Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

"Stephen POV"

"Hal malayo paba ang pupuntahin natin?" Tanong ko kay Matteo na ngayon ay prenteng nagmamaneho. Napatingin naman ako sa anak ko na ang himbing ng tulog na nakahiga sa lap ko. Hinahaplos ko ang buhok niya habang taimtim kong tinitigan ang payapang mukha ng anak ko.

"Malapit na tayo hal." Ang nakangiting tugon ni Matteo. Tumango lang naman ako sa kanya. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Mga naglalakihang puno na ang mga nakikita ko sa paligid. Mga mabeberding mga halaman.

Maaliwalas ang panahon ngayon. Napatingin ako sa anak ko ng gumalaw ito. "Da-daddy.." ang sabi niya na parang naiiyak. Nanaginip siguro ng masama ang anak ko.

Hinalikan ko lang naman siya sa nuo at hinahaplos ko ang buhok niya. "Nandito si daddy.. shhh.." saad ko at hinalikan ko ulit sa kanyang nuo.

Napadilat ng mata si David at puno ng lungkot ang kanyang matang nakatingin sa akin. Nagbabadyang tumulo ang luha niya kaya naalarama ako at mabilis ko siyang niyakap.

"Shhh... dont cry baby. Daddy is here. Its just a bad dream." Saad ko sa anak ko at hinihimas ko ang nuo niya na nakakunot. Ngumiti ako sa anak ko para ipahiwatig sa kanya na ayos lang ang lahat.

Niyakap ako ng mahigpit ang anak ko habang nakasubsob siya sa aking leeg. I tap his shoulder at ginulo ko ang kanyang buhok.

"Its okay baby."

"Daddy wag mo akong iiwan kami ni papa. Promise me daddy." Pagsusumamong saad ng anak ko. Hinawakan ko ang kanyang matambok na mukha at kinurot ko iyon. Napalabi naman ang huli.

"Oo naman baby. Hindi ko kayo iiwan ng papa mo. Promise." Ang saad ko. I raise my right hand na para bang nanunumpa ako. Niyakap ako ng anak ko pabalik.

"Promise mo yan daddy.." ang saad ng anak ko at nag pout ng labi niya. Napatawa naman ako kinurot ang pisnge ng anak ko. Ang cute talaga ni David ko.

"Yeah baby. I promise." Saad ko at niyakap siya ng mahigpit. Ganun din naman ang ginawa ng anak ko.

"Oiii.. baket hindi n'yo ako sinali jan." Ang saad ni Matteo na nakatingin sa amin. Natatawa naman akong pinalapit siya at niyakap ko silang dalawa. Mahal na mahal ko talaga ang pamilya ko.

--

"Wow! Papa ang laki ng falls. Ang sarap maligo daddy.. Lets go! ligo tayo ni papa." Ang bibong saad ni David habang manghang mangha na nakatingin sa pag-agos ng tubig galing sa itaas ng bundok.

Naglapag ako ng mantel sa damuhan at nilabas ko ang mga baon naming mga pagkain sa basket.

Napatingin naman ako ng tumawa ng malakas si David. Hinabol pala siya ng ama niya at nahuli niya ito. Kinarga niya si David na parang sakong bigas at kiniliti niya ito sa tagiliran. Tawa naman ng tawa ang anak ko.

Napangiti nalang ako dahil ang saya nilang tingnan mag ama. Parang may humaplos sa puso ko habang tinitingnan sila na sobrang saya.

"Daddy help me!! Hahahaha.." ang natatawang tawag sa akin ni David. Napailing naman ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Sorry baby may ginagawa pa ako.." ang saad ko at napatingin naman ako sa kanila ng tumili ng malakas si David. 

Nasa tubig na pala sila ng talon at nagtatampisaw na lumalangoy si David sa mababaw. Binabantayan naman ni Matteo ang bawat galaw ng anak niya na may ngiti sa labi.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Matteo at pilyo naman itong kumindat sa akin. Binalatan ko lang naman siya at napapailing nalang akong tinapos ang pag pripare ko ng makakain namin.

Pagkatapos kong maihanda ang mga pagkain ay tinawag ko silang mag ama na kakain na. Natatawa namang tumakbo papalapit sa akin si David habang hinahabol siya ng ama niya.

"Daddy help. Papa is a zombie." Ang saad ng anak ko at nagtago sa akin.

"Rawr!! Where's my baby. Im going to eat him. Rawr." Ang parang zombie na saad ni Matteo at nagkilos din ito na parang zombie talaga.

"Daddy cover me. The zombie is coming." Ang bulong sa akin ni David. Natatawa naman akong inawat silang dalawa.

"Tama nga yang kalokohan n'yong mag ama. Kakain na tayo. Masamang pag hintayin ang grasya." Ang saad ko. Ngumiting tumango naman si Matteo at lumapit sa tabi ko. Hinalikan niya ko sa pisnge bago umupo sa tabi ko.

"Kain kana hal. Susubuan ko lang 'to si David." Saad ko at nag lagay ng pagkain sa plato.

"Ako hal. Hindi mo ba ako susubuan?" Ang saad niya at napakagat labing nakatitig sa akin. Pilyo talaga. Sinapak ko naman siya ng mahina sa balikat niya.

"Ano ka bata para subuan pa kita." Ang saad ko at inirapan siya. Nagkuha ako ng pagkain sa plato gamit ang kutsara at sinubuan ko si David.

"Open your mouth hal the helicopter is coming. Tugtugtugtug!!.." ang lokong saad ni Matteo at may pa sound effects pa. Napahagikhik nalang ako dahil sa kalokohan ng mahal ko.

"Open your mouth na hal. Ayokong magutom ang mahal ko." Saad niya at nilapit niya ang kutsara sa bibig ko na may lamang pagkain. Napangiti naman ako at kinain ko rin sa huli.

"Yan. Very good." Ang saad niya na ikinahagalpak ko ng tawa. Grabe ang lakas ng tagas ng utak ang mahal ko ah. Ginawa pa talaga niya akong bata sa mga inasta niya. Napapailing nalang ako at napangiti kalaunan.

"Daddy subuan mo pa ako. My little tummy is hugry now daddy." Ang saad ng anak ko at napahawak pa ito sa kanyang tiyan.

"Oh! Sorry baby. Your papa kasi make landi landi me." Ang nakangisi kong saad at inirapan ko naman si Matteo.

"What landi landi means daddy?" Ang kyuryosong saad ni David. Natatawang ginulo naman ni Matteo ang buhok ng anak niya at binulongan niya ito habang nakatitig sa akin. Ngumiti naman si Matteo pagkatapos niyang bulungan ang anak niya. Ano kaya ang sinabi ng hinayopak nato.

"Iyot daddy at papa?" Ang nagtatakang saad ng anak ko habang nakatitig sa ama niya na napahagalpak ng tawa.

"Ay bastos! Bwésit ka talaga Matteo." Ang naiinis kong saad at pinaghahampas ko siya. Wala namang tigil ang pagtawa niya at pinagsasalag niya ang bawat paghampas ko sa kanya.

"Sorry na hal. Sorry. Hindi ko na uulitin." Ang natatawang paumanhin niyang tawad sa akin. Naiinis ko naman piningot ang kanyang ilong na ikinagiwi niya.

"Maloko ka talaga Matteo. Paghahawaan mo pa talaga ang anak natin sa kalokohan mong hinayopak ka." Saad ko sa kanya at hindi ko parin binitawan ang pag pingot ko sa ilong niya.

"Ouch! Hal. Sorry na hal. Hindi ko na uulitin hal. Ouch! Promise hal. Patawad." Ang saad niya at hinawakan niya ang balikat ko. Binitawan ko na ang kanyang namumulang ilong. Napahawak naman siya sa kanyang namumulang ilong at nakapuot na nakatingin sa akin. Naawa naman ako sa mukha ng mahal ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. "Ang sakit ng ilong ko hal." Ang nagtatampong sumbong niya sa akin. Nakapout parin ang labi niya.

"Ikaw kasi eh. Maloko ka." Saad ko at hinalikan ko ang nuo niya. Napatingin naman ako sa ilong niyang namumula. At nag pout siya sa akin. Ang cute tingnan ng mahal ko.

"Kiss mo nalang ako hal para mawala na ang sakit ng ilong ko." Ang saad niya habang nakapout na nakatitig sa akin.

Walang pag alinlangan na hinalikan ko ang nakapout niyang labi. Nalungkot naman ang mukha niya na binawi ko agad.

"Hal isa pa." Pagsusumamong saad niya. Tumalima naman ako at hinalikan ko siya ng mabagal sa labi niya. Tatlong minuto sigurong naglapat ang aming labi.

"Wow! Ang sweet ni daddy at papa. Sweet!" Ang nagpapalakpak na sabi ni David sa amin na nasa harap na pala namin at nakatitig sa aming paghahalikan.

Napabitaw naman ako dahil nakalimutam kong may bata pala kaming kasama.

"One more! One more! One more!" Ang sigaw ni David at nagtatalon pa sa harap namin.

"No. Baby kakain na tayo." Ang putol ko at kinuha ko ang plato na may lamang pagkain. Umiling naman ang anak ko at sumeryoso ang mukha nito na para bang siya ang boss namin.

"No daddy. Just do it my command. Kiss papa now!." Ang saad niya at napamewang pa sa harap namin ni Matteo. Napailing nalang akong nakangiti at napatingin kay Matteo na may malokong ngiti ang umukit sa labi niya.

"Halikan mo daw ako hal sabi ng anak mo." Saad niya at hindi parin mawala ang pilyong ngiti sa labi niya. Umiling lang naman ako at bumilat sa kanya.

"Hindi niya ko halikan ng daddy mo baby." Ang sumbong niya sa anak ko at napangiti naman pagkatapos.

"Daddy! Kiss papa now!" Ang maotoridad na saad ng anak ko. Napapailing naman ako dahil parang pinagkakaisahan ako ng mag ama nato. Lumapit nalang ako kay Matteo na nakangiti sa akin.

Hinalikan ko siya sa labi at napapikit nalang ako. Ginawaran naman ang halik ko ni Matteo. Limang minuto ang paghahalikan namin at humiwalay kami sa isat isa dahil nawawalan na kami ng hangin.

"Yehey!" Masayang sigaw ng anak ko at niyakap niya kaming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro