Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

"Stephen POV"

NAALIMPUNGUTAN ako ng may humihimas sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mga kamay ni Matteo habang hinihimas ang buhok ko.

Minulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang maaliwalas na mukha ni Matteo. Ang gwapo talaga ng mahal ko kahit na bagong gising.

"Good morning hal." Sabi nya na may ngiti sa kanyang labi. Ngumiti din naman ako sa kanya pabalik.

"Good morning din hal.." Sabi ko at ngumuso para mahalikan sya sa kanyang labi. Naglapat ang aming mga labi at pilyo nya pang kinagat iyon.

"Hal anong oras na?" Aniko at bumangon na sa aking pagkahiga sa kama. Pinulot ko ang short ko na nasa sahig at sinout ko iyon.

"Alas sais na nang umaga hal." Tugon nya at napatingin naman ako sa kanya. Nakahiga parin sya sa kama at wala syang sout na damit kaya kita ko ang kanyang katawan na ang gandang tingnan.

Napababa ang tingin ko sa kanyang abs na ang sarap sa paningin at sa kanyang may balahibo na dibdib. Ang hot talaga ng Boyfriend ko. Pumababa ang tingin ko sa kanyang abs patungo sa kanyang karug. Damn! That greek body nakaka turn on ng landi.

Napaismid nalang ako ng hindi ko makita ang junjun nya kasi may nakatakip na kumot sa kanyang pribadong katawan.

"Tumutulo ang laway mo hal." Napabalik nalang ako sa ulirat ng magsalita siya. Napapahid naman ako sa aking labi kung tumutolo ba ang laway ko. Napakunot nalang ang aking noo dahil wala naman eh.

"Wala naman hal." Taka kong tanong sa kanya.

Doon sya napatawa ng malakas dahil sa nasabi ko at parang batang nagpapadjak ng tawa. Napahawak pa sya sa kanyang tiyan at patuloy parin sa pagtawa. Pinagtitripan na naman ako ng mokong nato ah..

"Hoy! Baket ka tumatawa?" Ang nagtataka kong sabi. At umupo ako sa kama para kalabitin sya dahil hindi parin kasi sya tumitigil sa kakatawa. Nakakainis na talaga itong mokong nato.

"Oii... Hal ..." kalabit ko ulit sa kanya. Natatawa naman syang napatingin sa akin.

"Ka-kasi ikaw.. Hahaha.." Masuntok ko na talaga ang isang to. Nakakainis na eh. Tinaasan ko lang naman sya ng kilay at pinanlisikan ko sya ng tingin.

Napatigil naman sya sa kakatawa at parang asong takot sa among mapalo.

"Sorry hal, sorry na. Hindi na ako tatawa." Sabi nya pero halatang nagpipigil parin syang hindi matawa. Isa na lang talaga kapag tatawa pa'tong mokong nato makakaisa na talaga to sa akin.

"Ako ba ang tinatawanan mo hal?.." sabi ko at patuloy parin ako sa pag tataray sa kanya. Ngumiti lang naman sya sa akin at yinakap nya ko ng mahigpit.

"Ikaw kasi eh. Pinapantasyahan mo ang katawan ko kanina.. tapos sabi ko tulo laway ka pero hindi naman totoo. Natatawa lang talaga ako sa reaksyon mo kanina hal. Yun lang." Parang batang paliwanag nya sakin at humahagikhik pa sya ng tawa sa leeg ko.

Sinuntok ko ang kanyang tagiliran dahil sa inis. Tama nga ako pinagtitripan talaga ako ng mokong nato. Hindi naman pala tumulo ang laway ko kanina eh.

Shìt kasalanan ko naman yun eh kasi nahihipnotismo ako sa katawan nya. Bwesít talaga.

"Hindi ko pinapantasyahan nyang payatot mong katawan noh! Bwesít jan ka na nga!." Ang naiinis kong sigaw sa kanya at kinalas ko ang pagyakap nya sa akin.

"Hal naman eh! Nagbibiro lang naman ako."

"Bahala ka jan! Nakakainis ka." Sigaw ko sa kanya at lumabas na sa kwarto. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis at kahihiyan. Pumunta ako sa kusina at kumuha lang naman ako ng pagkain sa ref para mawala itong inis ko.

Pagkatapos kung makuha lahat ay nilapag ko iyon sa mesa at umupo sa upuan.

Sasandok na sana ako ng pagkain ng may pumulupot na dalawang kamay sa aking bewang. Naiinis ko naman yung pinaalis pero mahigpit nya akong niyakap patalikod.

"Hal naman eh. Biro lang yun atsaka sorry na, hindi na mauulit promise hal." Sabi nya at paulit ulit nyang hinalikan ang aking pisnge.

"Umalis kana. Bumalik kana sa unit mo." I said with a cold tone. Parang bata naman syang umiling.

"Ayoko. Please hal. Sorry na talaga, hindi ko na uulitin yun. Promise hal. Bati na tayo please..." Natatawa nalang ako sa aking sarili dahil sa kakulitan nang mokong nato.

"Oh... Okay, okay. Bati na tayo kaya umalis kana at may trabaho kapa. Anong oras na oh! Baka malate kana naman." Ang pagsuko kung sabi at hinarap ko na sya ng tingin. Ngumiti naman sya sakin ng malaki at hinalikan nya ng mabilis ang aking labi.

"Bati na tayo hal.."

"Oo nga eh. Sige na umalis kana. Shooo!!.." ang pagtaboy ko sa kanya. Natatawa naman ako dahil nag pout sya na parang bata.

"Sige na nga. Pero babalik ako dito kapag tapos na akong maligo." Sabi nya at hinalikan nya ko ulit bago sya lumabas ng unit ko. Napailing lang naman ako at pinatuloy ko na ang naudlot kong pagkain.

****

Nandito ako ngayon sa groceries store para bumili ng pagkain at para naman magkalaman ang ref ko. Ubos na kasi ang laman ng ref ko at ngayon bibili ako ng mga foods.

I push the cart at habang namimili ako ng mga pagkain na nakahilira sa aking tabi.

Napatingin ako sa cup noodles at kumuha lang ako ng sampo ng mga iyon at niligay iyon sa cart.

Pagkatapos kung makuha lahat ng mga gusto ko ay lumakad na ako patungo sa cashier. Punong puno talaga ang cart ko ng mga ibat ibang pagkain. Napangiti nalang ako habang naglalakad.

Napatigil ako sa aking paglalakad ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"STEPHEN.."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Bhea na nakatayo at nakatingin sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon kang Bhea na ex girlfriend ni Matteo.

Napatingin ako sa kanyang may umbok na tiyan nya na nakahawak ang isang kamay nya doon.

Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang aking kamay habang nakatitig sa akin na may pagsusumamo.

"Mag usap tayo Stephen. May sasabihin lang ako sayo." Sabi nya at habang hawak nya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanyang tiyan na may umbok na. Buntis ba'to si Bhea? Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Ba-baket?" Ang nauutal kong sabi sa kanya. Wala paring tigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at parang bumigat ang damdamin ko ngayon.

"Dapat may kaylangan kang malaman Stephen." Sabi nya na ikinatango ko nalang. Kinakabahan talaga ako at parang may nararamdaman ako na hindi'ng magandang mangyayari ngayon.

--

Pagkatapos kong magbayad sa counter ay lumabas na kami ni Bhea sa Groceries Store habang may bitbit akong supot na pinamili ko kanina.

Hindi naman gaano kabigat ang bitbitin iyon. Carry lang naman para sa akin.

Pumunta kami sa parke at doon kami umupo dalawa sa may bench na nasa gilid lang ng mga halaman at mga bulaklak.

Marami akong nakitang masayang pamilya na nag babonding kasama ang mga anak nila. Sobrang saya nilang tingnan.

May mga batang naglalaro at mga naghahabulan. May mga ngiti sa kanilang mga labi habang tumatakbo sila. Ang saya nilang tingnan.

Napatingin nalang ako kang Bhea ng tumikhim sya. Ngumiti sya sa akin ng pilit bago mag salita.

"Alam kong kayo na ni Matteo. Masaya akong makita sya na nakangiti at maaliwalas ang mukha nya dahil sayo." Sabi nya habang pilit parin ngumiti pero nakita ko sa kanyang mga mata ang paghihinayang at lungkot nito. Napalunok nalang ako ng laway dahil natutuyo ang lalamunan. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa tinding kaba.

"Hindi ko balak guluhin kayo ni Matteo.  Alam kong masaya sya dahil sayo at alam ko rin na mahal na mahal ka nya. Pero.." hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla nalang syang napaiyak at humahagolhol sa tabi ko.

Pinunasan nya ang kanyang mga luha at tumingin sa akin ng taimtim. Kinabahan ako parang alam ko na ang sasabihin nya. Shít sana naman hindi iyon ang sasabihin nya.

"Pero buntis ako Stephen, 5 months na akong buntis at.." patuloy parin sya sa paghikbi at pilit nyang pinipigilan iyon. Walang tigil ang pagtambol ng puso ko dahil sa kaba.

"At si-si..."

"Si Matteo ang ama ng pinagdadala ko Stephen. Si Matteo ang ama..." dugtong nya.

Parang tumigil ang takbo ng oras ko dahil sa narinig at parang piniga ang puso ko ng pino at Dinurog at pinagsaksak ng ilang beses. Sobrang sakit. Sobrang sakit na malaman mo ang boyfriend mo ay nakabuntis ng babae.

Tumulo ang luha ko at napaiyak ng wala sa oras. Sobrang sakit. Niyakap ako ni Bhea at hinihimas nya ang likod ko. Napayakap narin ako sa kanya at umiiyak ako ng umiyak. Binuhos ko lahat ang sakit.

Akala ko ba kami na forever ni Matteo. Lahat ng pangako namin sa isat isa ay parang bula na naglaho. Ang magpakasal kami at bubuo ng masayang pamilya.

"Gusto kong may kilalaning ama ang anak ko Stephen... at sana ibalik mo'na sya sa akin si Matteo. Palayain mo na sya sa akin." Naiiyak nyang sabi. Habang magkayakap parin kami.

Hindi ko magagawa na palayain ko si Matteo at hindi ko rin magagawa na ibigay sya sa kanya. Sobrang mahal ko si Matteo. Mahal na mahal.

Umiling nalang ako at patuloy parin ang pagduloy ng luha ko sa aking mga mata. Ayaw kong pakawalan si Matteo. Ayoko.

Kumalas sya sa aming yakapan at pinaharap nya ang mukha ko sa kanya at nakikiusap ang kanyang mga mata na lubayan ko na si Matteo. Thats a big NO! Hindi ko yun gagawin.

"Sorry Bhea pero sa akin lang si Matteo. Hindi ko kayang pakawalan sya. Pasensya na." Sabi ko at tumayo na sa pagkaupo sa bench at umalis.

I wipe my tears at ngumiti nalang ng pilit. Kaya mo yan Stephen. Kaya mo yan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro