na bagay na bagay sa kanya. But I want him to cut it off. Naisip ko kung ilang offer ang mawawala sa kanya o manghihinayang na mga artist dahil sa pagpapaputol niya ng buhok. "Gusto kong pumunta sa isang parlor ngayon at magpaputol ka ng buhok mo. I want a clean cut."

Huminga siya ng malalim para bang nahihirapan siyang i proseso sa kanyang sarili iyong mga sinasabi ko. "Do you want me to be someone else? D-Do you like someone else with a clean cut hair, Av?" Namamaos ang kanyang boses.

Paano naging ganon ang usapan? Do I want him to be someone else? No! I've never really liked someone the way I like him. Kahit noong kasama ko si Tyrone at pinagpipilitan na kaming dalawa ay hindi ko talaga siya nagustuhan ng ganito. But I won't tell him how I am so madly intimidated and I'm so deliriously attracted to him. Over my dead and decaying body. "Well, kung ayaw mo, iuwi mo na lang ako sa condo ko. Matutulog na lang ako." Sabi ko at pumasok sa kanyang sasakyan.

Sinundan niya lang ako ng tingin. I'm sure none of his girls asked him to cut his hair. Ako pa lang kaya hirap na hirap siya ngayon. I want him to know the difference between me and his other girls. I want him to feel the difference. Gusto kong maparamdam sa kanya na habang nagugustuhan niya ako ay masusugatan ko ang pagkatao niya, at kung sa katapusan ng lahat ng ito ay hindi magiging kami, gusto kong markang klaro at malalim ang iiwan ko sa kanya. And if I ever learn to forgive him and we end up together, I want him to feel that I'm not one of his random hookups that came true.

Yumuko siya at tiningnan ako sa mga matang punong puno ng adorasyon. Namilog ang mata ko at nagpasalamat agad na madilim ang shade ng aking sunnies.

Kinuha niya ang aking kamay na nakapatong sa aking bag at nagulat ako nang hinagkan niya iyon. "Yes, Av. Which parlor do you want?"

Halos hindi ako makapagsalita nang pumasok kami sa mamahaling spa at parlor na madalas niya atang pinupuntahan. Napuna ko ang pagbati ng mga bading at babaeng crew doon.

"Arielle- ay!" Napatikom ng bibig ang bading na sumalubong sa akin nang papasok kami. Inakala niyang si Arielle ako? We don't look the same. Tinanggal ko ang aking sunnies at pinagtaasan ng kilay ang bading na maputi at chinito.

"Chik, this is Avon." Sabi ni Brandon.

"Nice meeting you, ma'am. Akala ko si Arielle, siya kasi madalas kasama ni Brandon sa spa." Ngisi niya, naglalahad ng kamay.

Nilingon ko si Brandon at nakita kong umigting ang panga niya at marahas na tinitigan iyong bading. Alam niyang mababadtrip na naman ako dahil sa linyang Arielle. Tiningnan ko lang ang kamay ng bading. Lahat ng may koneksyon kay Arielle ay hindi ko matatanggap.

"Do you want a massage, Av? Body scrub, haircut, any service?" Lingon ni Brandon sa akin. "While waiting?" Tanong niya.

Binaba ng bading ang kanyang kamay na inignora ko at tumikhim. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Brandon.

"Yes, ma'am, which service do you want?" Ngisi ng bading.

"No, Brandon. I want to watch." Sabi ko.

Ngumuso si Brandon. "You like torturing me, huh?" Bago bumaling sa bading.

"Which service, Brandon?" Tanong ng bading.

"I'd like a haircut, Chik." Sabi ni Brandon.

"Hmmm, ilang inches ang ipapacut mo? Medyo humaba siya kumpara nong summer. Cris, magpapa haircut si Brandon. Just like before, alam mo na kung anong gusto niya."

Umiling si Brandon. "I want a clean cut this time."

"Huh?" Kumunot ang noo ng bading, para bang banyagang lengwahe ang nasabi ni Brandon at di niya iyon maintindihan.

"My Avon wants a clean haircut for me. I want what she wants. So I want a clean haircut."

Humugot ako ng malalim na hininga. Can you really do it?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: