Chapter 22
"Stephen POV"
NAPABALIK ako sa aking condo kasi nakalimutan kong dalhin ang aking digital camera para sa shoot mamaya.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng bigla nalang akong nahilo. Napakapit ako sa dingding para makabalanse na hindi ako matumba.
Pinikit ko ang aking mata at ilang sandali ay nawala na ang pagkahilo ko. Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad patungo sa aking unit ng hindi na ako nahihilo.
Pagkatapat ko sa pinto ng unit ko ay binuksan ko iyon at mabilis kong tinungo ang kwarto ko at kinuha ang digital camera na nasa kabinet ng mga damit ko.
Natigil ako ng bigla ng parang may kumiliti sa aking tiyan at napahawak ako sa aking bibig ng mararamdaman kong maduduwal ako. Mabilis akong pumunta sa banyo at doon ko binuhos ang pagsusuka na lumabas sa bibig ko.
Ano bang nangyari sa akin at baket ako nakakaramdam ng ganito.
Pinagbaliwala ko nalang iyon at lumabas nalang ako sa banyo pagkatapos kong maiflush ang kobeta na pinagsusukahan ko.
Kinuha ko ang digital camera sa nakabukas na kabinet at sinabit ko ang lace ng camera sa leeg ko at lumabas na ako sa unit. Lumabas bigla ang imahe ng mukha ni Matteo sa aking utak.
Napangiti nalang ako na parang sira. Baliw na baliw talaga ako kang Matteo myloves dahil pati sa isip ko ay ino-ukupa nya ito.
Ano kaya ang ginagawa ngayon ng tipaklong nayun. Gusto ko syang makita ngayon kahit makahalik lang ako ng smack sa labi nya bago ako pumasok sa trabaho.
Para mainspire ako mamaya mag trabaho dahil baon ko ang masarap na halik ng mahal ko.
Hindi mawala ang malaking ngiti sa aking labi patungo sa unit ng mahal ko. At nang nasa harap na ako ng pinto ng unit ni Matteo ay pipindutin ko sana ang doorbell pero hindi ko iyon nagawa kasi parang may nag udyok sa akin na surpresahin ko si Matteo.
Pinihit ko ang pinto at lucky me hindi iyon naka lock. Napakaburaot talaga ng mahal ko pati mag lock ng pinto nya hindi pa nya magawa. Pano nalang kong manakawan sya tsk.
Binuksan ko ang pinto at handa na sana akong pumasok sa loob ng natood ako sa aking kinatatayuan.
Parang may tumutusok sa puso ko at pinipiga ng dahil sa sakit nang nakita ko ngayon ang mahal ko na naka upo sa sofa habang may nakakandong sa kanyang babae na nakahubad na hinahalikan sya.
Napapikit nalang ako ng mariin para hindi ko sila masilayan. Bumuhos ang luha ko at napahikbi dahil sa sobrang sakit.
Binuka ko ang aking mga mata at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Matteo habang nakatingin sa akin. Para syang nakakita ng multo. Ang sakit sobrang sakit.
Hindi ko nakayanan ang nakita ko kaya mabilis akong umalis at tumakbo patungo sa elavator ng condo.
Nanginginig ang aking kamay na pindutin ang ground floor at nagawa ko naman iyon. Sumara ang pinto ng elavator at umandar na ito pababa.
Napatakip ako sa aking mukha gamit aking dalawang kamay at binuhos ko ang sakit gamit ang pag iyak. Akala ko ba ako na. Akala ko ba hindi nya gagawin ito sa akin. Akala ko ba na mahal nya ko. Akala ko ba hindi nya ko sasaktan at Akala ko ba na hindi sya magtataksil sa akin.
Akala ko lang pala pero ang totoo ay manloloko sya. Isa syang babaero at hindi makontento sa isang putahe at magawa pa nya talagang tumikim sa iba.
Oo wala akong puke na katulad sa mga babae pero ginawa ko naman lahat para hindi sya maghanap ng iba. Ginawa ko ang lahat sa kanya na hindi ko magawa dati sa nobyo ko. Nagawa ko syang mahalin na higit pa sa buhay ko.
Pero isang pagkakamali pala ang mahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko. Kasi ang sakit pala ng pagtaksilan ka ng mahal mo. Mas masakit pa sa break up ng boyfriend ko dati nasi Dwayne.
Pagkabukas ng pinto ng elevator ay mabilis akong tumakbo palabas habang patuloy paring tumutulo ang luha ko sa aking mga mata.
Nagpara ako ng taxi at mabilis na sumakay. Kinuha ko ang aking phone na nasa bulsa ko nang tumunog iyon.
Its was Alexander calling me. Sinagot ko naman iyon at pinigilan ko ang hindi mapahikbi ng iyak.
"H-hello.."
"Hey! Where are you? Baket hindi ka pumasok?"
Imbis na sagutin ko ang tanong nya ay iba ang lumabas bibig ko.
"I need you Alexander." Ang pakiusap kong sabi sa kanya. kaylangan ko talaga ngayon ng masandalan at si Alexander iyon. Hindi ko na kakayanin ang sakit ng dibdib ko kung hindi ko ito mailabas.
"Okay. Okay. Saan ka ngayon para sunduin nalang kita?"
Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Totoo talagang kaibigan itong si Alexander. Simula kasing sinabi nyang mahal ako ay binusted ko sya kasi may mahal akong iba at kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
Ni respeto naman nya ang sagot ko at ang sabi nya ay pwedi ba daw na maging kaibigan nalang kami at tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya.
Hanggang sa naging close kami at hindi sya mawawala sa tabi kong may problema ako. Tinutulungan nya ko sa trabaho at alam nyang kami ni Matteo. Pinagbabantaan pa nga nya dati si Matteo noong sinundo niya ako sa pinagtatrabahuan ko na kapag saktan daw ako ni Matteo ay hindi daw sya magdadalawang isip na kunin nya daw ako sa kanya.
I just sent him the adress kong saan nya ko makikita. Pinahinto ko ang taxi at binayaran ko ang drayber bago lumabas sa loob.
---
"That fucking Moron! Nagawa nya talaga nya sayo yan." Ang naiinis na sabi ni Alexander. Nandito ako ngayon sa bahay ni alexander at kinuwento ko sa kanya ang lahat nang panloloko ni Matteo sa akin.
"Yeah! H-he hurt me a lot. S-sobrang s-sakit dito Alexander, sobrang sakit." Ang naiiyak kong sabi at tinuro ko ang aking dibdib.
Niyakap nya ko ng mahigpit at doon ko binuhos ang lahat ang sakit na nararamdaman ko at parang ulan ang pagbuhos ng luha ko dahil sa sakit ng puso ko.
Napayakap ako sa kanya at humahagulhol sa balikat nya. Hinihimas naman nya ang likod ko at pinapatahan ako.
"Iiyak mo lang yan Stephen. Ibuhos mo lahat ang sakit na nasa puso mo. Kaya mo yan."
Ngumiti lang naman ako sakanya at kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya ng wala nang luhang lumabas sa mata ko.
"Gusto kong maglasing Alexander. Gusto kong uminom ng alak. Samahan mo ko."
"I will stephen. Samahan kita kahit saan mo gusto." Ang tugon nya at ginulo nya ang aking buhok na ikinasimangot ko.
---
"Hinay hinay nga lang Stephen. Hindi ka mauubusan ng alak." Ang naiinis na wika sa akin ni Alexander. Inirapan ko lang naman sya at hindi ko sya pinakinggan. Tinungga ko ang beer sa aking lalamunan at wala nakong malasang pait hindi katulad kanina.
"Wooohhh! Ang sarapp! Isa pa nga." Ang sigaw ko at pagkatapos kong maubos ang bote ng beer. Pang anim natong beer na nainom ko at umiikot narin ang aking paningin dahil umiepekto na ang tama ng alak sa akin.
"Wag ka ngang malikot Stephen baka mahulog ka sa ino-upuan mo." Ang pagpigil nya sa akin. Napapaindak na kasi ako ng sayaw dahil nagsimula nang mag play ang dj nang electro music.
"Woohhh!!!" Ang hindi ko mapigilang mapasigaw at tumayo na sa aking pagkaupo at nagsimula na akong sumayaw.
Giling doon, kembot sa kaliwa, giling sa kaliwa, kembot doon.
Hinila ko naman ang kamay ni Alexander para sabayan ako sa pagsayaw pero umayaw sya. Babantayan nya lang daw ako.
Inirapan ko na lang sya at tinungo ang dance floor na meron ng maraming taong sumasayaw. Wala akong pakealam sa kanila. Gusto kong magwala ngayong gabi.
Ilang oras akong nagsasayaw ng may biglang humawak sa bewang ko at sinabayan akong sumayaw. Napangiti naman akong hinarap ang lalake at malandi ko syang sinayawan. Para akong prostitute na sumasayaw kasama ang lalake na nasa harap ko.
Bumaba ang kamay ng lalake at umabot iyon sa pang upo ko. Pinisil nya iyon na ikinaungol ko. Tumingin ako sa kanyang mukha at kinindatan sya. Infairnes ang gwapo ng stranger nato.
Lumapit ang mukha nya sa aking tenga at may binulong sya na ikinagiti ko.
"I want you. What's your name baby?" Ang sabi nya sa tenga ko at kinagat iyon na ikinaungol ko. Shít ang init ng hininga nya.
Nagulat ako ng may humila sa kamay ko palayo sa dance floor at naiwan ang lalakeng kasayaw ko kanina.
"Umuwi na tayo Stephen. Hindi na maganda ang ginagawa mo." Sabi niya na ikinatawa ko na parang baliw.
Oo baliw.
Baliw na baliw sa pagmamahal sa isang lalakeng niloko ako.
Pagkapasok namin sa loob ng kotse ni Alexender ay pinaandar nya iyon palabas ng parking lot ng bar na iniinoman namin.
Napasandal ako sa windshield at bumalik ang masakit na nararamdaman ko kanina.
Naalala ko ang maaliwalas na mukha ni Matteo habang nakangiti at ang gwapong mukha nya.
Mamimiss ko ang kanyang halik, yakap, haplos at ang kanyang ngiti na puno ng pagmamahal. Sobrang mahal na mahal ko sya.
Napapikit nalang ako ng tumulo ang luha sa mata ko.
I love you hal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro