Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

"Matteo POV"

"MA-MATEO..." ang nauutal nyang wika habang gulat ang rumirehistro sa kanyang magandang mukha.

"Stephen.." ang bulong ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na nandito sya ngayon sa harap ko. Ang matagal ko nang hinahanap noon, na ngayon ay nakikita ko na.

"Daddy magkilala ba kayo ni mister?" Ang nagtatakang tanong ng bata sa kanya. Natataranta naman ang mahal ko at may butil na pawis ang tumulo sa kanyang makinis na nuo.

"No baby, hindi ko siya kilala." Ang mabilis naman niyang sabi sa bata na ikinakunot ng noo ko. Ako hindi niya ako kilala. Nagka-amnesia ba 'tong mahal ko at dahilan kung baket hindi niya ko makilala. Kakabigkas nga nya lang sa pangalan ko kanina.

"Babe. Nanjan ka lang pala." Napakuyom ang kamao ko nang makita ko ang dating manliligaw ng mahal ko. Sino nga pala itong bwesít na 'to. Baket magkasama sila ng mahal ko.

"Tito... Bilihan mo 'ko ng toys." Ang masayang saad ng bata sa lalake at nagpapakarga ang bata sa kanya. Ngumiti pa siya at hinalikan niya sa noo ang bata.

Napakuyom ang kamao ko nang hinalikan niya si Stephen sa pisnge. Nagtatagis ang bagang kong nakatingin sa hinayopak na 'to.

"Hi babe. Kanina ko pa kayo hinahanap. Nandito ko lang pala kayo nakikita ng anak natin." Ang nakangisi nyang sabi kay Stephen. Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko at ang sarap sapakin ng lalakeng 'to sa harap niya. Para makikita niya na sa akin lang si Stephen. His mine. Always mine.

"Uwi na tayo." Ang walang ka emosyong saad ni Stephen.

"Its that what you want babe. Let's go." Ang tugon naman niya. Ningisihan pa niya ako bago sila tumalikod sa akin at umalis. Mabilis ang kabog ng puso ko dahil sa galit. Sobrang galit sa lalakeng yun. Ang kapal ng mukha niyang agawin sa akin ang mahal ko. Hindi pwedi. Sa akin lang ang dapat sa akin. Babawiin ko sya.

Nangmawala na sila sa aking paningin ay mas lalong akong nainis dahil sa kaisipang may anak na si Stephen. Totoo ba talagang anak nila yun? Baket magkamukha ko ang bata. Sa lahat ng features ng mukha niya ay parang ako lang nung bata pa ako. At sobrang gaan ng loob ko sa batang yun.

Magkatagpo parin ang landas natin Stephen. Humanda ka dahil kukunin kita sa hinayopak na yun. Akin kalang Stephen. Akin ka lang..

--

Pagkarating ko sa condo ko habang bitbit ko ang aking binili na regalo sa pamangkin ko. I press the password of my unit at bumukas naman ang pinto ng unit ko.

Nilagay ko sa sofa ang mga pinambili ko at binuksan ko ang pagkabutones ng polo ko. Pagkatapos ay hinubad ko ang polo ko at nilagay iyon sa mesa.

At hinubad ko narin ang sout kong pantalon. Boxer nalang ang sout ko at tinungo ko ang kusina at nagkuha ako ng malamig na tubig sa ref bago ko ininom iyon. Tagatak ang pawis ko sa katawan.

Bumalik ako sa sala at padabog kong hiniga ang katawan ko sa malambot na sofa. At nakaidlip ako sa pagkahiga doon.

Nagising ako dahil sa ingay ng doorbell. Tumayo ako sa aking pagkahiga at pumunta ako sa pinto at binuksan iyon.

Tumambad sa akin ang girlfriend ko na si Bhea. Nakasout siya ng sleeveless at halos lumuwa ang kanyang dibdib sa sout niya.

"Hi babe. I already miss you na." Ang sabi niya at hinalikan niya ako ng mapusok sa labi ko. Tinugunan ko naman ang paghalik niya sa akin at pinapasok ko siya sa loob ng unit ko.

"Stephen POV"

HINDI parin mawala sa isip ko ang mukha ni Matteo. Bwesít kanina pa niya binalabog ang isip ko. Kanina pa ako wala sa mood.

"Daddy hindi mo ba nagustuhan ang cotton candy akin nalang yan daddy." Ang sabi ng anak ko. Hindi ko kasi ginalaw ang cotton candy na binili namin kanina.

"Oh! Sayo na 'yan anak." Saad ko at binigay ko sa kanya ang akin. Ngumiti naman ng malaki ang anak ko at hinalikan niya ko sa pisnge.

"Thanks Daddy."

"Your welcome baby." Saad ko at ginulo ang kanyang buhok.

"Kanina ka pa hindi umiimik Stephen. Simula nung makita mo si Matteo." Nag-alala sabi ni Alexander at umupo siya sa tabi ko. Bumuntong hininga naman ako.

"Pa'no kong malaman ni Matteo na anak niya si David. Kukunin ka niya sa akin ang anak ko." Ang mahina kong sabi.

"Baket? Kaya mo bang ibigay sa kanya ang anak mo." Umiling naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang anak ko. At wala siyang karapatan sa anak ko kahit siya pa ang ama.

"Edi! Ideny mo sa kanya. Wala naman talaga siyang karapatan kang David diba. Kasi niloko ka niya. At ikaw ang nagkapahirap sa paglaki ng anak mo at hindi siya." Tumango ako sa sinabi ni Alexander. Tama! Wala siyang karapatan na kunin niya si David sa akin, pag-nalaman niyang siya ang ama ng anak ko. Magkakamatayan man. Hindi niya makukuha ang anak ko sa akin.

"Daddy bibilhan sana ako ni Mister kanina ng laruan." Sabi ni David na ikinatigil ko. Napasulyap naman ako kang Alexander na ngayon ay nag-alalang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa anak ko at hinimas ko ang kanyang mukha.

"Baby mag promise ka sa akin na kapag magkita kayo ulit ng lalakeng yun, ay wag kanang lalapit sa kanya o makipag-usap man lang. Naintindihan mo ba ako anak?." Ang sabi ko sa anak ko. Nagtataka naman ang gumuhit sa gwapong mukha ni David.

"Mabait naman si mister sa akin daddy ah. Baket ko naman siya 'di kakausapin?" Ang kunot noong saad niya. Umiling lang naman ako at tiningnan ko siya ng malumay para maintindihan niya ang sasabihin ko.

"Basta anak. Monster ang lalakeng yun at kaya ka nyang kunin sa akin. Gusto mo ba yun anak?" Mabilis namang umiling ang anak ko at yinakap niya ko ng mahigpit.

"No! Daddy." Ang sabi naman ng anak ko at nakapoot pa ang kanyang labi. Natatawa namang ginulo ni Alexander ang buhok ng anak ko.

"Kaya baby. Wag kanang lalapit sa lalakeng yun kasi kukunin ka niya sa daddy mo." Sabi ng tito niya.

"Opo tito. Hindi na po ako lalapit at kakausapin ang mister monster na yun.." Saad naman ng cute kong anak. Hinalikan ko sya sa noo at niyakap ko sya nang mahigpit.

"Thats good anak." Ang sabi ko sa anak ko.

"Matteo POV"

PINULOT ko ang mga damit ko na nasa sahig. Pawis na pawis akong sinout ang aking damit at boxer sa aking hubad na katawan.

Napatingin ako kang Bhea na hubot hubad na nakahiga sa kama habang malaki ang ngiti sa kanyang labi. Nakatitig siya sa aking katawan. Baket ko ba pinagtyatyagaan ang babaeng 'to. Na sya nga ang dahilan ng pagkawala sa akin ng mahal ko.

Nakipagbalikan ako sa kanya dahil sabi niya na buntis daw siya at ako ang ama ng pinagbubuntis niya.

Pero nakunan siya dahil nadulas siya sa banyo habang naliligo. Hindi ko alam kong magdiwang ba ako dahil sa pagkawala ng bata. Dahil hindi na ako maitatali sa kanya. At hindi ko rin alam kong totoong anak ko ba yun o hindi.

Erase that. Dapat hindi ko na sinasariwa ang dati. Ang dapat ko lang gawin sa ngayon ay makipaghiwalay na ako sa kang bhea dahil gusto kong magkabalikan kami ni Stephen. Kukunin ko pabalik ang mahal ko. Sa akin lang siya.

"Maghiwalay na tayo Bhea." Ang seryoso kong sabi sa kanya na ikinalaki ng mata niya dahil sa gulat. Hindi niya siguro inaasahan na sinabi ko sa kanya ito.

"NOOOO!!! babe. Hindi mangyayari yan." Sigaw niya at tumayo siya sa pagkahiga sa kama. Pinulot ko ang mga damit niya at nilagay ko iyon sa kama.

"Magbihis kana at umalis kana Bhea.."

"No! Matteo. Hindi mo 'to magagawa sa akin."

"Magagawa ko."

"Please.... Matteo im begging you. Please dont break up with me.." pakiusap niya sa akin. Umiling ako at binigay ko sa kanya ang mga damit niya.

"Magbihis kana at umalis kana Bhea. Wag kanang babalik dito." Aniko at humakbang na ako palabas sa kwarto. Napatigil ako sa paglakad ng pigilan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak. Pinikit ko ng madiin ang aking mata at tumingala. Tama itong ginawa ko. Gusto kong maging akin ulit si Stephen. Kaya nakipaghiwalay ako kang Bhea.

"That's my final decision Bhea. Lets break up. Hindi naman talaga kita mahal at nakipagbalikan lang ako sayo para sa bata na sabi mo na ako ang ama. Pero ngayon wala ng hadlang sa pagmamahalan namin ni Stephen. At handa kong gawin ang lahat na magkabalikan lang kami ng mahal ko. Kaya please... Bhea. Pakawalan mo na ako. Hindi ako deserve sa 'yo. Marami pang lalakeng nagmamahal sa 'yo. And please Bhea. Wag mo na sana akong guluhin.." seryoso kong saad sa kanya bago ko siya tinalikuran at lumabas na ako sa kwarto.



Dont forget to vote and comment. Thank you.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro