Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"Stephen POV"

NAGISING ako sa pagkatulog ng kumulam ang sikmura ko dahil sa gutom. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ni Alexander. Alas kuwatro na pala ng umaga.

Napatingin ako sa aking katabi na ang himbing ng kanyang pagkatulog. Nakanganga pa ang kanyang bibig habang naghihilik. Napangiti nalang ako dahil sa kakyutan ng lalakeng 'to.
Bumangon ako sa pagkahiga sa kama at nag stretch ng katawan. Tumayo ako pagkatapos at tinungo ang kitchen.

Pagkabukas ko palang sa ref ay naglalaway na ang bibig ko ng nasilayan ko ang dalawang mangga doon. Mabilis ko iyong kinuha atsaka binalatan gamit ang kutsilyo.

Pagkatapos kong mabalatan ang dalawang mangga ay kumuha ako ng isang plato at doon ko iyon ini-slice.

Para akong batang sarap na sarap habang kumakain ng mangga. Hindi ko alam kong baket ito ang kinain ko imbes na rice at ulam.

Ah! Basta!. Mas gusto kong kumain nito kaysa sa heavy food.

Pagkaubos ng mangga ay tumayo na ako sa pagkaupo at nilagay ko sa hugasan ang plato na pinagkainan ko.

Babalik na sana ako sa kwarto ng bigla akong nahilo. Napahawak ako sa lamesa at pilit kong kumapit doon para hindi ako matumba.

Ano naman ba ang nangyari sa akin? Dalawang beses nako nakaramdam ng biglaang paghihilo. May sakit ba ako?

Napahawak naman ako sa aking tiyan ng kumalam ito at parang may lumalabas sa bibig ko. Mabilis akong tumakbo sa sink in ng lababo at doon ko sinuka ang gustong lumabas sa sikmura ko.

Puro laway ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kong baket ako nagkakaganito. May sakit ba ako? Kaylangan ko na talagang mag pacheck up sa doctor. Madalas na kasi itong pagsusuka at ang paghihilo ko.

Napapikit ako pagkatapos kong magsuka. Musta na kaya si Matteo? Nag alala kaya yun sa akin. Kumain na ba sya? Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Maraming katanungan sa aking isip na hindi ko masagot. Nalilito na talaga ako. Gusto ko syang kausapin pero natatakot akong magpakita sa kanya.

Kasama kaya nya si Bhea ngayon? Parang piniga ang puso ko sa katanungan nayun. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko ng maalala ko ang mga nangyari.

Taksil ka talaga Matteo. Pinaglalaruan mo lang ako. Pati ang damdamin ko. Ginawa mo pala akong panakip butas sa paghiwalayan nyo ni Bhea. Sobrang sakit lalo na sa puso ko.

Akala ko, ako na eh. Akala ko forever nayun. Nagpauto ako sa kanya na akala ko na mahal nya rin ako. Gusto ko syang makausap ngayon. Gusto kong malaman kung mahal pa ba nya ako. Kung ako pa ba ang tinitibok ng puso nya.

Pinahid ko ang luha na umagos sa pisnge ko at mabilis akong lumabas sa bahay ni Alexander. Pumara ako ng taxi at sinabi ko sa kanya ang adress na pupuntahan ko.

Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. Kalma lang Stephen. Kausapin mo lang sya.

Pagkarating namin sa harap ng condominiun ay mabilis akong nagbayad sa drayber at lumabas sa taxi. Napatingin ako sa wrist watch ko at ala sinco na nang umaga.

Mabilis ang bawat hakbang ko papasok sa condo. Bumati pa ako kang manong guard at ganun din sya sa akin. Pinapasok nya ako sa loob at tinungo ko ang elevator. I tap the open button at bumukas naman iyon bago ako pumasok sa loob.

Pagkarating ko sa top floor ay bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na ako doon. Mabilis ang bawat paglalakad ko at gusto ko na talaga syang makausap. Alam kong mahal ako ni Matteo.

Tumigil ako sa paghakbang ng nasa harap na ako ng unit ni Matteo. Nanjan kaya sya sa loob? Mag isa lang kaya sya?.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Pero walang bumukas kaya paulit ulit ko iyong pinindot.

Naiinis na ako dahil walang bumukas. Patuloy ko paring pinindot iyon at sa wakas ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto.

Akala ko wala sya loob eh. Napangiti pa ako ng maisip ko ang mukha ng mahal ko. Na miss kaya nya ako? Kasi ako sobrang namiss ko na sya kahit isang araw kaming hindi nagkita.

Babatitiin ko sana si Matteo ng makita ko ang mukha ni Bhea sa harap ko. Ngumiti sya sa akin habang ako naman ay nagtataka parin, kung baket sya nandito sa loob ng unit ni Matteo.

"Hi." Bati nya sa akin at nakipag beso pa sya sa akin. Para naman akong na tood sa aking tinatayuan. Kunot noo ko syang tiningnan habang.

"Saan si Matteo?" May diin kong sabi sa kanya. Naging seryoso ang kanyang magandang mukha habang tinataasan nya ako ng kilay.

"At baket mo naman hinahanap si Matteo?"

"Kasi boyfriend ko sya. Ikaw baket ka nandito?"

Natatawa naman syang sinulyapan ako habang umiiling.

"Ang alam ko hiniwalayan kana ni Matteo." Sabi nya na ikinapantig ng tenga ko. Saan naman kaya nya napulot iyan.

"Hindi yan totoo." Ang madiin kong sabi at napakuyom nalang ako ng kamay dahil sa galit. Napakasinungaling talaga ng bruhang 'to.

"Totoo yan. Gusto mo bang malaman kung sinong nagsabi sa akin nyan?" Ang sabi ng bruha at nilapit pa nya ang mukha nya sa tenga ko at bumulong.

"Si Matteo."

Di ko mapigilan ang masampal ko sya sa kanyang pisnge dahil sa galit. Hindi yan totoo. Sinungaling sya. 

Natatawa naman sya habang hawak ang kanyang pisnge na nasampal ko. Ngumiti pa sya sa akin ng pang aasar habang ako naman ay galit na galit ko syang tiningnan.

"Napakasinungaling mo talaga no? Akala mo bang mauuto ako sa mga pinagsasabi mong kasinungalingan Bhea?."

"Gusto mo ba ng proweba na hindi ka nya talaga mahal. At ginawa ka lang nya ng panakip butas Stephen dahil sa akin.. na gusto nyang mawala ang sakit nang paghihiwalayan namin. Pero ang totoo nyan ay hindi nya magawa dahil mahal na mahal nya ako." Ang sarap talagang sapakin ng babaeng 'to. Nahihibang na ba sya? Sya mahal ni Matteo???... Oo mahal sya ni Matteo pero dati yun. At hindi na sya ngayon ang mahal ni Matteo kundi ako. Ako lang. Wala ng iba.

"LIAR." yan nalang ang nasabi ko at kinabig ko sya paalis sa harap ko. Gusto kong makita si Matteo.

Pumasok ako sa loob ng unit at mabilis kong tinungo ang kwarto nya. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ni Matteo ng pigilan ako ni Bhea. Ngayon ko lang napansin na wala palang saplot itong demonyitang 'to.

"Gusto mo ba talagang malaman kung baket ako nandito?" Ang seryoso nyang sabi sa akin.

"Ang totoo nyan Stephen ay nagkabalikan na kami ni Matteo. Kaya sana wag mo na kaming guluhin please. Buntis ako at hindi ko gustong maranasan ng anak ko na walang tatay. Kaya please Stephen. Nagmamakaawa ako sayo. Wag muna kaming guluhin." Naiiyak nyang saad at lumuhod sya sa harap ko habang patuloy parin ang kanyang pag iyak. Naawa naman akong napatingin sa kanya.

"Please stephen. Mahal na mahal ko si Matteo at hindi ko kayang mawala siya sa akin."

Napapikit nalang ako at tumulo narin ang luha ko sa aking mga mata. Ito na ba talaga ang gusto ng tadhana na mangyari sa akin. Na hindi para sa akin si Matteo kundi para sya kang Bhea.

Oo mahal ko si Matteo, sobrang mahal na mahal pero pag bata naman ang pagusapan dito na hindi nya makapiling ang ama nya dahil sa akin. Ay yun ang hindi ko magagawa. Dugot laman iyon ni Matteo kaya dapat panagutan nya iyon.

"Stephen please. Pakawalan mo na si Matteo sa akin. Mahal na mahal ko sya. Please stephen, nagmamakaawa ako sayo." Sabi niya at hinawakan nya ang kamay ko. Habang humihikbi ng iyak. Napatingala nalang ako at pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Nakapag desisyon na ako. Alam kong ito ang tama. Kahit masakit. Titiisin ko.

Nilapitan ko si Bhea habang nakaluhod parin sa harap ko at humihikbing umiiyak. Niyakap ko syang ng mahigpit at ganun din sya sa akin. Hinihimas ko ang likod nya at pinahid ko ang luhang lumalandas sa magandang mukha nya.

"Hindi ko na kayo guguluhin Bhea. Pati narin si Matteo. Hindi na ako magpapakita sa kanya. Kahit masakit pipilitin kong kalimutan sya. Ingatan mo si Matteo pati narin ang baby nyo." Ang naiiyak kong sabi sakanya. Mahal na mahal ko si Matteo. pero ito talaga ang tadhana namin. Na hindi kami para sa isat isa.

Niyakap nya ko ng mahigpit at nagpapasalamat sya sa akin.

"Bhea POV"

NAPANGITI nalang ako dahil sa kaisipan na solong solo ko na si Matteo. Ngayong wala ng hadlang sa pagmamahalan namin.

Niyakap ko ng mahigpit si Stephen kahit diring diri ako sa kanya. Mabuti nalang talaga na magaling akong um-acting. Kaya nauto ko itong baklang 'to.

"Thank you Stephen. Thank you." Ang sabi ko at bumitaw ako sa yakap nya. Kaylangan ko na talagang maligo kasi nakapitan na ako ng germs ng baklang 'to.

Ngumiti pa sya sakin ng pilit at inaalayan nya kong tumayo sa pagkaluhod ko.

Nakatayo parin sya sa harap ko. Wala bang balak na umalis itong baklang 'to.

Kapag sya makita ngayon ni matteo masabunotan ko talagang baklang ito. Napasulyap ako sa wrist watch ko. 6:20 am. Mabuti nalang talaga na maaga pa, at hindi pa nagising si Matteo.

"Sige. Mauna na ako. Ingatan mo si Matteo katulad ng pagmamahal ko sa kanya." Ang mahinang sabi niya at ngumiti sa akin. "Edi umalis kana! Ano pa ang tinutunganga mo jan!" Ang sarap sanang ibulyaw sa kanya pero baka mabulyaso pa ako sa pagbait baitan ko sa kanya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Kahit labag man sa kalooban ko ay niyakap ko sya. Ugh! Kinapitan na naman ako ng germs. Kaylangan ko na talagang maligo.

"Ipagdasal ko nalang na maging masaya kayong pamilya." Sabi nya pagkatapos naming magyakapan. Andami pang satsat eh. Hindi nalang umalis. Bwesít kang bakla ka.

"Thank you talaga Stephen." Sabi ko na ikinangiti nya lang sa akin bago tinungo ang pinto palabas ng unit. Napangiti nalang ako na parang demonyo pagkasara na pinto.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Matteo at nasilayan ko ang gwapong mukha ng mahal ko na ang himbing na natutulog sa kama nya.

"Akin kalang Matteo. Akin kalang."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro