Chapter 33
"Matteo POV"
"Hello hal saan kana ba? Kanina pa umiiyak si David sa kakahintay sayo. Umuwi kana please. Hindi ko alam kong pano 'to patahanin eh." Ang mabilis kong saad sa kabilang linya. Tumawag kasi ang mahal ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas otso na ng gabi pero hindi pa siya umuuwi.
Napayakap ako sa anak ko na wala paring tigil sa pag iyak. Hinihimas ko ang likod niya at hinalikan ko ang noo niya.
"Shhh!! Tumatawag na ang daddy mo. Wag kanang umiyak anak." Aniko sa kanya. Napatingin naman sa akin ang anak ko na mugto ang kanyang mapupungay na mga mata.
"Hello hal. Nasan kana ba?" Tanong ko ulit sa kabilang linya. Narinig ko ang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko ng hindi nagsalita ang mahal ko.
"Hal. Umuwi kana please." Saad ko ulit pero wala talaga akong narinig na tugon niya sa mga tanong ko.
"Matteo.." saad ng kabilang linya. Mas lalong napakunot ang noo ko ng hindi iyon boses ni Stephen.
"Sino to? Baket na sayo ang phone ng mahal ko. Nasaan siya?" Mabilis na tanong ko. Nagtatagis ang bagang ko dahil sa galit. Sino ba 'tong lalakeng 'to at baket nasa kanya ang phone ng mahal ko.
"Listen Matteo. This is Alexander. Na a-accidente si Stephen. Na-nandito ako ngayon sa Saint Hospital. Cr-critical ang la-lagay niya Matteo." Ang nanginginig na sagot niya sa kabilang linya. Narinig ko ang paghikbi niya. Parang pinana ng palaso ang puso ko dahil sa narinig. Nangatog ang tuhod ko dahil sa takot.
"Wa-wag ka namang mag biro ng ganyan Alexander.. Hi-hindi yan totoo." Ang nauutal kong saad. Ngumiti ako ng pilit kasi alam kong binibiro lang ako nito. Napahawak ako sa dambahan ng sofa dahil nangangatog talaga ang tuhod ko.
"Dad! Si daddy na ba'yan?" Ang nakangiting tanong ng anak ko. Para namang piniga ang puso ko ng masilayan ko ang masayang ngiti ng anak ko.
"Hi-hindi nak." Saad ko at binalik ko ang atensyon ko sa katawag.
"Hindi ako nagbibiro Matteo. Totoo ang sinabi ko." Seryosong saad niya at pinutol na niya ang linya.
Nanghihina kong nalagay ang cellphone ko sa lamesa at tumulo ang luha ko sa aking mga mata.
"Hi-hindi yo'n to-totoo." Ang nanginginig kong bulong. Napapikit ako at pilit na pinigilan ang luhang pumatak sa pisnge ko. Alam kong hindi 'yon totoo. Walang masamang mangyayari sa mahal ko.
"Papa why are you cry?" Nagtatakang tanong ni David. Napatingin naman ako sa anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
Tumayo ako sa sofa. Nagtataka namang nakatingin sa akin ang anak ko. Kunot ang kanyang noo.
"Come here. Puntahin natin ang daddy mo." Ang saad ko at mabilis akong lumabas ng bahay.
Malakas parin ang pagbuhos ng ulan.
"Papa san tayo pupunta?" Ang nagtatakang tanong niya. Ngumiti ako ng pilit sa anak ko at binuhat ko siya patungo sa kong saan naka park ang kotse ko.
Binuksan ko ang passenger seat at pinapasok ko doon si David at pinasout ko sa kanya ang seatbelt.
Pumasok ako sa driver seat at nag seatbelt. Mabilis kong pinaandar ang kotse palabas ng bakuran ng bahay.
--
Pagkarating namin sa saint hospital ay bumaba ako sa kotse ko at hinawakan ko ang kamay ng anak ko palabas ng kotse.
Pumasok kami sa hospital at nasalubong ko ang umiiyak na si Alexander. Mugto ang kanyang mga mata na nakatingin sa amin.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot na baka totoo yung sinabi niya.
"Ma-mateo nasa ER na si Stephen. Inoperahan na ng doctor." Ang saad niya. Napahawak naman ako sa aking buhok at napasabunot ako dahil naawa ako sa mahal ko.
Tumulo ang luha ko at mabilis akong tumakbo kung saan ang ER.
Pagkarating ko sa ER ay mabilis akong tumakbo papalapit sa mahal ko na nakaratay sa hospital bed.
Maraming nakasaksak sakanyang mga aparatos sa katawan. May nakalagay na oxygen sa kanyang ilong.
Nanghihina akong napayakap sa katawan ng mahal ko. Napaiyak ako dahil hindi ko kayang makita na nagkaganito ang mahal ko.
Napatingin ako sa maamong mukha niya. Nakabenda ang ulo niya. Hinalikan ko ang noo niya. Pinikit ko ang aking mata at tumulo na naman ang luha ko.
Ang sakit sa dibdib ko na makita ang mahal ko na nagkaganito. Mas gustong kong ako nalang ang nasa kalagayan niya kesa siya ang nanjan na nakaratay na walang malay.
"Sir pasensya na po pero hindi po kayo pwedi dito." Saad ng babaeng boses na nasalikod ko. Hinawakan niya ang balikat ko pero winaksi ko ito at niyakap ko ng mahigpit ang mahal ko.
Hindi ko kayang iwanan dito ang mahal ko.
"Pero sir. Bawal po kayo dito. Sa labas nalang po kayo maghintay for the result ng pasyente." Saad niya ulit sa akin at pinakalas niya ko sa pagkayakap sa mahal ko.
Umiling ako sa kanya at niyakap ko nang mahigpit ang mahal ko. Hindi ko iiwan ang mahal ko dito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at may mga lalakeng doctor na pumasok.
"Doc Martin." Saad ng babaeng nurse.
"Pabayaan mo siya Sabrina." Tugon niya sa babae. Pumikit naman ako at niyakap ko ang mahal ko. Tumulo na naman ang luha ko. Kung sinamahan ko siya kanina. Hindi sana ito mangyayari sa mahal ko.
"Hal mag pagaling ka. Hindi namin kayang mawala ka sa amin ni David. Mahal na mahal kita hal. Wag kang susuko hal. Nandito lang kami ng anak mo." Bulong ko at hinalikan ko ang noo niya.
--
"Matteo right?" Tanong ni doc. Martin sa akin. Nandito kami ngayon sa kwartong kinalalagyan ng mahal ko.
Kandong ko ang anak ko habang nakaupo ako sa upuan.
Tumango ako sa tanong ni doc. Martin. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
"Malakas ang pagkabagok ng ulo ng pasyente sa insidenting pagbangga ng truck sa sinasakyan niya. Pwedi magka amnesia ang pasyente ng ilang taon o buwan bago mabalik ang kanyang memorya dahil sa lakas ng pagkabagok ng ulo niya. May nabilian ring buto sa kanyang binti at dapat itong operahan as soon as possible para hindi ito lumala pa kapag pinapatagal pa ito." Seryosong saad ni doc. Martin sa akin. Napapikit naman ako dahil sa mga narinig. Magka amnesia na balian ng buto sa bente ang mahal ko. Nanghihina akong napayuko. Naawa ako sa mahal ko. Baket sa kanya pa nangyari ito. Parang sinakal ang puso ko dahil sa sobrang pagkaawa sa mahal ko.
"Doc. Gawin niyo po ang lahat para sa mahal ko. Hindi ko po kayang mawala ang mahal ko sa akin. Gawin niyo po ang lahat para gumaling ang mahal ko. Please doc." Pakiusap ko sa kanya. Tumango naman siya at tinapik niya ang braso ko.
"Wag kang mag alala Matteo. Gagawin namin ang makakaya namin para maging succesful ang operaton sa binti ng pasyente"
"Salamat doc."
Ngumiti naman siya sa akin at tumayo siya sa kanyang pagkaupo sa upuan.
"Iwan na muna ko kayo dito." Saad niya. Napatingin naman ako kang doc. Martin.
"Doc kailan po magising ang mahal ko?" Saad ko na nakatingin sa kanya.
"Wag kang mag alala Matteo. Gigising din yan sa sa ikalawang araw." Saad niya. Napangiti naman ako dahil sa saya.
"Talaga.."
"Yes."
"Sige mauna na ako. Marami pa akong pasyenteng aasikasuhin."
"Sige doc. Maraming salamat talaga."
"No probz." Sagot naman niya bago lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa anak ko na nakatitig sa kanyang daddy. Kinakausap niya ito.
Napangiti naman akong nilapitan silang dalawa.
"Daddy gising kana please. Miss na kita."
"Daddy mahal na mahal po kita."
"Daddy gising na please. Hindi na ako maging badboy sayo dad."
"Daddy magdarasal po ako kay papa jesus palagi at ipagdarasal ko na sana gumising kana."
"Miss kana namin ni papa."
"I love you daddy."
Ang mga narinig kong salita sa anak ko. Hinalikan niya ng paulit ulit ang noo ng mahal ko. Tumulo naman ang luha ko dahil sa nasaksihan sa anak ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko ang noo niya.
"Wag kang mag alala anak. Gigising din yan si daddy kasi hindi niyan matitiis na makita ang pinaka-cute niyang baby." Ang saad ko sa anak ko. Napatingin naman ang namumungay na mga mata ng anak ko sa akin.
"Talaga papa. Hindi matiis ni daddy na makita ako." Ang masayang saad niya sa akin. Nakangiting napatango naman ako sa kanya.
"Oo naman.." nakangiting saad ko at ginulo ko ang buhok niya. Natatawa namang napayakap sa akin ang anak ko.
"Hug po natin si daddy papa para hindi po siya malungkot at magising na po siya." Saad ng anak ko. Tumango naman ako at niyakap namin ng sabay ang pinakamahal naming nilalang sa buhay.
"Mahal na mahal ka namin ng anak mo hal. Wag kang susuko. Mag pagaling ka. Nandito lang kami." Bulong ko sa mahal ko at pinatakan ko ng halik ang noo niya.
A/N: Pasensya na dahil ngayon lang ako nakapag update. Busy kasi ako sa sobrang daming school works na pinagawa ng mga guro namin. Sana maintindihan niyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro