Chapter 38
"MATTEO POV"
NAALIMPUNGUTAN ako dahil nararamdaman kong may nakatitig sa akin. Di ko muna binuka ang aking mga mata.
"Ang gwapo mo talaga Matteo." Bulong niya na malinaw sa pandinig ko. Napangiti ang kalooban ko dahil sa sobrang kasiyahan.
"Sana nga bumalik na lahat ng memorya ko para maalala na kita." Bulong ulit ng mahal ko. Di ko mapigilan ang mapangiti at dahan dahan kong binuka ang dalawang mata ko.
Una kong nasilayan ang maaliwalas na mukha ng mahal ko. Nanlaki ang kanyang dalawang magagandang mga mata at namumula ang kanyang matambok na pisnge. Ang cute talaga ng mahal ko.
"Good morning hal." Aniko at ngumiti sa kanya. Namumula namang nilihis niya ang mukha niya sakin.
"Good morning din Matteo." Aniya at hindi makatingin sakin. Aysus! Nahihiya pa ang mahal ko.
"Kumain kana hal?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman siyang umiling at napatingin sakin.
Walang pag alinlangang hinalikan ko ang pisnge niya. Nagulat pa siya at mas lalong namumula ang pisnge niya. Nakakatuwang isipin na hindi na niya ko aawayin ngayon di katulad noon.
"Halikana kainin na kita gutom na kase ako hal eh." Aniko at kumindat sa kanya. Napaigik ako ng biglang niya kong hampasin sa aking balikat. Namumula parin ang pisnge habang nakatingin sakin.
"Anong ako?!" Aniya na may bahid na diin ang boses ng mahal ko. Natatawa naman akong umiling.
"Joke lang 'yon hal, halikana nga para makakain kana at makainom kana ng gamot." Aniko at bumangon na sa pagkahiga sa kama. Nasa gilid ng mahal ko ang anak namin na ang himbing parin ng tulog.
"Pano 'to?" Patanong na saad niya habang nginuso niya ang anak namin. Lumapit ako sa kanila at dahan dahan kong tinapik ang pisnge ni David para magising.
"Papa daddy." Ani ng anak namin pagmulat ng mata niya. Ngumiti naman ako kay David at hinalikan ko ang noo niya.
"Tara na kain na tayo sa baba ni daddy mo." Bulong ko at mabilis pa sa alas kuwatro na kumandong sakin si David.
"Kiss mo nga si papa baby." Aniko at pinatakan naman ng halik ang pisnge ko ni david.
"I love you papa." Aniya ngumiti naman ako at tumugon.
"Love din kita anak." Aniko at niyakap ko ang anak ko. Bigboy na talaga ang baby ko.
"Eh ako baby hindi mo ba ako love." Ani ng mahal ko at nag pout ito na parang cute na tuta. Todo pigil akong halikan ang nakapout na labi ng mahal ko. Naakit kase ako eh.
Umalis naman sa pagkakandong sakin si David at yumakap siya ng mahigpit sa daddy niya.
"Syempre daddy ikaw din, love na love ko kayo dalawa ni papa." Saad ng anak namin na ikinangiti ko. Masaya akong nakatingin sa dalawang mahal sa buhay ko na masayang nagyayakapan.
"Sali naman ako diyan." Aniko at napatingin sakin ang mahal ko, ngumiti ito at tumango.
"Halika papa sama ka dali!." Maligalig na saad ni David sakin. Lumapit naman ako sakanila at niyakap ko sila dalawa. Mahal na mahal ko talaga ang mag ina ko.
--
Sumapit ang alas dose ng tanghali ay narating namin ang Batasan Falls na pinupuntahan namin noon ng mahal ko at ang anak namin.
Pinark ko ang kotse at lumabas nako. Pinagbuksan ko ng pinto ang mahal ko.
"Tara." Aniko at tumango naman siya at hinawakan niya si David. Pumasok kami sa Entrance ng Batasan Falls at nag bayad nadin.
Dala ko ang aming mga gamit habang ang mahal ko naman ay karga niya si David.
Pagkapasok namin paloob ay tumambad samin ang napakagandang tanawin ng pagdaloy ng tubig galing sa itaas ng bundok.
"Wow!" Manghang bulong ng mahal ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Napakaganda diba hal?" Tanong ko sa kanya. Napatango naman ang mahal ko.
"STEPHEN POV"
NAPAKAGANDA talaga ng lugar na ito. Medyo familiar ito sakin. Pakiramdam ko nga ay nakapunta na ako dito pero hindi ko lang matatandaan kung kelan.
"Tara na hal." Pagbalik diwa sakin ni Matteo. Tumango naman ako at lumakad pasunod sa kanya.
Nilapag ni Matteo ang mga dala namin sa damuhan at pagkatapos ay binuklad niya ang dala naming banig sa damuhan.
Binaba ko ang anak ko pababa sa banig at sabay naming hinanda ang mga baon naming pagkain ni Matteo.
"Papa daddy mag swim na po ako." Saad ng anak ko sa amin. Umiling ako.
"Maya na baby kain muna tayo." Aniko at pinalapit siya sakin. Nag indian seat naman ang anak ko sa gilid ko.
"Kain na tayo Matteo." Aniko sa kanya na may bitbit na tatlong plato at nilagay niya sa harap ko ang isa at sa anak ko naman ang isa pa at sa kanya ang huli. Nilagyan niya rin kami ng spoon sa plate namin.
"Sige na hal kain na tayo." Aniya at nag simula na nga kaming kumain.
Masaya kaming naubos lahat ang mga pagkain namin. Busog na busog talaga ako at alam kong ganun din ang dalawa.
"Papa daddy I'm so full look at my tummy it so big." Saad ng anak ko at tinuro niya ang tiyan niya na napakabusog.
"Me too baby ang sarap kaseng magluto ni Matteo." Aniko at ngumiti kay Matteo. Nahihiyang napakamot naman ng batok si Matteo.
"Mabuti naman at busog na busog ang mag ina ko." Wika ni Matteo na pinandilatan ko ng mata. Mag ina ka jan!
"Papa daddy tara na I want to swim na po plss.." ang cute na saad ni David samin. Napatingin naman ako kay Matteo.
"Let's go hal?" Tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya at umiling.
"Mauna na kayo Matteo susunod lang ako." Aniko na ikinatango niya.
"Tara na baby." Saad ni Matteo sa anak ko. Nagpakarga naman ang anak ko sa kanya at tumungo na sa paliguan.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda talaga sobra. Konte lang naman ang tao dito na naliligo din. Mukhang mga dayohan pa nga ang iba eh.
Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag ko at nag sound trip muna ako bago sabayan ang dalawa na nagtatampisaw sa tubig ng falls.
Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon ng biglang sumigaw ang anak ko.
"Daddy help me! Papa is a zombie! Wahhhh!!" Sigaw ng anak ko at tumakbo papalapit sakin. Natatawa namang nag papazombie si Matteo papalapit samin.
"Arrrwww.. I'm gonna eat my baby.. URrrrrww.." saad niya at papalapit na sa amin.
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ang ulo ko na para bang binibiyak ito at parang pinukpok ng martilyo ng paulit ulit.
"Arrghhh!!" Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ko alam kong anong gagawin ko para mawala itong sakit ng ulo ko.
"Hal anong nangyari sayo?" Natatarantang saad ni Matteo sa akin. Nasilayan ko ang sobrang takot sa mukha niya.
Biglang nag flash lahat ng mga mukha ng mga tao sa paningin ko. Si Bhea at si Matteo. Ang memorya ko dati ay kusang bumalik at ang linaw na ng mga nag flashback na memories sa utak ko. Kung pano kami masayang tatlo na naliligo dito noon. At ang mga masasayang memories namin tatlo na nag babonding bilang pamilya. At ang pinakahuli ay ang kung pano nabangga ang sinasakyan kong taxi sa isang malaking truck na ikinasanhi ng pagkawala ng memorya ko.
Ang bigat na nang talukap ko. Nawalan ako ng lakas. Biglang naging puti lahat ng paningin ko.
"Hal.. hal.."
"Daddy..."
"Hal!!!"
"Daddyyy!!!"
'Yan ang huli kong narinig at biglang dumilim ang paningin ko at kinain nako ng kadiliman.
"BHEA POV"
Nangangalaiti ako sa galit ng maalala ko ang mga nakita ko kagabi sa bahay ng baklang umagaw sa mahal ko at ang umahas sakin.
Mag saya ka muna ngayon Stephen. Dahil mamatay ka rin naman. Mag saya ka muna sa mga sandali na buhay ka pa bakla. Dahil kong mapatay kana wala kanang babalikang Matteo dahil sa akin lang siya! Sa akin lang ang mahal ko! Magkakamatayan man! Akin lang si Matteo!!
Kinuha ko ang kutsilyo na nasa kabinet ng kwarto ko at tinungo ko kung saan ang picture ng bakla na umagaw sa Matteo ko. Nakadikit ang kanyang picture sa dingding ng kwarto ko.
Nakangiti siya sa picture niya at sobrang panget ng bwesít na 'to. Baklang kabayo! Napakababoy ampúta!
Nagbabaga ang tingin ko sa picture ng baklang 'to dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.
"Akin lang si Matteo!!"
"Akin lang siya!!"
"Walang makakaagaw sa Matteo ko sakin!!"
"Mamatay ka sana púta kaaaaa!!!!" Ang sigaw ko sa harapan ng picture ni Stephen at gigil kong sinaksak paulit ulit ang panget na mukha niya.
Tumigil ako ng matanggal ang picture niya na maraming butas dahil sa pagsaksak ko.
Halos mandilim ang mata ko ng nakita ko parin ang ngiti niya sa picture kahit butas na butas ito.
Kinuha ko iyon at napasigaw ako dahil sa galit at pinupunit ko ang picture niya ng paulit ulit. Para akong mababaliw dahil sa sobrang selos at sobrang galit ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at padabog kong hiniga ang katawan ko sa kama ko. Natatawa ako na parang sira dahil nag flashback sa utak ko kung pano sila maghahalikan noon sa harapan ko. Paulit ulit iyon sa utak ko at sobrang nandidiri ako sakanila. Gusto kong mamatay ngayon ang baklang stephen na 'yon para wala ng sagabal sa pagmamahalan namin ni Matteo ko.
"Sige magpakasaya ka muna bakla dahil bilang nalang ang araw mo." Ang nakangiti kong bulong sa aking sarili.
Maghintay kalang Matteo ko mapapasakin ka din. Papatayin ko muna ang salot sa pagmamahalan natin bago kita maging akin.
NOTE: PASENYA NA PO TALAGA SA MGA ERRORS AT MALING GRAMMAR DAHIL TAMAD PO TALAGA AKONG MAG EDIT. SANA MAINTINDIHAN NIYO PO.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro