Chapter 28
"Stephen POV"
"Please hal mag usap tayo. Mag papaliwanag ako sayo. Hal please." Ang pakiusap niya habang dumadaloy ang luha niya sa kanyang mga mata. Napatingala naman ako dahil parang nagbabadya naring bumuhos ang luha ko.
Nasasaktan akong nagkaganito si Matteo. Nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak. Sobrang nasasaktan ako ngayon dahil nasa harap ko ang taong pinakamahal ko at nagsusumamo ang kanyang gwapong mukha habang umiiyak na parang bata.
Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa walang kabuhay buhay niyang mga mata na nakatingin sa akin at nagpapahid ng kanyang luha.
"Hal please. I begging you. Give me a second chance. I so fúcking love you hal. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat hal para makuha ko ulit ang puso mo. " Saad niya at hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan niya iyon. Nandun parin ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin.
"Matteo. Itigil mo na 'to." I said with serious tone. Para naman siyang batang umiiling at mahigpit niyang pinagsaklop ang aming mga kamay. Mariin niya kong tinitigan sa aking mga mata.
"Noo!!!! Hal. Hindi ako titigil 'pag hindi mo ako bibigyan ng second chance na maging tayo ulit." Saad niya at hindi napuputol ang aming tinginan sa isat isa.
"Just move on Matteo." Walang gana kong sabi sa kanya na ikinadilim nang kanyang dalawang mata at nagbabagtingan ang kanyang panga dahil sa galit.
"Paano ako makamove on Stephen. Kung ikaw ang tinitibok nitong puso ko. Mahal na mahal kita Stephen. Sobrang mahal na mahal." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Mahal niya ko? I baket niya nagawang mangbabae noon kung mahal niya talaga ako. Baket hindi ba ako sapat sa kanya. May pagkukulang pa ba ako para gawin niya yun sa akin. Ang kapal talaga ng mukha.
"Mahal mo ako?" Natatawa kong tanong sa kanya. Mabilis naman siyang tumango at tinitigan niya ako ng pagsusumamong tingin.
"Oo hal. Sobrang mahal na mahal kita." Sagot niya at hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakakuyom dahil sa galit ko sa kanya.
"Mahal mo mukha mo!! I pano mo nagawa sa akin ang mangbabae noon?!! Hindi paba ako sapat sayo Matteo para saktan mo ako ng ganito??.. sa harap harapan ko pa talaga kayong magtaksil ni Bhea... akala ko ba hindi mo na mahal ang babaeng yun.. Akala ko ba ako lang ang mahal mo. Eh! Baket mo nagawang magtaksil sa akin Matteo?.." hindi ko mapigilan ang sigawan siya dahil sa galit ko sa kanya noon na ngayon ko palang nailabas. I just wipe my tears away. Ayokong kaawaan niya ko. Ayokong makita niya ako na umiiyak dahil sa kanya.
"Magpapaliwanag ako Stephen. Lahat ng makita mo noon sa amin ay hindi ko ginusto iyon." Natataranta niyang saad. Napangiti nalang ako ng hilaw. Mag saya naba ako na hindi niya ginusto ang makipaghalikan sa ex niya. Eh! Kung hindi niya ginusto iyon, baket hindi niya pinigilan. Or dahil mahal pa niya ang ex niya kaya nagawa niyang maglalapan kay Bhea. Na parang wala siyang boyfriend na nagmamahal sa kanya.
"I baket hindi mo siya pinigilan?" Saad ko.
"Pinigilan ko Stephen. Sadyang siya lang talaga aggresibo na halikan ako. Pilit ko siyang tinulak kasi na sa isip ko na mali iyon dahil may girlfriend ako at ikaw yun Stephen. Sobrang mahal na mahal kita Stephen. At nung itutulak ko na sana siya at papalabasin para matigil niya ang kabaliwan na ginawa niya. Pero bumukas ang pinto at nakita mo kaming ganun ang pisisyon Stephen. Hindi ko yun ginusto. Maniwala ka sana Hal." Sabi niya. Nakikita ko ang pagsisi sa kanyang mga mata at sobrang kalungkutan. Napailing nalang ako at pilit na hindi magpadala sa mga sinasabi niya.
"Kung talagang mahal mo ko. Baket hindi mo ako hinanap sa limang taon na lumipas Matteo?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinihimas niya iyon. Napatingin ako sa kanyang mata.
"Sige sasabihin ko sayo lahat-lahat kung baket hindi kita hinanap ng limang taon. Ganito yun Stephen. Sinabi sa akin ni Bhea na buntis siya at ako ang ama niya. Pinagbabantaan niya rin ako na ipapatay ka niya 'pag hindi ko siya mamahalin ulit. At yun ang hindi ko kayang mangyari sa 'yo Stephen.
Inako ko na maging ama ako ng anak niya. At pilit ko rin na kalimutan ka na ilang taon para mahalin ko siya. Hanggang sa ginawa kong maging sweet ako sa kanya at inaalagaan ko siya araw araw para makalimot na ako sayo. Ginawa ko lahat ang gusto niya.
Pero kahit anong pilit kong gawin na kalimutan ka, ay hindi ko parin nagawa Stephen. Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko..
Nakunan si Bhea dahil nadulas siya sa banyo. Laking pasalamat ko dahil malaya na akong babalikan kita dahil wala ng naging hadlang sa ating pagmamahalan.
Pero sinabi niya sa akin na kapag nagkakabalikan tayo ay ipapatay ka niya sa kanyang ama. Oo natatakot ako Stephen na sinabi niya 'yon. Kasi kayang gawin ng ama niya ang pumatay ng tao. Sundalo ang ama niya at pulis naman ang kapatid niyang lalake. Ipapatay ka niya sa ama niya kapag nakikita niyang nagkakabalikan tayo..
Limang taon akong nagtiis sa kanya Stephen. Tiniis kong maging kami kahit hindi ko siya kayang mahalin. Tiniis kong maging sunod-sunoran sa mga gusto nya. Tiniis ko ang paghihirap na hindi ka makita para maprotektahan kita sa kanila.
Pero ngayon hindi ko na kaya ang iwasan ka Stephen. Kasi no'ng nakita kita sa mall kasama ang batang lalake at si Alexander ay bumalik ulit ang sigla ng puso ko. Sa isang iglap ay tumitibok ulit ang puso ko dahil sayo Stephen. Pangalan mo ang sinisigaw nito.
Nawala na parang bula ang takot ko sa mga pagbabanta ni Bhea dahil sayo. Kaya kitang protektahan laban sa kanila. At hindi ko na talaga kaya ang paghihirap ko na kalimutan ka. Lahat ng mga problema ko nawawala pag nasilayan ko lang ang mahal ko at ikaw 'yon Stephen. Nawala ang takot sa puso ko dahil nandito kana ngayon sa harap ko." Mahabang paliwanag niya. Nararamdaman ko ang paghihirap ni Matteo dahil sa sinabi niya. Napayuko siya at umiiyak. Naawa ako sa mahal ko. Hindi ko alam na ganito na pala ang nararansan niya sa kamay ni Bhea. Pinapaikot siya at pinagbabantaan para lang hindi kami magkita at magkabalikan. Sobrang sama ng ugali talaga ng bruhang 'yon. Masabunotan ko talaga ang babaeng yun pagnakikita kami. Mata lang ang walang latay sa kanya 'pag nagkaharap na kami. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nalamang pinapahirapan niya ang mahal ko. Maghanda ka talagang bruha ka.
Mabilis ko siyang yinakap at hinihimas ko ang likod ni Matteo. Mahigpit ang pagyakap niya sakin na para bang takot siyang pakawalan ako.
"Tahan na Matteo. Im here now. Hindi ko hahayaang gawin nya ulit sayo 'yun." Ang pagpapatahan ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at pulang pula ang kanyang mata dahil sa kakaiyak.
"Bi-bigyan mo na ba ako ng second chance hal?" Nauutal niyang tanong. Walang kasigla sigla ang mukha niya at kalungkotan ang nababasa ko sa kanyang mata.
Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan ko sya ng peck sa lips. "Oo Matteo." Ang sagot ko na ikinabalik ng sigla ng kanyang mukha. Napalitan ng kasiyahan at pagmamahal ang nababasa ko sa kanyang nangungusap na mata.
Mabilis pa sa alas kuwatro na yinakap niya ko at hinalikan niya ko ng mariin sa aking labi. Napangiti naman akong tinugunan ang halik niya.
Hinawakan niya ang pisnge ko at sobrang kasiyahan ang rumirihistro sa kanyang gwapong mukha. May pagmamahal niya kong tinitigan habang hindi mawala ang malaking ngiti sa kanyang mapupulang labi.
"Salamat hal. Hindi ka talaga mag sisi na binigyan mo ako ng second chance na mahalin ka. Mamahalin kita hanggang sa kamatayan man.." masaya niyang sabi at paulit ulit niyang hinalikan ang noo ko. Napangiti nalang ako dahil nagkabalikan na kami ng mahal ko. Masaya ako ngayon sa araw nato.
"You deserve a second chance hal. Lahat namang tao deserve yan eh." Saad ko at nakangiti naman niyang kinagat ang leeg ko. Tinampal ko naman ang pisnge niya dahil baka magbabakat sa leeg ko ang kagat niya.
"Thank you hal. I love you." Nakangiti niyang saad at ngumiti rin naman ako sa kanya at hinawakan ko ang namumulang pisnge niya.
"I love you too hal." Saad ko at hinalikan niya ko ng parang wala ng bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro