Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Kabanata 18

Anywhere, Anytime

"So you're saying that the chance that she's your father's bitch is fifty fifty?" Ngumuso si Jessica sa sinabi ko.

Tumango naman ako.

Tinawagan ko si dad kanina. Ilang linggo na rin kaming hindi nag uusap. He calls me at least once a week ngunit madalas kong hindi sinasagot ang tawag niya because of my anger. Ngayong may pagdududa ako sa spekulasyon ko ay nagawa ko siyang tawagan.

"I'm in Cavite." He told me.

Nabigo ako sa sinabi niya. I am so tired of telling him to go home and take care of mom kaya hindi na ako nagtangka. "Nasa Manila ako. I was hoping if we could see each other." Bahagyang nabasag ang boses ko.

Kahit na galit ako sa mga ginawa niya kay mommy ay hindi ko parin mapagtakpan ang pangungulila ko sa kanya. We used to be so close. What happened now?

"I'm sorry, Aurora. Next week pa akong pupuntang Manila. Nag tatrial na kami para sa case na hinahandle ko."

"Sa Cavite, dad?" Tanong ko, medyo naguguluhan.

"Hindi. Pero binisita ko ang tito mo ngayon." Paliwanag niya. "Kung sana ay nalaman ko na uuwi ka ng Manila ngayon, sana ay pinagpaliban ko na lang muna ito. Kailan ang alis mo?"

"Bukas agad." Malamig kong sinabi.

Sa nalaman kong mga impormasyon tungkol sa kay Arielle galing kay Brandon, nagdalawang isip ako. She's raised by abusive parents. Pwedeng iyon ang maging dahilan kung bakit siya kakapit kay daddy. But then, a part of me thinks she's just probably his client?

"You think her boyfriend is not your dad?" Tanong ni Jessica habang kumakain ng chichirya.

Nasa mga high chair kami ng kanilang kitchen counter. Inggit ako dahil may party na magaganap mamaya dito sa bahay niya. Her parents are on vacation at pinahintulutan siya ng mga ito na magpaparty para hindi ma-bore. Inggit ako ngunit wala akong magagawa, aalis na ako mamaya.

Tumango ako. "She's probably in love with Brandon. Sa paraan ng pagiging mataray niya tuwing nandyan ako, imposibleng wala siyang nararamdaman para rito."

"Okay." Humigit siya ng malalim na hininga. "Sige, kung hindi nga siya ang kabit ng daddy mo, then it's time to finally talk to your dad? Confront him. Or maybe, kung pwede komprontahin mo si Arielle. Tanungin mo kung kilala niya ba ang daddy mo, nang sa ganon ay matahimik na ang kaluluwa mo."

Because of the coming party, isinama ako ni Jessica at Anton na mamili ng mga inumin. They want to personally pick the wines and other alcoholic beverages. Naibook na rin nila ang isang kilalang DJ.

Ginagala ko ang paningin ko sa buong mall. Ngumiwi si Jessica sa sinuot kong simpleng puting v neck t shirt, boyfriend jeans, and white sneakers.

"Anong peg mo? You used to look better than that, Avon. I mean, where are your dresses and killer stilletos?" Pasada niya ng tingin mula ulo hanggang paa ko.

"I will need this, Jess. Babyahe ako pabalik ng Tagaytay mamaya." Sabi ko.

"Kahit na. Your idea of travel fashion are all black tops, boots, and coats. You don't do plain white shirt." Tawa niya. "Is that part of your pretensions para sa lalaking iyon? Mas gusto niya ba ang ganyang mga damit?" Nandidiri niya parin akong tinitigan.

Umikot ang mata ko. "You know what, Jess-" Natigil ako nang habang naglalakad kami sa parking lot, namataan ko si Daddy na naka grey suit. I was so sure it was him and his atache case. Sa likod niya ay may dalawang body guards.

Nilingon ni Jess ang pinanggalingan  ng titig ko.

"Is that dad?" Tanong ko.

Papaliko na sila patungo sa itim na Land Cruiser niya nang bigla itong bumukas at bumungad ang isang naka all black leggings, coat, and pumps na babaeng naka high ponytail. Kahit sa itim na shades ay nakilala ko ang kanyang mukha.

"Dad!" Sigaw ko ngunit nakapasok na si daddy sa loob ng Land Cruiser. Pinaandar na rin ang sasakyan at mabilis itong humarurot. "Dad!" Hinabol ko iyon kahit na panay ang tawag sa akin ni Jessica na huwag nang habulin at pumasok na ng diretso sa sasakyan ni Anton.

Natauhan ako nang lumiko na sila paalis ng basement. Mabilis akong sumakay sa naghihintay na sasakyan ni Anton. Tinapik ni Jessica ang likod ng sasakyan ng nobyo at sinigawan na.

"Habulin mo 'yong Cruiser!" She cried.

"Please, Anton!" Sabi ko, kabado at parang may punyal na paulit ulit na nagtatanim ng kung ano sa puso ko.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone para makatawag kay daddy. My neck craned as we turned right to follow our car. Nang nakalabas sa premises ng mall ay nakita ko pa ang itim na sasakyan.

Sa aking tainga ay ang aking cellphone. Walang sumasagot roon.

"Dad! Answer my damn call!" Halos mangiyak ngiyak kong sinabi.

"Anton, sa gilid." Jessica directed.

Nakita kong humarurot ang sasakyan nang nakawala sa traffic. Kami naman ay naiwan at naabutan pa ng pulang ilaw. Sumigaw ng ilang mura si Anton at Jessica nang nakitang nakawala ang aming Cruiser.

Nilingon ako ni Jessica gamit ang bigong mga mata. Hindi parin sumasagot si daddy sa tawag ko. Pangatlong dial ko na ito.

Kinagat ko ang labi ko nang wala paring sumagot. Hindi ko tinigilan at nag dial ulit ako. Nang sa wakas ay narinig ko na tinanggap ang tawag ko ay halos sumabog ang puso ko sa kaba.

"Dad!" Sigaw ko.

"Avon, what is it? I'm in the middle of-"

"In the middle of what? I saw you, dad! You're with a girl! Sa Land Cruiser natin!" Diretso kong sinabi. He lied to me! He lied to me!

"What? Wha-What are you talking about? Nasa Cavite ako."

"Hindi lang ako ang nakakita sayo! Even Jessica saw you! You're with a girl-"

"Avon, calm down. I'm not in Manila. You are mistaken." Kalmanteng sinabi ni daddy.

"I AM MISTAKEN?" Naghihisterya kong sinabi. "I am not, dad! Admit it! Arielle is her name, isn't it? I know!"

"Aurora Veronica! Stop it! I am going to call you later. This is a bad time for this call." Matigas niyang sinabi at pinutol kaagad ang linya bago pa ako makahirit pang muli.

Sa iritasyon at nag aalab na galit ko ay napaiyak na lang ako. So much for thinking that she's innocent! Kumakalam ang sikmura ko sa impormasyon. Kailangan ko pang kumuha nito. Hindi ko na yata makakayang humarap kay Arielle ng plastikan. If she was my dad's client, why would he lie to me? I am his daughter!

Pagkatapos ng mga iyak ko ay tulala ako sa high chair ng kitchen counter nina Jessica. Balot na balot na ang bahay ng disco lights na kina Anton pa raw sabi ni Jessica. Ilang mga kaibigan na namin ang naroon at nagsilbi itong batch reunion sa mga kasama naming taga Enderun.

Kanina pa siya pabalik balik sa akin dito sa counter para anyayahan na makisali sa labas at panandaliang kalimutan iyong nangyari ngunit paulit ulit kong naalala iyon. Pumasok si daddy sa sasakyan namin kung nasaan naroon na at nakasakay si Arielle. Hindi ako namamalik mata at mas lalo na si Jessica at Anton. They both saw it.

"Hi! Alone?" Padarag kong nabitiwan ang lemon na kanina ko pa pinaglalaruan galing sa aking tequila.

Nilingon ko ang lalaking nasa likod ko na kakarating lang. Si Tyrone Lastimosa na isa rin sa mga kaibigan namin sa Enderun ay naroon. Sa puting polo atmaong na suot niya at sa itim na buhok at perpektong ngiti, ay panandalian akong napabalik sa mundong ibabaw. Tipid akong ngumiti. "Marami na bang tao sa labas?"

"Oo." Nilingon niya ang sala bago ibinalik sa akin ang titig. "Long time no see. Wala ka na sa agency? Di na kita nakikitang nag momodelo."

"Ah! May trabaho kasi ako ngayon sa Highlands. Babalik siguro ako pag natapos ko na 'yong kontrata."

"Ilang buwan ba ang kontrata mo? Highlands? Tagaytay?" Tanong niya.

"Yup. Uhm, 6 months."

"Ilang buwan ka pa lang don?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang shot glass.

"Mag dadalawang buwan pa lang." Sabi ko.

It was a good diversion to forget about the pain and anger I'm feeling. Ngunit nang nag flash sa screen ko ang numero ng taong makapagpapaalala sa akin sa lahat ay parang gasolinang naging gatilyo ito sa pag aalab muli ng galit.

Tinitigan ko ang cellphone ko na may pangalan ni Brandon na tumatawag. It's exactly ten. Ganon iyong kasunduan namin na umalis ngunit narito ako sa bahay nina Jessica para makapagparty at makalimot.

"Your boyfriend?" Tyrone asked.

Umiling ako. "Wala parin akong boyfriend no." Tawa ko ngunit ramdam ko ang pag iinit ng aking damdamin. I will do whatever it takes just to get to the bottom of this. Hindi ko na kayang mag hintay. "Brandon?"

Hindi kaagad nagsalita ang nasa kabilang linya. Para bang pinapakinggan nito ang background. "Where are you?"

"Nasa bahay ako ng kaibigan ko. Uuwi na ako sa condo ngayon. Ikaw?"

"It's ten, Avon. I'm going to fetch you right? Nasa labas ako ng building ng condo mo."

"Okay, I'll be there." I stopped the call without saying another word to him.

Nilagok ko ang tequila at agad bumaba sa highchair.

"O, saan ka pupunta?" Tanong ni Tyrone.

"Babalik akong condo. Babalik na kasi ako ng Tagaytay. May pasok pa bukas."

Ngumisi siTyrone. "Mukhang seryoso na 'yang tinatrabaho mo, a? Ihatid na kita." Nilapag niya ang shot glass niya sa counter.

Gusto ko sanang tumanggi ngunit alam ko ring hindi ako maihahatid ni Anton o ni Jessica dahil pareho silang host ng party na ito. Pumayag ako sa gusto ni Tyrone. Nag paalam na rin ako kay Jessica at Anton, pumayag naman ang dalawa at pinakawalan na ako.

Hiyang hiya ako sa pagiging useless ko sa kwentuhan namin ni Tyrone. He did not deserve my coldness or my indifference. Maraming bagay ang tumatakbo sa utak ko kaya hindi ako makapag biro o makasakay man lang sa kanya.

"Ibang iba ka na ngayon. You used to be..." hindi niya maipagpatuloy.

Nilingon ko siya. "I'm still that same A you know." ngiti ko.

Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng aming condo at nagkibit balikat.

"Ikaw ang ibang iba. Sikat na sikat ka na." Biro ko.

"Nah!" Tumitig siya sa akin. Bago pa ako mapatitig na rin sa kanya ay nagtanggal na ako ng seatbelt.

"Thanks for the ride, Tyrone. Sorry inabala pa kita. See you again soon?"

"Soon we will." Matamis ang ngiti ni Tyrone at agad na akong bumaba galing sa kanyang sasakyan.

Isang busina lang ng sasakyan at kaway sa kamay ay umalis na siya. Kinawayan ko na lang din siya habang papalayo sa tapat ng building. Nang nawala na siya sa paningin ko ay luminga ako para sa pulang Hilux ni Brandon ngunit ang boses niya ang nakuha ko.

"Friend, huh?" Malamig na sinabi niya.

Nilingon ko siya at halu halong emosyon ang naramdaman ko. Everything boils down to my need for that information. And how will I get it? "Tyrone is just a friend." Nilagpasan ko siya.

Hindi pa ako nakakabilang hanggang tatlo ay sumunod na si Brandon sa akin. Hahawakan ko siya sa leeg at papakantahin sa lahat ng nalalaman niya tungkol kay Arielle.

"Oh, right. So magkasama kayo sa bahay nong friend mo? Narinig ko ang ingay sa tawag ko kanina. Was it a party?"

Nilingon ko kaagad siya. Nasa tabi na ako ng kanyang pulang Hilux ngunit hindi niya parin ito pinaalarma. "Yes. Party iyon ng kaibigan kong si Jessica." Hindi ko siya matingnan.

Tumango si Brandon. Hindi siya dumugtong kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Kitang kita ko na hirap na hirap siyang magpigil ng galit. His face was shouting jealousy at me. Nag iwas ulit ako ng tingin. "Saan ka ba galing ngayong araw na ito? Nagkita ba kayo ni Arielle. She's in Manila, right?"

"Hindi kami nagkita. Business ang inasikaso ko dito. Iyon ang pinunta ko." Malamig niyang sinabi. "Ikaw? Nagkita ba kayo ng dad mo?"

Umiling ako. Nakita ko siya. But I won't tell you that.

"Kung ganon, anong pinunta mo dito?" He asked sarcastically.

Nilingon ko siya. Bago pa ako makasagot ay binuksan niya na ang kanyang sasakyan para mapapasok ako.

"Umuwi na tayo." Masungit niyang sinabi.

Pumasok ako sa loob. Pinagmasdan ko kung gaano siya ka badtrip sa nasaksihan. Pinaandar niya kaagad ang sasakyan at tinuro ulit ang likod para sa pagkaing hinanda para sa buong byahe. Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Brandon... Tyrone's just my friend. You know that." Sabi ko.

"Yeah." Malamig niyang sagot.

Kinagat ko ang labi ko. "I like someone else."

Dalawang beses niya akong sinulyapan ngunit nanatiling diretso ang tingin sa daanan.

"Sino naman?" Tanong niya, kalmado.

"Basta. May gusto akong iba." Pabitin kong sinabi.

"Bakit mo pa sinabi sa akin kung di mo rin naman babanggitin kung sino? Tss." Masungit niya ulit na sinabi.

Hindi ako nagsalita. Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan nang palabas kami ng Manila. Ilang beses niya akong sinulyapan at ilang beses din siyang napapasonghap. Kinuha ko na lang iyong hinandang tubig niya sa likod at uminom galing sa mineral water.

"I hope the guy you like likes you back." Biglang sinabi ni Brandon.

Ngumuso ako sa sinabi niya. He's acting like a wounded child now. I am going to push all his damn buttons until he's on bended knees.

Humikab ako. "Inaantok ako." Sabi ko at binaba ang likod ng aking upuan. "May I sleep, Brandon?"

Masungit parin ang kanyang ekspresyon na para bang may kalaban siya sa daanan. Tumango lang siya at di ako nilingon. "Good night. Stop being grumpy." Humalakhak ako.

Ngumuso lang siya at nanatili ang mata sa daanan.

Nagkunwari akong tulog pero sa totoo lang ay nag paplano na ako ng cheap tactics just to make him confess. Gumalaw ako ng bahagya para mas komportable. Nagulat ako nang naramdaman ko ang kamay niyang humahawak sa t shirt ko. Binababa niya ito dahil naka expose sa hangin ang konting parte ng tiyan ko.

What? I moved again. Sinigurado ko ngayon na mas malaking parte ng balat ko ang maipapakita sa pag angat ng aking t shirt. I heard him sighed violently. Pagkatapos ay binaba niya ulit ang t shirt ko. Tinigil niya ang sasakyan at may kinuha siya sa likod. Dinilat ko ang kaliwang mata ko at nakita kong kumuha siya ng kumot. Nang humarap siya sa akin ay pinikit ko ulit ang mata ko. Nilagay niya sa katawan ko iyong kumot.

"Damn girl." Sabi niya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Natuluyan ako sa pagpapanggap. Pasado ala una nang nakarating kami sa Highlands. Tahimik ang street at humihikab pa ako galing sa pagkakatulog. Kinalas ko ang aking seatbelt at agad nang tinulak ang pintuan para makalabas sa kanyang sasakyan. Lumabas din siya tulad ko.

Hindi parin maganda ang mood niya. He still looked pissed and mad. Nakapamulsa siya nang sinalubong ako sa labas.

"Pumasok ka na. Hihintayin ko na makapasok ka sa staffhouse bago ako aalis." Sabi niya.

Tumango ako at tinitigan siya. Tinagilid ko ang ulo ko. Ang pride na inalagaan ko ay pansamantala kong babaliin. "You jealous?"

Hindi siya sumagot. Nanatiling matigas ang kanyang ekspresyon. "Pumasok ka na."

"You are jealous." I concluded. "Brandon, don't be. Tyrone is just a friend. ilang beses ko ba iyong sasabihin sayo."

Hinawakan ko ang braso niya at hinigit ang kamay niyang nakatago sa bulsa. Litong lito siya habang tinitingnan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

Pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Halos marinig ko ang malakas na paglunok niya sa ginawa ko. Really? I have that effect on him, huh?

"Yeah. I know he's just your friend, Av." Medyo pumungay ang mata niya.

"Mahihirapan ako sa pag tulog pag ganito ka." Sabi ko.

Titig na titig siya sa akin na parang hindi alam kung bakit ganito ang inaasta ko.

Hinigit ko ang isa niya pang kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin. Kinain ng munting hakbang ko ang distansya naming dalawa. His eyes widened at my move. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. I've tasted his lips before. And it damn tastes good. This pretension won't be that bad. I know this tactic is cheap but I am despearate. This desperate, actually.

Hinila ko pababa ang dalawang kamay niya. I tiptoed my way to his lips. Siniil ko ng halik ang kanyang labi, nakapikit. He groaned.

"Av..." He called.

Titigil na sana ako ngunit nilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat at ang kamay niya ay naglakbay sa aking batok. Sinakop ng kanyang halik ang aking labi. He was taking me as if I was his. He was delicately touring his tongue in all of the corners of my mouth. Naghabol ako ng hininga. Hindi ganito ang naisip ko nang halikan ko siya but he gave me more! So much more! The feeling of his hungry but delicate kisses was dizzying.

Tumigil siya sa paghalik. Namumungay ang mga mata niya nang harapin ako. I tried so hard to keep my composure. Uminit ang pisngi ko nang titigan niya ako.

"You are making me a slave to your kisses. Wag mo na akong pagselosin pa ulit. And don't just suddenly kiss me. Baka higit pa ang magawa ko sayo." He looked away.

May kumukurot sa aking puso. Nagkanda utal utal ang boses sa aking utak. Ngunit nang nangibabaw ang ngiti ng tagumpay sa akin ay kinagat ko ang labi ko.

"I can kiss you anywhere, anytime, Brandon. Pag aari kita." Mariin kong sinabi.

Binitiwan ko ang kamay niya at lumayo na kaagad ako. He stood there stunned and amazed. Kumaway ako at tumawa habang tumulak palayo sa kanya. I got you, Brandon. Araw na lang ang bibilangin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: