Chapter 27
"Matteo POV"
"Matteo sino ang pinaimbistigahan mo sa akin?" Ang tanong ni Basti. Nandito kami ngayon sa unit ko at pinapunta ko dito ang tatlo kong kaibigan.
"Hindi ka paba nakamove-on sa kanya bro?" Ang tanong naman ni Jude na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa kasama si Mike.
"I love him at pano naman ako makapagmove-on kung siya na talaga ang tinitibok nitong puso ko."
"Ang tindi nyan bro ha..." ang natatawang wika naman ni Mike.
"Tsk. Tindi talaga."ani ko sa kanya.
"Imbistigahan mo si Stephen. Simula ng ilang taon ang lumipas na hindi kami nagkita at kung anong nangyari sa kanya na wala ako sa tabi niya. Imbistigahin mo rin kung totoong may anak siya." Ang sabi ko kay Basti na nakaupo sa stole. Tumango lang naman siya sa akin at nag thumbs up. May tinawagan siya sa phone niya at kalaunan ay pinatay naman niya ito.
"Anong plano mo ngayon Matteo na ngayon ay nakikita muna si Stephen?" Tanong ni Mike. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano kayang unang hakbang ang gagawin ko para makuha ko ulit ang mahal ko.
"Mag paliwanag ako sa kanya sa mga maling nagawa ko noon."
"Pano kung hindi kana niya mahal bro." Saad ni Basti na ikinakuyom ng kamao ko. Alam kong mahal pa ako ni Stephen hanggang sa ngayon. Nararamdaman ko iyon. At ganun din ako sa kanya. Sobrang mahal na mahal ko siya.
"No bro. Hindi niya magawang hindi nya ko mahalin kasi alam kong hanggang sa ngayon ay ako parin ang tinitibok ng puso niya." Ang mariin kong saad sa kanya. Napangisi naman ang tatlo sa sinabi ko.
"His mine. Always mine. At magkakamatayan man kung sinong lalakeng aagawin ang mahal ko sa akin." Ang dugtong ko. Napailing naman si Basti dahil sa narinig niya mula sa akin.
"Ang possessive mo bro." Aniya. Binigyan ko lang naman siya ng blangkong tingin.
"Wala akong pake alam kong sobrang obsessed ako sa kanya. Basta sa akin. Ay akin lang sya at wala nang ibang makikinabang sa kanya kundi ako lang. His mine." Nagtatagis ang bagang kong sabi sa kanya. Akin lang si Stephen.
Tumunog naman ang cellphone ni Basti. "Bro sasagutin ko muna ang tawag nang isa sa mga tauhan kong pinaimbistiga ko sa mahal mo." Ang sabi ni Basti. Tumango lang naman ako. Hindi na ako makapag hintay sa mga nakalap nilang nalalaman sa pag-iimbistiga sa mahal ko.
"Ano na ang nakalap nyo?" Ang bungad na tanong ni Basti sa isa sa mga tauhan niya.
"Thats good." Ang nakangiting saad naman niya. Napangiti rin ako kasi nakaramdam akong may goodnews na sasabihin si Basti.
"Okay. Bye." Ang huli niyang sabi at pinatay na niya ang phone niya. Malaking ngiti ang pumaskil sa labi ni Basti.
"Ito bro may nakalap ng nalaman ang tauhan ko tungkol sa mahal mo." Ang saad ni Basti na ikinatinginan namin sa kanya. Seryoso ko naman siyang tinitigan.
"Ano yun?" Napalunok ako ng ilang beses dahil natuyot ang lalamunan ko.
"3 years ago ay pinganak niya si David. Yan ang pangalan ng anak niya at 5 years old na ito ngayon. At isa si Stephen sa mga lalakeng nabubuntis dahil may ovaries sila katulad ng mga babae. Ang kasa-kasama naman niyang binubuhay ang anak niya ay si Alexander ang matalik niyang kaibigan noon pa. Nakatira siya ngayon sa L***** street. At yan lang ang nakalap ng isa sa mga tauhan ko na pinaiimbistigahan ko sa kanya." Ang mahabang litanya niya na ikinakunot ng noo ko. Totoo ngang anak niya ang batang kasama niya sa mall. At sino naman ang ama ng anak niya?
"Thanks bro. Malaking tulong talaga ang impormasyon ng tauhan mo." Nakangiti kong saad kang Basti.
"Wala yun. Magkaibigan tayo eh. Kaya magtulong tulongan talaga." Saad niya na ikinangiti ko. Maasahan talaga itong mga kaibigan ko.
--
Napangiti ako na nakatingin sa labas ng bahay ni Stephen. Nanjan kaya siya ngayon. Sino kaya ang kasama niya. Gusto kong malaman kung sino talaga ang ama ng anak ni Stephen.
Bumukas ang pinto ng bahay niya at napakuyom ang aking kamay ng makita ko si Alexander na kakalabas lang ng bahay ni Stephen. Ano kaya ang ginagawa ng hinayopak na 'to sa bahay ng mahal ko.
Nagtataka pa ako ng lumabas rin si David ang anak ni Stephen at ang mahal ko. Saan kaya sila pupunta. Bihis na bihis sila at parehang may ngiti sa labi.
Nagtatagis ang bagang ko nang hinawakan ni Alexander ang kamay ng mahal ko. Bwesít talaga 'tong hinayupak nato.
Lumabas sila ng bakuran at sumakay sa kotse ng hinayopak. Pagkatapos nilang makapasok ay umandar na ang makina ng kotse at umalis.
Mabilis naman akong sumakay sa kotse ko at sinundan sila kung saan sila pupunta.
"Stephen POV"
Pagkarating namin sa El fuego restaurant ay lumabas na kami sabay sabay sa kotse. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at ganun din naman ang ginawa ni Alexander sa kabila ng kamay ng anak ko.
Sa labas palang ay marami ng nagtitinginan sa amin. At napangiti lang naman ako dahil parang mag pamilya kaming titingnan ngayon.
Pumasok kami sa loob ng restaurant at tinungo namin ang pinareserved ni Alexander na pwesto para sa amin.
Umupo kami sa tatlohang upuan at nag order ng pagkain si Alexander.
"I want ice cream tito." Ang magiliw na sabi ni david sa tito niya. Umiling naman si Alexander at ginulo ang buhok ng anak ko.
"Maya na baby. Kakain muna tayo ng pagkain para magkalaman yang sikmura mo bago oorder tayo ng favorite mong ice cream. Okay ba 'yun baby?" Ang sabi niya sa anak ko na ikinatango naman ng huli. Napatingin naman sa akin si Alexander na nagtataka.
"Order kana rin ng sayo Stephen. Ako na ang taya." Sabi naman niya na ikinagalak ko sa saya. Malamang libre na 'to eh.
"Sabi mo yan ha... wala ng bawian." Ang sabi ko kaagad sa kanya at nagtawag ako ng waiter.
"Oo nga. Kahit araw araw pa kitang librehin Stephen. Walang problema yun sa akin." Saad niya na nakapagpangiti sa akin. Kinurot ko naman ang pisnge nya na ikinatawa nya.
"Thank you." Ang nakangiti kong saad sa kanya. Umiling siya at napatitig sa akin.
"No welcome." Ang natatawang tugon niya.
"Hala! Linya ko yan ah..." ang sabi ko at sabay pa kaming natatawa.
Dumating naman ang waiter at sinabi ko sa kanya ang order ko at ganun narin sa anak ko.
Pagkaalis ng waiter ng makuha na niya ang order namin ay bigla namang nagtutubig ang pantog ko.
"Jijingle muna ako Alexander. Ikaw muna ang bahala kay david." Saad ko at tumayo.
"O sige. Ako na ang bahala dito sa anak mo." Saad niya. Tumango lang naman ako at patakbo kong tinungo ang comfort room ng restaurant.
Pagkapasok ko sa loob ng restroom ay tinungo ko ang walang taong cubicle at doon ako umihi.
Napapikit nalang ako pagkatapos kung maibuhos lahat ang urine ko sa toilet bowl. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil busy ako sa pagsara ng pantalon ko.
Humakbang ako papaunta sa sink para maghugas ng kamay. Napatingin ako sa salamin pagkatapos para icheck ko muna ang mukha ko.
Pero nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Matteo na seryosong nakatingin sa akin. Napailing naman ako at pumikit baka guni guni ko lang iyon. Pero pagdilat ko ulit ng aking mata ay nakita ko ulit ang seryosong mukha niya sa salamin na nasa likod ko na pala.
Napaharap ako sa kanya at nagkatinginan kaming dalawa sa isat isa. Mabilis ang pagtambol ng puso ko dahil nasilayan ko ulit ang mukha niya. Walang kabago bago. Ang gwapo parin niya.
Napatigil pa ako ng hawakan niya ang braso ko at diniin ako sa pader. Mabilis ang bawat galaw niya at hindi ko namamalayan na nahalikan na pala niya ako. May halong pag-angkin ang halik nyang ginawad sa akin. Agrisibo ang dalawang kamay niya na humahaplos sa bewang ko. Napapikit ako at ninamnam ang masarap niyang halik sa akin.
Kalaunan ay lumaban narin ako sa kanyang paghalik sa akin. Uminit ang paligid ko pati narin ang katawan ko. Lasang mentol ang kanyang laway na lalong ikinainit ng katawan ko.
Sobrang namiss ko itong feeling na ito sa kanya. Ang bawat halik nya at bawat haplos ng kamay nya sa katawan ko. Sobrang kinasabikan ko ang feeling nato sa kanya.
Napatigil ako sa paghalik sa kanya ng mag flash sa isip ko ang mukha ng anak ko. Shít. Hindi niya pwede kunin ang anak ko. Mabilis naman akong tinulak siya na ikinataka ng gwapong mukha niya. Kunot noo niya kong tinitigan.
Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari sa amin. Hindi ko napagilan ang lumaban sa kanya ng halik dahil nasasabik din ako sa kanya.
"Stephen mag-usap tayo." Ang seryoso niyang saad na lalong ikinakaba ko. Kukunin na ba niya ang anak ko. No! Walang siyang alam na may anak siya sa akin. At hindi niya kailangang malaman niya 'yun.
"Wala na dapat tayong pag usapan Matteo. Matagal nang wala sa atin kaya wag muna akong guluhin." Ang saad ko at aalis na sana ako ng mabilis naman niyang hinawakan ang braso ko at hinawakan niya ang mukha ko.
Nabasa ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagmanahal at pangungulila. Napailing lang naman ako dahil alam kong wala ng pagmamahal sa akin si Matteo.
"Please Matteo bitiwan mo na ako." Ang sabi ko at pilit na pinahiwalay ang kamay niya sa akin. Dumilim naman ang mukha niya na parang demonyo. Napayuko nalang ako dahil sa kaba.
"Mag usap tayo Hal please." Sabi niya na ikinatingin ko sa kanya. Nagsusumamo ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Nakaramdam naman ako ng awa ng makita ko ang pagdaloy na luha sa kanyang mata..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro