Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

"Matteo POV"

Dalawang araw ang lumipas. Sobrang namimis ko na ang mahal ko. Sana magising na siya ngayon. Namis ko na ang mga mapupungay niyang mga mata kapag nakatitig iyon sa akin.

Namiss ko din ang malumanay niyang boses kapag nagsasalita siya. Lahat sa kanya ay sobrang namiss ko.

Napatingin ako sa hospital bed na ikinalalagyan ng mahal ko. Tumayo ako sa pagkaupo sa upuan at lumapit ako sa kanya.

Tinitigan ko ang maamong mukha ng mahal ko. Mapayapa siyang nakatulog. Ang ganda talaga ng mahal ko. Mula sa kanyang makurbang kilay na para bang pang babae ito. May Makapal at mataas na pilikmata. Hindi gaano katangos ang ilong pero ang cute tingnan. Makinis ang mukha niya. At ang higit sa lahat na hindi ko pinagsawaan ay ang kanyang kulay rosas niyang labi.

Napangiti ako ng maalala ko'ng gaano ako kagigil na halikan ang labi niya. Ang lambot kasi.. Hindi ako makapagpigil na kagatin iyon. Hihihi..

Linapit ko ang mukha ko sa kanya. Pinatakan ko ng halik ang kanyang nakatikom na labi. Hindi ko mapigilang halikan ang labi niya. Naaakit kasi ako kapag nasilayan ko ang mga iyon sa kanya.

Nakakaadik ang kanyang labi.

Napapikit ako at ninamnam ko iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko 'to pagsawaang halikan araw araw kahit pa gabihin ako sa kakahalik sa kanya ay okay lang saakin iyon.

"Papa.." napahiwalay ako at sinulyapan ko ang anak ko na nakatayo na sa sofa niyang tinutulugan. Ngumiti ako sa kanya at lumapit ako sa anak ko.

Hinalikan ko ang noo niya at kinarga ko ang baby ko papalapit sa daddy niya.

Mabilis namang humiwalay sa pagkarga ang anak ko at masayang hinalikan niya ang mahal ko sa pisnge.

"Daddy gising na please. Miss na miss na kita. Tatlong araw kanang nakatulog jan.." sabi ng anak ko sa kanya. Napatingin naman sa akin si David na nagtataka at kunot ang kanyang noo.

"Papa sabi mo ngayon na ang paggising ni daddy eh baket ganun.. baket nakatulog parin si daddy." Nagtatakang saad ng anak ko. Tinapik ko naman ang kandungan ko na nagsasabing kumandong siya sa akin. Na ginawa rin naman ni David.

"Hintayin nalang natin anak na magising si daddy okay.."

"Pero papa sobrang namiss ko na talaga si daddy eh.."

"Shh.. wag maingay baka maingayan ang daddy mo.. baka magtatampo yan at hindi na yan gigising." Ang nasabi ko at napalabi naman ang anak ko.

"Okay po." Ang nasabi nalang ng anak ko at yumakap siya sa akin. Niyakap ko rin naman ang anak ko at hinihimas ko ang buhok niya.

"Wag kang mag alala anak, Magiging okay din ang daddy." Aniko at hinalikan ko ang tutok ng noo niya.

Napatingin ako sa kalagayan ng mahal ko. May kirot padin sa dibdib ko kapag nakita kong nakaratay siya d'yan na walang malay.

Wag kang susuko hal. Mahal na mahala ka namin ng anak natin. Hinawakan ko ang kamay ng mahal ko at hinalikan ko iyon.

Nilagay ko ang anak ko sa sofa at bumalik ako sa pagkaupo sa upuan na malapit sa mahal ko.

Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha na natutulog.

Kung alam mo lang hal kung gano ka kaganda sa paningin ko. At kung gano kita kamahal na higit pa sa buhay ko.

Salubong ang kilay ko ng maramdam kong gumalaw ang kamay niya na hinawakan ko.

Napatingin ako sa mukha niyang nakapikit pero kalaunan ay unti unting bumaka iyon. Nanlaki ang dalawang mata ko na nakatingin sa kanyang namumungay na mga mata ng mahal ko.

Nakangiti ako ng malaki habang hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kanya. Gising na ang mahal ko!!

"Thanks lord." Bulong ko at niyakap ko ng mahigpit si Stephen. Nandun parin ang pagtataka sa mukha niya pero hindi ko nalang iyon ininda dahil sa sobrang galak at saya'ng nararamdaman ko.

"Nak.. Halika gising na si daddy." Ang masayang saad ko sa anak ko na nakaupo sa sofa. Nanlaki naman ang mata ni David at napasigaw dahil sa sobrang galak.

"Daddyyy!!!" Masayang sigaw ng anak ko at dali daling bumaba sa sofa at tumakbo papalapit sa amin.

Hinawakan ko naman ang bewang ng anak ko at pinakandong ko siya sa akin.

"David..."

Napatingin naman ako sa mahal ko ng marinig ko ang namamaos niyang boses pero ang sarap parin sa tengang pakinggan.

"Daddy..." ang masayang nausal ni David at mabilis niyang niyakap si Stephen na nakangiting nakatingin sa anak niya.

Napangiti naman ako na nakatingin sakanilang dalawa.

"Hal.." ang nakangiting tawag ko sa kanya. Hindi mawala ang malaking ngiti sa labi ko dahil sa sobrang kasiyahan.

Blangkong tingin naman ang pinukol niya sa akin. Kunot ang kanyang noo habang inusisa ang kabuhoan ko.

"Hal.. na miss kita sobra. Thank god nagising kana.." ang saad ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Tumigas ang katawan niya nung niyakap ko siya.

Sumalyap ako sa mukha niya. Parang nanlamig ang kalamnan ko ng makita ko ang salubong niyang kilay habang blangko ang kanyang tingin na pinukol sa akin.

"Hal.. sobrang nag alala ako sayo. Kaya mula ngayon hindi na kita hahayaang umalis mag isa. Palagi mo na akong kasama kahit saan ang punta mo. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi ko hahayaang mawala ka sa piling ko hal. Sobrang mahal na mahal kita." Seryosong saad ko habang nakahawak ang kamay ko sa kanyang makinis na mukha.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya. Pero nilihis niya ang mukha niya sa kamay ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

Malamig ang pinukol niyang tingin sa akin. Nanigas ako sa aking kinaupoan habang nakatitig sa kanya.

"Hal naman---"

"Sino ka?" Ang pagtataka niyang tanong sa akin. Salubong naman ang kilay kong nakatingin sa kanya. Sino ba ako?.. ako lang naman ang nobyo niya at nagmamahal na lubos sa kanya. Ano ba 'tong pinagsasabi ng mahal ko.

"Baket mo kasama ang anak ko? Sino kaba?" Tanong niya ulit.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ng mahal ko. Parang hiniwa ang puso ko dahil sa inasta niya.

Baket? Baket hindi niya ko naalala. Baket ako pa ang hindi niya naalala. Maraming katanungang bumabagabag sa isipan ko.

"Hal naman... hindi mo ba ako maalala. Ako ang boyfriend mo. Ako si Matteo." Ang kabadong saad ko. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa sobrang takot.

"Binobola mo ba ako!?" Ang naiinis n'yang saad sa akin. Mabilis naman akong umiling. Totoo yung sinabi ko. Hindi ko siya binobola.

"Hindi hal. Totoo yung sinabi ko. Nobyo mo ko." Ang mabilis ko namang tugon sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya pero mabilis n'yang winakli ang kamay ko.

Naiinis ang mukha niya habang matalim ang pinukol na tingin niya sa akin.

Tumayo ako at yayakapin ko sana siya ng mabilis naman niyang hinarang ang dalawang kamay niya sa akin. Nasasaktan ako sa mga ginagawa ng mahal ko. Para bang binaliwala niya ko.

"Wag mo kong hawakan. Hindi kita kilala. Umalis kana!!." Bawat salita niya ay dumiin sa puso ko. Nanlumo naman akong napaupo pabalik sa upuan at napayuko ako. Palihim kong pinunasan ang luhang lumabas sa mata ko.

"Malakas ang pagkabagok ng ulo ng pasyente sa insidenting pagbangga ng truck sa sinasakyan niya. Pwedi magka amnesia ang pasyente ng ilang taon o buwan bago mabalik ang kanyang memorya dahil sa lakas ng pagkabagok ng ulo niya. May nabilian ring buto sa kanyang binti at dapat itong operahan as soon as possible para hindi ito lumala pa kapag pinapatagal pa ito."

Naalala ko ang sinabi ni doc. Martin sa akin. Tama nga siya. Nagka amnesia ang mahal ko dahil sa pagkabagok niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin sa mahal ko na nakatitig parin sa akin. Napangiti ako ng mapait.

"Hindi mo talaga ako maalala hal?" Tanong ko ulit sa kanya. Mabilis naman siyang umiling at niyakap niya si david habang hindi naputol ang tinginan naming dalawa.

"Papa baket hindi ka nakilala ni daddy?" Ang tanong sa akin ni David na ikinakunot lalo ng noo ng mahal ko.

"Kilala mo siya anak?" Nagtatakang tanong niya sa anak namin. Nakangiting tumango naman si David sa kanya.

"Diba siya ang papa ko, sabi mo nga dati sakin eh." Ang saad ni David sa kanya. Napatingin naman sa akin si Stephen habang kunot na kunot ang noo.

"Baket mo kilala ang anak ko?" Tanong niya sa akin ulit.

"Hal sabi nga ng ana---" hindi ko natuloy ang saad ko ng sumigaw siya sa harap ko.

"Hindi hal ang pangalan ko!!" Sigaw niya sa akin. Napakamot naman ako sa sintido ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Ayokong magalit siya sa akin.

"Okay.. Stephen.. sabi nga nang anak natin na mag pamilya tayo kasi ako ang ama ni David." Aniko na ikinataka pa niya lalo. Napangiti ako ng palihim dahil na kyutan ako sa mahal ko.

"Huh? Pamilya??.." nagtakakang tanong niya sa sarili. 'Di ko mapigilang matawa ng mahina dahil sa sobrang cute ng mahal ko.

"Baket ka tumatawa may nakakatawa ba?!" Ang masungit niyang tanong sa akin. Mabilis naman akong tumahimik at nakangiting nakatingin sa kanya.

"Anong ni-ngitingiti mo jan!!" Bulyaw niya ulit sa akin pero umiling lang ako.

"Wala." Aniko at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko at napaatras siya.

"Wag kang lalapit makakaisa kana talaga sakin!!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Napangiti naman ako ng malanghap ko ang mabangong hininga ng mahal ko.

Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya. Nabalisa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Sabing wag kan---"

Hindi natuloy ang sasabihin niya ng mabilis kong nilapat ang labi ko sa kanya.

Napapikit ako dahil ni namnam ko ang lambot ng labi niya na nasa labi ko.

Nanlaki ang mata niya habang nakatitig sa akin.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro