Kabanata 15
Kabanata 15
Your Kiss
I feel like I'm the intruder here or something. Hindi ako malingon ni Brandon. Buong atensyon niya ay nakadirekta kay Arielle. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang braso ni Arielle na para bang nag aalala ito.
Tumikhim ako at dahan dahang tumayo. Nilingon ako ni Arielle at tumigas ang ekspresyon niya nang namataan ako.
"Oh? So I am not welcome here, Brandon, huh?" Asik niya kay Brandon.
"Arielle, you know my rules. You know you should-"
"No!" Sigaw niya na nagpaagaw ng atensyon sa mga customer. Maging ako ay nilingon ang mga customer na nanonood roon. "Papauwiin mo ako, really? Gabing gabi na! I'm around Tagaytay for some business! I came here because wala akong matuluyan-"
"You should have booked a hotel." Mahinahong sinabi ni Brandon.
"Booked a hotel? Really? Really, Brandon? When you're just here lying in your comfortable villa? You want me to instead book a hotel?"
Umirap ako at pakiramdam ko ay mukha akong tanga sa gilid na nanonood sa kanila. The eyes of the customers were all directed to me. Syempre, ka date kami ni Brandon at ngayon ay nagmukha akong hangin dahil sa nangyayari sa dalawa.
"Sa Highlands Inn ka kung ganon. You know that-"
"Oh don't make me laugh! Nandyan parin ang old habit mo? It's the 21st century! Are you going to make me sleep outside your villa, Brandon?" May pagbabanta sa boses ni Arielle na para bang alam niyang pagbibigyan siya ni Brandon sa lahat ng kanyang kapritso.
"Sa Inn nga, diba? He's going to book you inside that Inn. Respect his decision. It's just the same." Singit ko at humalukipkip.
Nilingon ako ni Arielle. Minasahe ni Brandon ang kanyang sentido at pumikit ng mariin na para bang mas namroblema pa siya sa pagsasalita ko. "Sino ka ba sa akala mo para sumingit sa usapan namin? You are a bitch. His one night stand. You have no right." nanliit ang mata ni Arielle sa akin.
Nagdilim ang paningin ko. This motherfucker is the reason why I am here. Ang pagiging kalmante ko kanina ay sinasalamin ang mabuting pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang. But when some bitch will cross the line, I know exactly where I stand.
"Arielle! Don't talk to here like that!" Sabi ni Brandon.
"I am not his one night stand. I will never be!" Sigaw ko, nanginginig ang kamay ko nang damputin ang isang baso ng tubig sa mesa namin.
Hirap na hirap akong sabuyan siya ng tubig. Dahil gustong gusto ng sistema kong basagin ang baso sa kanyang mukha!
Gulat na gulat si Arielle sa ginawa ko. Isang iglap lang ay basang basa ang kanyang mukha. Napaawang ang kanyang bibig, tila hindi pa rumerehistro sa kanyang sistema na nasabuyan ko siya ng tubig.
"How dare you, bitch!" Sigaw niya at mabilis siyang sumugod sa akin para kalmutin ako.
Ang matulis niyang kuko ay bumaon sa aking braso bago pa siya maawat ni Brandon. Napatili ako sa sakit na naramdaman!
"Arielle!" Marahas na sigaw ni Brandon. I've never heard him shout like that. Para bang galit na galit siya at handang manakit.
Hinawakan niya ang braso ni Arielle. Ngayon ay mas mahigpit! Lumapit ang ilang security guards sa amin. Na dahil si Brandon ay kasali sa gulo ay hindi kami nilapitan ng husto at hinayaan na lamang na ligpitin iyon bago sila makialam.
Ngumiwi ako nang nakita ang kalmot sa aking braso. May dugong nangilid sa bawat puting kalmot galing sa kanyang kuko. Mabilis ang hininga ko at gusto kong gumanti. It doesn't matter kung wala pa akong ebidensya! It doesn't matter kung hindi ako nakakasiguro kung sino nga si Arielle sa buhay ni daddy! Dahil kahit ngayon, ipinagdarasal ko paring kliyente lang siya! Kahit na sobrang imposible!
"How dare you!" Sigaw ko at binalewala ang likod ni Brandon para lang mahila ang mahabang naka ponytail na buhok ni Arielle.
Tumili si Arielle sa ginawa ko. Tsaka pa ako hinawakan ng mga security guards na naroon. Nagpumiglas ako. Pawis na pawis sa galit na kumukulo sa kalooblooban ko.
"How dare you call me a bitch! Ikaw ang bitch! Slut!" Sigaw ko.
Nagulo ang buhok ni Arielle. Ngumiwi siya at kitang kita ko ang luha sa kanyang mga mata habang hinahawakan ang buhok na nalagas dahil sa pagkakahila ko.
"Avon!" Sigaw ni Brandon sa akin habang inilalayo ng husto si Arielle.
Matalim na punyal ang bumaon sa aking dibdib habang nakikita ang pag tingin ni Brandon kay Arielle.
"Stop it... Shh..." Bulong niya sa umiiyak na si Arielle.
Ako ang nadanakan ng dugo pero siya ang umiiyak. She looked more wounded than me but I am hurting more!
Inalu-alo ni Brandon si Arielle habang nanginginig ang braso nito sa pag iyak. The sophisticated strong woman is gone. She's now a crying little girl who thinks she's in distress.
"She's hurting me, Brandon." Humagulhol si Arielle. "And you won't accept me in your home. Saan ako pupulutin?"
"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko sa mga guards na naroon at nakahawak sa aking brasong mas lalong humapdi.
"Ma'am, sorry-"
"Sabi ko, bitiwan niyo ako!" Sigaw ko.
Napatingin si Brandon sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Barado ang lalamunan ko sa di malamang kadahilanan. Hindi na makapag antay ang luha ko ngunit pinilit kong huwag silang pabuhusin. I am not weak. I am not weak. I chanted that over and over again to stop my tears from falling.
"Bitiwan niyo ako sabi!" Marahas kong siniko ang mga security guards na nakahawak sa akin.
Hindi bale nang mas lalong sumakit ang dumudugo kong braso. Nang nakawala ako ay inayos ko ang sarili ko bago ako nagmartsa palabas. Bumuhos ang luha ko at hindi ko mapigilan ang pag hikbi.
Umilaw ang headlights ng van at agad ko itong pinara. Tatlo lang kaming nasa loob doon. Dalawang mag nobyong foreigner at ako na umiiyak. Sariling kamay lang ang nagpupunas sa mga luha ko.
Laro lang ito, Aurora Veronica. Kaya mo 'yan! Makikita ng babaeng iyon! Sa oras na malaman ko! Magpasalamat siya't inaalam ko pa! Magpasalamat siya't nangalap pa ako ng ebidensya imbes na sunggaban na lang at sampalin ang kanyang mukha!
That night, I was too scared to talk to any of my friends. Natatakot ako sa di malamang kadahilanan. This is my problem. I need to face this. I need to choose. Hayaan na makealam ang walang kwentang feelings ko o wala akong sasantuin at sasagasaan ko lahat ng pwede para lang makuha ang gusto ko.
Uurong sulong ako kinabukasan sa pag tatrabaho. Naka receive ako ng text kagabi sa isang hindi kilalang number. Pangalan ko lang ang nakalagay. Hindi naman nagpakilala kaya hindi ko siya nireplyan.
Abala rin kasi ako sa pag gagamot ng sugat na iyon kagabi. Wala pa akong betadine kaya nag tiis ako sa alcohol.
"Anong nangyari sa braso mo, ma'am?" Tanong ni Ria pagkadating ko.
Hindi ko ito nilagyan ng bandage at masyadong maliit ang band-aid para doon kaya hinayaan ko na lang ang namumula kong balat na magpakita.
"Nasugatan kagabi." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
"Sorry po. Narinig ko sa staff house na may nangyari daw sa Peak kagabi?"
Nag angat ako ng tingin kay Ria na agad nag iwas.
"Hindi ko sinasadyang mang usisa, ma'am."
Tipid akong ngumiti. "Ayos lang 'yon..." Bago ko pa madugtungan ay tumunog ang double doors, hudyat na may dumating na customer.
Nilingon ko iyon kaagad at nakita ko ang nakapamulsang si Brandon. Matigas agad ang kanyang ekspresyon, nakatingin sa akin. At sa braso niya ay may kamay na nakahawak ng isang payat at katamtaman ang puti na babae. Ginagala ni Arielle ang tingin niya sa buong Clubhouse.
Nag iwas agad ako ng tingin. They're together! So he did let her stay on his villa? Pansin ko ang titig ni Ria sa akin habang inabala ko ang sarili ko sa mga order form. I am not going to help the waiters serve this time. Over my dead body!
"Ako na lang po ang kukuha ng order." Sabi ni Jose.
Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Umupo si Brandon at Arielle sa mesang madalas upuan ni Brandon. Binigyan ni Jose ng menu ang dalawa pero ang mga mata ni Brandon ay nakadirekta sa akin.
"Scotch, please." Sabi ng isang foreigner nang nasa counter.
Tinugunan iyon ni Ria. Si Jay naman ay nag iwas ng isang tray ng mga baso sa counter kaya para hindi ako mag mukhang tanga ay ihahatid ko na lang sana ito sa likod para makuha ng mga taga kitchen ngunit pagkahawak ko sa tray ay nadulas iyon sa kamay ko.
"Shit..." Bulong ko nang nabasag ang isang wine glass dahil sa katangahan ko.
"Ma'am? Ayos lang kayo?" Tanong ni Ria.
Mabilis na nagtungo ang tingin ko kay Brandon. Kitang kita ko ang paninitig niya at pag igting ng panga niya sa nangyari. Kinakausap siya ni Arielle ngunit hindi niya iyon mapansin.
"Ako na dito, ma'am." Sabi ni Ria.
"Sorry, Ria. Sige." Sabi ko at hindi na sinubukan pang linisin ang bubog ng wine glass.
Tumalikod na ako at diretsong nagpunta sa opisina ko. Sinarado ko kaagad ang pinto at huminga ako ng malalim, tinatalikuran iyon.
Pumikit ako ng mariin. Stupid, A! Stupid! Halos sigawan ko ang sarili ko.
May biglang kumatok sa aking pintuan. Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos. Hinarap ko ang pintuan para salubungin si Ria nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin si Brandon.
Nanlaki ang mata ko sa pagpasok niya. Napaatras ako at tumama sa swivel chair. Maliit ang opisina at ngayong narito siya ay mas lalo ko lang naramdaman kung gaano ito kaliit.
"Are you okay?" Tanong niya, tinitingnan ang braso ko.
"Bakit ka nandito? You have a date with Arielle." Hindi ko maiwasan ang tabang sa boses ko.
"I'm sorry kagabi."
Bumuhos ang alaala ko kagabi. Still, ako parin ang napalayas. Walang pinagbago. "I know. I understand." I lied. Nag iwas ako ng tingin.
"Avon..." Sabi niya at nilapitan ako. Marahan niyang hinawakan ang braso ko. It hurt. Iniwas ko iyon sa kamay niya. "I'm sorry."
"Ano ba ang sasabihin ko sayo? Na ayos lang? Ayos lang 'yong sugat ko? What do you want to hear?" Tanong ko habang papalapit siya sa akin.
Napaatras ako at hangganan na. Swivel chair ko na ang nasa likod ko ngunit hindi ako umupo. Sinipa ko iyon para pumasok sa ilalim ng mesa ko. And all I have is the cold hard wall.
Kinagat ni Brandon ang kanyang labi habang tinitingnan ang braso ko.
"Kasalanan ko. Dapat ay hindi ko na hinayaang umabot sa ganon." Umigting ang bagang ko habang marahan niyang hinahawakan ang braso ko.
He wouldn't stop closing the distance between us. Kahit na alam niyang magkakalapit pa kami ng husto pag mas lalo siyang lumapit.
"Bumalik ka na don sa mesa niyo." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
"Avon..." Marahan niyang sinabi at hinawakan ang baba ko para maidirekta ko ang tingin ko sa kanya. "Arielle's just my friend. Sa Inn siya tumuloy kagabi. Pumunta ako sa staff house para tingnan ka pero patay na ang ilaw ng kwarto mo. I don't want to disturb you if you were asleep." May bahid na pagsusumamo ang kanyang mukha.
It was like Adonis, the great greek god was begging at my feet. I looked away. Hindi ko siya matingnan ng buo. Lalo na pag ang madalas na matalim na mga mata niyang kulay banyaga ay nagmamakaawa na sa ngayon.
"I don't care what you two do. Kung magkaibigan man kayo, friends with benefits. Wag mo lang akong isali sa gulo niyo." Sabi ko.
"Wala kaming gulo. And whether you like it or not, kasali ka sa mundo ko."
Bahagya akong suminghap at umiling. Bumaling ako sa kanya. Naabutan ko siyang nakatingin sa mga labi ko.
"Brandon..." banta ko.
Suminghap siya at naramdaman ko ang mainit at mabangong hininga niya. "God, your office is too small." Tumawa siya at hinawakan ang malamig na semento sa likod ko.
Ngumuso ako. "Brandon, bumalik ka na sa mesa ninyo. Kahit anong sabihin mo sa akin, na magkaibigan lang kayo ni Arielle, hindi ako maniniwala." Iling ko. "I know there's more to that."
Umiling din siya. "There's nothing more to it, Avon. I wouldn't leave that table if I'm in love with her. And I told her to stop bothering you. Hindi ko siya mapatawad sa nagawa niya. Are you hurt? What can I do to make it stop?" Tanong niya habang hinahawakan ang braso ko.
Nanginig ang tuhod ko sa mapanukso niyang pagkakahawak non. Bumagsak lang ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa mapupulang pantal. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"I texted you last night." He hissed.
"Where did you get my number?"
"Nasa cellphone ko na 'yon. Hinanap ko 'yon sa mga infos ng staff noon. Gabi ko lang tinext. I think you're not the texter type. And I don't want to look like a lovesick dog." Ngumisi siya.
Kumunot ang noo ko at nag iwas ulit ng tingin.
"It was an agonizing night for me. Hindi na naman ako nakatulog. Hindi mo na naman ako pinatulog."
Nagtaas ako ng kilay. "Hindiko 'yon kasalanan."
Umiling siya. "No. Kasalanan mo." Marahan niyang sinabi habang tinitingnan ang labi ko. "Kasalanan mo," mariin niya akong siniil ng halik. His kiss was gentle. Halos mawala ang kaluluwa ko sa pagiging marahan at mababaw nito. Then he stopped. Kinagat niya ang labi niya at ngumisi. "Your kiss should be forbidden."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro