Kabanata 27
Kabanata 27
Where Are You
Hindi ako makukuha ni Brandon sa kanyang mga galawan. The pain he inflicted was not a joke. Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. At some point, I fooled him too. Ang problema lang sa akin ay nanaig ang kagustuhan kong mapanatiling maayos ang pamilya ko imbes na alalahanin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Aurora Veronica Pascual!" Umalingawngaw ang boses ni Adrian sa aking tainga.
Kagabi ay mabilis akong umalis sa dancefloor. Hindi ko matiyak ang naramdamang pag iinit at paghihimutok habang sinasayaw ako ni Brandon. I told him to back off. He did. He was almost like a well trained dog. Kaya niyang tuparin lahat ng hinihingi ko sa kanya kahit na ayaw niya.
Kinusot ko ang mga mata ko. Tumikhim muna bago nagsalita.
"Anong oras pa, Ad? Ba't ang aga mong tumawag?" Tanong ko, nakahilata parin sa kama.
"Tumawag kasi si Jessica bago sila tumulak ng Maldives ni Anton. Binilin niya na may Go-See mamaya para sa Fashion Summit. Since, you're unemployed and I'm on vacation, might as well try." Ani Adrian.
"Anong oras ba? Wala na ako sa agency. Hindi na ako active." Sabi ko kay Adrian.
"Three PM. Ayos lang. Pumunta tayo ng agency mamaya bago sa Go-See. Okay?" Aniya.
Tumango ako kahit na hindi niya naman ito nakikita. "Sige." Dagdag ko bago nag angat ng tingin.
It's 10 in the morning. Masyado nang nabaliktad ang oras ko simula nong umuwi ako ng Cebu. Halos tanghali na ako araw-araw kung gumising kasi umaga na ako umuuwi. Hindi ko pa tuluyang nabababa ang cellphone ko ay may tumawag na naman sa akin. This is my new line, I'm sure this isn't another random caller. Binuka ko ang mga mata ko at nakitang numero iyon ni mommy. Walang pagdadalawang isip ko iyong sinagot. Kabado kahit wala pa naman.
"Good morning, Av..." Malambing na bati ni mommy.
Kung anong nabunot na tinik sa sistema ko nang narinig iyon. I thought she's hysterical again because of my father's absence.
Umupo ako ng maayos at nagpasyang bumangon na pagkatapos ng usapan namin ni mommy. Nagpalpitate din ako sa kaba kaya imposibleng maka tulog pa ako ulit.
"Mom, how are you?" Salubong ko.
Humalakhak siya. "I'm fine. Ikaw? How's Jessica's wedding?"
"Fine. Umalis na siya, pumuntang Maldives para sa kanilang honeymoon."
"Oh! That's great! Nga pala... uuwi ka ba dito?" Bumagsak ang boses ni mommy.
Kinabahan agad ako. "Bakit po? I... I mean, oo." Kahit na sa totoo lang ay gusto ko munang manatili ng Manila para makapag hanap ng trabaho. May trabaho rin naman sa Cebu, but as long as daddy's not yet done with his case and this stupid half sister issue is not yet over, mananatili ako dito. That bitch can't own this part of the country.
"Kailan?" Mas banayad niyang tanong.
"I miss you, mom. Kailan mo ba ako gustong umuwi?" Bumagsak ang balikat ko.
Tumawa si mommy. "Hindi naman. If you want to find a work there, you may. Tsaka, baka rin pupunta ako diyan to be with your dad pag natapos na iyong case niya. Nagtatanong lang kasi ako, may dumating na mail kasi from Highlands. Naka address sayo. What is this?"
Nanlaki ang mata ko at napatayo ako.
"Bubuksan ko na lang ngayon, if you want." Sabi ni mommy at narinig kong nagpupunit siya ng papel.
"Mom!" Sigaw ko kaagad. "Sulat yan galing sa pinasukan kong hotel sa Tagaytay."
Natahimik si mommy. Pumikit ako ng mariin. I know what she's doing. She's probably reading that damned letter.
"Nabasa ko na 'yan. Ilang beses nila akong inemail. Ayos na 'yan." Natataranta kong sinabi.
"What? Breach of Contract? Aurora?" Tumaas ang tono ng boses niya.
Lumipad ang palad ko sa aking noo. Brace yourself, Avon.
"Nakakahiya ito! Bakit hindi ka nagsulat ng resignation letter? This is very unprofessional. And it's a big company. It's a big hotel. It's an international chain of company with different big and international investors. Av, what happened? Dalawang buwan ka lang, umalis ka na?"
"Mom-"
"Kung mabasa ito ng daddy mo, papagalitan ka niya. This is a disgrace! Paano ka makakahanap ng trabaho nito?"
"Mom! Calm down." Sabi ko. "It's okay. Hindi ko na lang babanggitin sa future employees ko na naranasan ko sa Highlands para di nila sila tawagan o mahalungkat 'yong mga past jobs ko. It's alright."
"Av! Naririnig mo ba ang sarili mo? You're well trained sa Enderun. And every good adult knows that it is ones responsibility to at least exit with graces in a company. Bakit mo hinayaang maging AWOL ka doon?"
Umirap ako. "Yeah! I'll make up for it. Mag so-sorry ako doon sa kanila. Okay?" As if.
"Are you sure? Aurora, I know you." Sabi ni mommy.
"Yes, my. You know me. Wais ako pero di ako sinungaling." Humalukipkip ako.
"Don't wait till your father hears about this. Ano ang iisipin non? At papagalitan ka niya!"
Umirap pa akong muli, subukan niya lang na pagalitan ako at tatalikuran ko siya. Huminga ako ng malalim at tumango. "Yes, my. Sige na. Kakain na po ako. Kumain ka na rin."
"Okay. Just promise me you'll make up for this. Okay?"
"Okay." Sabi ko tsaka binaba ang phone.
Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa ko bago ako dumiretso sa labas ng kwarto. Pagkalabas ko ay naamoy ko kaagad ang espresso kasama ang bacon at ham kung saan. Bumilis ang lakad ko patungong kusina at naroon nakita ko si daddy na nagluluto non. May dalawang kapeng galing Starbucks sa kitchen counter. Ang apron ay nakasabit sa kanyang leeg habang nilalagay sa puting pinggan na may tissue ang mga piraso ng bacon.
Nilingon ako ni daddy at ngumiti siya. "Gising ka na pala. Tinanghali din ako ng gising." Sumulyap siya sa akin at nilapag ang pinggan sa counter. Abala siya sa pagkuha ng mga baso at pitsel ng tubig. "I went out for a jog and bought you your favorite coffee. I hope you still like bacon for breakfast."
Tiningnan ko ang mga pagkaing hinanda niya. It's been a long time since he made me one. Simula yata nong nag duda na ako sa kanya ay tumigil na siya sa paglalambing.
Nangibabaw ang galit ko. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon. Lalo na tuwing naaalala ko kung paano siya nagsinungaling sa amin ni mommy. Ngunit hindi ko parin maalis sa sarili ko ang awa sa lalaking una kong minahal. Umaasa siya habang nagsasalin ng tubig sa tall glass namin. Umupo siya sa highchair at inayos ang ceasar salad sa gilid niya.
"Breakfast?" Aniya.
I want to walk away and insult him. Ngunit sa puso ko ay alam kong mas lalo lang akong masasaktan pag ginawa ko iyon.
Hindi ako umimik at umupo ako sa highchair. Kahit na umupo ako dito at kakain ay hindi ko parin masasabing ayos na kami. I'm still not happy. I still can't forgive him. Maybe time will heal my wound, yes. Pero ang masasabi ko lang ay hindi pa ito iyong oras na iyon. Kulang pa. At hindi ko maipapangakong malapit na rin iyon. It's all the same. I still cannot forgive him.
"Uuwi ako ng Cebu this weekend. Sasama ka?" Tanong niya habang nilalagyan ko ng salad ang wheat bread.
"Hindi. Dito lang ako."
Huminga ng malalim si Daddy. "I miss your mom."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi mo ba siya na miss nong ilang buwan kang di umuwi ng Cebu dahil lang ayaw ni Arielle?" Banayad ang tinig ko. Pinilit kong hindi lagyan iyon ng galit. I don't want to ruin my breakfast.
"Of course I missed her. I was just so stressed. Na tuwing umuuwi ako doon ay lagi siyang galit sa akin. Ang sabi ng doktor ay normal iyon sa stage niya pero nang inakusahan niya na ako ng may ibang babae, which will never happen, mas lalo na lang kaming nag away."
"So you chose to be so far away instead? Imbes na patuloy mo siyang i assure na siya lang ay pinili mong wag bumalik? Or is it because your daughter needs you."
Hindi ako nagpapigil. Kumain ako kahit na lumalakas na naman ang tensyon sa amin ni daddy.
"A part of me was miserable. Ayaw kong umuwi pag galit ang mommy mo. I want to give her some time. A part of me was guilty. Hindi ko maharap ang mommy mo sa katotohanang iyon. Natatakot ako. And another part of me wanted to spoil Arielle. She grew up without me. She's broken." Iling niya.
Nagtaas ako ng kilay at patuloy na kumain. Ang lakas ng sikmura ko at hindi parin ako nawawalan ng gana. "So mas malaking parte sa iyo na gusto mong i spoil si Arielle?" What about me? What happened to spoiling me? "Because you chose it."
"I did not. Nag antay lang ako ng tamang panahon." Mariing sinabi ni daddy.
Umiling ako. "At habang naghihintay ka ay nagsinungaling ka."
"I lied because I'm scared to lose you." Gumapang ang kamay ni daddy sa aking kamay na naroon sa mesa.
Ginapang naman ng kamay ko ang baso para makawala at para na rin makainom ng tubig. Pinunasan ko ng table napkin ang labi ko at tiningnan si daddy.
"I'm sorry, dad. It's not going to work. It will never be the same again." Sabi ko at tinalikuran siya doon sa mesa.
"Av!" Sigaw ni daddy, nababasag ang boses.
Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. Kitang kita ko ang kabiguan sa kanyang mukha.
"Pag balik ko galing Cebu, can you please meet Arielle with me? Please? Kahit saglit lang."
Kumunot ang noo ko. "For what? Dad, wag mo nang pilitin! Tama na!"
"Kasi kapatid mo siya. Kahit anong iling mo, she's my daughter. She's your half sister."
"I am your daughter too! And I say... No!" Sabi ko at tinalikuran siya, nagmartsa patungong kwarto.
Nag ngingitngit ako sa galit kaya dumiretso ako sa shower para maibsan iyon. Dad's lost his mind! Bakit niya naisip na papayag ako sa gusto niya?
Bumuhos ang luha ko sa gitna ng malalamig na patak ng shower. Hindi ako tatagal ng isang araw na kasama ko si dad sa condo na ito. Aalis ako kahit na hindi pa naman talaga oras ng pagkikita namin ni Adrian.
Hindi na ako nagpaalam kay daddy nang paalis ako sa condo unit. Bumaba na kaagad ang elevator sa basement at kinuha ko na ang susi sa aking Honda Civic. Nang nakita kong naroon ang pamilyar na Hilux ni Brandon ay kumalabog kaagad ang dibdib ko.
Bakit narito ang hinayupak na iyan dito? Bumukas ang pintuan at nakatali niyang buhok lang ang nakita ko, alam ko na agad na siya iyon. Lumihis ang lakad ko. Sa gilid ng mga mata ko ay kita kong naiiba ang dala niyang mga kulay puting rosas sa kanyang all black na pantalon at t shirt.
"Av..." Tawag niya.
Diretso ang lakad ko patungo sa Honda Civic na dalawang sasakyan lang ang pagitan sa amin.
"Avon, come on. I waited here for hours and you'll just ignore me?" Aniya.
Nilingon ko kaagad siya at tiningnan ko ang kanyang mga bulaklak. "Ba't di pa nalalanta 'yang bulaklak mo kung kanina ka pa dito?" Tanong ko.
"Ito naman." Ngumisi siya. "Oras lang naman ako dito, hindi ilang araw kaya hindi ito malalanta." Tumawa siya.
Uminit ang pisngi ko. "Umalis ka nga sa harapan ko! Nakakairita ka!" Sabi ko sabay bukas sa pintuan ng sasakyan ko.
"Av! Hey! Wait!" Sabi niya habang hinahawakan ang pintuan ng sasakyan ko.
Mabilis ko iyong hiila para maisarado ko. At sa pagsarado ay ramdam na ramdam ko ang pag talon ng pintuan dahil may pumagitnang daliri ni Brandon.
"Ouch!" Inda niya sa daliring na sapul. "Fuck!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nabitiwan ni Brandon ang mga bulaklak sa sakit na naramdaman. Nahirapan akong lumunok at di ko magawang isarado ulit ang pintuan.
"My finger!" He moaned.
Namumutla na yata ako sa lamig ng aking mukha. Malapad kong binuksan ang aking pintuan at tiningnan ko ang kamay niyang nakatago sa kanyang palad.
"A-Are you... okay?" Tanong ko at pinulot ang natapong mga rosas.
"Ang sakit ng daliri ko. Tingin ko nabali." Ngumiwi siya at ininda ang sakit.
Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang palapulsuhan niya. Hinawakan ko ang lima niyang daliri at nakita kong pula lang na linya ang inabot nong daliri niya at malapad siyang ngumisi. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.
"Gotcha!"
Binalikwas ko sa aking kamay ang kanyang kamay at hinampas ko sa kanyang dibdib ang mga rosas sa sobrang inis.
"Ouch!" inda niya nang tumama ang mga rosas sa kanyang leeg.
"Buti nga sayo! Gago!" Sabi ko at sinarado ulit ang pintuan ng sasakyan.
Pinaandar ko ang makina ng sasakyan ko at mabilis siyang tumakbo kung saan. Siguro ay patungo sa kanyang sasakyan para habulin ako.
Isang beses na umusad ang sasakyan ko pero namatay ang makina nito. Umandar ang sasakyan ni Brandon at tumigil rin nang nakitang tumigil ako.
"Fuck!" Sigaw ko habang pinapaandar ang sasakyan ko.
Pinailaw niya ang headlights ng kanyang Hilux, para bang nanunuya at naghihintay sa galaw ko. Patuloy ko ring pinaandar ang makinang hindi ma start istart. Nanginginig lamang ito ng ilang segundo at agad namamatay.
Bumaba ang salamin ng driver's seat ni Brandon at malaki ang ngisi niya habang nakatingin sa akin. My car's not tinted so I probably look like a fucking loser right now.
Pilit ko parin itong pinapaandar habang si Brandon ay banayad lamang na lumalabas sa kanyang Hilux. Nagawa niya pang pailawin ito sa car alarm at pumagitna siya sa harap ng sasakyan ko. Ang dalawang kamay niya ay nilagay sa nguso ng aking Honda Civic, hindi natatakot na masagasaan ko. A smile crept unto his perfect lips.
"Where are you going, sweetheart? I can be your driver, you know." Kumindat siya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Kaya ko bang sagasaan ang Adonis na ito? Hindi ko alam. Siguro. Pag iritado ako. Pero nakakatakot na baka sa huli ay ako rin naman ang iiyak pag nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro